Hindi makatulog si Eliezar dahil sa sinabi sa kaniya ni Aulora kanina. Special siya sa babae? Ano ang ibig sabihin non? Hindi niya pa rin makalimutan at hindi niya rin maintindihan. Hindi niya tuloy alam kung paano kakausapin o titignan sa mata si Aulora.
“I’m special to her?” Napatingin siya kay Azaiah dahil bigla itong umungol. ‘Yun pala nanaginip lang ito at mahimbing ang tulog.
Tumayo si Eliezar at pumunta sa bintana para tignan ang langit. Habang nakatingin siya sa langit ay napakunot ang noo niya dahil nakita niya ang isang liwanag sa kagubatan.
Ano ang nangyayare ron? Pwede pa kaya siya lumabas ng bahay at pumunta ron? Hindi naman siguro malalaman ng mga tao sa labas na lumabas siya hindi ba? At alam niya kung saan ‘yun dahil kasama niya si Aulora noong pumunta sila sa water falls.
Hindi siya makapaniwala nang lumipad ang liwanag at para itong lamok na sobrang bilis ng lipad nito. Isa bang bituin na lumilipad ang nakikita niya? Totoo ba ‘to o panaginip niya lang?
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at minulat agad, pero hindi pa rin nawawala ang maliit na liwanag.
Isa lang ang kailangan niyang gawin para malaman kung ano ang meron sa gubat na ‘yun. Kailangan niyang puntahan ito.
**
Habang natutulog si Aulora. Kusang lumipad ang katawan nito at idinala siya sa water falls. Pagkabagsak ng katawan ng babae sa tubig, ay bigla siyang nagising.
Pagkaahon ng ulo niya sa tubig ay nakita niya babaeng nakita niya sa ilalim ng tubig noon na nakatayo sa tubig.
“I am Drimeathrya, the Goddess of Dream. Pagpasensyahan mo na kung ngayon lang ako nagpakilala sa’yo. Nasa kamay mo kasi ang kapayapaan ng aking pagkatao. Gusto kong ipaalam sa’yo lahat. Gusto kong sagutin ang mga tanong mo, pero sa ngayon kailangan mo munang bumalik sa nakaraan kung bakit ako napunta sa loob ng katawan mo.” Lumipad si Aulora at tumayo rin sa tubig.
Hinayaan ni Aulora na hawakan ng babae ang kaniyang noo, sabay nginitian siya nito.
“Babalik tayo sa nakaraan kung kailan nagbago ang aking mundo na inaalagaan. Malalaman mo ang lahat ng nangyare sa akin simula umpisa hanggang sa aking pagkamatay.”
Unang panahon gumawa ang isang mundo ang ating Bathala Pati ang mga tao ay kaniyang ginawa, pero hindi niya alam na magkakamali siya sa kaniyang ginawa.
Ang mga tao ay nagkakaroon ng mga problema at hindi na siya nakikilala. Sa sobrang pagkadismaya niya, ay guwama siya ng paraan para maparusan ang mga tao araw-araw kung meron itong mga ginawang masama.
Gumawa ang Panginoon ng Diyos at Diyosa. Ito ay sina Drimeathrya ang Diyosa ng mga panaginip at Muzan na Diyos ng mga bangungot. Sila ang tagapagbantay ng mundong ibibigay sa kanila ng kanilang
Bathala.
Ang panaginip ay ginawa ng Bathala para sa mga taong hindi na kailangan parusahan. Ang mga tao na hindi nagbibigay ng problema sa kaniya. Gusto niyang bigyan ng regalo ang mga taong mababait, para makilala siya ng mga taong ito.
Ang bangungot ay nararansan ng mga taong hindi siya kilala at masasama ang ugali. Alam niyang masama ang kaniyang ginagawa, pero kailangan niya itong gawin para sa kapahamakan ng mga taong anak niya.
Gumawa rin siya ng isang mundo kung saan naninirahan ang Diyos at Diyosa na nilikha niya. Ang pangalan ng mundong ito ay Dream World.
Doon magaganap ang mga panaginip na napapaginipan ng mga tao, at kinocontrol ito ng Diyos at Diyosa. Pero bigla na lang nagbago ang mundo nang biglang magkaroon ng gusto si Muzan(God of Nightmare) kay Drimeathrya(Goddess of Dream).
“Tama ba ang ating ginagawa, Muzan?” tanong ni Drimeathrya kay Muzan. Sila ngayon ay magkayakap sa isa’t isa habang tinitignan ang buong Dream World.
“Wala namang masama kung magmamahalan tayo hindi ba, aking mahal?” sagot naman ni Muzan. Naramdaman ni Muzan ang pagkalungkot ni Drimeathrya. Kaya hinarap niya sa kaniya ang babae at hinawakan ito sa magkabilaang pisngi.
“Huwag kang mag-alala, Drimeathrya. Walang mangyayare sa ating dalawa. Kung pinagbabawal ni Bathala na tayo ay magmahalan, gagawa tayo ng paraan. Para matuloy ang ating inaasam na pagmamahalan natin.”
“Paparusahan niya tayo, Muzan. Bawal natin ituloy ang ating mga binabalak. Maaari tayong mapunta sa impyerno.”
“Wala ka bang tiwala sa akin? Kumapit ka lang sa akin, Drimeathrya. Alam kong matatapos din natin ang pagsubok natin.” Tinulak ni Drimeathrya si Muzan palayo sa kaniya.
“Hindi mo ba ako naiintindihan!?” Hindi na napigilan ni Drimeathrya ang mapaluha dahil sa mga nararamdaman niyang sakit ngayon sa puso niya. “Hindi tayo pwedeng magmahal! Magkakaroon tayo ng kasalanan sa mata ng Bathala!” dagdag pa niya.
“Ano ba kasi ang ikinakatakot mo!? Meron ka bang nakikita na masama sa ginagawa natin?!”
“Meron!”
“Ano? Sabihin mo sa akin kung ano ang mga ginawa nating mali!?” Napatahimik si Drimeathrya dahil ayaw niyang sabihin kung ano ang mali na ginawa nila. Nahihiya siya sa mga sasabihin ng lalaki sa kaniya.
“Hindi ba natahimik ka? Kung meron kang naiisip na dapat tayong maghiwalay!”Tinignan ng seryosong ni Muzan si Drimeathrya. “Sige, papayagan kita na makipaghiwalay sa akin. Simula ngayon wala ng tayo, Drimeathrya.”
Pinapanood na lang ni Drimeathrya si Muzan na lumayo sa kaniya. Mahal na mahal niya si Muzan, pero mas mahal niya ang Dream World. Ayaw niyang madamay ang mundo na ibinigay sa kaniya ng Bathala dahil lang sa kanilang pagmamahalanan na pinagbabawal ng Bathala.
Ilang araw ang nakalipas nalaman ni Drimeathrya na siya ay buntis. Hindi niya sinabi kay Muzan na meroon silang anak dahil natatakot siya na baka kuhain sa kaniya ang kaniyang anak.
Sinilang niya ang kaniyang apat na anak. Dalawang babae at dalawang lalaki. Sila ay sina Luca(God of Thunder), Killian(God of Fire), Viper(The Goddess of Water), at Reya(Goddess of Air).
Alam ni Drimeathrya na merong balak na sirain ni Muzan ang dream World, pero bago sirain ni Muzan ang mundong iyon. kailangan mapasa muna sa kaniya ang buong mundo. Sa mabuting salita, kailangan patayin ni Muzan si Drimeathrya.
“Sa tingin niyo ba kailangan ng ating Ina ang ating tulong?” tanong ni Killian sa kaniyang mga kapatid habang sila ay nakatingin sa langit. Kung saan nag-aaway ang kanilang Ina at ang Dyos ng bangungot.
“Hindi pa natin kayang tulungan si Ina, Killian. Masyado pa tayong mahina at hindi pa lumalabas ang ating mga kapangyarihan,” sagot naman ni Viper.
“Bakit ba kasi kailangan ni Ina makipaglaban sa isang masama na Dyos? Hindi ba labag iyon sa batas ng Bathala? Ang alam ko kapag merong ginawang masama ang isang Dyosa o Dyos. Meron ng parusa ang Bathala sa kanila. At ang parusa na iyon ay hindi nila alam kung kailan mangyayare,” saad naman ni
Reya.
“Masyado nang madilim ang langit. Hindi kaya masamang pangitain ito? O kaya may nangyareng masama kay Ina?”Napatingin ang magkakapatid kay Luca dahil sa sinabi nitong nagpagalit sa kanila.
“Huwag ka ngang magsalita ng gan’yan, Luca. Isang malakas na Dyosa ang ating Ina. Kaya walang makakatalo sa kaniya,” inis na sabi ni Killian.
Mga ilang minuto ang nakalipas. Unti-unting pumapatay ang mga butil ng mga tubig na galing sa kalangitan. Hindi nila alam kung ano ang tawag sa gano’n dahilo ngayon lamang sila nakakita ng ganito.
“Ano ang nangyayare?” kinakabahan na tanong ni Viper sa kaniyang mga kapatid.
Sa bandang likod naman nila merong isang babae na dali-daling tumatakbo papunta sa kanilang dereksyon.
“Anong ginagawa niyo riyan sa labas?” Napatingin ang apat na magkakapatid sa babae at napayuko. “Pumasok kayo sa loob. Masyadong delekado sa labas, ngayon na!”
Nang makapasok ang magkakapatid sa loob ay napatingin ang babae sa kalangitan at nakita ang mga tumutulong tubig na galing sa langit.
“Mahabaging Bathala, wala naman po sigurong mangyayare aming mahal na Dyosa. Ingatan niyo po siya at bigyan ng lakas para mapagpatuloy niya pa po ang pagpapasaya ng mga tao na nilikha niyo.”
**
“Isa kang sakim, Muzan! Pinagkatiwalaan kita noon, pero na ngayon. Hinding-hindi mo na ako maloloko pa,” galit na galit na sabi ni Drimeathrya sa lalaking minahal niya noon.
Hinahayaan nila ang kanilang mga kapangyarihan na magbigay ng ilaw sa kanilang mga katawan habang sila ay lumulutang sa langit. Dahil magka-iba sila ng kapangyarihan, ay magkaiba ang kanilang kulay. Light para kay Drimeathrya, at dark naman para kay Muzan.
“Napakadali naman kasi makuha ng puso mo, mahal kong Dyosa,” mapang-asar na sagot naman ni Muzan.
“Manahimik ka! Hindi ito ang oras para makipagbiruan. Sisiguraduhin ko na mahahawakan ng sandata ko ang dugo mo!”
Biglang lumabas ang isang espada ni Drimeathrya sa kamay nito at biglang nagteleport sa likod ni Muzan, pero bago pa masaksak ni Drimeathrya si Muzan ay sangga ni Muzan gamit ang sandata nito ang sandata ni Drimeathrya.
Sabay silang nawala na parang hangin at nagteteleport sa kung saan-saan habang nilalaro nila ang kanilang mga sandata sa isa’t isa.
Sa sobrang galit na ni Drimeathrya. ay malakas na tinulak niya si Muzan gamit ang kaniyang sandata na nakadikit sa sandata ni Muzan. Nang makapaghiwalay sila sa isa’t isa naglabas si Drimeathrya ng malakas na liwanag na kapangyarihan.
Para naman maprotektahan ni Muzan ang kaniyang sarili ay naglabas din siya ng madilim na kapangyakihan gamit din ang kaniyang dalawang kamay.
Nang magkalapat ang kaniyang mga kapangyarihan, ay pinipilit nila ang kanilang sarili na itulak ang kanilang kapangyarihan para matalo ang kanilang kalaban. Parehas silang nahihirapan, pero nakagawa ng maduming balak si Muzan.
Inalis ni Muzan ang kaniyang kaliwang kamay sa pagdedefensa sa kapangyarihan ni Drimeathrya. Kaya ang kapangyarihan na inilalabas na lang ni Muzan ay kaunti.
Napangisi si Drimeathry nang maramdaman niya na mas lumalapit ang kapangyarihan niya kay Muzan.
Habang si Muzan naman ay naglabas ng madidilim na mga bola sa kaniyang kamay at inihagis ito kay Drimeathrya. Dahil sa ginawa niya ay nawalan ng focus si Drmeathrya. Doon na siya gumawa ng paraan para makuha ang leeg ng babae.
Nang masakal niya naman si Drimeathrya, ay tinignan niya ang mga mata ng babae na parang nagmamakaawa na pakawalan siya.
“Sa tingin mo ba bubuhayin pa kita ngayon?” seryosong sabi ni Muzan. Napapikit si Drimeathrya kasama ng mga luhang tumulo sa kaniyang mga mata.
“Mahal na ma-.” Hindi na natuloy ang sasabihin ni Drimeathrya nang bigla siyang saksakin ni Muzan sa puso.
“Saksakin at kuhain mo ang aking puso. Alagaan at hindi kita pababayaan. Kahit ang aking katawan ay maglaho at mawalan ng buhay,” sabi ni Drimeathrya sa kaniyang isip.
Unti-unti nang nawalan ng buhay si Drimeathrya at bigla na lang naglaho ang katawan ng Dyosa sa kalangitan.
Doon na nagsimula ang pagdilim ng kalangitan at pagpatak ng mga maliliit na tubig na galing sa kalangitan papunta sa ibaba ng Dream World.
Ang pagkatalo ng isang Dyosa ay isang parusa. Sinubukan nitong talunin ang kasamaan, para mabayaran ang kasalanan na hindi siya ninanais, pero hindi pa rin ito nagtagumpay.
Ang hindi alam ng lahat na ang kaluluwa ni Drimeathrya ay sasanib sa isang tao na magliligtas sa buong mundo. Ito ang pangalawang pagkakataon ni Drimeathrya para pagbayaran ang kasalanan na ginawa
niya.
Ginawa ito ng Bathala para hindi masira ang mundo na ginawa niya para sa mga Diyos at Diyosa.
“Magkakaroon ng pangalawang henerasyon na magpapabago sa mundong ito, at sana ang taong iyon ay kaya ang mga laban mangyayare sa hinaharap. Basbasan ka sana ng aming Bathala. Pagpalain ka sana at
alagaan ka niya,” sabi ng isang duwende na nakatingin sa madilim na kalangitan.
“Mag-uumpisa pa lang ang laban.”
“Malinaw ba sa’yo ang nakaraan ko, Aulora? ‘Yan ang dahilan kung bakit ako sumapi sa katawan mo at kung bakit nagkakaron ka ng problema ngayon.”
“Iyan ba ang sinasabi mo na malalaman ko ngayon?”
“Oo, madami ka ring malalaman kaya huwag kang mahihiyang magtanong dahil simula ngayon. Palagi mo na akong nasa tabi mo. Pwede rin akong maging ikaw kapag gusto kong ako ang magkontrol ng katawan mo. Simula ngayon ikaw na ang Goddess of Dream, Aulora. Tungkulin mo ang pangalagaan ang mundo ko at bigyan ng masasayang panaginip ang mga tao. Kapalaran mong lisanin ang mundong ‘to at iligtas ang mundo natin. Sa araw na ‘to. Ang kailangan na lang nating gawin ay makagawa ng paraan para makabalik sa Dream World. Kailangan mong maghanda dahil kapag nakapunta ka ron ay makikita mo agad ang lalaking sumira ng buhay ko. Iparamdam mo sa kaniya na mali ang ginawa niya. Na mali na kalabanin niya tayo.”
“Ikaw, ay ako. Ako ay ikaw?”