Kabanata XII

1547 Words
"f**k, nagsasayang lang tayo ng oras sa kakahanap sa dalawang 'yun," inis na saad ni Lene. Nasa harap kasi sila sa classroom nila Eliezar at wala ang dalawang 'yun sa loob. "Sigurado ka ba na rito ang classroom ng dalawang 'yun? Naiinis na ako palagi na lang tayo naghihintay. Hindi pa nga natin alam kung nasaan ang dalawa e." "Sinabi ko na kanina na hindi nagkakamali ang kapangyarihan ko. Baka lumabas lang ang dalawa kanina kaya wala sila rito ngayon. Maghintay na lang tayo, Lene. Papunta na 'yung mga 'yun dito." "Tutunog na ang bell, Aulora. Hindi naman pwedeng hindi tayo pumasok. Kailangan kong mapasa ang subject na 'yun ngayong quarter." "Ilang beses ka na bang nag-absent?" "Ngayon pa lang kapag hindi tayo pumasok?" "Tignan mo, ngayon lang pala. Pwede ka naman pumasa sa subject na 'yun dahil matalino ka naman. Saka hindi ka hahayaan ng teacher mo na bumagsak." Napairap na lang si Lene dahil wala naman na siyang magagawa. "Hi, Miss," saad ng isang matangkad na lalaki na kakadating lang. Hindi nila kilala ang lalaki kaya hindi nila 'to pinansin. "Ano ang kailangan niyo? Kanina pa kasi kayo nasa harap ng classroom namin. Naisip ko na nahihiya kayo kaya ako na ang lumapit sa inyo," dagdag pa nito. "Kilala mo ba si Eliezar at Azaiah?" Kumunot ang noo ng lalaki. Si Lene naman ay kinurot ang tagiliran ni Aulora para itigil ng babae kung ano ang sinasabi nito. "Ano ang kailangan niyo sa kaniya?" Naging seryoso ang boses ng lalaki kaya napalunok si Aulora ng laway. "Bakit sila ang hanap niyo kung nandito naman ako." Mas lalong kumunot ang noo ni Lene sa sobrang inis sa lalaki. Masyado kasing mataas ang tingin ng lalaki sa sarili. Hindi naman kagwapuhan ang lalaki kaya hinding-hindi magkakagusto ang mga babae sa lalaki. Depende na lang siguro kung may babaeng papatol sa mayabang na lalaking 'to. "Hindi kami interesado," walang ganang saad ni Lene at hinila si Aulora palayo sa lalaki. "Bakit gano'n ang sinabi mo? Meron pa akong itatanong sa kaniya. Hindi pa tapos e. Dapat hinayaan mo na lang akong tanungin siya. Hindi natin malalaman kung nasaan sila." "Hindi mo ba nakikita na masama ang nasa isip niya sa'yo? Madami namang tao na pwede mong mapagtanungan 'yung maayos. Hindi 'yung lalaking pag-iisipan ka ng masama." "Magtatanong lang naman ako. Saka wala naman akong pakeelam sa kaniya. Hindi ko rin naman siya type." "Napakakulit mo." Papasok na sana sila sa classroom nang mabangga ni Aulora si Eliezar. Nang magkatinginan silang dalawa ay nginitian ni Aulora ang lalaki. Sa wakas nahanap niya na ang dalawa. Ang akala niya kasi gagamitin niya ulit ang kaniyang kapangyarihan. Ayaw niya pa namang gamitin 'yun sa harap ng mga estudyante. Sadyang naexcire lang siya kanina kaya niya nagawa 'yun. "Sorry," seryosong saad ni Eliezar habang cold na nakatingin kay Aulora. "But next time tumingin ka sa dinadaanan mo," dagdag pa nito na nagpakunot sa noo ni Aulora. Nang makapasok ang dalawa sa classroom ay agad na tumingin si Aulora kay Lene. "Anong nangyare sa lalaking 'yun? Bakit naging gano'n ang ugali niya? Hindi naman siya gano'n noong nagkakilala kami o kaya noong nagkabanggaan kami ah? Saka hindi niya ba ako nakikilala?" "May posible ba na natanggal mo ang buong memorya niya?" "Ano?" "I mean 'yung memorya ng pagkatao nilang apat." Biglang nanlumo ang katawan ni Aulora at tinignan ang kaniyang kamay. Ngayon niya lang naisip na hindi niya pa masyadong gamay ang lahat ng kapangyarihan niya. Napakatanga niya para hindi maisip 'yun. Puro kasi kayabangan ang inaatupag niya at puro pakita ng kapangyarihan. Siguro sa susunod na gamit niya ng kapangyarihan ay mapahamak na siya. "Tama ba ang naiisip ko, Aulora?" Dahan-dahang tumungo si Aulora dahil nahihiya siya. "Hindi mo pa kontrolado ang kapangyarihan mo? Tapos ginamit mo?" Mas lalong kinabahan si Aulora dahil sa tono ng boses ni Lene. Ngayon niya lang kasi nakita ang babaeng magalit. "Maganda naman siguro kung gano'n ang nangyare hindi ba? Malay mo hindi sila madamay sa gulo natin dahil sa ginawa ko." Magsasalita na sana si Lene nang biglang may matandang lalaki na nagsalita. "Hindi ba kayo papasok sa klase ko? Time na mga iha. Bakit pa kayo nasa labas?" Kinuha ni Lene ang kamay ni Aulora at pumasok sila sa loob ng classroom nila Eliezar. Nakita nilang dalawa na may dalawang bakanteng upuan sa tabi nila Eliezar kaya roon sila umupo. Bale ang upo nila ngayon ay Azaiah, Eliezar, Aulora, at Lene. "Meron tayong dalawang nagseat in sa ating klase. Pwede niyo bang pakilala ang inyong mga sarili mga Binibini? Tumayo kayo at sabihin niyo ang pangalan niyo. Baka kasi magtaka ang aking mga eatudyante kung bakit kayo nandito sa aking klase." Napailing si Lene dahil ito ang pinakaayaw niya sa paaralan. Ang pagpapakilala sa sarili. "Ako po pala si Aulora at ito naman po ang aking kaibigan na si Lene. Pumasok lang naman po kami rito dahil meron po kaming hinahanap." Napansin kasi ni Aulora na ayaw magpakilala ni Lene kaya siya na kang ang nagpakilala sa kaibigan. "Hindi pala kayo pumunta rito oara makinig sa klase ko?" Tumungo si Aulora bilang sagot, pero hindi naman nainis ang kanilang guro. "Kung gano'n sino ang hinahanap niyo rito?" dagdag pa nito. "Sina Eliezar at Azaiah po." Nagulat ang dalawang lalaki nang marinig nila ang kanilang pangalan. Hindi kasi nila inaasahan na hinahanap pala sila ng babae kahit hindi naman nila ito kilala. "Mga boyfriend niyo ba sila? Ineng, hindi ito ang oras para sa pag-ibig ano? Oras ngayon ng pag-aaral. Kung gusto niyong mag-usap at nagbati, pagbibigyan ko naman ang estudyante ko na makaalabas at pag-usapan niyo ang problema niyo. Basta huwag ng mauulit okay?" Lumaki ang mga mata ni Aulora at si Lene naman ay napataklob ng kaniyang mukha dahil sa hiya. "Naku, hindi po gano'n, Sir. Ang ibig ko pong sabihin ay kailangan po namin sila makausap. Wala po kaming relasyon. Magklase na po kayo, pwede naman po namin 'yun pag-usapan pagkatapos ng klase." "Mabuti naman, iha. Sa akin kasi kapag oras ng klase ay kailangan niyong makinig. At dahil nasa klase kita, huwag munang daldal o pag-ibig ang unahin ah? Makinig ka sa akin dahil importante ang mga ituturo ko sa inyo ngayon." Tumungo si Aulora at nagpaumanhin sabay upo. "Sorry," bulong ni Aulora kay Lene. Kaya napabuntong hininga ang babae. Puro kalokohan kasi 'tong babaeng 'to 'yan tuloy pati siya nadadamay. "Ano ba ang kailangan niyo? Bakit umabot kayo rito?" inis na bulong ni Eliezar kay Aulora. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? May kailangan lang kami sa'yo, pero mamaya na natin 'yun pag-usapan. Makinig ka muna sa guro mo." Kakausapin sana ni Aulora si Lene nang makita niya itong nakasubsob sa lamesa at natutulog. "Gisingin mo ang kaibigan mo dahil ayaw ni Sir ng my natutulog sa klase niya. Baka mapahiya lang 'yan dito." Dahil sa sinabi ni Eliezar ay agad niyang ginising si Lene. "Bakit?" inaantok na saad nito. "Gumising ka, baka mapagalitan tayo rito. Ayaw daw ng guro rito na natutulog sa klase niya." "I can't help it. Ang boring niya magturo. Saka hindi ko naman kailangan ang subject na 'to. Nandito lang naman tayo para sa dalawang lalaking 'yan." "Hinaan mo nga 'yang boses mo. Baka marinig nila. Nakakhiya kaya." "Ano ang pinagsasabi mo? Mahina ang boses ko sadyang magkadikit lang tayo kaya akala mo malakas. Hindi tayo maririnig niyan dahil mahina ang pagdinig nila." "Naririnig ko kayo." Napatigil ang dalawa sa pag-uusap at umayos ang pagkakaupo. Grabe, nakakahiya silang dalawa. Ang lalim pa naman ng boses ni Eliezar kaya nakakatakot, pero si Lene naman ay chill lang na parang wala siyang ginawa. Si Aulora naman ay kinakabahan na dahil sa sobrang hiya. Unang beses niyang makaramdam ng ganito. Kaya kailangan niyang magmaang-maangan. Si Lene talaga ang may kasalanan nito e. Kung hindi siya magsasabi ng kung ano-ano ay wala na siyang iisipin ngayon. Ang hirap talaga magkaron ng kaibigan na demonyo, pero masaya naman dahil may maganda siyang kaibigan. Anong konek? "Kung pumunta lang kayo rito para pag-usapan ako ay pwede na kayong umalis. Imbis na nakikinig kasi ako rito ay nawawala ang focus ko dahil sa inyo." Bakit ba nagbago ang ugali ng lalaking 'to? Maayos naman ang ugali niya noon. Para nga 'tong hindi lalaki sa mga kinikilos niya, pero bakit ngayon lalaking-lalaki na? Grabe naman ang kapangyarihan na nilabas niya noon. Delekado pala ang kapangyarihan niya, pero minsan naman ay useful dahil hindi sila makakalabas ng mansyon kung hindi niya gagamitin ang kapangyarihan niya. "Sorry." "Huwag kang magsorry. Ang kaibigan mo dapat ang nagsasabi niya." "Uhm, ako na lang ang magsosorry para sa kaniya. Hindi niya naman kasi sinasadyang sabihin 'yun. Saka hindi niya rin sinasadyang sabihan ng masama ang guro mo. Sorry talaga." Narinig ni Aulora na nag'tsk' si Eliezar kaya napakagat siya ng labi. Ano ba 'tong pinasukan nila. Mali ata ang ginawa nila ah. Pero hindi naman nila alam na magbabago ang ugali ng dalawang lalaking 'to. Nagsisisi rin naman si Aulora sa nagawa niya. Ginawa niya lang naman 'yun para hindi sila madamay, pero kahit anong gawin niya ata ay madadamay sila. Pero hanggat kaya nilang protektahan ang apat ay gagawin nila. Hindi nila hahayaan na makuha sila ng isang demonyo. Gagawin nila ang kanilang makakaya. "Fuck."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD