Kabanata XIV

1370 Words
Habang nakikinig si Aulora sa kaniyang guro ay naalala niya ang sinabi sa kaniya ni Lene. Ano ba ang ibig sabihin nito na gayahin siya? Hindi ka ba kailangan niyang maging seryoso sa lahat ng bagay? Pwede naman 'yun, pero hindi naman siya gano'n e. Hindi niya pwedeng baguhin ang kaniyang sarili dahil lumaki siyang maayos. Magkaiba sila ni Lene. Paano niya rin mababantayan ang dalawang lalaki kung ayaw sa kaniya ng mga 'yun? Bakit ba kasi sa kaniya pinabantay ang lalaki? Pwede naman sa babae. Pagkabuntong hininga niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Kaya ang lahat ng tao na nasa classroom ay nakatingin sa kaniya. "Sagutin mo na 'yan, Ms. Aulora. Mukhang importante ata dahil sa oras ng klase siya tumawag. Kung sino man 'yan pakisabi sa kaniya na sasusunod huwag siyang tumawag pag-oras ng klase. Nakakaistorbo kasi sa mga estudyante na gustong matuto at nakikinig sa akin." Napakagat ng labi si Aulora sabay lumabas ng klase. Nang makita niya kung sino ang tumawag sa kaniya ay nanlambot ang kaniyang balikat. Ang nanay niya kasi ang tinatawag. "Bakit po?" mahinang saad niya nang sagutin niya na ang tawag. [Kumusta ka riyan anak? Meron ka na bang mga kaibigan? Miss ka na namin ng daddy mo. Kailangan ka nga pala bibisita rito?] "Mom, wala pa akong dalawang linggo rito. I think next month. Susubukan kong bumisita sa bahay next month, okay?" [Walang sumasalubong sa amin sa bahay sa tuwing umuuwi kami. Kung itigil mo na kaya ang pag-aaral mo? Maghome school ka na lang anak.] "Napag-usapan na po natin 'to hindi po ba? Ayus naman po ako rito. Nagkaron na po ako ng mga kaibigan. Maayos din naman po ang trato nila sa akin. Kaya wala po kayong dapat ikabahala." [Sigurado ka ba? Meron ka bang gusto? Para mapadalahan kita ng extra money.] "Madami pa pong natirang pera sa akin, Mom. Pero meron po sana akong favor sa inyo?" [Ano 'yun. Kahit ano basta huwag lalaki 'yan ah. Hindi ka namin pinayagan mag-aral dahil lang sa lalaki?.] "Hindi po gano'n 'yun. May nakilala po kasi akong mga kaibigan. Ang gusto ko po sana ay magsama-sama kami sa iisang kwarto. 'Yung mga kasama ko po kasi sa dorm ay medyo may pagka-attitude. Ayaw ko naman lo ng gano'n." [Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Kapag gan'yan ang problema, Aulora. Dapat sinasabi mo sa amin ng daddy mo. Alam mo namang ayaw namin na nahihirapan ka.] "Sorry po, pero kaya mo po bang gawin 'yun?" [Kahit ano kaya kong gawin. Basta masaya ka, anak. Mag-iingat ka riyan ah? Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang mga pangalan ng mga kaibigan mo para magawan ko ng paraan.] "Thank you, Mom." [Basta ikaw, prinsesa namin. I love you.] "I love you too po." Nang mapatay niya ang tawag ay agad siyang pumasok sa loob ng klase. Iniisip niya kung papalilipatin din ni Aulora ang dalawang lalaki sa dorm, pero sa tabi lang ng magiging dorm nila. Nagawan niya na ng paraan para mapadali ang pagbabantay ni Lene sa dalawang babae. Kaya dapat pati siya magawan niya ng paraan. Saan ba nakatira ang dalawang lalaking 'yun? Tanungin niya na lang kaya pagkatapos ng kanilang klase? O kaya gamitin niya ang kaniyang kapangyarihan para mas madali? Pwede niya naman sundan ang dalawang lalaki kung sana ito nakatira. 'Yun na lang siguro ang gagawin niya mamaya. Kaysa naman sa gamitin niya pa ang kaniyang kapangyarihan sa mga hindi naman importante. Nang matapos ang kaniyang klase ay nakita niya sila Azaiah at Eliezar na dunaan sa bintana ng kanilang classroom. Dali-dali naman niyang inilagay ang kaniyang gamit sa bag at agad na lumabas. Para masundan niya ang dalawang lalaki. "Nakita mo ba ulit 'yung babae kahapon? Parang ang lawak naman ata ng paaralan na 'to para hindi mo siya makita hindi ba?" rinig ni Aulora na saad ni Azaiah. Malakas din kasi ang pandinig ni Aulora kahit napakalayo ng nag-uusap. Kaya malabong makita siya ng dalawa. "Wala akong pakeelam sa babaeng 'yun, Azaiah. Kaya manahimik ka na lang dahil kaoag tinopic mo pa ang babaeng 'yun. Wala akong magagawa kung hindi ang pasabugin ang bibig mo." "Sinasabi ko lang naman. Wala naman akong sinabing masama ron. Saka bakit galit na galit ka sa babaeng 'yun? Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo." "Hindi ko alam, pero sa tuwing nakikita ko siya. Naiinis agad ako at hindi ko mapigilan ang galit ko sa kaniya." "Ano? Eh kung makatingin ka nga sa kaniya kahapon. Parang mawawala na 'yung babae sa tabi mo." Lumaki ang mga mata ni Aulora at napangiti. Tinitigan pala ni Eliezar ang kaniyang mukha noong nawalan siya ng malay sa balikat nito. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon, pero parang may paru-paro sa kaniyang tyan at nakikiliti siya. Ito ba ang kilig na sinasabi ng iba? 'Yung na gustong-gustong maramdaman ng lahat? Ano babang sinasabi niya? Masyado naman na ata siyang malandi. Itigil mo nga 'yan. "I still hate her." "Bakit nga." "Pakiramdam ko meron siyang ginawa sa akin na ayaw ko." "Ang arte mo, buti nga merong magandang babaeng nakatulog sa balikat mo, choosy ka pa. Sa mukha mong 'yan? Walang papatol sa'yo." Tumawa ng malakas si Azaiah habang si Eliezar naman ay tahimik lang. Ano kaya ang iniisip ng lalaking 'to? "Ang seryoso mo, Eliezar. Nakakakilabot ang aura mo ngayon." Napakunot ang noo ni Aulora nang pumasok sila sa isang building na madumi. Anong klaseng building 'to? Dorm din ba 'to? Habang naglalakad siya nararamdaman niya ang mga tingin sa kaniya ng mga lalaking nasa paligid. May mga lalaki rin na nakahubad kaya naiilang siyang tumingin. Ang mga tingin nito ay parang may gagawin sila sa'yong masama. Maling move ata 'tong ginawa niya ahh. Bakit ba rito sila nagdodorm? Mahirap ba ang dalawang 'to? Dahil sa mga lalaking nakaupo sa gilid ay hindi niya na natutukan sila Eliezar. Hindi niya na alam kung nasaan ang mga 'to. Saan niya na sila hahanapin? Saka saan na siya ngayon pupunta? "Miss, may kailangan ka ba?" Napaatrws siya nang biglang may magtangkang humawak sa kaniya. "Huwag kang matakot sa akin. Hindi naman kita sasaktan. Nagtatanong lang naman ako," dagdag pa nito na mas lalong nagpakaba kay Aulora. Hahawakan sana siya ulit nito nang biglang may kamay na pumigil sa lalaki. "Hindi mo ba nakikita na ayaw niyang magpahawak sa'yo?" seryosong saad ni Eliezar. Bago pa magkaron ng away sa dalawang lalaki ay kinuha ni Eliezar ang kamay ni Aulora at hinila siya palabas ng building. "Ano ba ang ginagawa mo rito?" inis na saad nito. "Hindi mo ba alam kung gaano kadelekado sa loob ng building na 'to? Nag-iisip ka ba? Minsan nga gamitin mo 'yang utak mo. Sayang ang pinapa-aral sa'yo ng magulang mo kung hindi mo lang gagamitin," dagdag pa nito. Yumuko si Aulora at pinipigilan na hindi umiyak. "Sinusundan mo ba kami?" Mabilis na itinaas ni Aulora ang kaniyang mukha ay umiling bilang sagot. "Imposibleng hindi mo kami sinusundan dahil kami lang ang kilala mo sa loob ng building na 'to. Huwag ka na magsinungaling dahil alam ko na ang totoo." "Sorry." "Gan'yan na lang ba kayo palagi? Sorry na lang ang kaya niyong sabihin? Grow up, Aulora. Saka lumayo-layo ka nga sa akin. Napakalandi mo." Dahil sa sinabi ni Eliezar. Parang nahati sa gitna ang kaniyang puso. Ang sakit naman magsalita ng lalaking 'yun. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong mag-explain kung bakit siya nasa building. Umuwi si Aulora sa dorm ng walang buhay. Unang beses niyang masabihan ng gano'n. Ang sakit pala. Hindi naman gano'n si Eliezar noon ah? Sa totoo niyan parang close pa nga sila. "What happened?" tanong ni Lene nang makasalubong niya si Aulora sa loob ng building ng kanilang dorm. "Nothing, pero parang mahihirapan akong protektahan sila Eliezar." "Bakit?" "Hindi nila ako gusto." "Hindi mo naman kailangan magpakita sa kanila para maprotektahan sila, Aulora. Kaya nga poprotektahan natin sila ng palihim dahil hindi na nila tayo kilala. Huwag mong hahayaan na mabother ka sa gan'yan. Ilayo mo 'yan sa utak mo dahil 'yan ang madalas na hinahanap ng mga masasamang ispirito. Kapag nakita nila na nahihirapan ka sa buhay mo. Papasok ang masamang kaluluwa sa'yo at magkukuha ang katawan mo na magpakamatay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD