Kabanata XXVII

1589 Words
Habang nakikinig siya sa kaniyang guro. Biglang nakaramdam ng kaba si Aulora. Simula noong nakakalabas na si Drimeathrya sa kaniyang katawan ay dumoble ang lakas ng kapangyarihan niya. At meron din siyang kapangyarihan na hindi niya pa nakokontrol katulad ng kapag iisipin mo ang isang bagay o kaya kapangyarihan ay bigla itong mag-aapir sa harapan mo. Hindi niya ‘yun makontrol dahil sa tuwing sinusubukan niya ang kapangyarihan na ‘yun ay walang mangyayare. Ilang beses niya na ngang tinatawag si Drimeathrya, pero hindi ito sumasagot. Kaya siya na lang ang gumagawa ng paraan para makontrol niya ng maayos ang kapangyarihan niya. Hindi niya rin sinabi sa magulang niya ang nangyare sa kaniya. Si Lene lang ang nakakaalam dahil meron itong kakayahan na makita ang nakaraan. Hindi rin naman niya mapipigilan si Lene dahil kaibigan niya ito at may tiwala naman siya sa babae na hindi nito ipagsasabi sa kahit kanino. Attitude pa nga lang ni Lene alam niya na na tahimik ito at walang kaibigan. Kaya walang makakaalam ng sikreto niya. Alam niya na bawal sabihin sa kahit kanino, pero isang special na tao rin si Lene at wala siyang magagawa ron. Nabobore na si Aulora. Gusto niya na pumunta sa cafeteria para makasama na ang mga kaibigan niya. Kaso kailangan niya pang magtiis. Hihintayin niyang matapos ang klase na ‘to. Kung alam niya lang na ganito kaboring ang pag-aaral, ay hindi na dapat siya nag-aral. Parang nasa bahay lang din siya. ‘Yung tipong nagbabasa lang siya ng mga libro at kapag inantok, ay matutulog na agad. Sa sobrang bored niya ay tumingin na lang siya sa bintana. Nakita niya ang malaking puno sa labas at ang nuno na nakausap niya noon. Malinaw at matalas ang paningin niya kaya makikita niya ang lahat kahit sobrang liit ng bagay na ‘yun. Hindi siya nagulat dahil nakita niya naman na ang nuno, pero kinabahan siya dahil baka may sabihin na naman ‘tong hindi niya magugustuhan katulad noon. “Hindi ko na ata kaya ang mga sasabihin niya sa akin kapag nilapitan at kinausap ko siya,” mahinang saad ni Aulora sa kaniyang sarili. Napakunot noo naman ang katabi niyang babae dahil hindi nito alam kung bakit sinabi ‘yun ni Aulora. Naisip nito na baka nababaliw lang ang babae kaya gano’n ang sinasabi nito. Kaya hinayaan niya na lang ang babae at nakinig sa kanilang guro. Habang nakatitig ang nuno sa kaniya ay biglang itong yumuko na nagpataka sa kaniya at bigla itong nawala. Anong pinapahiwatig sa kaniya ng nuno? At bakit ito yumuko? Ito ba ang kaba na naramdam niya? Dahil ba sa pagbisiota sa kaniya ni Nunong kaya siya kinakabahan? Pero bakit mali naman ata ang kutob niya? Pakiramdam niya kasi iba ang kaba na pinapahiwatig sa kaniya ng kaniyang damdamin. Kusang naging kulay gray ang mga mata ni Aulora at nakita niya ang tumatakbo na isang tao. Naririnig niya ang malakas at mabilis na paghingal nito. Nakita rin niya na ang tumatakbo na taong ‘to ay nasa paaralan nila. Palabas ata ‘to kaya baka maabutan niya pa. “May I go out?’ agad na saad ni Aulora nang maging normal ang kaniyang mga mata. “For what?” “I need to pee.” “Go ahead.” Nang masabi ng guro niya ‘yun, ay agad siyang tumakbo para maabutan niya ang taong ‘yun. Hindi niya alam kung ano ang problema ng taong ‘yun, pero may masama siyang kutob. Kung ano man ‘yun malalaman at malalaman niya dahil hindi niya hahayaan na hindi niya makita ang taong ‘yun. “Nasaan na siya?” tanong niya sa kaniyang sarili nang makalabas siya sa paaralan. Nang tumingin siya sa main door ng paaralan ay nandoon ang taong nakita niya kanina na nakatalikod. Anong ginagawa ng lalaking ‘to rito? At bakit familliar ang likod ng lalaki sa kaniya? Nang humarap sa kaniya ang lalaki ay agad siyang napatakip ng bibig dahil si Eliezar ang lalaki, pero ibang Eliezar dahil ang mukha nito ay parang demonyo at nakakatakot. Puro dugo rin ang lalaki kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Lalapitan niya ba ito? O sasabihin na lang niya kay Lene? Hindi rin naman niya pwedeng iwan ang lalaki dahil baka pagbalik nila ni Lene, ay wala na ito. “Itong lalaki ba ang sinasabi mong special para sa’yo?” Isang nakakatakot na boses ang narinig niya sa kaniyang utak kaya tinakpan niya ang kaniyang dalawang tenga baka sakaling hindi niya marinig ang lalaki. “Maayos ka mamili ng lalaki. Idadamay ko lahat ng mga kaibigan mo at hindi ko hahayaan na makakapasok kayo sa mundo ko dahil hindi naman kayo ron bagay,” dagdag pa nito. Hindi niya kilala ang boses na naririnig niya ngayon. Kaya hindi niya kilala kung sino ang lalaki. Sinusubukan niya rin naman na isipin kung kilala niya ba ang boses non, pero wala siyang matandaan. “Muzan.” Bumulong si Drimeathrya sa kaniyang tenga. Kaya napangisi siya dahil kilala niya na ang lalaking bumubulong sa utak niya. “Sisiguraduhin kong hindi kayo makakapasok sa mundo ko dahil papatayin ko na kayo riyan. At ako mismo ang papatay sa inyo. Maghanda ka dahil baka hindi mo maramdaman ang mga pag-atake ko. Alam kong nandyan ka, Drimeathrya. Hindi ka makakapagtago sa akin.” Umilaw ang mata ni Aulora at biglang naging seryoso ang mukha ng babae. “Lumabas ka, Muzan. Huwag kang duwag,” seryosong saad ni Drimeathrya. Hindi siya makapaghintay na makita ang lalaking inibig niya na ngayon ay kalaban niya na. Hindi rin siya makapaghintay na makipaglaban sa lalaking ‘yun at basagin ang bungo niya. Napangisi siya nang makita niya si Eliezar na naging si Muzan. “Sa sobrang duwag mo. Gumamit pa talaga ng isang katawan para lang matago ang kademonyohan mo.” “Hindi ka ba nagagalak na makita ako, aking mahal?” “Hindi ako magagalak kapag mukha mo ang nakita ko.” “Bakit parang galit ka sa akin, mahal ko? Meron ba akong nagawa sa’yong mali? Sabihin mo sa akin para mapag-usapan natin ng maayos.” Napatawa si Drimeathrya at mabilis na lumapit kay Muzan para sana suntukin ito, pero nakailag agad si Muzan at pumunta sa pwesto ni Drimeathrya kanina. “Bago pa lang ang katawan na sinapian mo, Drimeathrya. Huwag mo munang hayaan na masaktan ‘yan dahil hindi naman ikaw ang may-ari. Pero napakagaling mong mamili dahil may wangis ang babaeng ‘yan. Bagay kayong dalawa.” Hindi alam ni Drimeathrya kung lalaki ba ang kausap niya o babae. Aaminin niya medyo nagbago ang lalaki kumpara noon.  “Alagaan mo ‘yan dahil baka siya ang una kong paglaruan.” “Hindi ko hahayaan na paglaruan mo ang babaeng ‘to dahil bago mo pa siya mapatay, ay naunahan ka na niya. Ikaw ang mag-ingat, Muzan. Dahil baka makita mo ang sarili mo sa impyerno kinabukasan.” “Bakit parang kinilabutan ako? Hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin, Drimeathrya. Simula noong napatay kita, ay madami na ang nangyare sa akin. Kaya ko nang gawin lahat ng gusto kong gawin. At kapag sinabi kong gusto ko ay makukuha ko. Kaya kapag sinabi kong mamamatay sa kamay ko ang babaeng ‘yan, ay mamamatay siya sa kamay ko.” “Ang dami mong sinasabi.” Mabilis tumakbo ang dalawa sa isa’t isa, pero bago pa sila magkadikit ay agad biglang nakarinig si Aulora ng ingay. “At sino namang nagsabi sa’yo na pwede kang matulog sa klase ko, Miss Aulora?” Napamulat ng mga mata si Aulora at agad na tumayo dahil nakita niya ang kaniyang guro na nakatayo sa harapan niya. “Sorry po, nakatulog po ako.” “Halata naman na nakatulog ka sa klase ko. Sagutin mo nga ako. Masyado bang nakakaantok ang pagtuturo ko?” Napalunok ng laway si Aulora dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. “Nagtatanong lang ako, iha. Hindi ko naman sinabi na mahiya o matakot ka sa akin. Mas gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman mo sa pagtuturo ko dahil mas priority ko ang mga estudyante ko,” dagdag pa nito na nag[aluwag ng paghinga niya. “Hindi naman po nakakaantok ang pagtuturo niyo. Sadyang late lang po ako nakatulog kagabi ay may habit po ako na nakakatulog agad. Kaya po hindi ko po napigilan na makatulog kanina. Sorry po.” “Sige, pero pumunta ka sa detention room pagkatapos ng klase na ‘to dahil doon kita kakausapin.” Nang makaalis sa harap niya ang guro ay bigla siyang napatulala sa ding-ding dahil naalala niya ang napaginipan niya kanina. Nakaharap niya si Muzan at nakita niya si Eliezar, pero iba ang mukha ng lalaki. Teka ano na ba ang nangyayare ngayon? Hindi niya na maintindihan dahil puro problema na ang iniisip niya. Kailangan niya na makausap si Drimeathrya dahil kailangan niya na maghanda. Naalala niya kasi ang sinabi sa kaniya ni Muzan sa kaniyang panaginip na papatayin siya nito kasama ng mga kaibigan niya at hindi niya hahayaan na makapasok sila sa kaniyang mundo. Ano ang ibig sabihin ng Muzan na ‘yun? “Drimeathrya? Nandyan ka ba?” sabi ni Aulora sa kaniyang isip. Siguro naman magkakaron sila ng communication gamit ang kanilang isip. “Kailangan ko ng tulong mo at kailangan kitang makausap. Kausapin mo ako mamatay pagnakaalis na ako sa classroom na ‘to,” dagdag niya pa, pero walang Drimeathrya ang nagparamdam sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya at sumandal sa upuan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD