Huminga muna ng malalim si Eliezar bago kumatok sa pintuan ni Aulora.
“Pasok.” Narinig niya ang boses ni Aulora at agad niyang naramdaman na tumibok ng malakas ang kaniyang puso. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya, pero naisip niya na baka kaba lang ang naraaramdaman niya dahil hindi naman siya ganito noon.
Nang makapasok siya ay nakita niya si Aulora na nanonood ng TV habang nakahiga sa kama nito.
“Hello,” nakangiting saad ng babae. Inilagay niya ang pagkain na para kay Aulora sa maliit na table sa gitna ng kwarto at nilapitan si Aulora. “Para sa akin ba ‘yung pagkain? Pinadala ni Mommy ‘yun noh?” dagdag pa nito.
“Oo, ayus ka na ba?” Nawala ang ngiti ni Aulora at agad na tumingin ulit sa TV. “Bakit parang wala ka ata sa mood? Hindi mo rin sinagot ‘yung tanong ko sa’yo.”
“Ayaw ko munang pag-usapan ‘yan.”
“Hindi ko alam kung ano ang nangyare sa’yo kagabi, pero hindi mo kailangan maging gan’yan dahil lang sa nangyare. Hindi kami sanay na gan’yan ka.” Kinuha ni Eliezar ang pagkain ni Aulora at umupo ulit sa tabi nito. “Gusto mo bang subuan kita?” Kumunot ang noo ni Aulora at kinuha na ang plato dahil siya ang magsusubo sa kaniyang sarili.
“Kalimutan mo na ‘yung nangyare kagabi.”
“Bakit? Hindi ko ‘yun basta-basta makakalimutan dahil isa ‘yun sa nakakakaba sa buong buhay ko. Hindi mo rin pwedeng sabihin sa akin na kalimutan ko ‘yun.”
“Sinabi sa akin ni Mommy na ikaw ang nagdala sa akin dito. Salamat, pero hindi ko talaga kailangan ng tulong mo at dapat hindi kana pumunta ron dahil wala ka namang makikitang importante ron.”
“Nakakita ako ng liwanag, Aulora. Anong wala ron? Hindi mo pwedeng itago sa akin ang sikreto mo dahil kitang-kita ko.” Napabuntong hininga si Aulora at inilagay ang plato sa side table ng kama niya.
“Hindi ba sinabi sa’yo ng magulang ko na hindi mo ako pwedeng pilitin para sabihin sa’yo kung ano ang sikreto ko? At kung ano mang liwanag ang nakita mo kagabi, ay wala akong kinalaman don. Hindi ko alam kung ano ang liwanag na sinasabi mo dahil wala naman akong nakitang liwanag noong nandoon ako. Baka sa ibang gubat ‘yun dahil madaming masasamang elemento sa island na ‘to. Kaya kung ano mang liwanag ang nakita mo kagabi. Wala akong kinalaman don.”
“Ang sabi sa akin ni Tito ay meron kang sikreto na ikaw lang ang pwedeng magsabi at balang araw ay sasabihin mo sa amin.”
“Alam mo naman pala, pero bakit mo ako pinipilit na sabihin ko agad ang sikreto ko? Hindi mo kailangan pilitin ako dahil dadating din ang panahon para riyan, hindi nga lang ngayon. Please, bigyan mo na lang ako ng ilang araw para sabihin sa inyo dahil hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan.” Natahimik si Eliezar at tumungo bilang sagot sa sinabi ni Aulora.
Naguilty tuloy si Eliezar dahil sa sinabi niya. Kaya siguro gano’n ang pakikitungo ngayon sa kaniya ng babae dahil kung ano-ano na naman ang masasamang sinabi niya. Curious lang naman siya at concern. Tama naman ang ginagawa niya hindi ba? Wala rin naman siyang karapatan para malaman kung ano ang sikreto ni Aulora dahil simula noong una nilang kita ay masama na ang trato niya sa babae.
Ang awkward naman nito. Kung umalis na lang kaya siya at bumalik sa dining area?
Nagulat siya nang biglang hawakan ni Aulora ang kamay niya.
“Stay here.”
Sa tuwing nahahawakan talaga ni Aulora ang katawan ni Eliezar ay biglang siyang nabubuhay. Kanina kasi hinang-hina siya, pero noong hinawakan niya ang kamay ni Eliezar ay parang napagaling siya ng lalaki.
“Alam kong curious ka, pero naiintindihan mo naman ako hindi ba? Hindi ka naman magagalit sa akin kung hindi ko agad sabihin hindi ba? Meron kasing mga bagay na kailangan kong hindi sabihin dahil napaka-importante non. Ayaw ko rin naman na mag-isip ka ng kung ano-ano dahil pati ako ay nalilito at nahihirapan. Gustong-gusto kong sabihin sa’yo ‘yun, pero hindi ko pa magawa dahil kailangan kong protektahan ang sarili ko. Wait for me, Eliezar.”
Hindi makapagsalita si Eliezar kaya tumungo na lang ito.
Nang matapos kumain si Aulora ay kinuha niya na ang plato sa babae at binigyan ito ng tubig.
Aalis na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Aulora at bungad sa kaniya ang mga mukha nina Nia, Xia, Lene, at Azaiah.
“Nandyan ba sa loob si Aulora? Tapos na agad siyang kumain? Kumusta raw siya? Pwede bang pumasok?” Sa daming tanong ni Xia ay tumabi na lang si Eleizar sa daan para makapasok ang mga kaibigan niya.
“Anong meron kay Eliezar?” tanong ni Nia sa mga kaibigan niya habang nakatingin sila kay Eliezar na palayo sa kanila.
“Hindi ko alam, pero hindi kaya nag-away sila ni Aulora?” sagot naman ni Azaiah.
“Are you okay?” tanong ni Lene kay Aulora nang makaupo ito sa inupuan ni Eliezar kanina.
“Yes, actually wala namang nangyareng masama sa akin kagabi dahil ayus lang ako. Hindi naman seryoso ‘yun dahil kung seryoso ‘yun ay nasa hospital na ako kagabi pa.”
“Still nahimatay ka kagabi kaya seryoso ‘yun. You should take care of yourself more.” Ngumiti si Aulora kay Lene dahil naiisip niya na unti-unti niya nang nagiging totoong kaibigan si Lene. Meron talagang good side ang babaeng ‘to at masaya siya dahil nakikita niya ‘yun.
“Thank you.”
“Anong meron sa mukha ni Eliezar, Aulora? Nag-away ba kayo?” Tumingin si Aulora kay Azaiah.
“Hindi naman kami nag-away. Nag-usap lang naman kami. Ayus lang ba siya?”
“Hindi ko alam, perto parang malungkot kasi siya na hindi ko maintindihan ang emosyon niya.”
“Kausapin ko na lang ulit siya mamaya dahil baka hindi niya lang naintindihan ang sinabi ko sa kaniya kanina. Medyo seryoso kasi ang usapan namin e.”
“Sige, kausapin ko rin siya mamaya. Pwede bang libutin ‘tong kwarto mo?”
“Sige lang.”
Lahat sila ay nilibot ang kwarto niya maliban lang kay Lene na nakaupo pa rin sa tabi niya.
“Nakita ni Eliezar ang liwanag na ginawa ko kagabi.”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Pagdating ko ng eighteen years old ay may mangyayare sa akin. Nalaman ko kung bakit meron akong kapangyarihan. Nakilala ko rin ang babaeng may-ari ng kapangyarihan ko ngayon. Sinabi ko kay Eliezar na wala akong kinalaman sa liwanag na ‘yun, pero alam ko na nacucurious siya dahil siya ang nakakita sa akin na nakahandusay sa sahig. Kaya siguro gano’n ang mukha ni Eliezar dahil hindi ko sinabi sa kaniya kung ano ba ang sikreto na tinutukoy ng tatay ko. Hindi ko rin naman alam kung bakit sinabi ni Dad ‘yun sa kaniya. Dapat hindi niya na ‘yun sinabi para hindi na masyadong macurious si Eliezar.”
“Hindi lang siguro maintindihan ni Eliezar kaya gano’n siya. Tama lang na hindi mo muna sinabi sa kaniya. Katulad nga ng sabi mo ay kailangan mong protektahan ang sarili mo. Sinabi ba ng babaeng nakita mo kagabi na kailangan mong isikreto ang totoong pagkatao mo?”
“Oo, sa totoo lang sinabi ng Mom ko na mapupunta raw ako sa isang mundo at hindi na makakabalik sa mundong ‘to. Sinabi ng babaeng ‘yun na kailangan kong pumunta sa mundo niya dahil hindi ko raw pwedeng talikuran ang kapalaran na nakabang para sa akin.”
“Wala ka na rin namang magagawa dahil ipinanganak kang nakasapi na sa kaluluwa mo ang babaeng ‘yan.”
“Paano mo nalaman?”
“Hindi ba sinabi ko sa’yo na kaya kong makita ang nakaraan? Ginamit ko ang kapangyarihan ko para makita ang nakaraan mo. Simula pinanganak at hanggang ngayon ay nakita ko. Kaya alam ko lahat ng nakaraan mo.” Sinimangutan ni Aulora si Lene dahil hindi man lang nagsabi ang babae na titignan pala nito ang nakaraan niya. Wala tuloy siyang matatagong sikreto sa babae. “Wala kang matatagong sikreto sa akin,” dagdag pa nito.
“Oo, ano pa bang magagawa ko e alam mo na? Ang sa akin lang, hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi niya sa akin kagabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at hindi rin naman siya nagsabi kung ano ang kailangan kong gawin. Ang ibig niya bang sabihin ay kailangan kong maging malakas dahil sa akin nakaasa ang mga taong nasa mundo niya?”
“Siguro? It’s your problem, Aulora. Kung pwede lang akong mangielam, ay tinulungan na kita, pero wala kasi akong alam sa mga gan’yan. Ang kapangyarihan ko ay kakaiba at hindi ‘yun makakatulong sa’yo. Saka meron din akong problema, hindi naman pwedeng isabay ko ‘yun.”
“Ayus naman na ako e.”
“Alam ko, alam ko rin ang iniisip mo ngayon. Napepressure ka kasi hindi mo lang kung ano ang gagawin bilang isang Dyosa. Siguro naman merong sasabihin sa’yo ‘yang babaeng nasa katawan mo dahil siya ang may dahilan kung bakit ka napunta sa problemang ‘to. Isa kang matalino at mautak na babae, Aulora. Kaya alam ko naman merong paraan para malusutan mo ‘yan. Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya para matulungan ang Dyosa. Kaya mo lahat dahil tutulungan ka naman niya.”
“Sana nga.”
“Tutulungan ka niya dahil siya ang nagpasok sa’yo ng ganitong problema. Wala siyang magagawa kung hindi ang turuan ka. Kung hindi ka naman niya tuturuan o tutulungan. Nandito naman ako para tulungan o kaya samahan ka. Ayus ba ‘yun sa’yo?” Ngumiti si Aulora at niyakap si Lene. Buti na lang at meron siyang kaibigan na mahal niya at ‘yung maiintindihan siya.
Hindi naman sila maririnig ng mga kaibigan nila dahil mahina lang ang kanilang boses. Siyempre nag-iingat din sila.