Kabanata XXVIII

2068 Words
Nang makauwi si Aulora sa kanilang dorm ay napahinga siya ng maluwag dahil wala pa rin ang mga kaibigan niya ron. Buti na lang pala umuwi siya ng maaga. Kailangan niya kasing makausap si Drimeathrya dahil madami siyang sasabihin at itatanong. Hindi sana dumating sina Lene, Nia, at Xia ng maaga para nakausap siya ng deretsyo ang dyosa. Naramdaman ni Aulora na lumabas ang kaniyang kaluluwa at doon niya nakita si Drimeathrya na seryosong nakatingin sa kaniya. Medyo natakot siya sa babae, pero hindi niya ipapahalata. Kung makatingin kasi ang babae, ay parang may gagawin na itong masama o iniisip na masama sa kaniya. Paano niya ba sisimulan 'to? "Meron ka bang sasabihin sa akin?" "Alam mo naman siguro kung ano ang ibig kong sabihin ano?" "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Aulora." "Nakikilokohan ka ba sa akin? Hindi tayo magkakaintindihan at magkakaayos kung gan'yan ka sa akin?" "Ano ba ang ibig mong sabihin? Sabihin mo sa akin dahil gusto kong malaman. Ayaw kong manghula." "Isa kang Dyosa. Kaya bakit hindi mo alam ang ibig kong sabihin? Huwag kang magmaang-maangan. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Mas maganda kung sinasabi mo palagi sa akin ang mga bagay na hindi ko napapansin o kaya hindi ko alam." "Wala naman akong kailangang sabihin sa'yo. Kaya hindi ako nagpaparamdam." "Bakit? Bakit wala kang sasabihin sa akin kahit doon sa napaginipan ko kanina? Sabihin mo sa akin ang mga nalalaman mo. Pagbawalan mo ako mga mali kong gagawin. O kaya warningan mo ako. Kailangan ko palagi ang tulong mo. Kailangan kita." "Mas kailangan kita, Aulora. Hindi ko mababawi ang mundo ko kapag wala ka o hindi ka nakisama sa akin." "Hindi ako makikisama sa'yo kung hindi mo sasabihin sa akin kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko." "Hindi ko alam kung ano ang napaginipan mo kanina, Aulora. Kung alam ko 'yun sasabihin ko agad sa'yo." "Bakit hindi mo nakikita?" "Iisa na tayo. Binigyan lang ako ni Bathala na magstay sa'yo dahil kailangan mo ako. Hindi ko pwedeng makita dahil panaginip mo 'yan. Nandito ako para bigyan ka ng lakas ng loob na kalabanin si Muzan. Nasa sa'yo na ang kapangyarihan ko. Ang kailangan mo na lang gawin ay ang kontrolin ito. Hindi rin ako pwedeng mangielam sa laban niyo dahil kaluluwa na lang ako na sumanib sa katawan mo. Ilang araw pa ang itatagal para mapasok ang memorya ko sa memorya mo. Kaya ang memorya at ang mararamdaman kong emosyon ay mararamdaman mo rin." "May paraan ba para mas maging madali 'yun?" "Iyan ang hindi ko masasagot, Aulora. Unang beses ko pa lang to nasubukan kaya hindi ko alam kung ano ang proseso ng pagpapasa ng sarili ko sa'yo." "May plano ka ba?" "Sa ngayon wala pa dahil ang inaalala ko ay ikaw. Kailangan mo munang magfocus sa sarili mo dahil mas makakabuti kung maaga mong makokontrol ang kapangyarihan na nakuha mo sa akin. Kailangan mo rin ng mahabang training. Madami ka pang kailangang gawin. Saka na natin isipin si Muzan kapag nakita na natin siya." "Nakita ko siya kanina sa panaginip ko." Kumunot bigla ang noo ni Drimeathrya. "Nakita ko rin si Eliezar, pero iba ang wangis niya. Para siyang demonyo na puro dugo. Ang sabi sa akin ni Muzan ay papatayin niya raw ako pati ang mga kaibigan ko. Hindi niya raw hahayaan na makapasok kami sa mundo niya. Kaya papatayin niya kaming lahat," dagdag pa ni Aulora. Hindi alam ni Drimeathrya kung sasabihin niya ba sa babae o hindi. Ano ba ang sasabihin niya? Sasabihin niya na ba? "Sasabihin mo kung ano ang ibig sabihin non dahil alam kong alam mo ang sinasabi ko." "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin." "Sabihin mo na dahil hindi ako mapapakali kung hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Muzan." "Isa ka ng Dyosa, Aulora. Bawal kang magmahal ng isang immortal." "Bawal magmahal? Bakit bawal akong magmahal?" "Ang isang Dyosa ay hindi pwedeng magmahal dahil iyon ang sabi ni Bathala. Kailangan mong sundin 'to." "Iyon ba ang nangyare sa inyo noon ni Muzan? Kaya ba binabalaan mo ako dahil ayaw mong mangyare ulit ang nangyare noon?" "Isa kang immortal noon, Aulora. Kaya alam kong mabilis kang mainlove sa isang lalaki at hindi mo maiiwasan 'yun dahil nagkaron ka na ng koneksyon sa isang lalaki. Mahirap ang gusto kong gawin mo, pero alam ko naman na makakaya mo dahil isa kang dyosa. Kaya mong gawin ang lahat para lang mailigtas ang sarili mo." "Kapag ba nilabag ko ang kaisa-isang rule ng Bathala maaaring mabawian din ako ng buhay katulad ng sa'yo?" "Iba-iba ang parusa na ibibigay ni Bathala. Hindi natin alam kung kailan o ano ang parusa natin, pero ang alam lang namin ang parusang ibibigay sa amin ay masyadong mabigat katulad ng parusa ko. Ang parusa ko ay pagkamatay at pagkabuhay ulit. Binigyan ako ni Bathala ng isa pang pagkakataon para gawing tama ang mga mali ko. Kaya kapag nagmahal ka ulit lalo na kapag immortal, ay baka hindi lang 'yun ang parusa na ibibigay sa'yo ni Bathala." "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'to?" "Dahil alam kong may lalaking nakalaan para sa'yo. Kaya hanggat maaari ay pinagbabawalan at binabalaan na kita. Ayaw kong maging hadlang sa buhay ng pag-ibig mo, pero sana gawin mo kung ano ang alam mong tama at mas nakakabuti sa'yo." "Si Eliezar ba ang nakaalan na lalaki para sa akin? Kaya ba nakita ko siya sa panaginip ko kanina?" "Hindi ako ang makakasagot niyan, Aulora. Hindi ko alam kung sino ang lalaking nakalaan para sa'yo dahil hindi ko naman nakikita ang hinaharap." "Pwede ko bang malaman kung sino?" "Hindi mo pwedeng malaman dahil kapag tinanong mo ang bagay na 'yan kay Nunong, ay wala rin siyang sasabihin sa'yo." "Hindi ko pa rin maintindihan, Drimeathrya. Isa akong immortal kaya bakit bawal ako magmahal?" "Isa ka ng Dyosa." "Hindi ko ipinangarap na maging Dyosa. Ang sa akin lang ay bigyan ako ng Bathala ng pahintulot na magmahal. Hindi niya pwedeng alisin sa buhay ko ang magmahal dahil lahat ng nilalang ay pwedeng magmahal. Hindi niya pwedeng gawin sa atin 'to dahil hindi naman napipigilan ang pag-ibig." "Iyan din ang problema ko noon, pero nasanay din ako. Ang hindi ko lang matanggap, ay nagmahal ako ng isang maling tao. Ang akala ko rin noon na hindi ako magmamahal, pero noong nakita ko siya, ay parang nakalimutan ko ang panuntunan na sinabi sa amin ni Bathala. Para bang nadala ako sa ganda at ngiti niya. Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko noon dahil ang alam ko lang, ay napapalapit na ang damdamin ko sa kaniya. Oo, tama ka, Aulora. Hindi talaga napipigilan ang pag-ibig, pero wala kang magagawa kung hindi sundin ang ating Bathala. Hindi natin siya pwedeng sawayin dahil isa kang Dyosa. Siya ang gumawa sa'yo. Siya ang may dahilan kung bakit may kapangyarihan ka ngayon. Kailangan kita, Aulora. Huwag mong hayaan na masira ka ng isang pag-ibig dahil ang pag-ibig ay isang pagsusulit na nakakasira sa damdamin at buhay ng isang tao. Ayaw kong maulit sa'yo ang nangyare sa akin noon dahil ang pag-ibig na akala ko'y magpapasaya sa akin, ay ang magpapasira lang pala sa akin. Mas mabuti na 'yung nag-iingat tayo dahil hindi naman natin alam kung ano ang mangyayare." "Paano 'yung napaginipan ko kanina?" "Kung sakaling susugod man si Muzan sa'yo. Subukan mo siyang kalabanin. Ilabas mo lahat ng enerhiya mo sa kaniya, pero kung hindi mo na kaya. Hayaan mong ako na ang kumalaban sa kaniya. Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin natin na walang mangyayare sa mga kaibigan mo. Kilala ko si Muzan. Hindi 'yun basta-basta susugod kapag alam niyang hindi siya nakakakuha ng kahinaan sa'yo." "Alam niya na ang nga kaibigan ko ang kahinaan ko, Drimeathrya. Hindi naman pwedeng lumayo ako sa kanila dahil baka magtaka sila." "Kaya mo naman sigurong kalabanin ang mga nilalang na ipapadala ni Muzan para paslangin ang mga kaibigan mo hindi ba?" "Ano ba ang mga nilalang na sinasabi mo?" "Ang mga nilalang na 'yun ay ang mga masasamang nilalang na napapaginipan ng mga tao. Katulad ng mga malalaking nilalang, masasamang ispirito, iba't ibang uri ng mga animal na masasama, mga nilalang na hindi mo pa nakikita at maaaring makapatay ng isang tao. Ang tawag sa kanila, ay maire. Kaya mo naman sigurong kalabanin 'yun dahil nagtrain ka naman noon hindi ba? Pinaghandaan mo ang araw na 'to, pero kailangan mo pa rin makontrol ng maayos ang kapangyarihan mo dahil kapag nakontrol mo 'yan at nasanay ka, ay makakagawa ka ng madaming nilalang na makakatulong sa'yo para kalabanin ang mga masasamang nilalang ni Muzan. Madami ka pang kailangang matutunan dahil nag-uumpisa ka pa lang." Napabuntong hininga si Aulora at tumungo sa sinabi ni Drimeathrya. "Bigyan mo rin ng limit ang sarili mo kay Eliezar. Magkaibigan kayo at wala akong karapatan para sabihin sa'yo na layuan mo siya. Kaya sa ngayon iwas ka muna sa mga bagay na magpapaibig sa'yo katulad ni Eliezar, pero hindi ko sinasabi na iwasan mo siy—." "Oo, alam ko. Hindi mo na kailangan ulitin dahil nakatatal na 'yan sa utsk ko. Hindi ako pwedeng magmahal." "Good." Biglang pumasok sa katawan niya si Drimeathrya nang marinig nila na nagbukas ang pintuan. "Ang aga mo naman atang nakabalik dito? Anong oras natapos klase niyo?" tanong ni Nia nang makapasok silang dalawa ni Xia. "Maaga kami pinauwi ng guro namin dahil tapos na raw siya magturo. Saka kakadating ko lang din kaya hindi ako gaano kaaga nakadating." "Gano'n ba? May binili pala akong palabok diyan sa kanto. Tara kain tayo, kanina pa ako nagugutom e. Tinitipid ko rin kasi pera ko kaya hindi ako naglunch sa school kanina." "Busog pa ako, pero patikim ako. Hindi pa kasi ako nakakatikim ng palabok." Umupo sina Xia at Lene sa kanilang lamesa. Habang si Nia ay kumuha ng mga plato at kutsara para sa kanilang tatlo. Madami rin kasi ang palabok kaya pinaghatian na nila, pero mura lang. Kaya nakatipid si Nia. "Ayus ka lang ba, Aulora? Para kasing hindi ka mapakali kanina noong nakita mo kami tapos nagulat ka pa." Napatingin si Aulora kay Xia. "Wala 'yun. Hindi ko rin kasi ineexpect na makakadating kayo ng maaga." Ngumiti si Aulora sa dalawa sabay kinain ang palabok. "Ang sarap naman pala nito. Sa susunod nga 'yan na lang din ang bilihin ko para mapagsaluhan natin lahat." "Buti nga masarap diyan sa kanto. Sa tapat kasi ng school hindi masarap. Hindi ko nga alam kung bakit ako napabili roon kung meron naman pala rito sa kanto natin." "Ang mahalaga nakakain ka, Nia." "Manahimik ka kumain ka na lang diyan, Xia. Ang dami mo pang sinasabi e. Hindi pa ba sapat 'yang palabok?" "Kulang ng soft drinks." "Aba, naghanap ka pa ng coke." "May nagsabi ba ng coke?" Napatingin silang tatlo kay Lene na kakapasok lang ng dorm. Itinaas nito ang hawkanniyang plastic na may hawak na dalawang 1.5 coca cola at dalawang palabok. "I bought coke and palabok. Naisip ko na magmeryenda tayo dahil masarap naman ang palabok diyan sa kanto natin," dagdag pa nito at inilapag ang coke sabay palabok. Kumuha si Lene ng malaking plato, plato niya, tinidor, at mga baso. "Sabi na nga ba iisa lang ang inisip namin ni Lene e. Tignan mo may dala siyang pagkain ngayon tapos inumin." Napairap si Xia at agad na binuksan ang coke. "Sakto ang coke sa napakainit na panahon. Ang sarap ng kain natin ngayon," saad ni Aulora. Kaya napanguti ang lahat sabay kumain na ng sabay. "Teka, hindi niyo ba isasama sa salo-salo natin sila Eliezar at Azaiah? Hindi ba nasa kabilang dorm lang sila?" Napatingin ang lahat kay Xia. "Hindi ko alam kung papayag sila, Xia. Kaya kumain ka na lang diyan," sagot ni Nia. "E 'di si Aulora ang magsasabi sa kanila. Alam mo naman 'tong kaibigan natin. Kapag sinabi niya sa kanila na may salo-salo tayo rito, ay papayag ang mga 'yon." "Hindi ko alam," mahinang saad ni Aulora. "Simula noong bumalik tayo rito ay hindi ko na nakakausap sila Eliezar. Hindi ko nga naaabutan ang paglabas nilang dalawa riyan," dagdag pa nito. "Maybe they're busy. Don't think too much." Tumungo si Aulora kay Lene. "Try mong kausapin sila na sumama sa atin. Malay mo nahihiya lang 'yung mga 'yun makisama kaya hindi sila sumasama sa atin. Katulad ng sabi ni Xia, ay nakikinig sa'yo si Eliezar. Baka pumayag 'yun. Minsan lang din naman 'to. Isagad na natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD