Kabanata VI

1085 Words
Bago lumabas ng banyo si Aulora ay tinignan niya muna ang kaniyang sarili sa salamin. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin niya mamaya kapag nasa loob na siya ng mansion. Hindi niya rin alam kung ipapakita niya ba ang kapangyarihan niya kay Lene kahit sinabi niya na, na isa rin siyang special katulad ni Lene. Nang lumabas siya ng dorm ay nakita niya si Olivia na nakahiga sa kama nito habang nakatingin sa kaniya. “Saan ka pupunta?” seryosong tanong nito kaya napalunok siya ng laway. Hindi naman siguro masama kung magsisinungaling siya hindi ba? “Sa labas lang magpapahangin.” “Magpapahangin o may kikitain?” Kumunot ang noo ni Aulora at hindi na lang pinansin si Olivia. Bakit kasi gano’n ang trato ni Olivia kay Aulora? Hindi naman siya kilala ng babae. Siguro ang iba sa mga kaibigan niya ay may mga boyfriend na kaya akala ng babae meron na rin siya. Wala naman sa isip niya ang pagboboyfriend dahil kailangan niyang magfocus sa sinabi ng nuno sa kaniya noon. Kung ano ang magiging kapalaran niya sa hinahanap at kung ano man ‘yun. Kailangan niya raw ‘yun tanggapin. Ayaw niyang maging mahina at hanggat madami pang panahon. Magpapalakas siya na walang natatapakan na tao. Hanggang ngayon niya iniisip niya pa rin ang sinabi sa kaniya ng nuno na ‘yun. Hindi niya naman alam kung maniniwala siya o hindi dahil unang beses niya pa lang ‘yun nakita. Gusto niya rin kasi minsan malaman kung ano ang meron sa kaniya. Gusto niyang malaman kung bakit siya may kapangyarihan kung ang totoong nanay niya siya lumabas. Hindi naman sinasabi ng kaniyang magulang kung bakit siya ganito. At kapag tinatopic niya ang tungkol doon ay iniiba nila ang topic. Kaya hindi niya na tinatanong ang tungkol sa sarili niya. “Sasama ka pa ba o tutunganga ka na lang diyan?” Napatalon si Aulora sa gulat at tinignan si Lene na seryoso ang mukha. Naisip ni Aulora na baka mas nakakatakot si Lene kaysa kay Olivia, pero kaya niya naman sigurong matiis ang ugali ni Lene dahil parang may pinagdadaanan ang babae at kailangan niyang intindihin ‘yun. “Hindi ka ba natatakot?” “Bakit ako matatakot?” “Hindi ba luma na ang mansion na ‘yun? Baka may mga masasamang ispirito ron.” Tumigil sa paglalakad si Lene kaya tumigil na rin siya. “Sanay na akong makakita ng masasamang ispirito lalo na ‘yang mukha mo.” “Hindi naman pangit ang mukha ko ah. Saka tinatanong ko lang naman kung meron. Malay mo marami pala ang nandoon kaya tayo pinapapunta ng matandang nakita mo sa panaginip mo.” “May mga ispirito na hindi nananakit. Kaya wala ka dapat ikabahala at kung sasama ka sa akin hindi ka dapat natatakot. Dapat masanay ka na. Kung hindi, mapipilitan akong hindi ka isama.” “Oo na, hindi naman ako nagrereklamo. Sinasabi ko lang naman.” Napabuntong hininga si Lene at nagpatuloy ng paglalakad papunta sa main gate ng mansion. “Bakit nga pala tayo dadaan sa unahan kung pwede naman sa likod? Parang mas maganda sa likod e. Wala pang makakakita sa atin.” “Bakit ba ang dami mong sinasabi? Pwede bang manahimik ka muna at sundan na lang ako?” “Nagbibigay lang naman ako ng suggestions.” “Pwes hindi ka nakakatulong. Mas lalo mong pinapasakit ang ulo ko at ‘yun ang ayaw ko sa mga taong nasa paligid ko. Kaya kung ayaw mong mainis ako sa’yo ay mabuting manahimik ka na lang at sundan ako.” Napasimangot si Aulora at sinundan na lang si Lene hanggang sa makapunta sila sa harap ng gate. “Handa ka na ba?” tanong ni Lene. “Paano tayo makakapasok sa loob kung grabe ang lock ng gate na ‘to?” Madami kasing kadena ang nakapalibot sa gate at sa sobrang luma na ng kadena ay matigas na ang mga ‘to. “Hindi mo ba kayang akyatin ang gate?” Kinamot ni Aulora ang kaniyang noo at agad na umiling. “Ako lang ang makakapasok sa loob. Hintayin mo na lang ako at bantayan ang mansion. Hu--.” Napatigil sa pagsaalita si Lene nang bigla siyang hawakan ni Aulora sa tagiliran sabay lumipad patawid sa gate. Kita naman sa mukha ni Lene ang gulat dahil hindi siya makapaniwala na nakalipad siya at nakatawid sila sa gate. Ang akala niya kasi mahihirapan sila bago makapasok. Buti na lang at may kapangyarihan pala si Aulora. “Iyon ba ang sinasabi mong kapangyarihan mo?” saad ni Lene at naglakad na sila papunta sa malaking pintuan ng mansyon. “Hindi ko pa alam dahil hindi ko pa nakokontrol ng maayos at hindi ko alam kung ano pa ang mga kapangyarihan ko. May nagsabi kasi sa akin na balang araw daw may kapangyarihan na papasok sa katawan ko. Kaya hinihintay ko na lang ang araw na ‘yun.” “Sabi ng magulang mo?” Sinubukan buksan ni Lene ang pintuan, pero hindi niya mabuksan dahil ito ay nakalock. “Hindi alam ng magulang ko kung bakit meron akong kapangyarihan kaht sa nanay ko ako lumabas. Kahit nga ako nagtataka e, pero ang sabi na lang sa akin ni Mom na isa akong special na tao.” Sinundan ni Aulora si Lene papunta sa gilid ng mansyon dahil naghahanap sila ng bintana na bukas. “Mamaya na tayo magkwentuhan. Kailangan nating makapasok sa loob.” Sinusundan lang ni Aulora si Lene at nakaikot na sila sa mansyon ay wala pa rin silang nakikitang bintana na bukas. “Paano tayo makakapasok,” inis na saad ni Lene nang makabalik sila sa harap ng pintuan. “Sirain na lang natin.” “Nag-iisip ka ba? Bawal nating siran ‘yan dahil makakahalata ang mga taong dadaan dito. Magsusumbong sila sa pulis kung bakit sira ang pintuan ng mansyon.” Itinutok ni Aulora ang kaniyang kamay sa door knob ng pintuan. Hinanap ng isip ni Aulora ang lock ng pintuan at agad itong binuksan. “I’m starting to like you.” Nginitian ni Aulora si Lene at agad nilang nilibot ang kaniyang mga mata sa loob ng mansyon. Ang lahat ng gamit ng mansyon ay may mga taklob na mga puting tela at madaming malikabok at spider web sa paligid. Nakikita pa naman nila ng maayos ang loob dahil malalaki ang bintana ng mansyon. Kaya ang buwan ang nagbibigay ng liwanag sa kanila. “May nararamdaman ka ba rito?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD