Kabanata XVIII

1681 Words
Nagising si Aulora sa kaniyang pagtulog na masakit ang ulo at uhaw na uhaw. Ang buong katawan niya naman ay basang-basa ng pawis. Pumunta siya sa kanilang kusina para kumuha sa refrigerator ng malamig na tubig ay ininom ito. Sa sobrang uhaw niya ay hindi pa ‘yun sapat. Kaya kumuha pa siya ng isa pang bote ng malamig na tubig at inubos ito. Nang itapos niya ang bote ay bigla siyang napahawak sa kaniyang ulo dahil mas lalong sumakit ito. Parang binibiak ang ulo niya sa sobrang sakit at hindi ‘yun mawala-wala. Pinuntahan niya ang mga kama ng knaiyang kaibigan para manghingi ng tulong, pero wala ang mga kaibigan niya roon. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumasok sa banyo at paliguan ang sarili sa malimig na tubig. Baka kasi ‘yun lang ang kailangan niya para mawala ang sakit. Mga ilang minuto siyang nakababag sa shower, pero hindi nawala ang sakit. Iniyak niya na ang sakit, pero hindi pa rin nawawala. Natatakot siya na baka buong buhay niya na maramdaman ang sakit ng ulo niya dahil madalas na itong sumakit. Natatakot siya na baka iyon pa ang papatay sa kaniya. Ayaw pa naman niya mawala sa mundo dahil hindi niya pa nasasagot ang mga katanungan na paulit-ulit niyang tinatanong sa kaniyang sarili. Hindi niya pa rin alam kung sino ang babaeng boses ang naririnig niya sa utak niya. Umikit siya at nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay nakita niya ang pinakamagandang buwan na nakita niya sa bupng buhay niya. Napakaliwanag ng buwan at napakalaki. Gusto niyang mahawakan ito, pero napakalayo niya. Naalala niya noong bata siya na sinabi niya sa kaniyang magulang na gusto niyang makatapak sa buwan at hanggang ngayon ay pangarap niya pa rin. “Ang buwan ang magtuturo sa’yo ng daan kung saan pa papatungo. ‘Yan ang magbibigay sa’yo ng liwanag at buhay dahil ang buwan lang ang makakatulong sa’yo habang buhay.” para bang may bumulong na babaeng boses sa tenga niya at doon niya lang napansin na nawala na ang sakit ng ulo niya. Minsan iniisip niya kung ano ang parte ng buwan sa buhay niya. Pati na rin ang babaeng bumubulong sa tenga niya sa tuwing kailangan niya ng tulong. “Dadating din ang oras para makilala mo ako. At sana kapag nawala ang totoong Aulora. Hindi mo siya makakalimutan at hindi mo makakalimutan ang mga kaibigan na nandiyan ngayon sa’yo. Malapit na akong bumalik. Maghintay ka lang.” “Huwag nga kayong maingay. Nakita niyo naman na natutulog si Aulora.” Ang dami kasing pinag-uusapan nina Nia, Xia, at Azaiah. Habang sina Lene at Eliezar ay nakatingin lang sa kanilang bintana. Tumahimik silang bigla dahil sa sinabi ni Lene. Sa sobrang ingay kasi ng tatlo baka magising si Aulora. Ayaw naman ni Eliezar na siya ang magsaway sa tatlo dahil kapag siya ang nagsasaway, ay maingay din. Sigurado siya na magigising si Aulora sa boses niya. “Ang ganda!” manghang saad ni Xia nang makita niya ang magandang dagat sa bintana ni Lene. Nasa taas kasi sila ng bundok pababa. Kaya makikita nila ang view ng magandang dagat. Dahil sa malakas na boses ni Xia, ay nagising si Aulora at nakita niya rin ang dagat, pero hindi siya sa dagat nakafocus. Nakafocus siya sa island kung nasaan ang bahay nila at kung saan sila pupunta. “Mas lalo akong nacucurious sa bahay niyo, Aulora. Pakiramdam ko napakaganda ng bahay niyo,” basag ni Azaiah sa katahimikan. Naeexcite si Aulora na kinakabahan. Baka kasi makita ng mga kaibigan niya ang mga sikreto niya sa gubat. Ang dami niyang tinatago ron katulad ng mga playground na lumulutang at ang training ground niya sa ibabaw ng ilog at taas ng mga puno. “Dadaan po ba tayo sa paburitong seafood ng Mommy niyo?” tanong ng driver kay Aulora. Nang tumingin si Aulora ay napansin niya ang sasakyan na derederetsyo papunta sa kanila. Ipinikit ni Aulora ang kaniyang mga mata at sinubukan na pahintuin ang sasakyan. Nang maramdaman niyang huminto na ito ay binuksan niya na ang kaniyang mga mata at masamang tinignan ang driver nila. “Kapag may itatanong ka sa akin. Huwag kang titingin sa front. Palagi ka dapat nakafocus sa daan. Nagkaka-intindihan ba tayo rito?” Tumungo lang sa kaniya ang driver at nagsorry. Ayaw niyang may mangyareng masama sa kanila o kaya sa magulang niya kung ganito ang kanilang driver. “Yes, dadaan pa tayo dahil hindi naman pwedeng pumunta tayo ron na walang dala. Saka paborito ni Mom ‘yun. Baka magtampo siya sa akin kapag hindi ako bumili,” dagdag pa nito. “Sige po. Sorry po ulit.” “Anong nangyare?” bulong sa kaniya ni Lene. “Muntikan na tayong mabangga. Hindi mo rin napansin ‘yun hindi ba? Mabilis kasi ang pagyayare at ayaw kong mapansin niyo ‘yun.” Tumungo si Lene bilang sagot dahil hindi niya naman talaga kung ano ang nangyare. Baka nga pati rin ang driver ay wala ring alam kung ano ang nangyare. Nang makapunta sila sa seafood restaurant at si Aulora na lang ang bumaba dahil kukuhain lang naman niya ‘yung inorder niya. “Goodmorning po, Ma’am,” bati ng mga nagtatrabaho restaurant nang makapasok niya sa loob. “I’m here for my order. Ako ‘yung tumawag sa inyo kahapon,” saad niya sa babae na nakatayo sa counter para kuhain ng order niya. “Kayo po ba si Miss Aulora?” “Yes.” “Ulitin ko lang po ang order niyo, Ma’am. Dalawang family bundle po ba?” “Yes.” “Sige po, maghintay na lang po kayo riyan sa upuan. Kami na po ang bahala na ibigay sa inyo ang order niyo po. Nakaready naman na po ‘yun kukuhain na lang po.” “Okay.” Habang naghihintay si Aulora ay biglang pumasok sa loob ng restaurant si Eliezar. “Bakit ka nandito?” Hindi sinagot ng lalaki ang tanong niya dahil derederetsyo ito papunta sa cr. Kaya siguro hindi na siya nito sinagot dahil pupunta naman sa cr ang lalaki. “Ang cold talaga ng lalaking ‘yun.” Tumayo siya nang makita niya ang babaeng kausap niya kanina na bitbit ang kaniyang order. “Ito na po, Ma’am.” Nang kuhain niya ang kaniyang order ay lumabas lahat ng mga nagtatrabaho sa kusina. Meron silang hawak na cake at isang maliit na regalo. Sa sobrang gulat niya ay hindi niya napansin na kumakanta na pala ang mga ‘to ng happy birthday. Hindi siya makapaniwala na alam nila na birthday niya ngayon. Baka sinabi ng nanay niya na birthday niya ngayon kaya alam nila. “Happy birthday po, Miss Aulora.” Hinarap nila ang cake sa kaniya at blinow niya ang apoy. Lahat bumati sa kaniya. Kaya pakiramdam niya napaka special niya. Ibinigay sa kaniya ang regalo at nagpasalamat siya sa lahat. “Walang anuman po, Miss Aulora. Sinabi po kasi ng Mommy niyo last week na birthday niyo raw po ngayon kaya naisip po namin na batiin kayo. Sakto naman po na pupunta kayo rito,” saad ng lalaki na may hawak ng cake. “Marami pong salamat. Bibigyan ko na lang po kayo ng handa ko. Sasabihin ko po kay Mommy na tirahan po kayo o kaya po magluto po ulit siya para po sa inyo.” “Hindi na po namin kailangan, Miss Aulora. Ang mahalaga po ay nabati namin kayo. Ang pamilya niyo po kasi ang may dahilan kung bakit umunlad ang aming kainan.” “Sadyang masarap lang po ang mga pagkain dito at nagustuhan po namin.” “Sige po, Miss Aulora. Baka po hinihintay na po kayo ng pamilya niyo. Mag-iingat po kayo at salamat po. Happy birthday po ulit.” Nagpasalamat si Aulora sa mga tauhan don at lumabas na ng restaurant. Hinihintay niya muna na makalabas si Eliezar sa restaurant dahil sabay silang papasok ng sasakyan. Nang matapos si Eliezar magcr ay narinig niya ang pagkanta ng mga tauhan ng restaurant. Pati na rin ang usapan nila narinig niya. Nakita niya na lumabas na si Aulora kaya lumabas na siya ng cr at ng restaurant. Nakita niya si Aulora na nakatayo sa labas ng restaurant at nang makalabas siya ay tumingin sa kaniya ang babae. “Sabay na tayo?” Tumungo siya bilang sagot. Maglalakad na sana ang babae nang bigla niya itong hinawakan sa pulsuhan. “Happy birthday.” Numilis ang t***k ng puso niya nang ngumiti sa kaniya ang babae. “Thank you, akala ko hindi mo na ako bibitiin. Magtatampo na sana ako.” Dahil sa hiya ay hindi niya na kinausap ang babae at nauna nang maglakad papunta sa van. “Binati niya ako,” mahinang saad ni Aulora sa kaniyang sarili habang pinapanood si Eliezar na naglalakad hanggang sa makapasok ito sa loob ng van. Sa sobrang excite niya ay napatawa siya at pinakinggan ang puso niya na malakas ang t***k. “Eliezar.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay pumasok na siya ng van at binigay ang dalawang paper bag sa driver. “Pagnakadating na tayo. Pakibigay ‘yan kay Manang dahil surprise ‘yan. Makikita na lang ni Mommy na may seafood sa hapagkainan.” “Sige po, Ma’am.” “Pakisabi na rin sa kanila na sumama sila sa hapagkainan dahil ayaw ko ng kumakain kami ay hindi kayo kasama.” “Papayagan po ba kami?” “Birthday ko, Kuya. Hindi pwedeng hindi mangyare ang gusto ko. Ako na ang bahala magsabi sa magulang ko. Papayagan naman nila ako dahil minsan na lang ako pumunta sa bahay.” “Marami pong salamat.” “Don’t thank me. Thank my parents.” “Ang ganda talaga!” sigaw ni Xia nang makalabas sila ng van. Nasa harap na aksi sila ng dagat at handa nang sumakay sa yacht. “Saan nga pala ang bahay niyo rito, Aulora? Bakit parang wala naman dito dahil wala namang bahay sa harap ng dagat,” dagdag pa ni Xia. “Sasakay tayo ng yacht para makapunta sa bahay namin.” “Ano?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD