Kabanata XV

1528 Words
Nagising sina Azaiah at Eliezar sa lakas ng kalampag ng isang babae sa kanilang pintuan. "Gumising kayo! Napakabatugan niyo!" Araw-araw gan'yan ang kanilang umaga. Ang babae na ang gumigising sa kanila. Minsan naman wala kapag merong pera ang babae. "Magbayad na kayo ng renta niyo! Umagang-umaga sisingil ko kayo? Hindi ba kayo marunong kumusa?!" Napatayo ng kama si Azaiah at napabuntong hininga. Nagbabayad naman sila ng renta, pero ang bilis kasi ng araw. Kaya hindi rin sila nakakabayad agad dahil kaunti lang ang pera na nakukuha nila galing sa kanilang magulang. Pagkabukas ng pintuan ni Azaiah, ay biglang lumaki ang kaniyang mga mata dahil may tatlong lalaki ang nasa likod ng matandang babaeng nakasimangot sa kaniya. "Hindi ko na kayo bibigyan pa ng isang araw para manatili rito! Hakutin niyo na ang mga gamit niyo dahil papalayasin ko na kayo!" Haharangan sana ni Azaiah ang mga lalaki, pero hindi niya na napigilan dahil malaki ang mga lalaki. "Anong ginagawa niyo!? Bakit kayo pumasok?!" galit na saad ni Eliezar. Nilapitan ni Azaiah si Eliezar at inilayo sa mga lalaki. Nang makalabas sila ay tinignan ni Azaiah ng seryoso. "Wala tayong magagawa, Eliezar. Ilang linggo na tayong hindi nakakabayad ng rent." "Sh*t, bakit hindi mo sinabi!? Saan tayo matitira ngayon!?" "Saka na natin isipin 'yan. Ayusin muna natin ang ating mga gamit." Hinintay nilang mailabas ng mga lalaki ang kanilang mga gamit at nang wala ng natira sa kwarto ay napaupo na lang silang dalawa sa kanilang mga gamit. Para silang mga pulubi sa gilid ng daan. Halatang pinalayas sila. "Anong gagawin natin?" tanong ni Azaiah. Kaya napatingin si Eliezar sa kaniya. Sa totoo lang hindi niya rin alam kung ano ang gagawin. Hindi na nga sila nakapasok dahil hindi ganito ang nangyare sa kanila. Ang akala kasi nila ay makakapagpadala na ang kanilang magulang, pero hindi pa pala. "We need to do something," seryosong saad ni Eliezar at binuksan ang kaniyang cellphone. Magtitingin sila ng isang dorm na malapit sa kanilang school. 'Yung mura na maayos. Habang nagscroll silang dalawa sa phone, ay may nagtext sa kaniya na hindi niya kilala. Unknown number, pero tinignan niya dahil meron siyang nakitang condo sa text. *Merong bakante sa building dorm namin. Baka gusto niyong tignan?* Kumunot ang noo ni Eliezar at ipinakita niya kay Azaiah. "Baka scam 'yan, pre ah. Tignan mo oh, unknown number. Mapagkakatiwalaan ba 'yan?" "Sa tingin mo ba may choice tayo? Wala tayong matirahan, Azaiah. Kailangan naman dito tayo maghapon nakatunganga o kaya nagpophone lang naghahanap ng dorm. May nagtext na sa akin. Ayus na 'to." Nireplyan ni Eliezar ang number ang sabi niya ron ay kung nasaan ang dorm na sinasabi nito. *Sa kasunod na kanto riyan sa inyo. Pwede mo naman puntahan muna bago ilagay ang mga gamit niyo rito.* *Magkano ang rent?* *Saka na po natin pag-usapan ang renta kapag nagkita na po tayo rito ngayon. Huwag po kayong mag-alala, Sir. Hindi naman po mahal ang aming pagkakarenta.* "Wait here." Napatingin si Azaiah kay Eliezar dahil bigla na lang 'tong naglakad palayo sa kaniya. "Saan pupunta ang lalaking 'yun? Ang init kaya rito tapos iniwan ako? Hindi ba dapat sinabi niya muna sa akin kung saan siya pupunta. Bago siya umalis? Para naman akong tanga rito nakaupo sa gamit namin." *** "Saan daw ba tayo lilipat?" tanong ni Xia kay Nia habang bitbit ang kanilang mga gamit. "Sa baba raw. Hindi ko alam kung sino 'yung makakasama natin don, pero sana maayos at matino. Hindi katulad ng kasama natin noon." Tumungo si Xia bilang sagot. "Mas maganda na 'yun nilipat tayo dah ayaw ko na silang makasama sa iisang dorm. Masyado silang dugyot at ang babaho nila," dagdag pa nito na nagpangiti kay Xia. Nang makababa sila sa second floor ay nakita nila ang isang kwarto na nakabukas. "Meron atang lilipat dito," saad ni Nia. Ang katabi ng pintuan na nakabukas ay ang kanilang magiging dorm. Kaya ang ginawa nila ay kumatok. Nang magbukas ang pintuan ay nakangiting Aulora ang sumalubong sa kanila. "Kayo na ba ang magiging dormmate namin? Pasok kayo." Tinulungan ni Aulora ang dalawang babae sa kanjlang gamit at nang makapasok sila ay namangha sila sa ganda ng dorm. Hindi kasi nila inaasahan na ganito kaliwanag ang kwarto at kalinis. Sobrang pangbabae rin ang kwarto. "Nakita mo na ba 'yung lilipat diyan sa kabila?" tanong ni Aulora at umupo sa kanilang upuan. "Hindi pa, sino ba ang lilipat sa kabila?" sagot naman ni Xia. "Pakiramdam ko nga dalawa lang ang tao ron dahil dalawa lang ang kama na nakalagay. Hindi kaya lalaki ang lilipat?" dagdag pa nito. "Hindi natin alam. Malalaman natin mamaya." Napatingin silang tatlo dahil nagbukas ang pintuan ng kanilang banyo. "Lene?" gulat na saad nina Nia at Xia. "Kayong dalawa ang magiging kadorm namin?" "May problema ba, Xia?" Umiling si Xia at inayos na ang kanilang mga gamit. *** "Ayus na ba 'to, Sir?" tanong ng lalaki kay Eliezar habang nililibot nito ang dorm. "Mahal ba ang resta rito every month? Kailangan lang kasi namin ng matutulugan dahil pinalayas kami." "Sir, meron po kasing nagbayad ng renta niyo kaya hindi niyo na po kailangan magbayad." Halatang scammer naman ang lalaking 'to. Ang alam kasi ni Eliezar ay sa mundong 'to ay wala nang libre. "Huwag kang mag-alala dahil hindi ako nang scam. Masyado akong mabait para maging gano'n. Mahirap mang paniwalaan, pero may mabuting tao ang nagbigay ng malaking pera para patirahin kayo rito," dagdag pa nito na mas lalong nagpataka kay Eliezar. "Pwede ko bang malaman kung sino ang taong 'yun?" "Hindi niya sinabi sa akin kung ano ang pangalan niya, pero kaibigan niyo raw po siya. Isipin niyo na lang po kung sino ang kaibigan niyo." "Babae o lalaki?" "Babae, Sir. Ayus na po ba kayo rito? Pwede na po kayong lumipat ngayon. Maraming salamat." Hindi nakapagsalita si Eliezar dahil nakaalis na agad ang lalaki sa harap niya. Iniisip niya kung sino ang babaeng kaibigan niya ang tumulong sa kanila, pero sa ngayon kailangan niya munang balikan si Azaiah dahil sigurado siya na inip na inip na ang lalaking 'yun doon. Nang makalabas siya sa dorm ay sakto naman na lumabas si Aulora. Sa una nagulat si Eliezar, pero nawala rin. "Kayo ba ang lilipat diyan?" nakangiting saad nito sa kaniya. Hindi niya ito sinagot dahil binigyan niya lang ng walang emosyong tingin. "Grabe ka naman makatingin. Nagtatanong lang naman ako," dagdag pa nito. Tumalikod siya at naglakad palabas ng building. "Huwag mo naman akong talikudan." Tumakbo ang babae papunta sa tabi niya at hinayaan niya lang 'yun. "Pupunta ako sa seven eleven. Gusto mo ba akong samahan? Lilibre kita ng pagkain at 'yung kaibigan mo." Hindi niya pinansin ang babae. Hinahayaan niya lang ito dumaldal. Ang mahalaga kasi sa kaniya ngayon ay makabalik na siya sa kaibigan niya para maayos na nila ang kanilang mga gamit. Sayang naman kasi ang araw kung hindi sila mag-aayos. Nag-absent pa sila wala rin pa lang mangyayare. "Sabi ko nga ako na lang mag-isa." Pinanood ni Eliezar si Aulora na maglakad palayo sa kaniya. "Bakit ang tagal mo? Saan ka ba pumunta?! Kaibigan mo ba talaga ako? Nang iiwan ka e." *** "Ang suplado talaga ng lalaking 'yun. Ang laki naman ng pinagbago non. Gano'n ba kalakas ang kapangyarihan ko?" mahinang saad niya sa sarili niya nang makapasok siya sa seven eleven. Kaya siya nandito dahil nagugutom siya at sinabihan niya ang mga kasama niya sa dorm kung ano ang gusto nila libre niya. Wala naman silang sinabi kaya kung ano-ano na lang ang binili niya. Bumili siya ng tatlong coke, mga snacks, at tinapay. Meryenda na rin nila dahil nagugutom na raw silang lahat. Wala pa namang laman ang kanilang ref dahil nagpaplano pa lang silang maggrocery mamaya. "Ang dami mo namang binili, Miss." Tinunguhan ni Aulora ang lalaking nasa cashier. "Pakihiwalay ko ang ilang tinapay, chichirya, at isang coke. Para sa iba po kayo 'yan." "Sige po." Nang tapos na balutin ng lalaki ang kaniyang mga binili ay lumabas na siya ng seven eleven. Hindi naman mabigat ang dala niya kahit madami dahil kaya niya ang mabibigat na mga bagay. Nang makapasok siya sa building ay nadaanan niya ang pintuan nila Eliezar. Kaya sa harap na lang ng pintuan niya nilagay ang mga pagkain na para sa kanila. Sakto naman na sa kanilang dalawa ang pagkain na 'yun. Peace offering lang dahil siya ang magdahilan kung bakit nahihirapan ang dalawa ngayon. Nang makapasok siya sa dorm nila ay agad silang kumain. "Nakita ko 'yung taong lumipat diyan sa kabila," kinikilig na saad ni Xia habang kinakain ang kaniyang pagkain. "Siya 'yung lalaki na magaling sa volleyball," dagdag pa nito. "Ano ang pangalan?" tanong ni Aulora. "Azaiah ang pangalan niya. Hindi ko nga lang kilala 'yung isa, pero balita ko ang dalawang magkaibigan na 'yun ay famous sa school." "Itigil mo na nga 'yang pagkachismosa mo, Xia. Ako 'yung nahihiya sa'yo e." "Totoo naman kasi ang sinasabi ko, Nia. Ang magkaibigan na 'yan ang tinitilian ng mga babae sa school natin. Saka balita ko babaero raw noon 'yung kaibigan ni Azaiah, pero nagbago sa hindi malaman na dahilan. Biglaan na lang daw naging seryoso at walang gana kausap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD