Kabanata IX

1499 Words
"Ayus ka lang ba?" tanong ni Aulora kay Lene habang sila ay naglalakad at hinahanap ang kwarto ng tatay niya. "Hindi." "Ineexpect kong sasabihin mo oo." "Bakit ko sasabihing oo kung hindi naman talaga?" "May bumabagabal sa isip mo ano?" "Iniisip ko lang kung dahil sa tatay ko kung bakit ako ganito." "Ano?" "Mahirap iexplain, pero sa madaling salita. Ang tatay ko ang may dahilan kung bakit malas ako. Kung bakit may ganito akong problema ngayon. Kung bakit namatay ang nanay ko. Kung bakit siya nawawala ngayon." "Anong ibig mong sabihin?" "Nawawala ang katawan ng nanay ko matagal na. Kaya gusto kong makita kung nasaan na siya. Hindi mananahimik ang mga masasamang ispirito hanggat hindi ko siya mahahanap." "Ngayon mo lang ba nalaman na ang pamilya na nakatira rito ay ang pamilya ng tatay mo?" "Oo, dahil wala namang sinabi ang tatay ko tungkol sa pamilya niya. Kaya pala mag-isa na lang siya at nagrebelde." "Ahh?" "Kayang pumatay ng tao ang tatay ko noong teenager pa lang siya. Bawal siyang ikulong dahil minor pa. Kaya ang ginawa nila ay ipinasok siya sa paaralan na ang tawag ay Keimusho University. Ang paaralan ng mga rebeldeng tao o kaya cursed school. Doon niya nakilala ang nanay ko na inosente. Nagmahalan sila kaya nagbago ang tatay ko. Dahil sa pagmamahalan na 'yun ay nabuo ako sa loob ng paaralan at doon din ako ipinanganak. Doon nagsimula ang lahat. Nagkaron ako ng ganitong kapangyarihan." "Nagkaron ka ng gan'yan dahil ikaw ang daan para maayos ang pamilyang 'to, Lene. Kailangan ka ng magulang mo at meron silang tiwala sa'yo na kaya mo." Medyo malayo ang apat sa kanila kaya hindi sila maririnig ng mga 'to at mahina rin ang kanilang boses. "I don't know, minsan gusto ko nang sumuko, pero naalala ko ang sinabi sa akin ng stepmom ko. Kailangan kong maging matatag para sa nanay ko." "Kailangan mo naman talaga, dahil ikaw lang ang nag-iisa siyang anak. Sa'yo nakasalalay ang kapayapaan ng nanay mo. Kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa." "Hindi ko dapat sinasabi sa'yo 'to dahil hindi naman kita masyadong kilala. Hindi katulad ng mga kaibigan ko na matagal ko nang kilala." "Nasaan sila ngayon? O hindi ba ako lang ang kasama mo. Ako lang ang pwedeng makatulong sa'yo ngayon. Kaya wala ka talagang choice kung hindi ang ikwento sa akin ang nakaraan mo. Sige ka, kung hindi mo sasabihin ako ang gagawa ng paraan para malaman. Iisa-isahin ko ang mga napaginipan mo para lang malaman ko." Napabuntong hininga si Lene dahil hindi naman niya alam na kaya pa lang gawin 'yun ni Aulora. Minsan iniisip niya kung sino ba talaga ang kausap niya kung paano ito nagkaron ng kapangyarihan o kaya kung saan ito nang galing. Kaso sinabi na sa kaniya ng babae na hindi rin nito alam dahil ang totoong nanay nito ay isang tao lamang. "Hindi ka ba nagtataka sa pagkatao mo? Kung sino ka ba talaga?" "Ano ang ibig mong sabihin?" "Naniniwala ka talaga sa nanay mo na sa kaniya ka lumabas?" "Oo naman. Bakit naman ako hindi maniniwala?" "Iba ka kasi sa kanila. Imposible namang magkaron ng kapangyarihan at ang mga totoo mong magulang ay isang normal lang. Hindi ka ba nagtataka?' "May nagsabi sa akin na malalaman ko rin ang lahat kapag ako'y eighteen years old na kaya kailangan ko na lang maghintay. Hindi ko talaga alam kung sino ako, pero may kutob ako na hindi ako pangkaraniwang tao lang. Isa raw akong dyosa na kailangan maghanda para sa hinaharap." "Parang mas maganda ang storya mo kaysa sa akin ah." "Parehas lang tayo ng storya dahil parehas tayong special sa mata ng iba. Isa tayo sa biniyayaan ng kapangyarihan ni Bathala." "Hindi maganda ang kapangyarihan ko, Aulora. Isang curse ang kapangyarihan ko kaya hindi ako special. Ikaw lang." "Hindi mo ba ako naiintindihan? Ikaw nga ang ginawang daan ni Bathala para maayos ang pamilya niyo. Ikaw na ang nagsabi sa akin na simula una pa lang ay magulo na ang buhay mo at kahit kailan hindi ka nakaramdam ng saya." "Anong feeling ba ng masaya araw-araw? Masarap ba sa pakiramdam?" "Sa totoo lang hindi ko alam. Ang importante kasi sa akin ay buhay ako. Hindi na ako hihiling pa ng kahit ano." Nginitian ni Aulora si Lene at hinawakan sa balikat. "You're special, Lene. Hindi mo lang siguro nararamdaman dahil walang nagpaparamdam sa'yo non, pero nandito ako. Nandito ako para iparamdam sa'yo 'yan. Nandito ako para sabihin sa'yo na hindi mo, kailangan makaramdam ng saya para lang mabuhay," dagdag pa nito na nagpagising ng kaluluwa ni Lene. "Salamat." Huling pintuan na lang ang hindi nila nabubuksan at ang pintuan na 'yun ay nasa dulo ng second. "Ito na ata ang kwarto na hinahanap mo, Lene," saad ni Eliezar. Bubuksan na sana ni Eliezar ang pintuan nang pigilan siya ni Lene. "Ako dapat ang magbubukas niyan dahil hindi natin alam kung ano ang nasa loob ng kwarto." Umiwas sila sa pintuan ay agad naman na pumunta si Lene sa harap ng pintuan at naghahandang buksan ito. Nakakaramdam kasi si Lene ng malakas na enerhiya sa loob. Kaya kung si Eliezar ang magbukas baka kung ano pa ang mangyare sa lalaki. Nang buksan ni Lene ang pintuan ay nakita niya agad ang magulong kwarto. Parang naging storage ang kwarto sa sobrang daming box at gamit. "Ito na ba ang hinahanap niyo?" tanong ni Nia kay Lene at Aulora. "Kung nandyan 'yun. Gusto niyo bang tulungan namin kayong maghalungkat ng mga gamit?" dagdag pa nito. Kaya napatungo si Lene. "Ayus lang ba kung hahalungkatin natin ang mga gamit na 'yan? Hindi naman atin 'yan e. Baka mahuli tayo ng mga pulis dito at tayo ang pagbintangan na pumatay sa pamilyang nagbigti." "Hindi na nila 'yun maiisip, Azaiah. Nagbigti ang pamilya kaya ang akala nila ay suicide. Imposible na rin 'yang sinasabi mo dahil matagal na ang pangyayareng 'yun." Napatingin si Azaiah kay Nia. "Tama naman ako hindi ba? Bakit gan'yan ka makatingin?" dagdag pa nito. "Teka, ako lang ba 'yung walang alam dito? Hindi ko kasi maintindihan ang mga sinasabi niyo?" Tinignan nilang lahat si Xia at kinunutan ng noo. "Bakit parang may masama naman akong nasabi? Meron ba? Bawal bang magtanong kung ano ang nangyayare? Hindi naman kasi pwedeng sumama ako sa inyo kung hindi ko alam kung ano ang nangyayare hindi ba? Kaya sabihin niyo na sa akin," dagdag pa nito. "Hindi mo na kailangan malaman. Basta sumunod ka na lang sa akin," saad naman ni Nia at hinawakan ang kamay ng babae para hindi ito kabahan. "Meron bang mangyayare?" "Wala, tulungan na lang natin silang maghalungkat kung ano ang kanilang hinahanap." Tumungo si Xia kay Nia at pumasok na sa loob. "Kung ano man ang makita niyong bagay na malapit sa pamilyang Dixon ay ipakita niyo sa akin. Huwag niyo nang tanungin kung para saan basta ibigay niyo na lang sa akin." Nang tumungo ang apat ay bigla itong nakatulog sa sahig dahil sa pagsnap ni Aulora ng kaniyang daliri. "Anong ginawa mo?" nakakunot noong saad ni Lene. "Para mas madali. Gagamitin ko ang kapangyarihan ko. Huwag kang mag-alala. Kapag nagising sila ay wala silang maaalala." Napabuntong hininga si Lene at umupo na lang sa malaking box na nasa gilid. Pinalutang ni Aulora ang mga box na nakapatong sa mga box at agad itong inilagay sa kaniyang harapan. Isa isa niyang binuksan ang mga box at pinalipad ang lahat ng laman sa ere. Pinailaw niya rin ang paligid ng kwarto. Buti na lang at walang bintana ang kwarto na 'to dahil kung meron baka malaman ng kapitbahay ng mansyon na 'to na merong tao sa loob. Tinignan nila isa-isa ang laman ng box at puro ito abubot. 'Yung iba ay mga damit at mga gamit na para sa kusina. Meron ding mga bagay na makaluma at mga sira-sira na. Nang matapos nilang tignan ang mga 'yun ay inilagay niya ang mga gamit sa loob ng box at inilagay sa gilid. Ang kasunod naman ay ang box na natira. 'Yun din ang ginawa niya hanggang sa makita nila ang isang folder na madaming nakalagay na papel. Tinignan nila kung ano ang nasa loob non at doon nila nakita ang isang adoption papers. "Ampon lang ang tatay ko?" May binabasa pa si Aulora at meron siyang nalaman. "Totoong anak ni Grace ang tatay mo. Tinuring lang na anak ni Veljamin ang tatay mo kaya naging Dixon ang last name niya. Ang ibig sabihin ay nabuntis ng ibang lalaki si Grace." "Paano mangyayare 'yun kung mahal na mahal ni Grace si Veljamin?" "Madaming pwedeng mangyare, Lene. Pwedeng nirape ng lalaking 'yun si Grace kaya siya nabuntis. At kung tama ang hinala ko baka ang lalaking 'yun ang nakita mo kanina." Nagulat sila nang biglang bumagsak ang mga gamit na nasa ere at nawala ang liwanag na kapangyarihan ni Aulora. "Ano ang nangyare?" "Hindi ko alam, pero hindi gumagana ang kapangyarihan ko." Nagsnap ulit ng daliri si Aulora para magising ang apat pero hindi ito nagising. "Hindi sila magising!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD