Kabanata III

1438 Words
“Are you really sure na papasok ka sa paaralan?” tanong ng Ina ni Aulora nang makaupo siya sa hapag kainan. “Mom, ilang beses na po natin ‘to napag-usapan. Kasama ko naman po ang mga kapatid ko.” “Hindi mo kami kasama, ate. Sa Manila kami nag-aaral. Mag-aaral ka sa Grimson.” Napakunot ang noo ni Aulora sa sinabi ng kaniyang kapatid na si Jasper. Si Jasper ang pangalawa sa magkakapatid habang si Sandrick naman ang bunso. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Doon magseseniorhighschoo ang kapatid mo, Aulora. Sasama naman si Sandrick sa kaniya para magkasama silang dalawa,” saad naman ng kaniyang Ama. “Ako lang ba ang walang alam sa ganito? Kung sa Manila sila mag-aaral doon na lang din ako.” “No, Aulora. Napagdesisyonan namin ng Mommy mo na hayaan ka na lang mag-aral sa Grimson City dahil iyon lang ang malapit na paaralan dito sa atin. Para raw mabisita ka niya palagi kapag namimiss ka niya.” “But, Dad-.” “Ikaw na ang nagsabi na kaya mo mag-isa. Kaya ngayon mo patunayan na kaya mo nga mag-isa.” “Whatever, kaya ko naman mag-isa sadyang hindi ko lang alam kung ano paano ako magsisimula. I need help too.” “Don’t worry your mom will help you, right Honey?” Ngumiti ang ina niya at inubos na ang pagkain nito. “Hindi ka naman nag-iisa ron, anak. Siyempre meron dong mga bagong student at katulad mo kailangan din nilang mag-adjust. Kaya hindi ka dapat kinakabahan. Bilisan mo na ang pagkakain mo dahil baka malate ka sa unang pasok mo.” Tumungo si Aulora sa kaniyang ina at inubos na ang pagkain na nakalagay sa kaniyang plato. Aaminin niya sa kaniyang sarili na kinakabahan siya dahil unang beses niyang gagawin ‘to. Hindi niya alam kung sino ang mga makakasalamuha niya sa iisang paaralan at sana ang makakasalumuha niya ay maaayos ang ugali. Kapag kasi hindi maganda ang mga ugali ng mga ‘yun. Wala siyang magagawa kung hindi ang gamitin ang kaniyang lakas para patumbahan sila isa-isa. Habang nakatingin si Aulora sa kaniyang salamin ay biglang bumukas ang pintuan ng knaiyang kwarto. “Huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa’yo, Aulora. Alam kong mahirap ang mangyayare sa’yo sa paaralan na ‘yun kaya kailangan mong mag-ingat sa mga taong makakasalamuha mo. At kung meron ka mang makasalamuha na gano’n. Pigilan mo ang sarili mo na mailabas ang kapangyarihan mo.” “Mom, alam ko naman po ‘yun, pero kailangan po ba talagang tiisin ang kanilang mga masamang ugali nila tapos hindi ako lalaban? Hindi niyo po ako pinalaking hindi palaban, Mom. Alam mo pong hindi ako gano’n.” “Makinig ka sa akin, anak. Para sa’yo rin naman ‘tong sinasabi ko sa’yo. Gusto ko kahit malayo kami sa’yo ay nasa puso mo pa rin ang mga bilin ko sa’yo at sana sundin mo ‘yun.” “Okay, gagawin ko ang mga bilin mo sa akin. Thank you, Mom.” “Mag-iingat ka ron dahil hindi ka namin palagi mabibisita.” “Kaya ko po ang sarili ko, Mom. Sigurado po ako na sa umpisa lang po nakakakaba, pero kapag tumagal na po ako ron masasanay na rin po ako.” “Basta kapag may problema. Huwag mong kakalimutan na tawagan kami o kaya bisitahin kami rito. Alam mo naman na palagi na kaming wala sa bahay dahil madami kaming pupuntahan ng daddy mo.” “Yesw, alam ko po ‘yun.” “Ihahatid ka namin ng daddy mo sa dorm mo okay? Tapusin mo na ang pag-iimpake mo para maaga kang makapunta sa dorm mo at deretsyo ka sa school.” “Dapat po kasi last week pa po ako umalis. Tignan mo po ngayon nagmamadali po ako at wala na po akong oras para maayos ang mga gamit ko.” “May ipapadala kaming tauhan doon para ayusin ang mga gamit mo. Para pagdating mo sa dorm galing school, ay magpapahinga ka na lang. Hindi mo na kailangan mastress sa ganito.” “Mom, I can take care of it. Hindi ko kailangan ng tulong.” “Ayaw kong napapagod ka, anak. Please, sundin mo na lang ako. Ikaw ang unica iha namin kaya hindi namin hahayaan na may mangyare sa’yo.” Napabuntong na lang si Aulora at inilagay ang last na damit sa kaniyang maleta. Nang makalabas ang nanay niya sa kwarto ay hiniga niya ang kaniyang katawan sa kama. Hindi siya makapaniwala na makakaalis na siya sa bahay na ‘to. Para bang makakaalis na siya sa isang kulungan at n+-gayon siya makakaalis. Masaya siya, pero minsan malungkot din dahil hindi niya na makakasama masaydo ang kaniyang pamilya. Magiging maayos naman siguro siya ron. Hindi naman siya gagawa ng kasamaan o kabaliwan. Pumunta siya ron para mag-aral. Tumayo na siya sa kaniyang kama at kinuha ang dalawang maleta, sabay baba papuntang labas. “Buti naman ay nakababa ka na. Pumasok ka na sa yacht sila na ang bahalka sa mga gamit mo.” Nang matapos sabihin ‘yun ng kaniyang Ina ay pumasok na siya sa yacht at nilaro ang kaniyang cellphone. ** “Mag-iingat ka rito ahh,” saad ng kaniyang ina dahil don ay niyakap ni Aulora ang kaniyang magulang bago makaalis ang mga ito. Nang makaalis naman ang magulang niya ay tinignan niya ang dalawang babae na nakangangang nakatingin sa kaniya. “Isa ka bang prinsesa?” Napakunot ang noo ni Aulora nang itanong ng isang babaeng maikli ang buhok sa kaniya ‘yun. “Uhm.” “Parang ang yaman mo naman,” saad naman ng babaeng kulang green ang buhok. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa dalawang babae dahil hanggang ngayon gulat pa rin siya. Hindi niya kasi alam na meron pa siyang kasama sa dorm. Ang akala niya mag-isa lang siya, pero sa nakikita niya ngayon mukhang magsisikip sila sa maliit na dorm. “I’m Angel, by the way,” pagpapakilala ng maikli ang buhok. “Ako si Olivia, may isang rule lang ako rito sa dorm.” Tumingin si Aulora kay Olivia na seryosong nakatingin sa kaniya. “Ayaw ko ng nangengeelam ka ng gamit ko dahil mas mahal pa ang mga ‘yan kaysa buhay mo,” dagdag pa nito. Ito na nga ba ang niya. May mga tao talaga na ayaw sa kaniya at siyempre ayaw niya rin sa kanila noh. Ayaw niyang ipagsiksikan ang sarili niya sa isang tao na ayaw naman sa kaniya. “Huwag mong intindihin ang sinabi sa’yo ni Olivia. Gan’yan lang talaga ‘yan sa mga taong hindi niya pa nakikilala.” Nilapitan siya ni Angel at hinawakan ang kaniyang kamay. “Tara na sa school. Maayos naman na ang mga gamit mo kaya hindi mo na kailangan mag-ayos. Saka madami ka pang pwedeng malaman tungkol sa school,” dagdag pa nito. Nang makalabas sila sa dorm ay sakto naman na may lumabas din na babae sa harap ng pintuan nila. Seryoso lang itong tumingin kay Aulora at naunang naglakad sa kanila. “Siya si Raelene, huwag mo siyang lalapitan dahil ang weird niya. Wala ngang kaibigan ‘yan sa school dahil grabe kung makatitig. Minsan naman wala siyang classroom nila sabi ng chismis sa school sa hindi malaman na dahilan.” Nakikinig lang si Aulora sa sinasabi ni Angel dahil hindi niya alam kung ano ang irereact. Ang akala niya kasi mabait ang babaeng ‘to, pero chismosa pala. Pero maganda na rin dahil madami siyang malalaman tungkol sa mga nag-aaral sa paaralan, pero hindi pa rin maganda dahil hindi nila alam kung ano ba talaga ang pagkatao ni Raelene. Meron naman siyang pakiramdam na gusto niya itong kaibiganin, pero meron ding second thought na huwag na lang dahil baka kung ano pa ang gawin nito sa kaniya. “Madami na nga raw nangyare sa paaralan natin. Alam mo ba ang anak ng may-ari nito ay isang secret agent? Minsan nga gusto ko siyang makita at magpapicture dahil idol ko siya.” Kung sino man ang tinutukoy ng babaeng ‘to sana masarap ang ulam niya. “Ayus ka lang ba?” Dahil sa tanong ni Angel ay bigla siyang nagising sa katotohanan. “Ayus lang naman ako. Hindi k olang kasi kilala ‘yung kinikwento mo sa akin.” “Sayang nga hindi mo na siya makikita. Wala na kasi siya sa school dahil matagal na siyang graduate ng college. O ‘d ba ang talino niya. Kaya idol na idol ko siya e.” Hinayaan niya na lang magsalita ang babae hanggang sa makapasok sila sa paaralan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD