Kabanata XVI

1611 Words
Paano niya ba makakausap si Eliezar o mapapalapit sa kaniya na hindi niya napapansin? 'Yan ang nasa utak ni Aulora habang nakikinig sa kaniyang guro. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagbabantay sa dalawa. Hindi pa nga niya alam kung totoong nasa panganib ang dalawa dahil ang sabi sa kaniya ni Lene ay baka hindi damay ang apat, pero imposible naman ano? Binura niya na ang memorya ng mga 'yun kaya hindi na dapat sila madamay. "Anong date na ngayon?" tanong sa kaniya ng kaniyang katabi kaya tumingin siya sa phone niya. "14." "Thank you." Ngayon lang napansin ni Aulora na bukas na pala ang kaniyang kaarawan. Medyo excited siya na kinakabahan dahil hindi niya naman alam kung ano ang mangyayare sa kaniya bukas. Nag-ooverthink siya na baka iba ang mangyare sa kaniya dahil hindi siya naniniwala sa kaniyang sarili. Pakiramdam niya kasi. Siya ay mahina kapag walang kapangyarihan. Hindi rin naman niya gunusto na maging ganito. Ang gusto niya rin malaman kung bakit sa dinami-rami ng mga babae sa Pilipinas ay siya pa ang napili na bigyan ng kapangyarihan. Malaki ba ang resposibilidad na gagawin niya bukas? Nang matapos ang kaklase ay biglang tumawag ang kaniyang magulang. [Advance Happy Birthday, anak! Punta ka rito bukas ah? Nandito ang mga kapatid mo. Idala mo na rin ang mga kaibigan mo rito dahil debut mo naman.] "Mom, hindi po ba ang sabi ko po sa inyo na hindi ko na kailangan magcelebrate ng birthday ko??" [Kaya nga simpleng celebrate lang ang gagawin natin dahil ayaw mo ng bongga hindi ba? Pagbigyan mo na ako, anak. Alam mo naman na ikaw lang ang nag-iisa naming anak na babae. Ang gusto ko nga sana bongga ang birthday mo dahil alam mo namang hindi ako nakapagdebut kahit gustong-gusto ko. Pagbigyan mo na ako okay?] "Hindi ko po alam kung maisasama ko riyan ang mga kaibigan ko. Masyado kasing malayo?" [Anong malayo? Anak, may private yacht naman tayo. Mas safe kayo ron dahil may magbabantay din sa inyo. Hindi ka ba naaawa sa amin? Gustong-gusto ka na namin makita. Saka para naman makilala ko ang mga kaibigan mo.] "Okay, I'll try." [Huwag mong itry. Gawin mo, balitaan mo ako ah?] "Thank you, Mom." [Masaya akong nakikita kang masaya, Aulora. Alam kong iiwan mo rin kami, pero lagi mong tatandaan na nandito kami para sa'yo at maghihintay kami sa pagdating mo.] "Parang pupunta naman po ako sa ibang bansa." [Hindi ibang bansa, anak. Nararamdaman ko na may kukuha sa'yo papuntang ibang mundo at sana maging maayos ka pagnandoon ka na.] "Ano po ba ang pinapahiwatig niyo, Mom? Hindi po kita maintindihan." [Nanaginip ako na napunta ka sa ibang mundo. Masayang-masaya ka pa nga sa mga taong kasama mo ron. May kutob ako na mangyayare 'yun, anak. Alam mo naman na special ka at kailangan mong malaman kung ano ang totoong ikaw. Kung ano 'yung sa tingin mong tama roon ka at susuportahan lang kita. Mahal na mahal ka namin, anak. Huwag mo sanang pabayaan ang sarili mo.] "You're being dramatic, Mom. Walang mangyayare sa akin and also hindi ako mawawala. Kung ano man ang mangyare sa akin bukas ay tatanggapin ko. Kung tama man ang hinala mo ay ako na po ang bahala dahil may karapatan din naman po akong malaman kung ano po ang meron ako ngayon." [Naiintindihan ko, anak. I love you.] "I love you too, Mom." Nang mapatay ang tawag ay nadagdagan na naman ang iniisip niya. Paano kung maging totoo ang panaginip ng kaniyang nanay? Kung magiging totoo saang mundo naman siya mapupunta? Ang dami niya na talagang iniisip ngayon. Kaya siguro hindi niya napansin na bukas na ang kaarawan niya. Kailangan niya pa kayang isama sila Eliezar? Siya ang nagbabantay sa dalawa kaya kailangan niyang isama 'yun. Bawal naman niyang iwan ang dalawa sa hindi safe na lugar at malayo siya hindi ba? Saka ang unfair para sa kaniya kung isasama niya sila Nia at sila Eliezar hindi. Pero kung isasama niya sila Eliezar. Ano naman ang gagawin niya para mapa'oo' niya ang dalawa? Paano kung hindi pumayag dahil ayaw ni Eliezar sa kaniya. Inis niyang sinabunutan ang kaniuang sarili. Ang hirap naman mag-isip. Kailangan niyang tanungin si Lene kung ano ang gagawin niya. Hindi naman pwedeng mag-isa niya 'tong iisipin buong araw. "Birthday ko bukas." Napatingin si Lene kay Aulora habang nasa bunganga nito ang kutsara. "Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?" "Ang sabi ng nanay ko na kailangan daw pumunta ng mga kaibigan ko sa bahay namin dahil may kaunting solo-solo. Gusto raw nila kayo makita. At dahil nag-iisang babae nila akong anak. Pumayag na ako." "Isasama mo sila Nia? Paano sila Eliezar at Azaiah? Hindi mo naman sila pwedeng iwan dito dahil ikaw ang nagbabantay sa kanila." "Iyon nga ang dahilan kung bakit ko sinasabi sa'yo 'to. Kailangan kong makagawa ng paraan o makaisip para makasama sila." "Wala akong naiisip na paraan, pero sabihin mo na lang sa kanila na birthday mo bukas ay invited sila sa bahay niyo. Hindi naman siguro strict ang parents mo hindi ba?" "Strict sila, pero alam naman nila na may dalawa akong kaibigan na lalaki. Hindi nga lang alam nila Eliezar na kaibigan ko sila." "Sobrang laki naman ng problema mo." "Alam ko, kaya nga kailangan ko ng tulong mo." "Saan naman kita matutulungan?" "Pwede bang ikaw ang magsabi sa kanila na invited sila sa birthday ko?" "Ako ba ang may birthday?" "Hindi, pero may galit kasi sa akin palagi si Eliezar. Baka kapag ako ang nag-invite sa kaniya, ay hindi siya pumayag. Nakakahiya kaya mareject. Saka bawal akong mareject dahil kaoag hindi sila pumunta, ay hindi na rin ako makakasama." Hinawakan ni Lene ang kaniyang mukha dahil sa kakulitan ni Aulora. "Bakit ang seryoso naman ng pinag-uusapan niyo? Pwede niyo bang ishare sa amin?" Napatingin silang dalawa kila Xia na kakaupo lang sa tabi nilang dalawa. "Grabe ang sarap talaga ng nga pagkain sa canteen. Hindi ako magsasawang kumain dito palagi," dagdag pa ni Xia. "Birthday ni Aulora bukas at invited kayo?" Lumaki ang dalawang mga mata ng dalawa dahil sa sinabi ni Lene. "Talaga? Buti na lang magkaibigan na tayo ngayon," nakangiting saad ni Xia at kinain na ang kaniyang pagkain. "Saan ba ang bahay niyo, Aulora? Para susunod na lang kami," singit naman ni Nia. "Sabay-sabay tayong pupunta ron. May pagkamalayo kasi ang bahay namin." "Gano'n ba? Anong oras alis natin bukas?" "Ala sais ng umaga." Tumungo ang dalawang magkaibigan bilang sagot. "Tulungan niyo rin ang babaeng 'to na sabihan sina Azaiah na invited sila." Napatingin ang magkaibigan kay Lene dahil baka nagbibiro lang 'to. "Iyan ang imposible, Lene. Hindi umaattend ang magkaibigan na 'yun sa kahit anong party. Masyado silang maarte sa place. Ang gusto nila 'yung tahimik na lugar at walang masyadong tao." Nabuhayan si Aulora at ngumiti kay Xia. "Alam ko na kung ano ang gagawin ko, ladies. Thank you, Xia. Meron kang libreng dinner sa akin mamaya." Nang makaalis si Aulora sa table nilang magkakaibigan ay agad siyang pumunta sa classroom nila Eliezar. Sinilip niya muna kung nandoon ang dalawa, pero wala. Ang nakita niya lang ay ang lalaking pinagtanungan niya noon. Kaya 'yun ang nilapitan niya. "Hello po," nakangiting bati niya sa lalaki kaya humarap sa kaniya ito. "Alam niyo po ba kung nasaan sina Eliezar? Meron kasi akong sasabihin sa kaniya." Seryoso lang ang tingin sa kaniya ng lalaki kaya medyo nailang siya. "Pwede po ba?" "Follow me." Sinundan niya ang lalaki papunta sa likod ng school at doon niya nakita si Eliezar na naglalaro ng volleyball habang si Azaiah naman ay nakaupo habang kumakain. "Ano ang sasabihin mo sa kaniya?" "Ahm, sa kaniya ko na lang sasabihin." "Okay." Umalis ang lalaki sa tabi niya. Hindi naman pala masama ang lalaking 'yun e. Sadyang si Lene lang ang nag-iisip ng masama tungkol sa lalaki. Hindi rin naman masama kung kilalanin niya 'to. Umupo siya sa tabi kung saan malayo kay Azaiah at pinanood niya si Eliezar kung paano ito maglaro. Habang pinapanood niya ang lalaki ay biglang napatingin sa kaniya si Eliezar. Kinausap niya ang mga kakampi niya na time out muna. Nang makita niyang pumunta si Eliezar sa tabi ni Azaiah, ay doon na siya gumawa ng move. "Hello." Walang ganang tingin ang binigay ni Eliezar sa kaniya. Si Azaiah naman ay ngiti at nag'hi' rin sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito?" seryosong saad ni Eliezar. "Amm." Bakit gano'n? Handa na dapat siya sa sasabihin niya dahil inisip niya na kung ano ang mga sasabihin niya, pero bakit mental block siya ngayon? Hindi niya na rin mabuka ang bibig niya. "Ano? Kung wala kang sasabihin, umalis ka na dahil nagpapahinga ako." Yumuko si Aulora. "Birthday ko kasi bukas. Invited kayong dalawa sana makasama kayo sa amin." "Hindi ako mahilig sa party kaya huwag mo kaming isama riyan." "Hindi naman party ang birthday ko. Sinabi ko kasi sa Mom ko na kaibigan ko kayo. Kaya gusto niya kayog makilala. Hindi naman maingay ang lugar ng bahay namin. Tayo-tayo lang naman kasama 'yung tatlo kong kaibigan na babae." Tingin lang ang sagot sa kaniya ng dalawa. "Ala sais ng umaga ang alis namin bukas. Kaya kung gusto niyong sumama, ay dapat nakaready na kayo. Sana sumama kayo dahil kayo lang talaga ang mga kaibigan ko rito." "Bakit hindi mo iinvite ang lalaking kasama mo kanina?" Napanganga si Aulora dahil sa sinabi ni Eliezar. "Hindi ko naman kaibigan 'yun." "Kung hindi, bakit mo siya kasama?" "Sa kaniya lang ako nagtanong kung nasaan ka. Hindi ko naman kaibigan 'yun. Saka katulad ng sabi ko kanina kayo lang ang kaibigan ko. Hindi na ako magdadagdag pa ng iba." "You can go. Walang saysay ang mga sinasabi mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD