“Sasama ba ang dalawa sa atin?” tanong ni Nia habang tinitignan ang kaniyang katawan sa salamin. Nagagandahan kasi ito sa kaniyang suot dahil ito, ay summer dress.
“Hindi ko alam, pero parang hindi sila sasama dahil hindi niya sinabi sa akin kahapon na sasama silang dalawa. Pinaalis niya lang ako sa harap nila.”
“Ano ang sinabi mo sa kaniya?” Tumingin si Aulora kay Lene at umupo sa kaniyang kama.
“Ang sabi kasi sa akin ni Xia kahapon na hindi mahilig sa maingay at madaming tao si Eliezar. E hindi naman gano’n ang gagawin natin. Kakain lang tayo ay ipapakilala kayo sa magulang ko. ‘Yun lang ang gagawin natin hindi tayo mag-iingay o pupunta sa madaming tao.”
“Debut mo ‘yun hindi ba? Kaya dapat bongga ang birthday mo.”
“Hindi naman lahat ng mag-eighteen ay bongga ang birthday, Xia,” saad ni Nia.
“Sinabi ko sa nanay ko na huwag magcelebrate ng bongga dahil hindi ko naman ‘yun kailangan at wala rin akong kilala sa mga kaibigan nila. Kaya imposibleng maging bongga ang birthday ko. Sapat na rin ako sa kunting kainan lang. Mas naeenjoy ko ang luto ng magulang ko kaysa sa luto ng iba.”
“Sabagay may punto ka ron, Aulora.” Tumungo si Aulora kay Xia at inayos na ulit ang kaniyang bag. Sabado naman ngayon kaya maeenjoy nila hanggang bukas ang kanilang bakasyon sa bahay ni Aulora.
“Ready na kayo?” tanong ni Lene habang buhat-buhat nito ang sariling bag at handa nang buksan ang pintuan para sila, ay makaalis na.
“Yes,” sagot ng dalawa habang si Aulora naman ay inaayos pa rin ang sarili at iniisip kung makakasama ba ang dalawang lalaki. Kung hindi kasi makakasama ang dalawa ay wala siyang magagawa kung hindi ang gamitin ulit ang kaniyang kapangyarihan.
Papatulugin niya ang dalawa at dadalihin sa kaniyang bahay.
“Tara na.” Napatingin si Aulora kay Lene at tumungo. Kinuha niya muna ang kaniyang bag at lumabas.
Nang makalabas sila ay nandoon na ang sa labas ang van na kanilang sasakyan papunta sa yacht.
“Mayaman ata kayo, Aulora e.” Umuling si Aulora kay Nia. Nang makapasok ang tatlo sa van ay tinignan muna ni Aulora ang gate ng building dahil nagbabaka sakali siya na lalabas ang dalawang lalaki sa gate na ‘yun.
“May hinihintay ka po ba, Ma’am?” tanong ng kaniyang driver at sinarado ang pintuan ng van.
“Wait, maghintay tayo ng ilang minuto dahil baka sumama sila.”
“Sinong sila po ba?”
“Ang dalawang kaibigan ko na hindi ko alam kung sasama ba o hindi.”
“Sige po, Ma’am. Hintayin po natin.”
Napabuntong hininga si Aulora at pumasok ulit sa building. Ayaw niya naman maghintay ng matagal tapos hindi naman pala sasama. Kaya pupuntahan niya na ang dorm ng dalawa at sabihin kung sasama ba sila o hindi.
Nang makapunta siya sa harap ng pintuan nila Eliezar ay nagdadalawang isip siya kung kakatok ba siya o hindi. Baka kasi natutulog pa ang dalawa at magising siya. E ‘di mas lalong nagalit si Eliezar sa kaniya? Ayaw niya pa naman madagdagan ang galit nito sa kaniya.
Kung iwan niya na lang kaya ang dalawa? Hayaan niya na lang dahil hindi naman siguro mag-iisip ng masama ang sasamang demonyo ngayon hindi ba?
Ano ba ang iinisip ni Aulora? Puro kalokohan. Kailangan niyang maging seryoso rito dahil kailangan niyang masama ang dalawa sa kaniya. Bawal niyangh iwan sila rito na walang nagbabantay.
Kakatokin niya na sana ang pintuan nang biglang bumukas ito at bumungad sa kaniya ang seryosong mukha ni Eliezar. Nakabihis ito kaya alam niya na agad na sasama ang dalawa sa kanila.
“Goodmorning,” masayang bati ni Aulora kay Eliezar kaya kumunot ang noo nito.
“Tabi nga riyan, Eliezar. Paano tayo makakaabot kila Aulora. Kung hindi ka umaalis sa pintuan? Tabi!” Pinipilit ni Azaiah na makadaan kay Eliezar at nang makadaan ito ay nagulat siya dahil nasa harapan niya na si Aulora.
“Hi,” nahihiyang bati nito kaya nag’hi’ rin si Aulora.
“Tara na, kayo na lang ang hinihintay. Buti nga napag-isipan niyong sumama sa amin dahil kaunti lang talaga ang inimbita ko.” Nang makalabas sila ng building ay sinabi ni Aulora sa kaniyang driver ay kuhain ang mga gamit nila Eliezar at ilagay na sa likod.
Kinuha ng driver ang gamit ng dalawang lalaki at binuksan na ang pintyuan ng van para makapasok na ang tatlo.
Nang makapasok sila ay gulat na gulat sina Nia at Xia dahil sumama ang dalawang lalaki sa kanila. Nahiya tuloy silang magsalita dahil baka magalit sa kanila si Eliezar.
“Saan ba ang bahay niyo, Aulora? Bakit parang ang layo naman ata?” pagbabasag ng katahimikan ni Azaiah.
“Malayo siya, pero hindi naman gaano kalayo.”
“Ang gulo mo rin pala kausap. Medyo namental block ako ron ah.” Napangiti si Aulora kay Azaiah. Hindi niya na rin naman alam kung ano ang sasabihin niya dahil seryosong nakatingin sa kaniya si Eliezar.
Magkatabi kasi ang dalawang lalaki habang siya naman ay nasa gilid.
“Dadaan pa po ba tayo sa seven eleven, Ma’am?”
“Yes po. Kailangan po naming bumili ng mga pagkain.”
“Kung sa Jollibee na lang kaya o Mcdonalds?” suggest ni Xia. Alam naman kasi nilang lahat na hindi pa sila nakakapag-almusal. Kaya naisip ni Xia na kailangan nilang kumain.
“Sige. Kuya sa Mcdonalds nga po drivethru na lang tayo at daan tayo sa seven eleven.” Medyo malayo rin kasi ang byahe nila kaya baka magutom silang lahat. Saka kilala niya ang magulang niya. Baka magtaka ito kung bakit sila nalate.
“Sure po ba kayo, Ma’am? Ang sabi po kasi ni Madam sa akin na kailangan niyo raw pong makapunta sa bahay bago po mag-eight.” Kumunot ang noo ni Aulora.
Kinuha ni Aulora ang kaniyang cellphone sa bag niya at tinawagan ang kaniyang nanay.
[Nasaan na kayo, anak? Nakaalis na ba kayo?]
“Baka malate kami ng punta riyan.”
[Ano ang ibig mong sabihin?]
“Sinabi mo sa driver natin na kailangan eight nandyan na kami. Kulang ‘yun, Mom. Kailangan pa namin kumain dahil hindi kami lahat nag-almusal.”
[Pwede naman kayong mag-almusal dito hindi ba?]
“Babyahe kaming walang laman ang mga tyan? Mom, alam mo naman na hindi ko kaya ‘yun at nakakahiya naman sa mga kaibigan ko kung hihintayin pa nilang makapunta riyan bago sila makakain.”
[Okay, ikaw ang bahala. Basta sabin mo sa driver na mag-iingat sa pagdadrive. Ayaw kong makikita ka rito na may sugat.]
“Walang mangyayare, okay? At imposible ang iniisip mo po dahil maayos naman po magdrive ang driver natin.”
[Hindi natin alam kung ano ang mangyayare. Kaya sundin mo na lang ang sinabi ko. Huwag ka nang makulit, Aulora. Nag-aalala rin kami ng Daddy mo.]
Napabuntong hininga si Aulora at pinatay na ang tawag dahil hindi na rin naman siya mananalo. Masaydo kasing over reacting ang magulang niya. Alam naman nila na meron siyang kapangyarihan kaya walang mangyayareng masama sa kanila.
“Alam ko na ang sinabi ng mommy mo, Ma’am. Kailangan kong mag-ingat sa pagdadrive, Huwag po kayong mag-alala. Matagal naman na po akong driver niyop kaya wala pong mangyayare.” Tinakpan ni Aulora ang kaniyang mukha sa sobrang hiya.
Sigurado siya na nakatingin na sa kaniya ang mga kaibigan niya at kung ano-ano na ang mga iniisip.
Nang makapunta sila sa Mcdonalds ay napagdesisyon nila na sa loob na lang kumain dahil mahihirapan sila kung sa loob ng sasakyan sila kakain.
Nang makapasok sila sa Mcdonalds, ay ang lahat ng tao ron ay napatingin sa kanila.
“Ang weird naman ng mga tao rito,” bulong ni Xia kay Nia.
“Hayaano mo sila. Nandito tayo para kumain hindi para intindihin ang mga taong inggit.”
“Umupo na po kayo. Ako na lang po ang mag-oorder para hindi na po kayo mahirapan,” saad ng driver sa kanilang lahat. Kaya sinabi nila kung ano ang kanilang gusto.
Magbibigay na sana sila ng pera sa driver nang biglang hindi niya ‘yun kinuha.
“May binigay po ang nanay niyo na pera. Para kung sakaling may gusto raw po kayong pagkain sa daan, ay mabibili niyo, Kaya po hindi niyo na po kailangan magbigay sa akin ng pera.” Kinuyom ni Aulora ang kaniyang kamay para hindi mainis.
“Alam kong mayaman ka, pero hindi mo naman sinabi sa amin na sobrang yaman mo pala,” saad ni Azaiah nang makaupo sila sa kanilang upuan. Magkakatabi ngayon ang magkakaibigan at sa gitna naman uupo ang driver.
Hindi makapagsalita si Aulora dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Paano pa kaya kapag nakilala ng mga kaibigan niya ang magulang at kapatid niya? Ang kukulit pa naman ng mga kapatid niya. Baka kung ano ang itanong sa harap niya.
“Sino ba ang mga magulang mo?” Tinignan lang ni Aulora si Nia dahil ayaw niyang sagutin ito. Ang gusto niya kasi ay ang magulang niya ang magpapakilala sa kanila. Kaya hanggat maaari ay hindi niya muna sasabihin.
“Bakit curious kayo sa magulang niya? Curious dapat kayo kung sino siya. Kung sino si Aulora at Lene.” Napalunok ng laway si Aulora. Si Lene naman ay seryoso lang na nakatingin kay Eliezar.
Ramdam nilang nakatingin sa kanila ang apat. Kaya hindi sila makagalaw ng maayos. Hindi rin naman alam ni Aulora kung ano ang sasabihin niya. Hinihintay niya nga lang si Lene na sumagot, pero iniisip pa lang ni Lene ang kaniyang sasabihin.
“Ang sarili mo dapat ang isipin mo, huwag kami.”