Kabanata XIII

1386 Words
"Ayus ka lang ba?" tanong ni Lene kay Aulora. Bigla kasing napamura si Aulora at humawak sa kaniyang ulo. Sumakit ang ulo ni Aulora at hindi niya alam kung bakit ito sumakit. Simula kasi noong umalis siya sa bahay nila ay sumasakit na ang ulo niya. Hindi kaya naninibago lang siya? Pero pakiramdma niya kasi merong nagbibigay sa kaniya ng sign. Hindi niya nga lang alam kung ano 'yun. "Sumakit lang ang ulo ko. Ayus naman na ako kaya wala ka dapat intindihin." Tumungo si Lene bilang sagot kahit alam nito na hindi ayus si Aulora. Kung may mangyare na lang ay doon niya ihahatid si Aulora sa school clinic. Pumikit si Aulora, pero imbis na itim ang makita niya ay isang liwanag. Nakita niya ang napakagandang babae. Isa itong dyosa na may korona. Malaki rin ang kasuotan nito. Para siyang reyna, pero hindi niya kilala kung sino. Sinubukan niyang lumapit pero hindi siya makaalis sa kaniyang kinakatayuan. "Tutulungan kita, Aulora. Pagdating ng ika-labing walo mong kaarawan ay doon mo ako makikila. Makikilala mo rin ang 'yong sarili. Lahat ng mga kapangyarihan nila ay mapupunta sa mga taong karapatdapat at mas lalo kang lalakas. Hintayin mo ang pagdating ko dahil ipaparanas natin sa kanila kung gaano kalakas ang isang Dyosa." ** Habang nakikinig si Eliezar sa kaniyang guro ay biglang may ulo na dumikit sa kaniyang balikat. Tinignan niya kung gaano kainosente ang mukha ng babaeng natutulog sa balikat niya. Hindi niya alam kung gigisingin niya ba ang babae o hindi dahil mahimbing ang tulog nito. Nagtataka nga rin siya kung bakit nakatulog ang dalaga kahit pinagsabihan niya na ang mga 'to. Pasimpleng tumingin sa kanila ang kanilang guro. Kaya napangisi ito. Mga kabataan nga naman. Ang bilis mainlove sa isa't isa. Nang tumingin si Eliezar sa kaniyang guro ay nginisian siya nito kaya napatakip si Eliezar sa kaniyang mukha sa sobrang hiya. Ano ba kasi ang problema ng babaeng 'to? Hindi niya ba alam na ang ayaw niya sa lahat ay may nakakahawak sa kaniya na babae? Pero bakit ayaw niyang alisin ang babae sa balikat niya? Ang gulo talaga ng isip mo, Eliezar. Minsan gusto niya nang sabunutan ang kaniyang sarili dahil sa sobrang inis. Anong meron ba sa babaeng 'to? Bakit iba ang nararamdaman niya? "Ayus ka lang ba riyan, pre? Parang nagugustuhan mo na ang pwesto mo ahh." Tinitigan niya lang ng seryoso si Azaiah kaya napatawa ito ng mahina. "Huwag kang mag-alala. Hindi ka naman na lugi dahil maganda ang babaeng nakatulog sa balikat mo. Saka malay mo siya na ang babaeng magpapabago ng ugali mo," dagdag pa nito kaya nainis na si Eliezar. "Shut the fvck up." Baka kasi magising ang babae sa sobrang ingay ng lalaki. Nang lumayo sa kaniya si Azaiah ay tinignan ni Eliezar ang mukha ni Aulora. Pinagmasdan niya ng mabuti ang mukha nito at sinaulo. Tulog naman 'yung kaibigan nong babae kaya matitigan niya ng maayos 'yung tulog. Bumaba ang buhok ng babae sa mukha nito kaya inipit niya sa tenga ng babae. "Baka matunaw 'yan sa titig mo o kaya baka mawala 'yan bigla." Tumingin si Eliezar kay Azaiah at sinabihan itong manahimik. Pagkatingin niya naman sa babae ay napansin niyang masamang nakatingin na sa kaniya ang kaibigan nito. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin. Gigisingin niya na ba ang babae? Narinig niya ang maginang daing ng babae kaya hinawakan niya ang noo nito at inayos ang ulo sa balikat niya para hindi ito mangalay. Pinabayaan niya na lang ang kaibigan ng babae kasi wala naman siyang pake sa babae e. Hindi rin naman niya kasalanan kung bakit napunta ang ulo ng babae sa balikat niya. Maya-maya ay pinapawisan na ang babae. Kaya nagpakuha siya ng towel kay Azaiah. Nang makuha niya ang towel ay pinunasan niya ang pawis ng babae. Ano kaya ang nangyayare sa babaeng 'to? Bakit grabe naman ang pawis nito at hindi man lang natutuyo. Sa tuwing pinupunasan niya kasi ang noo nito ay nababasa ulit. Namumutla na rin ang bibig nito. "Excuse me, Sir!" malakas na sabi ni Eliezar at agad na binuhat si Aulora para idala sa clinic. "What's happening to you," mahinang saad nito habang tumatakbo. Buti na lang at walang mga estudyante sa daan dahil kung meron. Baka mahirapan siyang makasingit at matagalan sila sa pagpunta sa clinic. Ramdam niya naman ang pagsusunod ng kaibigan ng babae at ng kaibigan niya kaya hindi niya na kailangan itong pagsabihan. "Eliezar?" Napatingin si Eliezar may Aulora dahil narinig niya ang mahinang boses nito. Nagtaka rin siya kung bakit alam nito kung ano ang pangalan niya, pero pinabayaan niya na lang muna 'yun. "Sleep." Nang sabihin ni Eliezar 'yun ay agad isinara ni Aulora ang kaniyang mga mata. Pakiramdam kasi ni Aulora ay nanghihina siya at wala siyang enerhiya para magising. Pinilit niya lang magising kanina dahil narinig niya ang boses ni Eliezar. "Anong nangyare sa kaniya?" saad ng Doctor pagkapasok na pagkapasok nila sa clinic. Inihiga ni Eliezar si Aulora sa kama para matignan siya ng Doctor. "Hindi ko alam, Doc. Bigla na lang sumakit ang ulo niya at nakatulog siua sa balikat ko. Mga ilang minuto naman ay nagsisimula na siyang pawisan at namutla na rin ang bibig niya." Kumunot ang noo ng Doctor nang marinig niya ang t***k ng puso ni Aulora. "Normal ang t***k ng puso niya at hindi naman mainit ang kaniyang leeg at noo. Ang masasabi ko na lang ay kailangan niya ng pahinga. Baka nabigla lang ang kaniyang katawan. Sa nakikita ko kasi ngayon sa kaniya ay parang hindi normal, pero ayus naman siya. Tinignan ko na ang lahat ng parte ng katawan niya. Kaya wala kayong dapat isipin. Salamat sa pagdadala sa kaniya rito." Kumunot ang noo ni Lene dahil parang katulad ito nong nangyare kay Aulora noong pinasok nila ang mansyon. Aalis na sana sila Eliezar nang biglang bumukas ang mga mata ni Aulora. "Anong nangyare?" nagtatakang tanong nito. "Hindi mo alam kung ano ang nangyare sa'yo?" galit na saad ni Eliezar kaya napayuko si Aulora. "Masyado ka bang manhid? Inistorbo mo ang pag-aaral ko," dagdag pa nito. "Sorry," mahinang pagpapaumanhin ni Aulora. "Why are you mad? Ikaw ang nagdala sa kaniya rito kahit pwede mo naman sabihin sa akin kung ano ang nangyayare sa kaniya. Hindi niya kasalanan kung bakit mo siya binuhat para dalhin siya rito." Tinignan ng masama ni Eliezar si Lene. "Kasalanan niyo dahil kung hindi kayo pumasok sa klase namin hindi magiging ganito. Hindi ba siya ang nagsabi na may kailangan kayo sa amin? At ano naman 'yun? Masyado kayong paimportante. Hindi ko naman kayo kilala." Pagkatapos sabihin 'yun ni Eliezar ay agad na itong lumabas kasama ang kaibigan nito. Napailing si Lene nang makita niyang umiiyak si Aulora. "Para kang bata." Nang tumingin si Aulora kay Lene ay mas lumakas ang iyak nito. "Anong gagawin natin." "Rest, Aulora. Saka na natin isipin kung ano ang sunod na gagawin natin kapag ayus ka na." "Ayus na ako, Lene. Pwede naman natin habulin sila Eliezar." "No, hindi na natin sila pwedeng kausapin dahil babantayan atin sila ng patago." "Ahh?" "Ikaw ang magbabantay sa dalawang lalaki at ako naman sa dalawang babae. Maayos ang pagkakasabi ko, Aulora. Baka hindi mo pa 'yan maintindihan." Kinagat ni Aulora ang kaniyang labi dahil iniisip niya kung ano ang gagawin para mabantayan ang dalawang lalaki. Galit pa naman sa kaniya si Eliezar. Bakit ang hirap naman ng trabaho niya? Bawal bang siya na lang sa dalawang babae? "Bawal kang makipagpalit sa akin dahil mas kaya mong protectahan ang dalawang lalaking 'yun dahil may kapangyarihan ka. Sigurado ako na mas matindi ang gagawin ng demonyo sa dalawang lalaking 'yun kaya mag-iingat ka rin." "Nakakakilabot ka naman. Ayusin mo nga ang pananalita mo. Masyado ka rin seryoso. Hindi ka na nakakatawa." "Seryoso ako, Aulora. Hindi lahat ng sinasabi ko ay biro. Puro seryoso anh lumalabas sa bibig ko. Kaya sana ikaw din. Kung gusto mong maging kaibigan ako. Act like me, I need you to be me, okay?" Walang nagawa si Aulora kung hindi ang tumungo dahil wala naman siyang choice. Ayaw niya rin naman na mawlaay kay Lene kasi mawawalan siya ng kaibigan. 'Yung kadorm niya kasi parang hindi niya totoong kaibigan. Halatang plastic. Sana nga magkadorm na lang sila ni Lene. Para wala silang problema. Magandamg idea ata 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD