Kabanata VII

1711 Words
"Ang bagal mo maglakad, Azaiah. Akala ko ba gustong-gusto mo na makapunta sa dorm?" saad ni Eliezar sa kaniyang kaibigan na nahuhuli sa kanilang paglalakad. "Gustong-gusto ko na nga pero hindi ko naman sinabi na bibilisan ko ang paglalakad ko. Hindi naman ako natatae." "Basta bilisan mo na lang ang paglalakad." "Bakit ba tayo dumaan dito? Alam mo namang natatakot ako sa mansion dito?" "Anong mansyon ba ang sinasabi mo?" "Iyong mansyon na abandunado na? Ang pamilyang hindi nabigyan ng hustisya?" Nakita ni Eliezar ang mansyon na tinutukoy ni Azaiah kaya tumigil siya sa harap ng gate. "Itong mansyon ba ang tinutukoy mo?" Tinignan nilang dalawa ang mansyon. "Gusto mo ba pasukin natin ngayon?" dagdag pa nito. "Nahihibang ka na ba? Paano natin mapapasok ang mansyon na 'yan e nakalock nga ang gate? Saka baka may makakita sa atin dito isumbong pa tayo sa pulis." "Wala namang nakalagay na no traspassing kaya hindi tayo mahuhuli." Kumunot ang noo ni Azaiah at tinignan ulit ang gate. Noong dumaan siya sa mansyon na 'to. Merong no traspassing ang nakalagay pero bakit ngayon wala na? Hindi kaya namamalikmata lang siya kaya wala ang sign na 'yun? Pero imposible namang mangyare 'yun. O kaya may nagtanggal? "Merong nakalagay diyan noon. Baka may nagtanggal lang." "Anong meron? Nakita mo naman na wala e. Saka kung may nagtanggal nasaan? Ang gulo mo e. Baka natatakot ka lang na pasukin 'to kasi takot ka sa multo." "Sinong takot sa multo? Sa gwapo kong 'to matatakot ako?" Napailing na lang si Eliezar sa kayabangan ng kaniyang kaibigan at hinawakan ang balikat. "Hindi nasusukat ang kagwapuhan diyan, Azaiah. Samahan mo na lang akong pasukin ang mansyon na 'to. Para malaman natin kung matapang ka nga talaga." "Kaibigan ba talaga kita? Parang binabagsak mo ako ah." "Masyado ka namang seryoso, Azaiah. First nating gagawin 'to at baka hindi na natin maulit pa. Kaya pasukin na natin 'to." "Kung papasukin natin 'to. Saan naman tayo dadaan?" "Sa wall. Makakadaan naman tayo ron dahil may vines." Napabuntong hininga si Azaiah at umakyat na sa wall gamit ang mga vines na nakapulupot sa wall. Nang makatawid sila ay namangha sila sa labas ng mansyon. Ang lawak kasi nito ang mga damonat halaman ay mga dry na. Sobrang kalat ng paligid, pero hindi naman mabaho. Unang beses nilang makakita ng ganito kaya namamangha sila. Unang beses din kasi sila nakapasok dito. "Tignan mo, kung hindi pa tayo papasok dito. Hindi pa natin 'to makikita. Kung bilihin kaya natin ang mansyon na 'to. Sayang naman kasi ang ganda kung walang titira hindi ba?" "Hindi pa natin alam kung ano ang kwento ng mansyon na 'to. Baka merong problema sa mansyon kaya walang nakatira." "Ang dami mong sinasabi." "Bakit ba natin 'to papasukin? Alam naman natin na nakalock ang pintuan nito. Hindi ka ba nag-iisip, Eliezar?" "Sisirain natin ang door knob para makapasok tayo." Dahil sa kalulitan ng kaniyang kaibigan. Wala na siyang nagawa kung hindi ang gawin ang gusto ng kaibigan niya. Kilala na niya kasi si Eliezar. Kung ano ang gusto nito 'yun ang masusunod at wala na siyang magagawa ron. Nang hawakan ni Eliezar ang door knob ay nakasara ito. Sinusubukan niyang buksan ang pinto na hindi sinisira ang door knob, pero hindi pa rin bumubukas. Hanggang sa may magbukas ng pinto.... ** "What the f**k?" mahinang saad ni Lene nang marinig niya ang door knob na gumagalaw. Winarningan niya naman si Aulora na huwag maingay at kumuha ng pamukpom kung sakaling masamang tao ang nasa labas. Agad siyang lumapit sa pinto at pinakinggan muna ang boses ng mga nasa labas. "Sabi ko naman sa'yo sarado e. Bumalik na tayo sa dorm. Wala tayong mapapala rito." Kumunot ang noo ni Lene dahil familliar sa kaniya ang pang lalaking boses na 'yun. Pagkabukas niya ng pintuan at nakita niya ang dalawang lalaking nakatayo sa harap niya. Kitang-kita sa mga mata nito ang gulat. "Anong ginagawa niyo rito?" seryosong tanong ni Lene sa dalawang lalaki. Sa totoo lang nakita niya na ang dalawang lalaking 'to sa building ng dorm nila pero hindi niya alam kung ano ang mga pangalan nila. "Ano naman ang ginagawa mo rito?" tanong ng lalaking nabosesan niya kanina. "Ako ang unang nagtanong kaya ako ang una mong sagutin." "Hindi ko alam sa kaibigan ko. Ang sabi niya na lang sa akin ay gusto niyang pasukin ang mansyon na 'to kasi wala naman daw nakalagay na no trespassing." Kumunot ang noo ni Lene at tinignan ang gate kung wala ba talagang nakalagay. Mas lalo siyang nagtaka dahil wala nga ron ang sign na nakita nila ni Aulora kanina. "Merong nakalagay na sign diyan kanina noong pumasok kami. Kaya bakit nawala?" "Sabi na nga ba merong problema sa mansyon na 'to," saad naman ng isang lalaki na namumukhaan ni Aulora. Lumapit si Aulora kay Lene kaya mas lalong nagulat ang mga mata ng dalawang lalaki. "Parang kilala kita," saad ni Aulora. "Mamaya na 'yan. Pumasok muna kayo rito dajil bska may makakita sa atin." Dahil sa sinabi ni Lene ay nasipasokan na sa loob ang dalawang lalaki sabay nilibot ang mata sa entrance ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok mo pa lang kasi ng bahay ay makikita mo na agad ang dalawang hagdanan sa gilig. May dalawang malaking pintuan naman sa kaliwa at kanan. Ang kanan ay dining area at ang kaliwa naman ay ang sala kung nasaan sila Lene kanina. "Ikaw ang lalaking nabangga ko kanina hindi ba? Pumunta ka ba rito para pagalitan ako? Sorry." Napangisi si Eliezar dahil hindi niya mapigilan ang kacutan ng babaeng kasama niya. Sa lahat ng babaeng nakasalumuha niya ibang-iba ang babaeng nasa harapan niya. "Hindi ko alam na nandito kayo. Kaya hindi 'yun ang pakay ko." "Hala, so galit ka nga sa akin? Hindi ko naman sinasadya na mabangga ka kanina. Nagmamadali lang talaga ako kasi malelate na ako." "It's okay, let's just forget it." Nginitian ni Aulora si Eliezar at agad na lumapit kay Lene. Si Eliezar naman ay napakagat ng labi dahil hindi niya inaasahan na ngingitian siya ng babae. "f**k, nagiging bading ako sa ginagawa ko," mahinang saad ni Eliezar na narinig naman ni Azaiah. "Buti alam mo." "By the way, bakit nga pala kayo nandito?" Humarap si Lene sa dalawang lalaki at tinaasan sila ng kilay. "Basta meron na lang bumulong sa tenga ko na pumasok kami rito," pabirong sagot ni Eliezar. Kaya mas lalong nainis si Lene. "Hindi niyo ba na dahil sa kalokohan niyo ay mapapahamak kayo?" Pagkatapos sabihin 'yun ni Lene ay narinig nilang naglock ng kusa ang pintuan pati na rin ang mga bintana. "s**t!" Tumakbo si Lene papunta sa pintuan at sinubukan itong buksan pero nabigo siya. Hindi rin kasi sila makakita ng maayos dahil medyo madilim ang paligid. Nataranta na rin ang dalawang lalaki, pero si Aulora ay nakatayo lang sa isang sulok na parang walang nangyare. "Sinong may flashlight sa inyo?" tanong ni Azaiah pero ang sagot nilang lahat ay wala. Nagsisisi na tuloy ang dalawang lalaki na pumasok sa mansyon dahil may pakiramdam na sila na merong problema sa mansyon na 'to. "Hindi na dapat kayo pumunta rito," seryosong saad ni Aulora kaya napatingin ang dalawang lalaki sa kaniya. "Tignan mo ngayon. Apat na tayong nakakulong sa mansyon na 'to at siguro ako na kapag hindi kayo pumasok rito ay walang mangyayareng ganito," dagdag pa nito. "Ano rin ba ang ginagawa niyong dalawa rito?" Tinignan ni Aulora si Azaiah sabay kay Lene dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. "Meron kaming kailangan malaman tungkol sa mansyon na 'to. Kaya hindi na dapat kayo pumasok," sagot ni Lene kaya nakahinga ng maayos si Aulora. "Totoo ngang may problema sa mansyon?" Tinunguhan ni Lene si Eliezar kaya kinabahan ang dalawang lalaki. "Kailangsn niyong maging maingat at tumabi lang kayo sa amin dahil delekado rito." "Hindi ka naman nagbibiro ano?" "Hindi ako mahilig magbiro." Napapalo ng noo si Aulora dahil alam niya na natatakot na ang mga lalaki. Ano ba ang pwede niyang gawin para kumalma ang dalawang 'to? Hindi niya naman pwedeng ipakita ang kapangyarihan niya kaya hindi sila makakakita ng maayos dahil hindi niya gagamitin ang kaniyang kapangyarihan para makakita sila. "Tignan kaya natin ang back door? Baka hindi 'yun sarado?" Kahit walang kwenta ang sinuggest ni Azaiah ay ginawa pa rin nila 'yun. Habang naglalakad sila ay meron silang nakitang gumagalaw na ilaw sa dirty kitchen. "Multo," kinakabahang saad ni Eliezar. Lumapit si Aulora kay Eliezar at agad niya itong hinawakan sa kamay para mawala ang takot nito. Nagulat naman si Eliezar at hindi makapagsalita dahil nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Kaya hinayaan niya na lang ang babae na hawakan ang kamay niya. Gusto niya rin naman ang ginawa ng babae. Nagsign si Lene na maghintay na lang sa isang sulok at siya na lang ang pupunta sa liwanag na 'yun. Sinabi naman ni Aulora na sasamahan na niya siya, pero pinigilan siya ni Lene. Nang makapunta siya sa liwanag na 'yun ay hindi niya sinasadyang malaglag ang kawaling nakasabit sa wall. Naitutok ng isang ang tao ang liwanag sa mukha ni Lene kaya tinakpan ni Lene ang kaniyang mukha. Malakas ang sigaw ng dalawang babae kaya nagsitakbuhan sila Aulora kila Lene. Nakita nila ang dalawang babae na nakapikit ang mga mata at magkayakap. "Dalawang pabigat na naman," walang ganang saad ni Lene at lumalikod na para pumunta sa pwesto nila kanina. "Anobg ginagawa niyo rito?" tanong ni Aulora sa dalawang babae. "Naisipan ng kaibigan ko na pumasok sa mansyon na 'to. At ako naman itong si tanga sinamahan siya dahil ayaw kong maiwang mag-isa sa dorm namin. I'm Xia at ito ang kaibigan ko na si Nia." "Ako si Aulora at ang babae kanina na nasigawan niyo ay si Lene. At ang dalawang lalaki naman na 'to ay hindi ko kilala." Pagkatapos sabihin non ni Aulora ay sinundan niya na si Lene. Nagpakilala ang dalawang lalaki sa dalawang babae at sumunod na rin kila Aulora. Sila Nia lang kasi ang may ilaw kaya nagsama-sama na silang lahat. Wala rin naman silang choice dahil kapag nagwatak-watak sila baka may mangyare pang masama. "Nasaraduhan din ba kayo ng pintuan kanina?" Pagbabasag sa katahimikan ni Xia. "Yes, pagkapasok na pagpasok ng dalawang lalaking 'yan ay nagsara na ang pintuan," sagot ni Aulora kaya napatungo ang dalawang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD