"Kumusta ang tulog mo?" Napatingin si Lene kay Aulora nang makaupo ito sa harap niya.
"Ayus lang." Kinuha ni Aulora ang mansanas na nakalagay sa tray ni Lene kaya napailing na lang ang babae.
"Salamat, pero parang hindi ka okay. Hindi ka ata nakatulog ng maayos kagabi."
"Sino namang makakatulog ng maayos kung nalaman mo na kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng pamilya ko? Hindi na dapat tayo pumasok sa mansyon na 'yun dahil mas ginulo niya ang isipan ko."
"Mas mabuti ngang nalaman na natin e dahil kung hindi mo pa nalaman ay baka hindi mo mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya mo."
"Hindi mo ako naiintindihan, Aulora. Kaya ko pinagsisihan na pumasok sa mansyon na 'yun ay dahil damay na ang apat na taong pumasok don. Sigurado ako na pati sila ay papatayin ng demonyong 'yun."
"Wala silang alam ngayon dahil tinanggal ko ang memorya nila nong gabing 'yun. Hindi niya pwedeng galawin ang apat. Inosente sila."
"Iyon nga ang pinagtataka ko. May kutob ako na pati sila damay sa ginawa natin kagabi kahit wala silang maalala. Kilala ko ang sarili ko, Aulora. Lahat ng kutob ko ay tama. Hindi ako pwedeng magkamali." Hinawakan ni Lene ang kaniyang mukha dahil pinapakalma niya ang kaniyang sarili.
"Kung tama man ang kutob mo. Kailangan na natin silang warningan."
"Katulad nga ng sabi mo. Wala silang alam tungkol sa nangyare kagabi. Kaya hindi nila tayo kilala ngayon. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang tayong magpapakilala sa kanila at sabihin na kailangan nilang sumama sa atin."
"Eh 'di magpakilala muna tayo sa kanila. Para hindi sila maweirdohan sa atin. Magandang umpisa naman 'yun hindi ba?"
"Alam mo ba kung nasaan sila ngayon? O kaya kung saan sila nag-aaral?"
"Kilala ko ang isa sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali Eliezar ang pangalan non. Siya ang nakabangga ko noong nagmamadali akong pumasok sa school dahil late na ako. Kaya nag-aaral sila rito sa school na 'to. Hindi ko nga lang alam kung saan ang classroom nila."
"Kailangan ba nating pumunta sa Principal's office?"
"Huwag na, baka hindi niya ibigay sa atin ang information ng apat na 'yun dahil hindi naman niya tayo kilala. Saka baka magtaka pa 'yun. Kaya ako na ang bahala."
Nang pumukit si Aulora hinahanap niya ang apat na tao at agad niya naman itong nahanap.
Kapag kasi nagamitan ng kapangyarihan ni Aulora ay mabilis niya nang mahahanap ang mga taong 'yun dahil nasa utak niya na ang kanilang mga mukha at amoy.
"Nahanap ko na sila. Ang kailangan na lang nating gawin ay magpakilala sa kanila at maging close sa kanila. Kaya mo bang gawin 'yun?"
"Hindi ako nakikipagclose sa mga taong wala namang ambag sa buhay ko, pero kung madadamay sila sa problema ko. Handa kong gawin 'yun."
"Sorry." Napayuko si Aulora at kinakagat ang kaniyang labi. "Kung hindi kita pinilit hindi mangyayare 'to. Hindi dapat sila madadamay at hindi sila makakapasok sa mansyon," dagdag pa nito.
"Hindi mo kasalanan kung bakit naisipan nilang pumasok sa mansyon. Kasalanan nilang apat 'yun at ako. Ako ang nagpapasok sa dalawang lalaki kaya ako ang may kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang ginagawang mali." Hindi nakapagsalita si Aulora dahil wala siyang masabi. "Bilisan mo na ang pagkain sa pagkain mo dahil pupuntahan pa natin isa-isa ang apat na 'yun. Kailangan natin silang makausap bago matapos ang lunch break," dagdag pa nito kaya tumungo si Aulora.
Agad niyang inubos ang pagkain niya sabay tumayo at pumunta sa isang classroom kung nasaan si Nia.
"Sigurado ka bang nandito ang Nia na tinutukoy mo?"
"Hindi nagkakamali ang kaoangyarihan ko, Lene. Nandyan siya baka natakpan lang ng mga estudyante." Nakatingin kasi sila sa bintana kaya hindi nila makita.
Nataranta si Aulora nang biglang pumasok si Lene sa classroom. Kaya pumasok na rin siya. Nagulat naman ang mga estudyante dahil sa inasak ng dalawa, pero hinayaan na lang nila ang mga 'to.
Nang makita nila si Nia na nasa dulong-dulo, ay tinabihan nilang dalawa ang babae sa upuan.
"Ako nga pala si Aulora," pagpapakilala niya kay Nia, pero hindi siya nito pinansin.
"I'm Lene."
Nanatiling tahimik pa rin si Nia. Kaya napabuntong hininga ang dalawa.
"Balita ko kasi magaling ka magbadminton e paboritong sport ko 'yun. Pwede mo ba akong turuan?" Kumunot ang noo ni Lene at tinignan ng masama si Aulora, pero nginitian lang siya nito.
"Akala ko ba paborito mo? Kung paborito mo 'yun dapat alam mo na kung paano 'yun laruin. Hindi 'yung magpapaturo ka sa akin."
"Kahapon ko lang kasi 'yun nagustuhan. Alam mo na malapit naman na ang sportfest kaya namili agad ako ng sport."
"Next year pa ang sportfest, ineng. Huwag mong madaliin."
"Hindi ko naman minamadali. Ang gusto ko lang ay maging handa. Pwede mo ba akong turuan?"
"Hindi ko alam, pero itatry ko. Pumunta lang ba kayo rito para sabihin sa akin 'yan? O wala kayong magawa kaya naisipan niyong pagtripan ako?"
"Kung gusto ka naman pagtripan, kilala mo na kami at kilala ka na namin, pero hindi. Totoo ang sinasabi ko kaya maniwala ka na. Itong kaibigan ko kasi na si Lene ay mahilig sa table tennis. Meron ka bang kilala na magaling sa table tennis?"
"Meron."
"Talaga? Sino? Pwede mo ba kaming dalhin sa kaniya? Kung pwede lang naman hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo." Biglang tumayo si Nia at pinasunod niya ang dalawa.
"Hindi ba, sabi ko sa'yo e. Huwag kang mag-alala nakaplano na 'to," bulong ni Aulora kay Lene.
Habang naglalakad sila ay biglang nakita ni Aulora ang kaniyang kadormmate na nila Olivia at Angel. Gulat naman ang dalawa nang makita nila si Aulora na kasama si Lene.
Kaya humarang si Angel sa dalawa at masamang tinignan si Lene.
"Anong ginagawa mo?" Kunot noo ang sagot ni Lene sa tanong ni Angel. Nang humarap si Angel kay Aulora ay hinawakan nito ang kamay ng babae, pero pinigilan siya ni Lene. "Bitawan mo ako!" dagdag pa nito.
"Hindi ko bibitawan ang kamay mo hangga't nakaharang ka sa dinadaanan namin."
"At sino ka para utusan ako? Ibigay mo sa amin ang kaibigan namin dahil hindi namin hahayaan na maging kaibigan ka niya. Ilalayo namin siya sa'yo! Crazy witch!" Nang tanggalin ni Lene ang pagkakahawak niya kay Angel ay dumaing ito sa sakit.
"Let's go," bulong ni Olivia kay Angel.
"Lumayo ka sa kaniya, Aulora." Nang masabi ni Angel sa kaniya 'yun ay umalis na ang dalawa.
"Bakit ang tagal niyo maglakad? Nakapunta na lamang ako sa classroom ng kaibigan ko tapos kayo nandito pa rin. At bakit ang daming nagbubulungan?" Madami pa lang tao sanpaligin ngayon lang nila napansin.
"Wala," seryosong saad ni Lene kaya naglakad na ulit sila.
"Sorry nga pala kanina. Mga kadormmate ko 'yun. Hindi ko naman alam na gano'n ang gagawin nila kanina. Masyadong madami na ang nangyayare ngayon. Ang sabi niya kasi noon huwag daw ako nakipagkaibigan sa'yo kasi ang weird mo. Hoy, huwag kang maoffend sa sinabi ko ahh. Gusto ko lang maging honest sa'yo dahil kaibigan kita."
"I don't need friends." Tinignan ni Aulora si Lene at nagulat siya nang makita niya ang napakaseryosong mukha ng babae. "Hindi ko kailangan dahil ayaw ko ng may pabigat sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng magpapasaya sa akin dahil kaya ko ang sarili ko. Sawa na akong mawalan ng kaibigan at hinding-hindi na mangyayare 'yun," dagdag pa nito na nagpalungkot kwy Aulora.
"Ano pala ako sa'yo?"
"Isa ka lang sa mga tumutulong sa akin. Never kitang gagawing kaibigan ko." Nawalan ng gana si Aulora, pero ayaw niyang maramdaman o mapansin 'yun ni Lene.
Naiintindihan niya naman si Lene dahil grabe ang kapangyarihan na meron ang babae, pero lahat naman tayo nawawalan ng kaibigan. Kahit anong gawin natin , ay iiwan at iiwan pa rin nila tayo at mapupunta sila sa iba.
"Madami na akong naging kaibigan na namatay dahil sa akin. Dahil sa kapangyarihan at sumpa na 'to ay unti-unti silang nawawala. At sa bandang huli sisisihin ko ang sarili ko dahil hindi ko sinubukang iligtas sila sa paaralan. Madami nang nangyare sa akin, Aulora. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ako ganito sa'yo. Gusto kong maintindihan mo ako, pero hindi kita pipilitin na intindihin ako dahil buhay mo 'yan. Kung ano ang iniisip mo sa akin ay sabihin mo na."
"Wala naman akong iniisip na masama tungkol sa'yo. May mga tao lang talaga na pag-iisipan ka ng masama dahil iba ang pakikitungo mo sa kanila. Sa totoo lang gusto kitang maging kaibigan dahil magkapatehas tayong nabigyan ng biyaya. Kaya nga gusto kitang turuan dahil ikaw lang ang tumutulong sa akin ngayon. Kaya huwag kang matakot magkaron ng kaibigan dahil ang pagkakaron ng kaibigan ay ang pagkakaron ng malaki at masayang pamilya. Magpakatatag ka dahil hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako."
"I'm Xia po, nice to meet you two." Napatingin silang dalawa sa isang babae na bigla-bigla na lang sumusulpot sa kanilang gilid.
"Ako si Aulora at si Lene naman ang kasama ko," pagpapakilala ni Aulora sa kanilang dalawa. "Si Lene ang gustong matutong magtable tennis. Magkaibigan kayo o magkapatid?" dagdag pa ni Aulora habang nakaturo sa dalawang babae.
Siyempre kunware wala silang alam kaya balik sa una sila.
"Magkaibigan kami matagal na simula elementary. Magaling magtable tennis ang kaibigan ko kaya wala kayong poproblemahin. Ang problema nga lang dito ay kailangan niyong magbayad dahil hindi lahat libre ngayon."
"Magkano?" Napatingin sina Nia at Xia kay Lene. Kita sa dalawa ang gulat dahil nakakatakot ang itsura nito.
"Huwag na po pala. Libre na po," nanginginig na saad ni Xia.
"Mabuti, bukas ang simula ng training natin. Umaga, kaya kailangan niyong maging handa." Pagkatapos sabihin 'yun ni Lene ay agad silang naglakad palayo sa magkaibigan.
"Ang kasunod naman ay sina Eliezar at Azaiah. Nasa iisang school lang sila kaya hindi tayo mahihirapan na hanapin sila."