Habang nasa ilalim ng tubig si Aulora ay nakita niya ang isang mukha na nakita niya sa kaniyang panaginip. Nakangiti ito sa kaniya at nagulat siya nang magbago ang kasuotan nito. Naging panglaban ang kasuotan nito.
Kaya niyang magtagal sa tubig dahil nakakahinga siya sa ilalim. Ang pinagtataka niya lang ay bakit niya nakikita ang mukha ng babae rito.
Nang makita niyang may sumaksak sa babae at nagsuka ng dugo ay biglang umilaw ang kaniyang mga mata at naramdaman niya sa kaniyang katawan ang saksak na nakuha ng babae.
Nagising siya sa katotohanan nang may humawak sa kaniyang balikat. Nang lingunin niya ito. Nakita niya si Eliezar na seryosong nakatingin sa kaniya.
Hinawakan siya sa kamay ng lalaki at tinulungan niyang makaahon sa tubig.
“Magpapakamatay ka ba? Hindi ba niyaya mo ako rito para maligo hindi para magpakamatay? Ano ba ang tumatakbo riyan sa isip mo, Aulora? Ilang minuto kita hinintay umahon, pero wala akong nakikitang Aulora sa tubig. Ano ba ang problema mo?” Gaano ba siya katagal sa tubig? Sa tagal niya ba sa ilalim ay hindi niya na napansin na kasama niya si Eliezar? Ano ba ang nangyare sa kaniya?
“Sorry.” Bigla tuloy siyang natakot maligo rito dahil baka makita at maramdaman na naman niya ang sakit na ‘yun. Sa sobrang sakit siya ng saksak ay para siyang mamamatay at imbis na huminga siya kanina sa tubig, ay hindi siya makahinga ng maayos. Para bang nararamdaman niya kung ano ang naramdaman ng babae na mamamatay na,
Ano ba ‘yun? Ano ang ibig sabihin ng pangitain na ‘yun? Kung hindi siya hnawakan ni Eliezar sigurado siya na baka patay na siya ngayon.
“Uminom ka muna. Baka biglang tumigil ang puso mo sa sobrang seryoso ng mukha mo.” Kinuha ni Aulora ang baso na may laman na juice sa kamay ni Eliezar at ininom ito. “Ano ba ang ginagawa mo ron? Ayus ka lang ba talaga?” dagdag pa nito, pero hindi pa rin siya sinasagot ni Aulora.
Nasa iba pa rin talaga ang utak ng babae.
Tinignan ng maayos ni Eliezar ang mukha ng babae na nakatingin sa kawalan at seryoso. Aaminin niya sa kaniyang sarili na maganda ang babae, pero ang weird kasi nito, Saka pakiramdam niya nakita niya na ang babae matagal na. Hindi niya lang naalala kung saan at kailan.
Hinawakan ni Aulora ang kaniyang puso at hindi ito tumitibok. “Anong nangyayare sa akin.” Kumunot ang noo ni Eliezar. “Hindi tumitibok ang puso ko, Eliezar. Patay na ba ako?” walang ganang dagdag pa nito.
“Hawakan mo.” Kinuha ni Aulora ang kamay ni Eliezar sabay inilagay sa dibdib niya. Naiilang si Eliezar nong umpisa dahil dibdib ng babae ang hawak niya, pero nang maramdaman niya ang mabilid na t***k ng puso ng babae ay napatingin siya sa mga mata nito. Umamo ang mukha niya bigla dahil ang mga mata ng babae ay nag-iipon na ng mga luha at sabay-sabay itong tumulo.
“Hindi tumitibok, Eliezar. Patay na ata ako,” umiiyak na saad nito kay anapangiti si Eliezar at pinunahan ang luha ng dalaga.
“Tumitibok pa rin, Aulora. Ano ba talaga ang nangyare sa’yo? Bakit parang takot na takot ka?”
“Namatay ako ng ilang segundo. Alam kong hindi mo napansin, pero ‘yun ang nangyare sa akin kanina.”
“Ano? Hindi kita maintindihan.” Nang hawakan ni Aulora ang kaniyang puso ay mas lalo siyang napaiyak, pero hindi dahil sa kalungkutan. Kung hindi dahil sa kasiyahan.
“Noong hinawakan ko ang puso ko kanina, hinfi ito tumitibok. Pero noong hinawakan mo ang puso ko, ay biglang tumibok.”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Nothing, let’s go back.”
Sino ang Eliezar na kasama niya ngayon? Bakit iba ang pakiramdam niya sa lalaking ‘to? Si Eliezar ba ang nagbibigay sa kaniya ng lakas? Ang lalaki ba ang kaniyang healer? Teka anong healer ba ang sinasabi niya? Eh hindi niya nga alam kung bakit sa tuwing hinahawakan siya ni Eliezar ay nagiging isang daan ang enerhiya niya. Hindi niya malaman kung ano ang nangyayare sa kaniyang sarili at ‘yun ang kailangan niyang malaman.
Isa ba ‘to sa sinasabi ng nuno noong na magbabago ang buhay niya kapag naging eighteen na siya? O kaya ‘yung nakita niya kanina ay isa sa mangyayare sa hinaharap? Ang dami niyang hindi alam na kailangan malaman. Masyado na siyang madaming iniisip.
Nang makapasok sila sa bahay ay dumeretsyo siya sa kaniyang kwarto na hidi pinapansin si Eliezar. Nahihiya siya sa lalaki dahil sa ginawa niya kanina.kaya hindi niya muna ito kinausap habang naglalakad papunta sa bahay nila.
Napatingin siya agad sa kaniyang pintunan nang may kumatok doon. Alam niya na nanay niya ang nasa labas ng kwarto kaya pinagbuksan niya ito ng pintuan sabay pinapasok sa loob.
“Ayus ka lang ba, anak? Nakita kita kanina na pumasok sa bahay na malungkot. Nag-away ba kayo ng kaibigan mo?”
“Hindi mo.”
“Ano pala ang nangyare? Alam mo naman na pwede mong sabihin sa akin ang lahat ng iniisip mo hindi ba?”
“May nangyare po kasi kanina, Mom. Pero ayaw ko po munang pag-usapan dahil hanggang ngayon po ay hindi pa rin ako nakakamove-on.”
“Boyfriend mo ang lalaking ‘yun at nagbreak kayo? ‘Yun ba ang ibig mong sabihin kaya hindi ka makamove-on?”
“Hindi po, Mom. Basta hindi po dahil sa aming dalawa ‘yun. Dahil po ‘yun sa sarili ko. Kaya po sana hanggat maaari ay ayaw ko po munang pag-usapan. Naiintindihan niyo naman po ako hindi po ba, Mom?”
“Yes, anak.” Niyakap siya ng kaniyang ina at lumabas na ng kwarto.
Pumunat siya sa balcony ng kaniyang kwarto at pinakinggan ang mga tunog ng mga ibon. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at pinakiramdaman ang tunog ng hangin, mga ibon, at ng dagat. Ginagawa niya ito palagi para siya ay kumalma.
Nang itaas niya ang kaniyang kamay ay mas lalong lumabas ang hampas sa kaniya ng hangin kaya napangiti siya, Ganito ang gusto niyang pakiramdam palagi. Ang sarap kasi sa pakiramdam na makakahinga ka ng maayos at walang iniisip na kung ano-ano.
Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay nakita niya sa baba si Eliezar na nakatingin sa kaniya. Nginitian niya ito, para isipin ng lalaki na ayus na siya. Hindi na nito kailangan mag-isip ng kung ano-ano.
**
“Ano kaya ang pwede nating gawin?” saad ni Xia sa dalawang babae. Kaya sila nakastay lang sa kwarto dahil nahihiya sila lumabas. Baka kasi isipin ng mga tao sa labas na kailangan lang naman sila, pero kung makakilos parang bahay na nila.
Bumuntong hininga si Lene at tumayo. Kakagising lang kasi nila at lalabas sana sila, pero naisip nila ‘yun. Kaya hindi sila makalabas hanggat hindi pa sila pinupuntahan ni Aulora, Si Lene naman ay sumasabay lang sa dalawang babaeng kasama niya kaya wala rin siyang balak lumabas.
Bubuksan na sana ni Lene ang pintuan para lumabas nang biglang may kumatok sa pinto.
“Sino ‘yan?” tanong ni Nia.
“Hindi ko alam. Hindi ko pa nabubuksan hindi ba? E ‘di hindi ko alam kung sino?” Napakamot na lang ng ulo si Nia. Tama nga naman si Lene.
Nang buksan ni Lene ang pintuan ay bumungad sa kanila si Aulora.
“Bakit hindi kayo lumalabas? Sina Eliezar at Azaiah nalibot na ang bahay namin kayo hindi pa. Nahuhuli na kayo,” natatawang saad ni Aulora nang makapasok siya sa kwarto sabay umupo sa kama ni Lene.
“Nahihiya kasi kami. Baka may masabi ang magulang mo o kaya ang mga tao sa labas na masama tungkol sa amin. Hindi naman kami bagay dito dahil mahirap lang kami.” Napabuntong hininga at tinignan ng seryoso si Xia.
“Hindi niyo kailangan maging mayaman para makapasok kayo sa bahay namin. Walang mag-iisip ng masama sa inyo. Pwede niyong gawin ang gusto niyong gawin. Basta huwag kayong mahiya. Hindi ko na kailangan mag-explain. Lumabas na kayo dahil sasamahan ko kayo maglibot sa bahay at island namin.”
Pagkatapos sabihin ‘yun ni Aulora ay hinala niya ang dalawang magkaibigan palabas ng kwarto.
“Ang dami niyong inarte riyan. Ang magulang ko na nga nagsabi sa inyo na kahit anong gusto niyang gawin ay magagawa niyo rito at dapat maging feel at home kayo.”
“Ngayon na ba tayo maglilibot?” tanong ni Nia.
“Hindi muna dahil sabi sa akin ni Mom na kakain na tayo ng tanghalian kaya pinuntahan ko kayo. Napansin ko rin naman na hindi pa kayo lumalabas ng kwarto. Si Mom ang nagluto kaya sigurado akong masasarapan kayo sa luto niya.”
“Marunong pala magluto mommy mo e. Kahit mayaman kayo ay pinagluluto pa rin niya kayo.”
“Ngayon na lang ulit nagluto mom ko dahil namiss ko at birthday ko. Siya rin magluluto ng handa ko mamayang gabi.”
“Ahh, mamayang gabi pa pala ang celebrate ng birthday mo? Oo nga pala. One night and two days tayo rito. Buti na lang talaga may mga dala akong damit,” singit ni Nia.
Nang makapunta punta sila sa dining area ay nakita na nila ang pamilya ni Aulora at ang dalawang lalaki nilang kaibigan.
“Tayo na lang pala ang hinihintay, Aulora. Bakit hindi mo man lang sinabi sa main? E ‘di sana kanina pa kami lumabas ng kwarto. Nakakahiya,” hiyang-hiyang saad ni Xia.
“Nandyan na pala kayo. Halina kayo mga dalaga. Masama pinaghihintay ang biyaya. Buti naman ay lumabas na kayo sa kwarto niyo. Sinabi ko nga kay Aulora na puntahan kayo kasi baka nahihiya kayo sa amin. Huwag kayong mahiya dahil hindi naman kami pumapatay ng tao,” natatawang saad ng nanay ni Aulora.
Nang makaupo sila sa hapag kainan ay ang tatay ni Aulora ang naglead ng prayer.