Kabanata X

1468 Words
Napasigaw ng malakas si Aulora dahil sa sakit ng kaniyang ulo. "Anong nangyayare?" natatarantang saad naman ni Lene at inalalayan na makaupo si Aulora sa box. Hindi siya mapakali dahil hindi pa rin tumitigil ang pagsisigae ni Aulora. Mga ilang minuto ang nakalipas ay biglang nahimatay si Aulora kaya walang nagawa si Lene kung hindi ang bantayan ang nga katawan ng mga 'to. Habang naglakad si Aulora sa magandang lugar ay hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil sa kagandahan nito. Ang mga bulaklak kasi ay napakakulay at napakaganda ng bunga. Ang inaakan niya naman ay napakasarap sa paa dahil sa damong napakakambot. Pati na rin ang mga iba't ibang uri ng hayop sa paligid ay nagagandahan siya dahil kakaiba ang mga pakpak at mga paa nito. Meron kasing nga malalaking hayop meron din namang mga maliliit katulad ng mga paru-paro. Pero habang nagtatagal siya ron ay agad nagiging abo ang mga halaman at unti-unting nagsisiwalaan ang nga hayop. "Gumising ka, Aulora." Napatingin si Aulora sa langit dahil parang meron siyang naririnig na mahinang boses, pero paano magkakaron ng boses e mag-isa lang siya sa lugar na 'to? Agad siyang tumakbo papunta sa lugar na kakaiba, pero inabutan siya ng abo. Ang akala niya magiging abo rin pero roon siya nagkakamali. Nakita niya ang kalangitan ay kumikidlat at punong-puno ng usok sa paligid. Ang araw din ay kulay pula kaya ang kalangitan ay pula. Hindi niya alam kung ang nangyayare, pero ang nasa isip niya ay panaginip lang 'to. Nagbago na naman ang kaniyang paningin. Napunta siya sa isang lugar na punong-puno ng mga bangkay at nakita niya ron ang kaniyang libingan. Nakaukit na rin ang kaniyang buong pangalan. "Anong nangyayare!" takot na takot na saad ni Aulora. Napaluhod na lang siya at inilabas ang kaniyang luha na matagal niya nang pinipigilan. "Huwag ka matakot, Aulora. Ako ang gagabay sa bawat hakbang ng buhay mo." "Sino ka ba!? Bakit hindi mo tigilan ang buhay ko!? Bakit paulit-ulit akong nakakaramdam ng ganito!? Tigilan mo na ako! Layuan mo ako!" "Paumanhin, Aulora. Pero kahit anong gawin ko. Wala akong kapangyarihan para ibalik ang nakaraan. Kailangan kita, huwag mong sayangin ang araw na ibinigay sa'yo ni Bathala para ayusin ang buhay ko. Lumaban ka lang, Aulora. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil ikaw lang ang kakampe ko. Ikaw lang ang makakatulong sa akin para matalo ang kalaban ko." "Hindi kita kailangan! Ilayo mo ako rito!" "Gagabayan kita, Aulora. Nandito ako palagi sa tabi mo sa tuwing kailangan mo ako. Kahit kailangan hindi kita iniwan at hinding-hindi kita iiwan. Lalaban tayo ng sabay dahil tayo ang iisa lang. Kaya gumising ka na at tulungan mo ang mga kaibigan mo sa kanilang masamang panaginip." Nang mamulat ni Aulora ang kaniyang mga mata ay agad siyang umupo at hinabol ang kaniyang hininga. Totoo ba ang narinig niya kanina? Sino ang babaeng bumubulong sa tenga niya? Bakit familliar ang boses nito sa kaniya? Tinignan niya ang apat na nakahandusay pa rin sa sahig at agad itong nilapitan. "Ilang minuto akong nahimatay?" tanong ni Aulora kay Lene habang nakatingin sa apat. "Mahigit kalahating oras. Kanina pa talaga sila nanginginig. Hindi ko alam kung bakit kaya nilagyan ko sila ng kumot. Baka kasi nilalamig." Kaya pala merong malaking kurtina ang nakapulupot sa mga katawan ng apat. Hinawakan ni Aulora ang noo ni Azaiah at ipinikit ang kaniyang mga mata. Tinanggal niya ang masamang panaginip ng lalaki kaya tumigil ang panginginig nito. Inulit niya rin 'yun sa tatlo. "Ilang minuto sila magigising?" "Fifteen minutes, tapusin na natin ko para pagkagising nila makakalabas na tayo." "Paano nga tayo makakalabas kung nakasara ang mansyon." "I'll take care of it." Inisnap ni Aulora ang kaniyang daliri kaya nagkaron na naman ng liwanag ang kwarto. Katulad ng ginawa niya kanina ay hinalungkat pa rin nila ang nga box na hindi pa nila nakikita dahil baka meron pa silang hindi pa nalalaman. Ang nasa isip kasi ni Lene ay bilang Dixon ay kailangan niyang malaman kung ano ang totoong nangyare sa magulang ng kaniyang Ama. "Sulat?" mahinang saad ni Aulora nang makita niya ang isang sobre na nakapadumi at napakaluma. Agad na naman na lumapit si Lene sa kaniya sabay kinuha ang sobre. "From Delvin Villay and to Grace Marcos?" pagkakabasa ni Lene sa likod ng sobre. "Sulat siguro 'yan ng tatay ng tatay mo para kay Grace noon. Siguro nga tama ang kutob natin." Mahal kong Grasya, Alam kong hindi ako ang iyong pinili dahil hindi naman ako ang iyong mahal at ang inaasam na maging ama ng iyong magiging anak. Gusto kong malaman mo na ikaw ang aking mahal at mamahalin habang buhay. Kaya kong ibigay lahat sa'yo katulad ng pagmamahal ni Veljamin. Kaya kong magbago para lang mahalin mo ako, pero bakit hindi ako? Bakit hindi ako ang 'yong pinili? Madami akong tanong sa aking utak, pero hindi ko masagot dahil ikaw ang makakasagot non. Hinintay kita ng ilang taon dahil ang sabi mo maghintay ako, pero noong bumalik ka meron ka ng ibang mahal at hindi na ako 'yun. Simula noong nalaman ko sng balitang 'yun hindi ko napigilan ang sarili ko na saktan ang aking sarili dahil palagi kong iniisip na kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit napunta ka sa iba, pero mas lalo kong ikinaiinisan ang bago mo. Bakit siya? Ako ang nauna, Grasya. Ako ang nauna mong pinanindigan. Ako ang iyong pinangakuan. Bakit ganito? Sabihin mo sa akin kung ano ang mali ko para babaguhin ko. Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo! Habang buhay kayong magdurusa! Hangga't meron kayong pamilya hinding-hindi ako mananahimik. Sabay-sabay ko kayong guguluhin at papatayin. Ito ang huli kong sulat sa'yo, Grasya. Ito na rin ang huli na makikita mo ako dahil hindi mo na ako makikita pa. Paalam, Grasya. Pagkakabasa ni Lene sa sulat. Agad naman nagbago ang kaniyang paningin at napunta ito sa panahong nagpakamatay si Delvin gamit ang makapal na lubid. "Ayus ka lang ba?" Tumungo si Lene at umupo sa box. "Tama ang kutob mo, Aulora. Ang lalaking 'yun ang nakita ko kanina sa sala. Siya ang may dahilan kung bakit naging ganito ang buhay ng pamilya ko. Gusto niyang maramdaman namin kung ano ang naramdaman niya noon at hindi siya titigil hanggat may buhay pa sa pamilya namin." "Ang ibig mo bang sabihin ay kailangan mong mawala at ang tatay mo para matigil 'to?" Biglang naalala ni Lene ang kaniyang stepmom at tatay. Hindi niya hahayaan na mamatay ang mga 'yun kaya hanggat maaga ay pagsasabihan na niya ang mga 'to na mag-iingat. "Oo, pero hindi ko hahayaan na mawala sila. May naiisip ka bang paraan para magawan 'to ng paraan?" Umiling si Aulora bilang sagot. Hindi niya rin naman masisisi si Aulora kung wala itong maisip dahil problema niya 'to. Siya dapat ang nag-iisip kung paano 'to matatapos. Pamilya niya ang kailangan niyang ayusin. Hindi pwedeng madamay ang iba dahil sa problema nila. "Pero gagawa tayo ng paraan para maayos 'to. Kung kailangan gamitin ko ang kapangyarihan ko ay gagawin ko. Pinilit ko ang sarili kong tulungan ka. Kaya hanggat hindi pa naaayos 'to ay hindi ako mawawala sa tabi mo." Tinignan ni Aulora ang apat na nakahawak sa kanilang ulo habang tumatayo. "Anong nangyare? Bakit kami nasa sahig?" nagtatakang tanong ni Nia. "May nangyare ba?" singit naman ni Azaiah. "Lahat tayo nakatulog. Hindi ko lang alam kung bakit mas nauna kaming nagising," sagot naman ni Aulora. Kaya napatingin si Lene sa kaniya. Ang akala niya kasi ay walang maaalala ang apat kaoag nagising sila, pero nagsinungaling lang si Aulora. "Nagbibiro lang ako kanina. Planado talaga 'yun," bulong ni Aulora kaya napailing si Lene. "Nahanap niyo na ba ang hinahanap niyo? Mukhang nahanap niyo na e. Malinis na kasi ang paligid." Biglang napalunok ng laway si Aulora dahil naalala niya na inayos niya pala ang magulong kwarto. Sa sobrang sakit siguro ng ulo niya kanina ay nakalimutan niya nang ibalik sa dati ang mga gamit. "Oo, isang oras kayong nakatulog kaya inumpisahan na namin. Nakita naman na namin ang hinahanap namin kaya maaari na tayong umalis sa mansyon na 'to." Nakahinga ng maluwag si Aulora. Sumingit kasi sa eksena si Lene. "Hindi ba sarado ang mansyon? Paano tayo makakalabas?" Napabuntong hininga si Aulora at naglakad papunta sa harap ni Eliezar. Nagtitigan silang dalawa kaya nailang ang lalaki. Nang ngumisi si Aulora ay agad nawala ang apat sa harap nila. "Anong ginawa mo sa kanila?" "Ibinalik ko sila sa dorm nila. Huwag kang mag-alala. Pagkagising nila kinabukasan ay wala silang maaalala sa nangyare ngayon. Hindi rin nila maaalala na nakilala nila tayo." Hindi na nakapagsalita si Lene dahil naiinggit siya. Sana meron siyang gano'ng kapangyarihan lara lahat ng gusto niya ay kaya niyang gawin. Hindi 'yung cursed ang kapangyarihan niya. Sobrang malas. Nagulat si Lene nang hawakan ni Aulora ang kaniyang kamay at agad silang naging hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD