Nakita ni Aulora ang kaniyang dalawang kapatid na tumakbong masaya papunta sa kaniya. Kaya Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay para yakapin ang dalawang kapatid.
“Happy birthday!” masayang saad ng dalawa at niyakap ng mahigpit ang dalawang kapatid.
“Ang gwapo naman ng dalawang ‘to. Tama nga ang hula ko na gwapo ang mga kapatid ni Aulora. Halatang nanggaling sila sa mayaman na pamilya, pero hindi ko naman akalain na sobrang yaman at gwapo nila noh,” bulong ni Xia kay Nia. Kaya napailing siya sa kaibigan.
“Kumusta kayo? Bakit lumaki ka Jasper?” saad ni Aulora at umalis na sa yakap ng kaniyang mga kapatid.
“Namiss ka namin, ate. Alam namin na namiss mo rin kami kahit napakakulit namin,” sagot naman ni Sandrick. “Saka lalaki talaga ‘yang si kuya dahil mahilig ‘yan magjakol,” dagdag pa nito na nagpatawa kila Azaiah, Nia, Xia, at Aulora.
“Hoy! Manahimik ka nga riyan. Puro ka kabastusan. Mahiya ka naman sa mga kaibigan ni ate,” inis at nahihiyang saad ni Jasper.
Humarap ang dalawang lalaki sa mga kaibigan ni Aulora.
“Ito nga pala ang mga kapatid ko. Si Jasper ang pangalawa at si Sandrick naman ang bunso. Pagpasensyahan niyo na sila. Gan’yan talaga ‘yang dalawa rito sa bahay kaya minsan hindi ako nabobored. Minsan nga bigla-bigla na lang silang papasok sa kwarto ko para inisin ako.”
“Ang sama mo talaga sa amin, ate. Hindi ka ba naaawa sa mga kapatid mo? Pinapahiya mo na kami sa mga kaibigan mo ah. Parang hindi ka naman kapamilya,” paiyak na saad ni Sandrick.
Magsasalita na sana si Aulora nang maramdaman niya na malapit na ang kanilang magulang sa kanila.
“Ano pa ang ginagawa niyo riyan? Bakit hindi pa kayo pumasok sa loob? Baka gusto nang magpahinga ng mga kaibigan mo, Aulora. Papasukin mo na sila.” Napangiti siya nang makita niya ang kaniyang nanay na papalapit sa kanila. “Manang, pwede bang pakisamahan ang mga kaibigan ni Aulora sa kanilang tutulugan? Para makapagpahinga na sila,” dagdag pa nito.
“Mom, ang mga kaibigan ko po pala. Sila Xia, Nia, Eliezar, at Azaiah. Sila po ‘yung sinasabi ko sa inyong bago kong kaibigan.” Binati ng nanay niya isa-isa ang kaniyang mga kaibigan at nang makaalis ang mga ito ay niyakap niya si Aulora.
“Hindi pa ba kayo aalis dito? Ano ang tinatayo-tayo niyo riyan?” seryosong saad ng kaniyang ina sa mga kapatid niya na lalaki. Kaya walang nagawa ang dalawa kung hindi ang pumasok sa loob ng bahay.
“Ayus ka lang ba, anak? Meron ka bang nararamdaman sa katawan mo? Sabihan mo lang ako kapag meron ah? Para maagapan natin.” Hinawakan ni Aulora ang pisngi ng kaniyang ina at niyakap ulit.
“I missed you, Mom,” malambing na saad niya. Hinayaan niya lang na tumulo ang mga luha niya hanggang sa dumating ang tatay niya na nakangiti habang pinapanood silang dalawa.
Nang matapos ang kanilang yakapan ay pinunasan ni Aulora ang kaniyang luha at lumapit sa kaniyang tatay para yakapin ito.
“Namiss ko ang yakap mo, anak.” Ngumiti si Aulora at tinanggal ang kanilang yakap. “Lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang kami at gagawa kami ng paraan para matulungan ka. Huwag mong kakalimutan ‘yan,” dagdag pa nito na nagpaiyak sa kaniya.
“Para naman pong mamamatay ako.”
“Sinasabi lang namin dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayare sa’yo pagkatapos ng araw na ‘to o kaya mamaya. Gusto ko handa kami ng mommy mo. Hayaan mo na kami, anak. Ikaw lang ang nag-iisa naming babaeng anak kaya hanggat maaari ay poprotektahan ka namin.”
Yumuko si Aulora dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Kung may mangyare mang hindi kanais-nais. Sigurado siya na siya ang magpoprotect sa kaniyang pamilya hindi sila. Dahil siya lang ang may kapangyayarihan para gawin ang lahat ng gusto niyang gawin.
Nagpapasalamat siya na meron siyang mga pamilya na ganito. Nakakaramdam siya ng masamang mangyayare. Kaya gusto niya rin maging handa. Pakiramdam niya maaga siyang mawawala sa mundong ‘to, pero huwag naman sana dahil hindi niya pa kaya iwan ang mga taong mahalaga sa buhay niya.
Kung mawawala man siya ng maaga. Gusto niyang matapos agad ang mga gusto niyang gawin sa lupa bago pumunta sa itaas. Gusto niya munang maramdaman ang pinakamasayang ala-ala ng buhay niya, pero hindi niya alam kung paano o ano ‘yun. Hindi niya alam kung saan magsisimula o ano ang gagawin.
“Nandito pa ako, Dad. Huwag ka pong mag-isip ng kung ano-ano dahil bak apo magkatotoo. And also nakilala mo na ba ang mga kaibigan ko? Kakapasok lang nila sa bahay bago ka dumating.”
“Yes, they’re good, hindi sila katulad ng mga taong nakikita ko na masama ang isipan. Magaling ka talaga pumili, anak. Pero bakit ang seryoso naman ng kaibigan mo na si Lene at Eliezar? Ayus lang ba sila? Sigurado ka ba na gusto nila rito? Baka pinilit mo lang sila ah.”
“No, Dad. Gano’n lang talaga sila dahil meron silang pinagdadaan. Sinabi ko sa kanila na para mabawasan ang stress nila ay sumama sila sa akin dahil masarap magpahangin sa island na ‘to.”
“Napalaki ka talaga namin ng mommy mo ng maayos.” Niyakap siya ng kanyang magulang hanggang sa makadating ang kaniyang mga kapatid ay nakisali sa kanilang yakap.
**
“Kaya pala ang ganda at gwapo ng kanilang anak dahil ang ganda ng kanilang magulang. Inggit na inggit ako sa pamilya ni Aulora,” paiyak na saad ni Xia. Sa kanilang lahat talaga ang maingay ay si Xia.
Magkahiwalay ng kwarto ang lalaki at babae. Kaya magkasama ang tatlong babae.
Habang inaayos ni Lene ang kaniyang gamit sa kabinet, ay tinignan niya si Xia.
“Don’t be.” Lumaki ang mga mata ni Xia dahil nagsalita si Lene.
“Ang ganda naman kasi ng pamilya nila. Ang perfect nilang lahat. Wala siguro silang problema. Ang saya siguro nilang lahat.” Kumunot ang noo ni Lene, pero hindi na siya nagsalita dahil pagod siya sa byahe. Ayaw niya rin pagsabihan ang isang bata na wala namang maiintindihan.
“Manahimik ka nga riyan, Xia. Kahit madami silang pera o mukha silang masaya, ay meron pa rin silang problema dahil hindi naman mawawala sa isang tao ang problema. Malay mo mas malala pa ang problema nila kaysa sa atin hindi lang natin alam dahil wala naman tayong karapatan para malaman ang kanilang problema. Huwag kang magsalita ng tapos dahil wala tayo sa stenelas nila.”
Pinanood nina Xia at Nia si Lene na humiga sa kama nito at pinikit ang mga mata nito para magpahinga.
“Huwag ka nang maingay dahil kapag nagising ‘yan. Magagalit ‘yan sa atin. Hinaan mo lang nag boses mo kapag magsasalita ka. Alam mo naman ‘yan magalit. Mas nakakatakot pa sa dragon.”
“Lower your voice, Nia. Naririnig ko kayo. Kung gusto niyong mag-usap lumabas kayo rito.” Nagkatinginan ang magkaibigan at humiga na sa kanilang mga kama para magpahinga.
Lahat talaga sila pagod na pagod kaya nakatulog agad.
**
Lumabas si Aulora sa kaniyang kwarto para pumunta sa kusina dahil kukuha siya ng mga pagkain para maidala sa water falls. Namiss niya na kasi ang tubig doon. Gusto niya sanang maligo.
Nang makapasok siya sa kusina ay nakita niya ron si Eliezar na nakaupo sa bar side.
“Nagugutom ka ba? Kaya ka nandito?” Napatingin si Eliezar sa kaniya. Pumunta si Aulora sa refrigerator ay kuha ng juice. Kumuha rin siya ng mga pagkain sa pantry. “Madami ako rito. Baka gusto mong samahan ako?” dagdag pa nito.
At dahil bored si Eliezar ay wala siyang nagawa kung hindi ang samahan at sundan si Aulora.
“Saan tayo pupunta?”
“Sa paborito kong spot dito sa island namin.” Dahil walang alam si Eliezar ay sinundan niya na lang si Aulora.
Lumabas sila ng gate at dumaan sa gubat na madaming puno ay madamo.
“Hindi ba tayo hahanapin ng magulang mo? Saka hindi ba tayo makikita ng mga security?”
“Huwag kang mag-alala. Kung makikita tayo ng mga security ay wala silang pakeelam at mag-aact sila na parang walang nakita. Tungkol naman sa mga magulang ko ay hindi nila ako hahanapin dahil busy sila para maghanda ng pagkain natin mamaya.” Ilang minuto rin sila naglakad para makapunta sa kanilang pupuntahan.
“Close your eyes. Huwag mong bubuksan ‘yan kapag hindi ko sinasabing buksan mo.”
Nang makita ni Aulora na nagsara ang mga mata ni Eliezar, ay agad siyang naglaho papunta sa water falls at inalis ang mga magic na ginamit niya at inalagay sa may kumot ang kanilang mga pagkain.
Pagkatapos niyang gawin ‘yun ay naglaho ulit siya papunta kay Eliezar. Inalalayan niya ito papunta sa water falls.
“Buksan mo na ang mga mata niyo.” Nang buksan ni Eliezar ang mata niya ay hindi siya makapaniwala sa ganda ng water falls. Mabilis kasi ang pagbaba ng tubig ay ang tubig ng falls ay napakalinaw.
“Ang ganda ano? Ligo tayo.” Napalunok ng laway si Eliezar nang makita niyang si Aulora na naghubad ng t-shirt at short. Lumabas ang magandang shape ng katawan ni Aulora, Bagay din sa babae ang kulay red na bikini dahil maputi ang kutis nito.
Nagdive si Aulora sa tubig ay nang maihon nito ang mukha niya ay nginitian niya si Eliezar.
“Maligo ka na rin. Ito talaga ang pinunta ko rito dahil namiss ko ang lamig ng tubig dito.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay lumubog ulit ang babae sa tubig.