Kabanata XXIV

1756 Words
Nawala ang katawan ng Dyosa at biglang sumanib sa katawan ni Aulora. Nagbago ang kasuotan ni Aulora. Ang kasuotan niya ay isang kulay white and gold na gown at ang crown niya ay napakalaki na parang napakabigat dahil sa mga kumikinang na mga bato. Lumipad siya sa kalangitan na parang may pakpak at nilanghap ni Drimeathrya ang masarap na hangin. Para siyang nakatakas sa presinto dahil sa sobrang tagal niyang nakakulong sa katawan ni Aulora. Ngayon na pwede niya nang kontrolin ang katawan ni Aulora, ay magagawa niya na ang mga bagay na kailangan niyang gawin na walang pumipigil sa kaniya. Magagamit niya na ang kapangyarihan na hindi pa nagagamit ni Aulora. Ngayon niya ipapakita kay Aulora kung gaano siya kapangyarihan at kalakas. Ang problema lang sa kaniya ay ilang minuto lang ang kakayanin ng enerhiya niya para makontrol ang katawan ni Aulora. Kaya kailangan niya pa ring turuan si Aulora kung paano gamitin ng maayos ang kanilang kapangyarihan at kung paano kumalaban ng isang God. Para kapag pumasok na si Aulora sa kanilang mundo ay hindi ito mahihirapan. Nang matapos si Drimeathrya na magsaya ay pumunta na ulit siya sa water falls at agad na naglaho ang kasuotan ni Aulora. Sa sobrang hina ni Aulora ay naglakad siya papunta sa lupa at doon nawalan ng malay. ** Habang naglalakad si Eliezar sa kagubatan ay biglang nawala ang ilaw na kanina niya pa sinusundan. Kaya mas lalo niyang binilisan ang paglalakad dahil baka wala na siyang maabutan. ‘Yun pa naman ang rason niya kung bakit siya pumunta rito kahit nakakatakot sa sobrang dilim. Nang makapunta siya sa water falls ay agad niyang nakita si Aulora na nakahiga sa lupa na walang malay. “Aulora,” mahinang saad niya ay nilapitan ang babae. Pagkaharap niya ng mukha nito sa kaniya ay agad niyang pinakinggan kung tumitibok pa ang puso nito. Nakahinga naman siya ng maayos nang maramdaman niyang tumitibok pa ang puso ng babae. Hinahampas niya ang pisngi ni Aulora baka sakaling magising ito. “Eliezar?” mahinang tawag ni Aulora, pero hindi pa rin nakamulat ang mga mata nito. “Sabi na nga ba na ikaw ang healer ko. You can take away my pains. That’s why you’re so special to me,” dagdag pa ng babae, pero dahan-dahan ang pananalita nito. Kaya nagtaka si Eliezar. Isa na naman ba ‘to sa iisipin niya? Baka hindi na siya makatulog niyan? Nawalan ulit ng malay si Aulora. Kaya binuhat niya na ito na pang bagong kasal hanggang sa makapunta sila sa kwarto ni Aulora. Isa rin sa pinagtataka niya ay bakit hindi baka ang katawan ng babae? Hindi ba nang galing ito sa tubig? Imposible namang matagal nang nakahilata ang babae sa lupa kaya natuyo na ito. Habang tinitignan ni Eliezar ang mukha ni Aulora na mahimbing na natutulog ay naalala niya na lang ang sinabi nito kanina sa kaniya. Medyo kinilig siya na naiinis. Sa tuwing pinagtatabuyan niya kasi ang babae ay mas lalo itong napapalapit sa kaniya. Kaya ba lumalapit sa kaniya si Aulora dahil may gusto ang babae sa kaniya? Teka imposible rin naman ang iniisip niya na gano’n dahil isang magandang babae si Aulora. Matalino at mayaman pa, kaya hindi siya maniniwala kung may magsasabi sa kaniya na gusto siya ni Aulora, pero paano kung meron nga? Ano ang mangyayare sa kaniya ngayon? Sasabihin niya kaya sa mga magulang ni Aulora kung ano ang nangyare sa anak nila? Baka pagbintangan siya na siya ang may gawa kung bakit walang malay ngayon si Aulora. “Eliezar, iho?” Napatayo si Eliezar nang marinig niya ang boses ng nanay ni Aulora. Nalaman na nito na nahimatay si Aulora kaya pumunta siya rito? Ano na ngayon ang gagawin niya? Lalabas ba siya sa balcony ni Aulora at hindi pagbuksan ng pintuan ang magulang niya? O papapasukin niya ang mga ito at hahayaan na lang na sisihin siya? “Iho, alam kong nasa loob ka ng kwarto ng anak ko. Kaya buksan mo na itong pinto,” dagdag pa nito na mas lalong ikinaba ni Eliezar. Pinunasan niya ang kaniyang pawis at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Bumungad sa kaniya ang nanay ni Aulora na umiiyak. Nang makapasok ang babae ay agad itong pumunta sa tabi ni Aulora. “Anong nangyare, anak? Ayus ka lang ba? Bakit ka naman gan’yan. Huwag ka namang gagawa ng ikakamatay mo ng maaga. Alam kong madami kang problema, pero pag-usapan muna natin ‘to,” umiiyak na saad ng nanay habang hawak-hawak ang kamay ni Aulora. “Hindi ako mapakali noong sinabi ng kasambahay natin na buhat ka ni Eliezar na walang malay. Sa kagubatan daw kayo nanggaling. Anong nangyare anak? Nangyare na ba ‘yung hinihintay mo?” Kumunot ang noo ni Eliezar dahil hindi niya maintindihan sinasabi ng babae sa anak nito. “Pagpasensyahan mo na ang asawa ko, Eliezar. Gan’yan talaga ‘yan mag-alala pagdating kay Aulora.” Napatingin si Eliezar sa kaniyang gilid at nakita niya ang tatay ni Aulora. “Hindi ko naman siya masisisi dahil si Aulora lang ang prinsesa namin.” “Bakit kung makareact po si Tita ay parang mamamatay po si Aulora? No offense po, Tito. Nacucurious lang po kasi ako.” “Hindi pa ito ang panahon para malaman mo kung ano ang totoong pagkatao ni Aulora, Eliezar. Balang araw sasabihin niya sa’yo kung sino talaga siya at pagdumating ang araw na ‘yun. Sigurado ako na ipapaintindi niya sa’yo lahat. Pero sa ngayon, kailangan mo munang maghintay at hayaan mong si Aulora ang magsabi sa’yo.” “May sakit po ba siya? At may taning na po ang buhay niya? Kaya po ba gano’n po makareact si Tita?” Napatawa ang lalaki at hinawakan sa balikat si Eliezar. “Katulad nga ng sabi ko. May panahon para riyan. Kaya huwag ka muna mag-isip nang mag-isip dahil hindi mo ikakabuti ‘yan. Baka sa kakaisip mo ay hindi ka na makatulog ng maayos araw-araw.” “Nakita ko po kanina ang isang liwanag na parang bituin sa kagubatan. Kaya po ako pumunta ron. Doon ko po nakita si Aulora na nakahilata sa lupa na walang malay. Hindi ko po alam kung ano ang nangyare. Maniwala po kayo sa akin, Tito. Wala po akong kinalaman sa nangyare ngayon kay Aulora. Inosente po ako. Huwag niyo po sana akong pagbintangan.” “Kung pinagbintangan ka namin ay kanina pa kami nagalit sa’yo at hindi na kita kinakausap ngayon. Nagpapasalamat kami sa’yo dahil ikaw ang nagdala sa kaniya rito. Sigurado ako na hindi namin malalaman na may nangyare sa kaniya kapag hindi mo siya binalik dito. Kaya salamat, Eliezar.” Shinake ng lalaki ang kamay ni Eliezar. “Matulog ka na dahil kailangan niyo ng enerhiya para makabyahe. Salamat ulit.” “Salamat po, Tito. Naniwala ka po sa akin. Ang akala ko po kasi ay papagalitan niyo ako dahil naisip niyo po na ako po ang may gawa non kay Aulora. Sorry po kung pinangunahan ko po kayo. Naalala ko po ‘yung sinabi sa akin ni Aulora na hindi po kayo masama at iba po kayo sa ibang magulang.” “Sige na, matulog ka na dahil anong oras na oh. Kami na muna ang bahala sa aming anak dahil kami ang mas nakakaalam kung ano ang gagawin sa kaniya.” Tumungo si Eliezar bilang sagot at lumabas na ng kwarto ni Aulora. Ang akal aniya meron pa siyang time para libutin ang kwarto ni Aulora. Sayang biglang dumating ang magulang niya, Hindi tuloy niya nakita. Bukas na lang siguro kapag pinapasok siya ni Aulora. Siguro naman papapasukin siya nito hindi ba? Mabait naman ‘yun si Aulora. Kaya malalaman non na siya ang nagligtas sa kaniya kaya papayagan siya nitong pumasok. Hindi rin naman masama kung papasok siya dahil gusto niya lang makita ang kabuoan ng kwarto ng babae. Napabuntong hininga na lang siya at pumasok sa kwarto nila ni Azaiah. Buti pa ang lalaking ‘to napakasarap ng tulog. Habang siya rito hindi makatulog at puyat na naman dahil hindi siya makatulog ng maayos. Kasalanan ‘to ni Aulora e. Mas lalo pa nitong dinagdagan ang isipan niya. Kaya mas lalong hindi siya makakatulog ngayon. Nang makahiga siya at ipinikit ang kaniyang mga mata, ay mukha ni Aulora ang bumungad sa kaniya. Agad niyang minulat agad ang kaniyang mga mata at sinabunutan ang buhok. “Matulog ka na.” ** “Grabe ang sarap matulog sa kamang ‘yun. Ngayon lang ak nakaramdam ng masarap na tulog. Buti na lang talaga pinasama tayo ni Aulora rito,” masayang saad ni Xia nang makalabas sila sa kanilang kwarto para mag-almusal. “Nasaan nga pala si Aulora? Ang akala ko pa naman ay pupunta siya sa kwarto natin para sunduin tayo,” dagdag pa nito. “Aba, kailangan pa bang sunduin tayo ni Aulora para lang makalabas ka? Hindi ka ba nahihiya? Saka baka busy si Aulora ngayon dahil babalik na tayo sa Grimson mamaya,” pagsasaway naman ni Nia sa kaniyang kaibigan. “Sorry na, namiss ko lang naman si Aulora. Saka asan na ba siya? Bakit wala si Aulora at Eliezar sa hapagkainan?” kunot noong saad ulit ni Xia. Napansin kasi nila na wala ang dalawa sa hapagkainan kaya baka meron itong ginawa. “Goodmorning mga iha. Hilana kayo, kumain na kayo ng almusal,” nakangiting bati sa kanila ng nanay ni Aulora. Napansin din nila na wala na ang mga kapatid ni Aulora. Nang makaupo silang lahat ay kumuha na sila ng mga pagkain at nag-umpisa nang kumain. “Lumuwas na ng Manila ang mga anak kong lalaki kaya wala na sila ngayon dito. Sina Aulora at Eliezar naman ay nasa kwarto ni Aulora dahil si Eliezar ang nag-aalaga sa kaniya.” “Ano po ang nangyare kay Aulora, Tita? Ayus lang po ba siya?” “Thank you, Nia. Pero ayus na siya kanina pa. Nagkaron lang ng aksidente kagabi. Alam ko naman na masarap na ang tulog niyo kaya hindi ko na kayo pinagising at kailangan ding magpahinga ni Aulora. Pwede niyo rin naman siyang bisitahin mamaya pagkatapos niyong kumain. Kaya ubusin niyo na ang pagkain niyo para makapunta kayo sa kwarto ni Aulora.” Dahil sa narinig nila, ay binilisan nila ang pagkain para makapunta sila sa kwarto ni Aulora. Masaya sila dahil sa wakas ay makikita na nila ang kwarto ni Aulora. ‘Yun pa naman ang isa sa gusto nilang pasukin dahil pakiramdam nila napakalaki ng kwarto at napakaganda. Sa ganda ba naman ni Aulora, e ‘di maganda rin ang kwarto. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD