Kabanata XIX

1662 Words
Tuwang-tuwa sina Nia, Xia, at Azaiah dahil hindi sila makapaniwala na nakasakay na sila ng yacht. “Renta niyo ba ‘to, Aulora? Ang ganda kasi. Pakiramdam ko ang yaman-yaman ko na. Kanino kaya ‘to. Sobrang yaman siguro ng may ari nito.” Hindi alam kung ano ang sasabihin ni Aulora. Umupo siya ng maayos sa akin kaniyang upuan at tinignan ang driver nila. Nasa loob na kasi sila ng yacht at hindi naman masyadong malaki dahil family yacht nila ‘to. Hindi sila nagpapasakay ng kahit sino sa loob. Pinayagan lang siya ng kaniyang magulang dahil unang kaibigan niya ang pupunta sa bahay nila at birthday niya. Modern yacht kasi ang yate nila kaya nagagandahan ang mga kaibigan niya. Sina Lene at Eliezar naman ay tahimik lang habang ginagamit ang kanilang cellphone at kumakain ng pagkain. “Private yacht po nila Miss Aulora ‘to, Ma’am. Ang totoo po niyan pamilya lang po ang pwedeng sumakay dito, pero dahil kayo po ang una niyang kaibigan ay pinayagan po siyang gamitin niyo ‘to. Meron po kasi silang yacht para po sa mga bisita ng family nila.” Napanganga ang tatlo sa sinabi ng driver at tumingin kay Aulora na ngayon ay tinatakpan ang mukha dahil sa hiya. Ang hindi alam ni Aulora ay simpleng sumusulyap sa kaniya si Eliezar at muntikan pa itong tumawa dahil nakikita niya ang babae na nahihiya. “Baka gusto mo kaming ampunin, Aulora. Sigurado ako na kapg nalaman ng magulang ko na mayaman kayo ay hindi ‘yun magdadalawang isip pumirma para sa adoption.” Tinanggal ni Aulora ang kamay nito sa kaniyang mukha at tinignan si Xia, sabay nginitian. “Biro ba ‘yun?” nagtatakang saad ni Aulora kaya tumawa silang tatlo. “Mas lalo akong nacucurious sa bahay niyo, pero ‘yung sinabi ng driver niyo kanina. Totoo ba na kami ang una mong mga kaibigan? Saka bakit nasa island ang bahay niyo? Ang weird naman non.” “Ang dami mo namang tanong, Xia. Sorry, Aulora,” nahihiyang singit ni Nia. Umiling naman si Aulora at nginitian ang mga kaibigan niya. “Totoo ‘yun dahil buong buhay ko nakakulong ako sa bahay namin. Ngayon lang ako nakalabas ng bahay dahil pinilit ko ang magulang ko. At kaya nasa island ang bahay namin dahil gusto ng magulang namin na tahimik ang paligid at walang masasamang tao na makakapasok sa island.” “Ang ibig mo bang sabihin ay may security ang island niyo? Walang makakapasok na tao kung hindi niyo kilala o kaya hindi niyo pinapunta?” “Wala naman talagang pumupunta sa bahay namin. Wala akong nakilalang ibang tao kung hindi ang mga security, magulang ko, mga kapatid ko, at ang mga kasambahay namin, Ang sinasabi na yacht ng driver namin ay for emergency lang. Kayo pa lang ang nakakapasok sa bahay namin na galing sa labas.” “Ilang beses mo ba kaming gugulatin? Masyado kang madaming sikreto, Aulora. Hindi na kakayanin ng mga utak namin.” Tinignan ni Aulora si Lene na ngayon ay nakatingin sa kaniya. Bigla tuloy tumahimik ang paligid. Tumayo si Aulora at lumabas ng yacht. Pinanood niya ang dagat. Dahan-dahan lang naman ang takbo ng yacht kaya hindi siya malalaglag. Nang yumuko siya nakita niya ang sarili niya sa tubig at bigla niya na lang nakita si Eliezar sa tabi niya. “Ano pa ang tinatago mo sa amin?” Kumunot ang noo ni Aulora at tinignan sa mata si Eliezar. “Alam kong madami kang tinatago sa amin. Isa bang drug dealer ang magulang mo?” dagdag pa nito na nagpatawa kay Aulora. “Hindi ako nakikipagbiruan, Aulora. Huwag kang tumawa. Kaya ba mayaman kayo dahil drug dealer ang magulang mo? Ang dami mong sikreto kaya baka isa ‘yun sa sikreto mo. Kung isa ‘yun. Huwag mo na kaming idamay dahil maayos ang buhay namin.” Mas lalong napatawa si Aulora. Hindi niya alam kung paano magsasalita dahil hindi niya mapigilan ang pagtatawa. “Ano? Tatawa ka na lang ba riyan?” “Teka.” Hinawakan ni Aulora ang kaniyang tiyan at inayos ang sarili. Hindi siya makahinga ng maayos at ramdam niya ang mga mata niya na may tumutulo na luha. Ang akala niya pa naman habang buhay ng seryoso si Eliezar. Magaling pa rin pa lang magbiro ang lalaki. “Ewan ko sa’yo.” Aalis na sana si Eliezar nang pigilan siya ni Aulora gamit ng paghawak sa pulsuhan ng lalaki. “Bakit mo ba kasi naisip na drug dealer ang magulang ko?” tumatawang saad ng babae. “Hindi ba pwedeng maayos ang trabaho ng magulang ko kaya kami mayaman? Masyado naman atang mababa ang tingin mo sa magulang ko,” dagdag pa nito. “Hindi naman sa gano’n. Nagtataka lang ako at hindi naman mabilis yumaman ngayon noh.” “Simula bata pa lang ang magulang ko, ay mayaman na sila. Hindi nila [inaghirapan ang kayamanan na meron sila ngayon. Kung hindi pinapalago pa nila at mas lalo silang nagpapayaman.” “Masarap siguro magsayang ng mga pera sa hindi mo kailangan.” Hindi alam kung ano ang sasabihin ni Aulora dahil parang iba ang pagkakasabi ng lalaki pati na rin ang tono ng boses nito. Para bang naiinis ito na nang iinis. “Ano?” “Masaya ba maging mayaman?” Paano ba sagutin ang tanong ni Eliezar? Masaya ba maging mayaman? Naramdaman niya ba ang saya? Masaya ba siya dahil mayaman siya? “For me it’s not.” “Dahil mayaman ka. Paano naman ang mga taong mahirap na gustong yumaman?” “Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman kung ano ang totoong saya. Simula nong nakaalis ako sa bahay namin at nakakilala ng mga taong kaibigan ko ngayon. ‘Yun ang totoong saya na matagal ko nang hinahanap. Kaya para sa akin, hindi kayamanan ang magpapasaya sa lahat. Ang kayamanan ang makakasira sa isang tao.” “It’s easy for you to say that, pero sa aming mahihirap. Ang nagpapasaya sa amin ay pera.” “Nasa isip mo lang ‘yan dahil gusto mong lumuwag ang buhay mo, pero nagkakamali ka. Hindi lahat ng mayayaman ay masaya. May mga mayayaman na nagpapayaman at hindi na iniintindi ang kanilang sarili o kaya ang kanilang pamilya. Meron din namang palaging stress at pagod dahil sa kanilang trabaho, katulad ng mga magulang ko. Alam kong pagod sila palagi sa tuwing dumadating sila sa bahay namin. Kaya huwag mong sabihin sa akin na ang pera ang nagpapasaya sa lahat ng tao. Dahil mali ka nang iniisip.” Naging seryoso ang mukha ni Aulora kaya hindi na nakapagsalita si Eliezar.  Iniwan ni Aulora sa labas si Eliezar dahil ayaw niya nang makipag-usap ng seryoso. Para kasing sinasabi ng lalaki na nagpapakasaya lang sila sa pera. Habang sila ay naghihirap sa buhay na hindi naman nila pinili. Eh anong magagawa niya? Nabuhay siya sa mga taong may pera at wala siyang magagawa ron. Hindi niya pwedeng sabihin sa Bathala na ipanganak siya sa magulang na mahirap. “Are you okay?” tanong ni Lene sa kaniya nang makaupo siya sa tabi nito. Tungo lang ang sagot niya sa babae dahil hindi niya alam kung ayus lang ba siya o hindi. Nababother kasi siya sa sinabi ni Eliezar. Masyado ba siyang spoiled para sabihin siya ng gano’n? “Miss malapit na po tayo,” singit ng driver kaya tumayo na silang lahat para kuhain sana ang kanilang mga gamit. “Kami na po ang bahala sa mga gamit niyo. Dumeretsyo na po kayo sa sasakyan at hintayin niyo na lang po ron,” dagdag pa nito kaya tumungo si Aulora. Nasanay na rin naman siya sa buhay na ganito kaya hinahayaan niya na lang. Kapag kasi nalaman ng magulang niya na ginagawa niya ang trabaho ng kanilang katulong ay baka mawalan ng trabaho ang mga ‘to. Nang makababa sila ng yacht ay nakahanay ang limang lalaki na nakasuit sa tabi ng sasakyan na kanilang gagamitin papunta sa bahay nila. “Welcome back, Miss Aulora.” Lahat ng lalaki ay nagbow sa kaniya. Hindi na lang siya nagsalita at pumasok na sa kotse. Nang makapasok ang mga kaibigan niya ay tumatawa ang tatlo habang sina Lene at Eliezar ay seryoso lang na nakatingin sa kaniya. “Normal lang ba ‘yung mga ginagawa nila sa tuwing dumadating ka sa bahay niyo?” tanong ni Nia. “Hindi.” “Bakit sila gano’n?” “Dahil birthday ko?” “Sabagay, pero ang weird naman non. Kapag siguro ako binati ng gano’n. Pakiramdam ko prinsesa na ako at napakaspecial kong tao sa buong mundo.” Napabuntong hininga si Aulora at tinignan si Xia. “Siguro para sa’yo gano’n ang mararamdaman mo, pero para sa akin hindi.” “Bakit naman?” “Nothing.” Buong byahe ay tahimik si Aulora. Nasasaktan pa rin siya sa sinabi sa kaniya ni Eliezar. Masaya dapat siya sa araw na ‘to, pero hindi niya alam kung bakit siya malungkot. Hindi kasi nila alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya. Buong buhay siya nagtiis sa isang buhay at island na ikinalakihan niya. Kahit anong pilit niya sa sarili niya ay hindi niya pa rin talaga kaya. Lumalaki siyang libro lang ang karamay. Kaya kahit papaano ay may alam siya kung ano ang nangyayare sa labas o kaya kung ano ang meron sa labas. Nang makita ni Aulora na papasok na sila ng gate ay pinanood niya ang kaniyang mga kaibigan na manghang-mangha dahil malaki ang kanilang gate. Para silang mga bata na unang beses lang makakita ng malaking gate at magandang bahay. “Ang swerte mo, Aulora.” masayang saad ni Xia nang makababa sila ng sasakyan. Pinagmasdan niya ang kanilang bahay. Inaamin niya na namiss niya ang bahay na ‘to. Lalong-lalo na ang pamilya niya. Biruin mo ‘yun ilang araw lang siya nawala ay namiss niya na agad sila. “Ate!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD