“Ang ganda talaga ng bahay niyo, Aulora. Pwede naman siguro ritong magbakasyon ng isang buwan hindi ba? Pwede bang hindi na ako bumalik sa Grimson City? Dito na lang ako hanggang mamatay ako.”
“Huwag kang magsalita ng hindi pa tapos. Xia. Masyadong mataas ang iniisip mo. Mahirap mag-isa rito. Minsan naiiwan ako rito mag-isa dahil hindi makakauwi ang magulang ko at ang mga kapatid ko naman ay nag-aaral sa Manila. Kaya kapag ginusto mo rito at walang kasama. Sigurado ako na maiisip mong mali ang desisyon mo,” mahabang magpapaliwanag ni Aulora habang sila ay naglalakad at nililibot ang bahay.
“Kaya ba pinilit mo ang magulang mo na mag-aral sa Grimson? Bakit ba ayaw ka nilang palabasin? Dahil ba nag-iisa ka nilang anak na babae? Ayaw ka nilang mahirapan o kaya may mangyareng masama sa’yo?” tanong naman ni Azaiah. ‘Sorry ang dami kong tanong. Ganito lang talaga ako kapag nacucurious. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong nang magtanong,” dagdag pa nito.
“Sa sobrang protective nila sa akin. Hindi na nila naiisip kung ano ang gusto kong gawin at kung ano ang nararamdaman ko. Hindi nila naisip na gusto ko rin pumunta sa ibang lugar at makakita ng mga bahay na wala sa island na ‘to. Katulad niyo, hindi ko kayo makikita kung hindi nila ako pinalabas sa bahay na ‘to.”
“Kung ako siguro ‘yan depress na ako ngayon.” Tinignan ng seryoso ni Eliezar si Azaiah kaya natahimik ito.
”May swimming pool kayo!” gulat na saad ng mga kaibigan niya nang makapunta sila sa likod ng bahay. Malaki ang swimming pool at merong jacuzzi. Para ka lang din nasa gubat dahil ang swimming pool ay gawa sa bato, pero hindi naman nakakasugat ang bato dahil makinis ito.
“Sayang wala kaming dalang pangswimming. Hindi mo naman kasi sinabi agad sa amin na nasa island pala ang bahay niyo. E ‘di sana nakadala kami hindi ba?” Pagkatapos sabihin ‘yun ni Nia ay biglang may sumulpot sa kanilang dalawang kasambahay na merong hawak-hawak na mga pangligo.
“Ito na po, Ma’am. Kinuha na po namin sa kwarto niyo ang mga bikini na hindi niyo na po ginagamit.”
“Pakilagay na lang po sa lamesa, ate. Salamat po.” Nang ilagay ng mga kasambahay ang pangligo sa lamesa ay umalis na ito. Pagkaharap niya sa mga kaibigan niya ay bigla siyang napalunok sa mga mukha ng mga kaibigan niya.
“Ano ‘yun?” tanong ni Lene.
“Nagpadala ako sa mga kasambahay ng mga pangligo niyo. Alam ko naman na hindi kayo aalis sa bahay namin na hindi nakakaligo ng dagat o kaya sa pool. Kaya naisip ko na kuhain ang mga bikini ko pati na rin ‘yun pangligo ng mga kapatid ko para kila Eliezar. Huwag kayong mag-alala, prepared naman ako sa lahat kaya chill lang kayo.” Lumaki ang ngiti ng dalawang babae at pumunta na sa lamesa para tignan ang mga bikini.
Si Lene naman ay lumapit kay Aulora.
“Hindi ako maliligo.” Kumunot ang noo ni Aulora at hinila si Lene papunta sa lamesa kung nasaan ang mga bikini, Kinuha niya ang bikini na kulay black at binigay kay Lene.
“Suotin mo ‘yan at maliligo ka kasama namin. Huwag kang kill joy dahil minsan lang ‘to. Sigurado ako na kapag bumalik na tayo sa Grimson ay hindi na natin ‘to magagawa. Mastress na naman tayo roon dahil may problema tayo.” Napabuntong hininga si Lene at sumabay na kila Nia para magbihis.
“Ano pa ang hinihintay niyong dalawa? Kumuha na kayo ng pangligo rito para makaligo na kayo. Sayang ang ating oras madami pa tayong gagawin dito.”
Ang balak kasi ni Aulora ay pagkatapos nila magswimming sa swimming pool ay pahinga ng kaunti sabay magjejetski sila sa dagat at kung ano ano pang ginagawang masayang bagay sa dagat.
Gusto niya kasi maging masaya ang mga kaibigan niya sa birthday niya. Matagal niya nang gustong gawin ‘to at ngayon nagagawa niya na ang mga gusto niyang gawin sa buhay niya. Kaya nga sobra-sobra ang pagsasalamat niya sa kaniyang magulang.
**
“Tama ba ang ginawa natin? Tama ba na pinayagan natin ang anak natin?” natatakot na tanong ni Gloria sa kaniyang asawa. “Pakiramdam ko hindi dapat natin pinapayagan na ang anak natin na ganito dahil natatakot ako na baka may mangyare sa kaniya ay bigla na lang siyang mawala sa atin.” dagdag pa nito.
“Kapalaran niya ‘yun, Gloria. Wala tayong magagawa kung hindi ang tanggapin kung mawawala sa atin ang ating anak. Hindi tayo ang magdedesisyon kung ano ang mangyayare sa kinabukasan ng anak natin.” Naramdaman ni Gloria ang pagtulo ng mga luha niya habang nakatingin sa anak niya na masayang naliligo sa swimming pool.
“Ngayon ko lang siyang nakita na ganito kasaya, Xaver. Napakasarap niyang panoodin na may ngiti sa kaniyang labi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayare sa atin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matatanggap kung mawawala ang anak natin. Ngayon pa nga na kasama pa natin siya hindi ko na tanggap.”
“Kailangan nating maging matatag para sa anak natin. Huwag mong ipakita sa kaniya na nalulungkot ka. Alam kong natatakot ka dahil sa panaginip mo noon, pero ienjoy na lang muna natin ang araw na ‘to habang kasama pa natin si Aulora. Hayaan na lang muna natin siya magsaya dahil buong buhay niya ay hindi siya nakaramdam ng ganitong saya.” Niyakap ni Xaver patalikod ang asawa niya at hinalikan ang ulo nito para pakalmahin.
“Maski ako nag-aalala rin para sa anak natin, pero mas nag-aalala ako sa’yo dahil hindi ka nakakatulog ng maayos kakaisip sa panaginip mo.”
“Parang totoo kasi ang panaginip na ‘yun, Xaver. Hindi mo naman ako masisisi hindi ba? Alam mong mahal na mahal ko si Aulora dahil siya ang nagbibigay ng liwanag sa pamilya natin.”
“Alam ko, kaya magpahinga ka na dahil ang mga tao na lang natin ang bahala sa kanila. Kailangan mo ng pahinga mahal ko. Hindi naman palagi gan’yan ka na lang. Samahan kita sa kwarto.”
**
“Nakakapagod,” na saad ni Nia at Xia habang paahon ng dagat. Sa sobrang pagod nila ay binagsak na nila ang kanilang katawan sa buhay. Pati na rin ang dalawang lalaki maliban na lang kila Lene at Aulora na ngayon ay nakatayo habang nakatingin sa kanila.
“Ang hina niyo naman,” pang-asar ni Aulora.
“Ang hirap kaya lumangoy sa ilalim ng tubig tapos may bitbit ka pang tank ng oxygen. Sino ba naman hindi mapapagod don? Pero worth it. Ang saya ko sa araw na ‘to. Nasubukan ko lahat ng hindi ko pa nasusubukan.” Napangiti si Aulora at humiga sa tabi ni Eliezar. Tumabi rin naman si Lene sa kaniya kaya lahat sila ngayon ay nakahiga sa buhangin.
Ang dami kasi nilang ginawa at ang huli ay ang mag scuba diving. Halos paulit-ulit ginagawa ni Aulora ang mga ginawa nila kanina at doon niya na laman kung gaano siya kaswerte dahil may mga tao pala na hindi pa nakakaranas ng mga naransan niya na dahil ‘yung iba ay walang pera.
Kaya masaya ngayon dahil naparamdam niya sa kaniyang mga kaibigan ang mga hindi pa nito naranasan.
“Para kaming nasa resort, Aulora. Maraming salamat,” singit naman ni Azaiah. Ipinikit ni Aulora ang kaniyang mga mata at pinakinggan ang alon ng dagat.
“Napaswerte mo dahil nasa sa’yo na ang lahat. Hindi mo na kailangan maghirap para sa kinabukasan mo dahil mayaman na kayo. Samantalang kami kailangan naming mag-aral ng maayos para makakuha kami ng maayos na trabaho. Wala naman kaming magagawa dahil ganito ang kapalaran namin. Hanggang dito lang kami. Minsan nga iniisip ko kung may maipagmamalaki pa ba ako sa mga magulang ko. ‘Yung tipong naghihirap sila para pag-aralin ako tapos ako parang nag-eenjoy lang at walang pake sa kanila.”
“You can do better. We can do better. Habang lumalaban ka dapat palagi mong sinasabi sa sarili mo na kaya mo. Kaya mo ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa’yo dahil hindi mo masasabi kung kailan sila dadating. Kaya mo, hindi mo lang sinusubukan. Matalino ka, tamad ka lang mag-aral. Isipin mo na merong madadating ang pinaghirapan ng magulang mo. Gawin mo ‘yung motivation para makatapos ka ng pag-aaral.” Lahat sila ay natahimik dahil ang haba ng sinabi ni Lene. Hindi rin sila makapaniwala na magsasabi si Lene ng gano’n dahil kilala nila si Lene na hindi masyadong nagsasalita at kapag nagsasalita ito ay maikli lang.
“Napepressure ako sa magulang ko.” Lahat sila napatingin kay Eliezar na nakatingin ngayon sa langit. “Maayos ang grades ko at lahat naman ng subject pasado, pero hindi sila kontento ron. Mas gusto pa nila na mas mataas ang grades ko na dapat daw mas mataas ako sa mga grades ng kaklase ko. I don’t know what to do.”
“Don’t mind them. Huwag mong hayaan na madamage ang mental health dahil sa mga sinasabi ng magulang mo. Isipin mo lang kung ano ang makakabuti sa’yo. Magfocus ka sa sarili mo huwag sa iba. Hindi mo rin naman kailangan ng mataas na marka para matawag na matalino. Basta nag-aaral ka ng maayos at hindi ka ka bulakbol ay matalino ka.” Tumingin si Eliezar kay Aulora at lumambot ang puso niya nang bigla itong ngumiti.
“Thank you,” bulong niya sa babae kaya namula ang pisngi nito.
“tara na nga sa loob. Kailangan na natin magbihis dahil kanina pa tayo nakababad sa tubig. Baka magkasakit tayo kinabukasan.
Habang naglalakad sila papunta sa bahay ay nasa likod sina Eliezar at Aulora.
“Hindi mo ba ipapakita sa kanila ‘yung water falls na pinakita mo sa akin kanina?”
“Hindi.”
“Why?”
“Dahil secret spot ko ‘yun.”
“Bakit mo pinakita sa akin kung secret spot mo ‘yun?”
“You’re special to me, Eliezar. Maayos na bang sagot ‘yun sa’yo?” Seryoso ang mga mata ni Aulora kaya nahihirapan si Eliezar na hindi paniwalaan ang babae. Bakit sa tuwing nagseseryoso ang babae ay mas lalo itong gumaganda?
“Lumilipad na naman ba ang isip mo? Pumunta ka na sa kwarto niyo para makabihis dahil bungad na bungad sa akin ‘yang katawan mo.”