Kabanata XXVI

1873 Words
“Ayus ka na ba talaga? Pwede namang bukas na lang kayo bumalik sa Grimson City dahil unang beses niyo pa lang namang absent,” saad ng nanay ni Aulora na ikinasaya ng mga kaibigan niya. “Mom, huwag ka pong bad influence sa amin. Kapag nag-absent kami ay wala kaming matutunan sa subject na ‘yun. Ayus naman na ako. Kaya huwag na po kayong makulit. Pinapaasa niyo lang po ang mga kaibigan ko dahil alam niyo naman po na gusto pa ng mga ‘yan magstay dito.” Ngumiti si Gloria at tinignan ang mga kaibigan ni Aulora. “Pwede naman kayong pumunta rito, pero dapat kasama si Aulora para makatawid kayo. Hindi kasi kayo kilala ng mg atauhan namin at masyado silang strict sa security. Kaya baka mapunta lang kayo sa presinto kapag hindi niyo kasama si Aulora.” ”Ang dami niyo na pong sinabi, Mom. Ang haba na non. Tama na ‘yun.” Niyakap ni Aulora ang kaniyang ina at nagpaalam na para sumakay sa yacht. Pati na rin ang mga kaibigan niya dahil nakakahiya naman kung hindi sila magpapaalam na aalis na sila ano? Hindi naman pwedeng umalis sila tapos hindi man lang nila niyakap ang parents ni Aulora. Sayang nga dahil hindi man lang sila nakapagpaalam sa mga kapatid ni Aulora. Hindi tuloy nila naamoy kung mabango ba ang mga lalaki kahit medyo bata. “Bakit hindi ka na lang pumayag kay Tita, Aulora? Tama naman si Tita dahil malay mo hindi ka pa okay tapos pwede naman tayong umabsent.” Napabuntong hininga si Aulora at umupo na sa sofa ng yacht sabay tinignan si Xia. “Hindi nga tayo pwedeng umabsent bukas dahil kapag nalaman ng mga magulang niyo na nag-absent kayo ay ako ang malalagot. Hindi rin pwede dahil hanggang ngayon lang naman ang usapan natin. Wala tayong pinag-usapan na hanggang bukas tayo sa bahay namin.” “Mamimiss ko lang kasi ‘yun. Parang hindi ko pa kayang iwan ang bahay niyo. Para kasing resort ang daming activity na pwedeng gawin. Hindi pa nga natin nagawa ‘yung hiking dahil kulang tayo sa oras. Sigurado ako na merong mga activity roon na hindi pa natin nagagawa.” “Mamamatay ka na ba?” tanong ni Lene kaya tumahimik si Xia. “Kung alam mong mamamatay ka na, ay pwede mo nang gawin ‘yan ng isang araw dahil mamamatay ka na e. Kaso hindi pa. Pwede mo pa ‘yang gawin sa ibang araw dahil hindi naman tatakbo ang bahay ni Aulora sa’yo. Saka mahiya ka nga sa sinasabi mo. Hindi pa ba sapat ‘yung pinakain, pinatulog, at pinasaya kayo ni Aulora?” dagdag pa nito. Pinagsabihan naman ni Nia ang kaibigan niya dahil tama naman ang sinabi ni Lene. Si Aulora naman ay pinagsabihan si Lene dahil masyadong masakit ang pananalita nito. “Hindi ‘yan magigising at matututo kung walang magsasaway sa kaniya, Huwag ka rin minsan mang spoiled dahil kapag nasanay ‘yang mga ‘yan ay wala na ‘yang gagawin kung hindi ang manghingi sa’yo ng pera,” pabulong na saad ni Lene. “Tumigil ka nga, Lene. Mga kaibigan natin ang sinasabihan mo ng masama.” “Kaibigan mo lang, Aulora, Hindi ko sila ituturing na kaibigan kung gan’yan ang ugali nila. Masyado silang pakampante. Pinakitaan lang ng pera at malaking bahay ay lumaki agad ang ulo. Nawili.” Hinayaan na lang ni Aulora si Lene dahil hindi naman siya sa babae. Wala rin naman siyang mapapala kung makikipagtalo pa siya. Pinapakinggan niya na lang kung ano ang pinag-uusapan nila Nia. Habang nakafocus ang mga mata niya kila Nia ay biglang naging gray ang kalangitan at lumakas ang alon. Sa sobrang lakas naman ng alon ay nagsitumba ang mga gamit sa loob ng yacht at pati sila ay hindi mapakali. “Miss, nagkaron po bigla ng bagyo. Base po sa news ay wala naman pong bagyo na dadating sa Pilipinas. Kaya hindi po namin alam kung bakit po nagkaroon ng bagyo ngayon. Mukhang malakas po ang bagyo na ‘to kaya huwag po kayong lalabas ng yacht at kung ano man po ang mangyare meron pong life vest diyan na nakasabit.” Napatingin si Aulora kay Lene. [Ikaw ba ang may gawa ng bagyong ‘yo?] Kumunot ang noo ni Aulora at napatawa. Narinig niya kasi ang boses ni Lene sa utak niya. “Nakita mo bang gumamit ako ng kapangyarihan ngayon?” [Okay.] Nagulat si Lene nang biglang umilaw ang mga mata ni Aulora at naging seryoso ang mukha nito. Kaya rin nito maglakad ng maayos kahit gumagalaw ang yacht sa sobrang lakas ng alon. Nagulat ang mga kaibigan ni Aulora dahil bigla itong lumabas. Nang makalabas si Aulora ay agad siyang nagdive sa dagat. Ang tagal ko na rin hindi nakadalaw sa kaibigan ko. Mukhang nagbigay ata siya ng sign para makapunta ako sa kaharian niya. Napangisi si Drimeathrya at inisip niya ang kaniyang sarili na isang sirena. Kaya nagkaroon siya ng buntot. Umikot-ikot muna siya sa tubig at agad na lumangoy papunta sa kaharian ng kaniyang kaibigan na si Ocio the god of the sea. Siguro nagpapapansin lang ang lalaking ‘yun dahil naramdaman niya na bumalik na si Drimeathrya. Nang makapasok siya sa kaharian ng lalaki ay ang lahat ng mga sirena ron ay yumuyuko bilang respeto sa isang goddess. Nagulat pa nga ang iba dahil ang alam ng mga ‘to ay patay na siya. “Ikinagagalak kong makita ka, Drimeathrya,” nakangising saad ni Ocio na nakaupo sa trono nito. “Kailangan mo bang idamay ang mga inosenteng tao para lang magpapansin sa akin, Ocio? Hindi ba sapat ang pagtawag mo sa pangalan ko para malaman ko na gusto mo akong makita?” seryosong sagot naman ni Drimeathrya. “Napakaganda naman ng wangis mo ngayon. Sabihin mo nga sa akin, sino ang babaeng sinaniban mo?” “Hindi mo kailangan malaman dahil baka kung ano pa ang gawin mo sa kaniya, Hindi ka rin naman kasali sa away ng mundo ko.” “Hindi nga ako kasali, pero kung kailangan mo ng kakampe ay handa naman akong makipaggera. Baka nakakalimutan mo, Drimeathrya. Ako ang nagtago sa mga anak mo habang binabantayan mo ang mundo mo.” “Alam ko, kaya nga hindi ko sinasabi sa’yo dahil ayaw ko ng madamay ka sa away na ‘to.” “Binigyan ako ni Bathala ng pagkakataon para magawa ang tama at patalsikin ang lalaking inibig ko.” “Muzan the god of nightmaire.” “Huwag mong banggitin ang kaniyang pangalan dahil sa tuwiong naririnig ko ‘yan ay nawawala ang maganda kong araw.” “Pinagbawalan tayo ni Bathala na umibig, pero ginawa mo pa rin at sa maling tao.” Seryosong tinignan ni Drimeathrya si Ocio na akala niya ay matatakot sa kaniya ang lalaki. “Pero nakakasigurado ka ba na hindi iibig ang katawang pinili mo?” dagdag pa nito na nagpawala ng seryosong mukha ni Drimeathrya. “Napaisip ka rin ba? Kung ikaw nga na hindi mapigilan ang umibig ang babaeng immortal pa kaya? Kailangan mong warningan ang babaeng ‘yan na hindi siya dapat umibig dahil alam mo kung ano ang parusa na ibibigay ni Bathala sa kaniya.” “Pero isa lang siyang immortal, Ocio. Imposible ang sinasabi mo.” “Hindi pa rin pwedeng umibig ang immortal na pinili mong magliligtas ng mundo mo dahil pagnanalo ang babaeng ‘yun ay magiging isa siyang ganap na goddess. Ako na ang nagsasabi sa’yo, Drimeathrya. Huwag mong hayaan na maulit-ulit ang nakaraan. Hindi pwedeng mangyare ulit ‘yun.” “Ano ba ang sinasabi mo? Hindi ka si Bathala para sabihin sa akin ‘yan. Hindi pwedeng mangyare ang sinabi mo.” “Maaga kong sinabi sa’yo ‘to dahil ayaw kong maulit-ulit ang nakaraa. Alam mo kung gaano kahirap ang maparusahan. Katulad ng parusa mo. Binawian ka ng buhay ni Bathala. Hinayaan ka niyang mawala sa mundo mo dahil nagkamali ka.” “Ako lang ba ang nagkamali? Sinasabi mo ba na ako lang ang nagmali kaya ako lang ang pinarusahan?” “Hindi ‘yan ang punto ko. Ang sa akin lang ay mag-iingat ka sa katawan ng babaeng ‘yan. Alam mong sinabi sa atin ni bathala na balang araw ay dadating ang parusa ng mga nagkasala at hindi natin alam kung kailan ang parusa ni Muzan. Sadyang nauna ka lang siyang parusan at binigyan ka niya ng pangalawang pagkakataon.” “Pag-iisapan ko.” “Good, go save your yacht.” Ginamit ni Drimeathrya ang kaniyang enerhiya para matulak siya ng tubig papunta sa yacht na hanggang ngayon ay inaagos pa rin ng malakas na alon. Umahon siya sa tubig habang lumilipad at inikot ang kaniyang dalawang kamay na nakatubok sa yacht at pinakalma ang alon pati na rin ang yacht. Nang umayos ang panahon ay umapak na siya sa yacht. “Salamat po, Miss Aulora,” sabay-sabay sabi ng mga lalaking nagpapatakbo ng yacht sa kaniya. “Ayaw kong may makaalam nito. Kapag nalaman ko na sinabi niyo sa mga kaibigan ko ay kayo ang mayayari.” Tatalikod na sana si Drimeathrya nang biglang umilaw ang mga mata niya at agad nawalan ng malay. ** “Ayus ka lang ba, Aulora? Ilan ‘to?” nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay malabo pa ang kaniyang paningin. Pero alam niya na nasa harapan niya ang mga mukha nina Nia, Xia, at Azaiah. Ang kamay naman ni Xia ay mas malapit sa kaniyang mata. “Apat?” Nang luminaw ang kaniyang paningin ay nakarinig siya ng malakas na sigaw na galing kay Xia. “Hindi ‘to pwede, Lene! Hindi na makakita si Aulora. Apat ang sabi niya , ‘yung daliri lang na ipinakita ko ay tatlo.” Hindi pinansin ni Lene si Xia dahil alam naman nito na nagbibiro lang si Aulora. “Huwag ka ngang o.a riyan. Nagbibiro lang si Aulora.” Nakita kasi ni Nia na natatawa si Aulora kaya alam agad nito na nagbibiro ang babae. “Huwag mo nga akong biruin ng gano’n, Aulora. Akala ko pa naman may problema ka sa mata.” Nang makaupo silang tatlo ay umupo na rin si Aulora. “Lumabas pala ang magulang mo kanina. Kausap nila ang Doctor.” Napatingin si Aulora kay Azaiah. “Ano?” “Bakit parang gulat ka? Hindi ba normal lang na pumunta ang magulang sa hospital kapag may nangyareng masama sa anak niya?” “Alam ko, Nia. Ang punto k olang ay baka magbago ang isip ng magulang ko na pag-aralin ako dahil nagkaron ng aksidente,” ”Huwag kang mag-alala. Nakausap naman na namin ang magulang mo. Ang sabi nila ay hindi ka nila pipigilan na mag-aral. Saka mukhang ayus naman ata ang sinabi ng Doctor mo sa magulang mo dahil hindi naman sila gaano nag-alala.” Napatungo si Aulora kay Nia kaya nakahinga siya ng maayos. Grabe ang kaba at takot niya sa parte na ‘yun. Ang naalala niya lang kasi kanina ay ‘yung kinontrol ni Drimeathrya ang katawan niya na hindi niya alam. Siguro kailangan pa nila ng communication para maintindihan nila ang isa’t isa. Siya kasi ang nabubugbog kapag bigla-bigla na lang itong nagtetake over.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD