Kabanata VIII

1586 Words
"Padagdag nang padagdag ang mga pabigat," mahinang saad ni Lene nang dumikit sa kaniya si Aulora. "Hayaan mo na sila, Lene. Mukhang mababait naman sila e. Hindi naman din nila alam na nandito tayo at baka nga gusto lang talaga nilang pumasok dito. Hindi ba may nga gano'ng tao? 'Yung gustong puntahan ang mga ganitong lugar." "Ang pinagtataka ko lang bakit wala ang sign sa gate noong pumasok ang mga lalaking 'yun? May posible na gusto silang papasukin dito ng demonyo o kaya may masamang mangyayare sa kanila." "Huwag ka ngang magsalita ng gan'yan. Malay mo may kumuha lang ng sign na 'yun at katulad nang sinabi ng lalaki 'yun ay pumasok lang sila rito dahil nadaanan nila. Wala naman sigurong masama ron. Hindi naman nila alam kung bakit tayo nandito. Iba ang pakay natin sa pakay nila. Kaya huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Baka mangyare pa 'yan." Biglang napatahimik si Lene dahil meron siyang naramdaman na kakaiba sa kaniyang dibdib. Pumikit siya ng ilang segundo at pagkabukas niya ng kaniyang nga mata, ay naging bago ang mansyon at wala na si Aulora sa kaniyang tabi. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa sala at doon niya nakita ang pamilyang nakabigti kasama ang mga kasambahay. Hindi niya alam kung bakit niya nakikita ang nakaraan ng pamilya kahit nakita niya na 'to. Inilibot niya ang kaniyang mata sa paligid at doon niya nakita ang isang matangkad na taong walang mukha sa likod ng malaking sofa. "Ayus ka lang?" Natauhan siya nang may humawak sa kaniyang kamay at ang paningin niya ay bumalik sa normal. Nang makaharap siya kay Aulora ay kumunot ang noo nito dahil grabe ang paghinga ni Lene pati na rin ang pawis nito. "Ayus ka lang ba? Bakit ka pinapawisan at 'yung paghinga mo ang bilis. Bakit ka ba naglakad papunta rito? Hindi ba dapat magkakasama tayong lahat? Huwag ka na humiwalay dahil baka may mangyare pa sa'yo." "I saw someone." "Sino ang nakita mo?" "Hindi ko siya kilala dahil wala siyang mukha." "Hindi kaya may galit ang lalaking nakita mo noon sa pamilyang 'yun? Kaya ang ginawa niya 'yun?" "Pwedeng gano'n ang rason, pero iba ang nararamdaman ko, Aulora. Masyadong mababaw ang rason na 'yan para gawin ang pagpatay sa pamilya. Kailangan pa natin mag-isip ng malaking rason. Hindi natin pwedeng pabayaan na lang ang kasong 'to. Kailangan natin sila bigyan ng hust—." Napatigil sa pagsasalita si Lene dahil dumating na ang apat na pabigat sa kaniya. "Anong ginagawa niyo rito, guys? Magshare naman kayo ng pinag-uusapan niyo riyan," saad ni Xia na nagpainis kay Lene. "Manahimik na lang kayo dahil hindi ako makapag-isip ng paraan para mapalabas kayo rito." "Bakit kami lang? Hindi kayo lalabas?" Tinignan ni Aulora si Eliezar nang seryoso kaya tumahimik na lang ang lalaki. "Sa oras na 'to ang kailangan nating isipin ay kung paano kayo makakalis dito. Iba ang pakay namin dito sa pakay niyo. May mahalaga kaming gagawin kung bakit kami nandito. Ano? Maayos na ba ang rason na 'yun sa inyo?" sagot ni Lene na nagpatungo sa apat. "Ano ba ang pakay niyo rito?" tanong ni Nia. "Huwag niyong sabihin binabalak niyong mabigyan ng hustisya ang pamilyang nagpakamatay dito?" dagdag pa nito. "Hindi ko alam kung ano ang meron sa pamilyang 'yun at hindi ko na problema kung ano ang nangyare sa kanila. Kaya iba ang pakay namin." Hindi sila makakalabas sa bintana dahil meron itong nakaharang na bakal. Kaya imposibleng makadaan sila sa bintana. Sa pintuan naman, hindi nila 'yun magigiba dahil masyadong makapal ang kahoy. Kahit sirain nila ang door knob ay hindi nila mabubuksan dahil nakasara na talaga ito. "Hindi ko alam kung ano ang pakay niyo rito, pero kung ano man 'yun. Handa kaming makisama sa inyo." Nginisian ni Lene si Azaiah sabay nilapitan. "Believe me, hindi mo kakayanin ang manatili rito ng isang araw." Kumunot naman ang noo ng lahat maliban kay Aulora. "Ano ang ibig mong sabihin?" "May posible na hindi na tayo makakalabas ng mansyon na 'to. Once na ang demonyo ang nagkulong sa atin. Imposibleng palabasin nila tayo dahil alam niyang may alam tayo tungkol sa mansyon na 'to at gagawa siya ng paraan para mapatay tayo." Hindi makapagsalita ang apat dahil natatakot sila. Natatakot silang mamatay. Ang gusto lang naman nila ay magkaron ng thrill ang buhay nila, pero hindi naman ganitong thrill. Gusto nilang mabuhay ng mahaba at gawin ang mga gusto nilang gawin hanggat sila ay nabubuhay. "Alam kong ayaw niyong mamatay, pero wala na tayong magagawa dahil nakakulong na tayo sa mansyon na 'to. Hindi na natin maibabalik 'yun. Kung mamamatay man tayo ngayon. Maging masaya na lang tayo dahil tapos na ang ating mga problema." Bigla tuloy silang napaisip dahil sa sinabi ni Aulora. Hindi kasi nila alam kung seryoso ba ang babae o kaya nagbibiro lang. Hindi rin naman alam ni Aulora kung bakit niya sinabi 'yun. "Huwag kayong aalis sa tabi namin dahil lilibutin natin ang mansyon na 'to." Tumungo ang lahat kay Lene at agad nilang nilbot ang mansyon. "Sobrang laki naman ng mansyon na 'to. Hindi tuloy natin alam kung nasaan na tayo. Isa lang din ang flashlight natin," reklamo ni Xia. "Huwag ka na ngang magreklamo. Magpasalamat ka na lang dahil meron tayo nito," saad naman ni Nia. Pumasok sila sa isang kwarto na puro alikabok. Maayos ang kwarto dahil nasa tamang pwesto ang malaking kama at ang kabinet nito. Nilibot nila ang kwarto habang si Aulora naman ay pumunta sa lumang gawa sa kahoy na kabinet. Tinignan ni Aulora ang mga picture frame na nakalagay sa ibabaw ng kabinet ay doon niya nakita ang matandang babae. "Sigurado ako na ito ang lola sa pamilya, pero bakit wala ang asawa niya rito?" tanong ni Aulora sa kaniyang sarili. "Iyan din ang pinagtataka ko. Kahit sa naganap na pagbibigti ay wala ron ang asawa ng matandang 'yan." "Hindi kaya siya ang lalaking nakita mo kanina? Kung siya 'yun ano naman ang dahilan niya kung bakit pinatay niya ang sarili niyang pamilya?" "Kailangan kong malaman kung siya ba talaga ang lalaking 'yun. Baka merong gamit ang lalaki na 'yun dito. Kaya kailangan nating halungkatin ang kwarto na 'to." "Guys! Kailangan niyong makita 'to." Narinig nilang dalawa ang boses ni Nia kaya pumunta sila sa kung saan banda ang boses na 'yun. Pumasok sila sa walk in closet ng kwarto at nakita nila ang wasak na picture frame na hawak-hawak ni Nia. "Nakita ko 'yan sa isang box na 'to. Kaya baka kailangan niyong makita." Kinuha ni Aulora ang box at si Lene naman ay kinuha ang picture frame. Nakita niya sa picture ang isang lalaki at babae na magkayakap. Wlaang kulay ang picture kaya halatang luma na 'to. "Kilala niyo ba ang dalawang 'yan?" tanong ni Eliezar. Hindi naman sinagot ni Lene ang tanong ng lalaki kaya hinila niya si Aulora papunta sa kama ng kwarto. Inilapag ni Aulora ang box at binuksan ito. Nakita nila ang napakadaming sulat na sinulat ng lalaki para sa babae. "Ito na ata ang hinahanap natin, Aulora." "Anong kinalaman ng mag-asawang 'yan sa nanay mo?" "Parang may koneksyon ang dalawang 'yan sa nanay ko. Malakas ang kutob ko na tama ang nasa isip ko, pero hindi natin alam kung talagang mag-asawa ba sila dahil wala naman akong nakitang picture ng kanilang kasal sa mansyon o kaya sa kwarto na 'to." "Maaaring sila ang magulang ng nanay mo, Lene." Nanlumo ang mga binti ni Lene at nagtatakang tinignan si Aulora. "Pwedeng tama ang sinasabi ko." "Hindi sila ang magulang ng nanay ko. Sila ang magulang ng tatay ko." Kinuha ni Lene ang isang sukat at tinignan ang pangalan ng lalaki. "Veljamin Dixon," pagkakabasa niya sa pangalan ng lalaki. "Grace Marcos," at sa pangalan na rin ng babae. "Ako si Raelene Angel Dixon. Ang nag-iisang anak ni Nickian Dixon. Ang nag-iisang anak na lalaki nina Veljamin at Grace." Nagulat silang lahat maliban kay Aulora. Wala namang alam si Aulora sa mga gan'yan dahil kakarating niya lang sa lugar na 'to. Sa totoo lang hindi niya alam kung paano siya makikitungo o kung ano ang ikikilos niya kapag kasama niya ang nga 'to. "May koneksyon nga ang mansyon na 'to sa pamilya ko, Aulora. Kailangan na lang natin malaman kung sino ang lalaking nakita ko kanina." "Mali ang nasa isip ko kanina. Hindi si Veljamin ang lalaking 'yun. Kung hindi siya 'yun. Sino?" "Ano ba ang pinag-uusapan niyo? Wala kaming maintindihan. Baka gusto niyong sabihin sa amin?" Tumayo si Lene at tinignan si Xia. "Wala kang karapatan para malaman. Kaya manahimik ka na lang." Imbis na mainis si Xia ay nanahimik na lang siya dahil tama naman ang babae. Personal problem ni Lene ang pinag-uusapan nila kaya dapat hindi siya nagtatanong. "Huwag kang mag-alala. Tutulungan naman kita para maayos ang problema mo, Lene," bulong ni Aulora kay Lene kaya kumalma naman siya. Sa totoo lang hindi alam ni Aulora kung paano niya uumpisahan ang pagtutulong kay Lene dahil hindi niya pa naman alam ang buong storya ng babae. Siguro unti-untiin niya na lang muna hanggang sa makilala niya ang babae. Naiintindihan din naman niya si Lene kung bakit grabe ang mga sinasabi nito sa mga kasama nila dahil ayaw ni Lene ng mga pabigat o kaya iintindihin. "Kuhain mo ang box, Aulora. Hindi oa tayo tapos maglibot. Kailangan natin mapuntahan ang kwarto ng tatay ko noon dito. Sigurado ako na meron siyang kwarto rito dahil imposible namang wala." Kinaha ni Aulora ang box pati na rin ang picture frame at agad na lumabas sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD