Kabanata V

1522 Words
Habang naglalakas si Aulora papunta sa kwarto niya ay bigla niyang naalala na hindi niya pala nakuha ang pangalan ng babae. Napapalo na lang siya ng kaniyang noo at pumasok sa kaniyang dorm. Sa totoo lang hindi niya alam kung sino ang taong nanaginip na ‘yun, pero noong lumabas siya ng dorm ay bigla niyang nakasalubong ang babaeng weird na sinasabi ng kaniyang kadormate. Kaya alam niya na agad na ang babaeng ‘yun ang nanaginip dahil halatang-halata naman sa mukha ng babae. Ang punto niya lang kasi ay bakit nananaginip ang babae na ‘yun ng gano’n. Lalo na’t nakakalibot ang panaginip na ‘yun para sa kaniya. Ang gusto niya lang malaman ay kung ano ang meron sa babaeng ‘yun at gusto niya siyang tulungan dahil meron din siyang ipapagawa sa babae. Kung maaari niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan para matulungan ang babae, ay gagawin niya. Isa lang ang nasa isip niya. Kailangan niyang makilala ang babaeng ‘yun para matulungan na siya ng babae. ** “Gumising ka na. Malelate ka na!” Napamulat si Aulora nang marinig niya ang malakas na boses ni Angel. “Ano ba? Hayaan mo siya riyan matulog. Kasalanan niya na kung malelate siya dahil pabaya.” “Ano ba ang sinasabi mo riyan,Olivia. Dahil sa pananalita at sinasabi mo nagiging demonyo ka e. Siyempre gigisingin natin siya.” “Malaki na siya. Hindi mo na siya kailangan gisingin.” Magsasalita na sana si Angel nang biglang nakita nila si Aulora na nakatingin sa kanila. “I’m awake.” Nakita ni Aulora na inirapan siya ni Olivia at lumabas ng dorm. “Gano’n talaga siya. Mauuna na kami ahh. Bilisan mo ang pag-aayos dahil baka malate ka. Ilibre mo na lang ako ng pagkain mamaya dahil ginising kita ngayon. Thank you.” Bago pa magsalita si Aulora ay nakalabas na si Angel ng dorm. Ito siya ngayon nakatunganga sa pintuan ng dorm nila dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Para bang mental block siya ngayon at hindi makaisip ng maayos. Papasok na sana siya ng banyo nang makita niya ang matandang puti ang buhok. Ang matandang ito ay nakita niya sa panaginip ng babae. Bakit nandito ang matandang ‘to? “Wala kang maitutulong sa babaeng ‘yun.” Pagkatapos sabihin ‘yun ng matanda ay nawala na siya sa harap niya. Bakit niya nakikita ang matanda na ‘yun? At bakit naging totoo ‘yun? Ano ang sinasabi ng matanda na hindi niya matutulungan ang babae? Hindi niya muna inisip ang nakita niya ngayon dahil malelate na siya. Agad siyang naligo at nagbihis ng kaniyang uniporme. Kinuha niya na rin ang kaniyang bag at lumabas ng dorm. Alam naman na niya kung saan ang daan papuntang school kaya hindi na siya maliligaw. Bawat hakbang niya ng kaniyang mga paa ay nakikita niya sa paligid ang matandang babae. Masama ang tingin nito sa kaniya. Hindi naman siya natatakot dahil matagal na siyang nakakakita ng demonyo at sanay na siya sa mga bagay na hindi kapanipaniwala. Hindi siya tumigil sa paglalakad hanggang sa makita niya ang luma na malaking bubong. Familliar ang bubong na ‘yun kaya pinuntahan niya. Maliit na iskinita ang nadaanan niya at parang sa likod siya ng bahay makakadaan. Nang makapunta siya sa likod ng bahay ay nagulat siya dahil merong lumang gate ang nakaharang sa kaniya at ang laki ng bahay kumpara sa bubong na nakita niya kanina. Magkaparehas ang gate na nakita niya sa panaginip ng babae at sa gate na ito. “Anong ginagawa mo rito?” Napatingin siya sa likod at nakita niya ang babaeng nakausap siya kagabi. “Tinignan ko lang dahil ang mansion na ito ay kaparehas sa mansion na napaginipan mo.” “Paano mo nalaman?” “Hindi ba sinabi ko sa’yo na nakita ko nga ang panaginip mo?” “Paano mo nakita?” “Ito na naman ba tayo? Ang sabi ko kanina sa’yo meron din akong kapangyarihan katulad mo, pero ang pinagkaiba lang natin ay ang mga panaginip lang ang nakikita ko.” Hindi niya sinabi ang tungkol sa kapangyarihan niya na hindi niya pa nakokontrol. “Ano naman ang maitutulong mo sa akin? Ang panoodin lang ang panaginip ko?” “Masyado ba akong mahina?” “Oo, no offense, pero sa nakikita ko ngayon. Wala ka pa sa tuktok ng bundok para makamtan ang nagawa ko.” “Gusto ko lang tulungan ka.” ”Gusto mo akong tulungan dahil meron ka ring kailangan sa akin. Pwes, hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya umalis ka na rito dahil hindi ko kailangan ang tulong mo.” “Hindi mo na ako mapapaalis. Kaya kahit ano pang pagtataboy ang gawin mo sa akin ay hindi ako aalis.” “Hindi ko nga kailangan ng tulong mo. Bakit ba ang kulit mo?” “Ayaw mong madamay ako kaya ayaw mo akong tumulong hindi ba?” Biglang nakatahimik ang babae kaya napangisi si Aulora. “Tama ako, hindi ba? Wala ka nang magagawa dahil damay na ako,” dagdag pa nito na nagpalaki ng mga mata ng babae. “Simula pagkagising ko nagpapakita na sa akin ang matanda na nakita ko sa panaginip mo. Sure ako na pati sa’yo rin. Wala kang magagawa kung hindi ang payagan akong tulungan ka dahil damay na ako rito.” Wala nang nagawa si Lene kung hindi ang payagan si Aulora na tulungan siya dahil ang babae na mismo ang nagsabi sa kaniya na damay na ito sa problema niya. “Lene,” saad ni Lene at inilahad ang kaniyang kanang kamay kay Aulora. “Aulora.” nagshake hands silang dalawa at tinignan ang malaking gate. “What’s your plan?” Dahang-dahan na humarap si Lene kay Aulora at nginisian niya iyon na nagpangisi rin kay Aulora. “Mag-aral muna tayo.” Lumambot ang balikat ni Aulora at sinundan si Lene na umalis sa mansion. “Kailan pala natin papasukin ang mansyon na ‘yan?” “Mamayang gabi.” “Bakit mamayang gabi pa? Bakit hindi na lang ngayon?” “Late na tayo, Aulora. Gusto mo bang mapagalitan tayo?” Nang maisip ‘yun ni Aulora ay agad na siyang tumakbo papunta sa school na hindi hinihintay si Lene. ** “Nasaan na ba ang lalaking ‘yun?” iretableng saad ng isang lalaki na kanina pa nakatayo sa gate ng paaralan. “Napakatagal kasi gumising kaya palaging nahuhuli. Late na naman kami nito.” dagdag pa nito. “Kanina ka pa ba riyan, Azaiah?” Hindi sinagot ni Azaiah ang tanong ng kaniyang kaibigan dahil galit siya rito. Ang sabi niya kasi na gumising ang lalaki ng maaga, pero pagkagising niya ay tulog pa rin ito. Sinubukan niya rin naman gising ang lalaki, pero hindi pa rin ‘to nagigising, epro may sinabi ang lalaki sa kaniya na susunod na lang siya hintayin na lang siya sa tapat ng gate at ‘yun naman ang kaniyang ginagawa. “Sorry na, pre. Hindi na mauulit promise.” “Iyan ka na naman sa mga promise mo na hindi naman nagbabago.” “Sorry na nga hindi ba? Kaya nga ako nagsosorry kasi alam kong mali ako. Tapos gan’yan ka pa sa akin.” Napa’tsk’ si Azaiah at hinayaan niya na lang ang lalaki na kulitin siya. “Huwag kang maggan’yan sa akin dahil papasok na tayo ng paaralan, Eliezar.” Tumayo ng tuwid si Eliezar at lalakad na sana siya papasok ng paaralan ay biglang may bumangga sa kaniya na babae. “Sorry po, hindi ko po sinasadya.” Nang makita niya ang mukha ng babae ay parang nakakita siya ng dyosa na nahulog sa langit. Magsasalita na sana siya nang biglang umalis na ang babae. Malaki ang ngiti niya nang tumingin siya kay Azaiah. “Ano na naman ang iniisip mo?” “Kilala mo ba ang babaeng ‘yun?” “Mukha ba akong babaero? Hindi ako katulad mo Eliezar.” “Hindi na ako mangbababae kapag ‘yun ang naging girlfriend ko. Kaya kapag naging girlfriend ko ‘yun magbabago na ang Eliezar na kaibigan mo.” “Ayos-ayusin mo nga ang pananalita mo, Eliezar. Hindi ka ba kinikilabutan? Ikaw magbabago? Never mong ginagawa ‘yan sa buong buhay mo. Simula highschool babaero ka na. Kaya hindi ka na magbabago. Saka hindi ka papatulan ng babaeng ‘yun. Tignan mo kanina nag’po’ sa’yo. Ang ibig sabihin non hindi siya pumapatol sa mga lalaking badboy o kaya womanizer. Kung ako sa’yo ibang babae na lang ang paglaruan mo.” “Ano ba ang sinasabi mo? Sinabi ko nga sa’yo na kapag ang babaeng ‘yun ang naging girlfriend ko ay hindi na ako magloloko at magbabago na ako. Ang kulit din ng utak mo e. Palibasa kasi virgin pa labi mo.” “Ano namang problema sa lalaking hindi pa nakakahalik ng babae? Gusto ko kasing ireserve ang first kiss ko sa babaeng mapang-aasawa ko. Gano’n dapat, pre. Tularan mo ako. Hindi ‘yung kada araw may kahalikan kang ibang babae.” “Masyado kang oa. Ang dami mong dada tara na, brother Azaiah.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD