Kabanata IV

1506 Words
“Itutuloy mo talaga ang pag-aaral mo?” tanong ng kaibigan ni Raelene na si Nash. Ang kaibigan niya na ‘to ay nakulong ng isang buwan kahit wala naman itong ginagawang masama. Bumuntong hininga si Raelene at tinignan ng seryoso si Nash. “Kailangan ko ‘to dahil dito ko lang nararamdaman ang pagiging masaya. I need to make friends too.” “Hindi pa ba kami sapat sa’yo? I mean hindi mo naman kailangan ng madaming kaibigan dahil nandito na kami para sa’yo. Alam kong meron kayong past ni Elias, pero tapos na ‘yun hindi ba?” “Huwag na huwag mong ipapaalala sa akin ‘yan dahil matagal ko na ‘yang nakalimutan.” “Ang komplikado ng relasyon niyo noh? Pero paano kung nalaman mo na gusto ka pa ni Elias?” Kumunot ang noo ni Lene at hindi na sinagot ang tanong ni Nash. Ang totoo niyan hindi niya alam kung ano ang mangyayare kapag mangyayare ang sinabi sa kaniya ni Nash. Simula kasi noong nagbreak sila ng boyfriend niya noon. Naging komplikado na ang buhay niya. At hanggang ngayon hindi niya pa rin nakikita ang katawan ng kaniyang ina. Hindi niya rin naman alam kung saan magsisimula. Kung paano niya ito mahahanap sa laki ng Grimson City. May pakiramdam kasi niya na nasa malapit lang ang katawan ng kaniyang ina at sa lalong madaling panahon ay kailangan niya na itong mahanap. Ang sabi sa kaniya ng kaniyang stepmom ay hindi mananahimik ang masamang kaluluwa na nasa paligid niya kung hindi niya pa nahahanap ang katawan nito. May kapangyarihan si Raelene. Kapangyarihan na kinakatakutan ng mga tao. Ang kapangyarihan na kasi nito ay pwedeng makakita ng masasamang kaluluwa si Raelene at maaari niya rin makita ang nakaraan. At ngayon madaming masamang ispirito ang nakapaligid sa kaniya. Ang ispirito ng mga estudyante na namatay sa Keimusho University. Hindi niya sinasabi sa mga kaibigan niya kung ano ang nangyayare sa kaniya simula noong nakaalis siya sa Keimusho dahil ayaw niya ulit silang madamay. Gusto niya nang gawin ito ng mag-isa. Ayaw niya na may nadadamay na mga tao at mamamatay na lang bigla. Sawa na siya ron. Kaya niya naman kasi ng mag-isa, pero wala siyang magagawa kung ang demonyo na mismo ang nag-utos na lahat ng tao na nasa paligid niya ay madadamay. “Kaya ba lumalayo ka sa amin at lalo na kila Elias dahil mahal mo pa siya?” “Ano ba ang sinasabi mo riyan? Pumunta ka lang ba sa dorm ko para manggolo? Kasi kung oo pwede ka na umalis.” “Hindi mo man lang sinagot ang tanong ko.” “Sino ba naman kasi ang sasagot sa walang kwentang tanong? May anak na sila ni Kerri at maayos na ang kanilang buhay.” “Hindi pa naman sila kasal. Pwede pa ‘yun.” “Dinedemonyo mo ba ako? Mas demonyo ka pa sa demonyo ah.” “Sorry na, ang punto ko lang kasi ay kailangan mo rin naman maging masaya. Kaya kung gusto mo pa si Elias. Wala namang masama kung gawin mo ‘yun hindi ba?” “Anong klase ‘yang utak mo? Ilang beses ko na nang sinabi sa’yo na hindi ko kailangan ng lalaking magpapasaya sa akin. Ang kailangan ko lang ay magkaroon ng payapang buhay.” “Binisita kita para kumustahin ka. Ikaw ang may dahilan kung bakit ako nakalabas sa kulungan, Lene. Ikaw din ang kaibigan na napakahalaga sa akin. Kaya dapat sa bawat problema mo kasama mo ako. Tutulungan kita at hindi kita hahayaan na lumaban ng mag-isa.” “Hindi ko nga kailangan, Nash. Bakit ba ang kulit mo? Bumalik ka na sa bahay niyo dahil baka hinahanap ka na ng mga magulang mo.” “Hindi nila ako hinahanap dahil sinabi ko sa kanila na bibisitahin kita sa school mo.” “Hindi ko kailangan ng magbibisita sa akin dito at kukumustahin ako dahil kaya ko ang sarili ko.” “Kung ‘yan ang gusto mo. Babalikan na lang kita kapag ayus ka na.” Nang makalabas si Nash sa dorm niya ay tumingin siya sa mga kadormmate niya. Seryoso ang dalawang babae na nakatingin sa kaniya. “Ang creepy mo talaga. Bakit ka ba kasi pinasama sa amin. Pwede ka naman sa mga poor pinasama.” saad ng babaeng nasa kanan. Hindi naman pinansin ni Lene ang sinabi ng babae dahil ayaw niya muna ng away ngayon. Ang gusto niya lang ay ang magpahinga, pero mukhang hindi ata sila titigil. “Kinakausap pa kita baliw. Huwag mo akong maignore ignore riyan dahil baka masabunutan kita.” Walang emosyon na tumingin si Lene sa dalawang babae kaya napaatras ang mga ito dahil sa takot. Para kasi silang nakaramdam ng takot at kilabot. Mabuti naman at isang tingin lang ang dalawang babaeng ‘yun dahil kapag hindi talaga sila tumigil papatululan na sila ni Lene. ** Naglalakad si Lene sa isang kalsada nang may mapansin siya sa isang mansion. Hindi familliar sa kaniya ang mansion na ‘yun kaya lumapit siya sa gate. “You will never find your way. You are lost forever,” pagbabasa ni Lene sa gate. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang nakasulat sa gate, pero isa lang ang nasa isip niya ngayon. Ang sulat na ito ay para sa kaniya. Ang mansion na ito ay parang walang nakatira at luma na dahil sa mga halaman na nakabalot sa bahay. Meron din nakalagay sa gate na ‘no trespassing’. “Anong ginagawa mo riyan, neng?” Napatingin siya sa isang matanda na kulay puti na ang buhok at may hawak na tungkod. “Hindi ka dapat nandito dahil masama ang lugar na ‘to.” “Bakit?” “Nakita mo naman na siguro ang nakalagay sa gate hindi ba?” “Ito?” Tinuro niya ang sentence na binasa niya kanina. “Wala namang nakalagay na sulat diyan, neng. ‘Yung ‘no trespassing’ ang tinutukoy ko. Hindi ka dapat nandito. Hanggat maaari umalis ka na.” Ang creepy ng matanda kaya wala na siyang magawa kung hindi ang umalis na sa tapat ng lumang mansion. “Hindi ko hahayaan na makaalis ka sa katawan ko, Raelene. Hanggat nasa lupa pa ako. Hinding-hindi kita papatahimikin. Guguluhin ko ang buhay mo pati na ‘rin ang mga taong tutulong sa’yo.” Dahil sa boses na ‘yun ay bigla siyang napabangon ay tumayo sa kaniyang kama, sabay pumunta sa banyo para maghimalos ng mukha. Kung sino man ang nagsalita na ‘yun sisiguraduhin niya na ilalagay niya ang demonyo na ‘yun sa impyerno. Sinubukan niya ulit matulog, pero hindi na siya makatulog. Ang ginawa niya na lang ay lumabas siya nang dorm, pero hindi niya inaasahan na kasabay niyang magbukas ng pintuan ang babaeng katapat ng dorm nila. “Ayus ka lang ba?” Hindi sinagot ni Lene ang tanong ng babae dahil wala naman siyang pakeelam. Pumunta na lang siya sa rooftop ng dormitory at tinignan ang kalangitan. Hindi niya alam ay sinundan siya ng babae kanina. “Mukhang hindi ka makatulog kaya lumabas ka ng dorm mo.” Umupo ang babae sa tabi niya at sinamahan siyang panoodin ang langit. “Nanaginip ka ng masama?” Tinignan ni Lene ang babae, pero hindi niya ‘yun sinagot. “Ako nga pala si Aulora,” dagdag pa nito. “Hindi ko tinatanong.” “Huwag ka naman maging cold sa akin. Mahirap man paniwalaan, pero nakita ko ang panaginip mo kanina. Hindi ko dapat sinasabi sa’yo ‘to, pero kailangan ko. I want to help you at sana hayaan mo akong tulungan ka. Hayaan mo akong makatulong sa’yo.” “Hindi ko kailangan ng tulong mo.” “Akala mo lang kaya mo mag-isa, pero madami kang kalaban. Kaya tutulungan kita. Sasamahan kita ngayon, pero kailangan mo rin akong tulungan.” “Hindi mo ako kilala at hindi mo rin alam kung ano ang kaya kong gawin.” “Hindi mo rin naman ako kilala at hindi morin alam kung ano ang kaya kong gawin. Parehas natin hindi kilala ang isa’t isa, pero kaya naman natin tulungan ang isa’t isa. Kung papayag ka lang naman.” Hindi nagsalita si Lene dahil hindi niya alam kung ano ang desisyon niya. Siya na mismo ang nagsabi kanina sa sarili niya na ayaw niyang may madadamay na ibang tao sa problema niya ngayon. Kaya baka hindi niya rin payagan ang babaeng ‘to na tulungan siya. Saka mukhang walang alam ang babaeng katabi niya ngayon dahil ang inosente ng mukha. Para bang walang experience sa lahat ng bagay. Hindi naman niya jinajudge ang babae sadyang dinidescribe niya lang. Katulad nga ng sabi ng babae kanina na hindi niya pa siya kilala kaya bago meron ngang special sa babaeng ‘to. “Pag-isipan mo ng mabuti dahil minsan lang ako tumulong at kapag tumulong akop maayos ang pagtutulong ko. May kapalit nga lang.” “Ano ba ang kapalit?” “Malalaman mo kapag tapos na tayo sa problema mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD