"Mom, hindi naman po palagi nanrito ako sa bahay at walang ginagawa," inis na sabi ni Aulora sa kaniyang Ina. Ang Ama naman niya ay nakikinig lang sa bangayan ng kaniyang mag-ina. "Siyempre kailangan ko tin po mag-aral katulad ng mga ibang tao," dagdag pa nito.
"Hindi mo ba kami naiintindihan, Aulora!? Ilang beses ba naming sasabihin sa'yo na delekado nga! Paano kapag nalaman nila ang kapangyarihan mo? Paano kung may mangyareng masama sa'yo na hindi namin alam? Pinalaki ka namin ng maayos, Aulora. Kaya kung ano ang makakabuti sa'yo ay ginagawa namin!" sagot naman ni Gloria.
"Makakabuti ba sa akin ang pagkukulong sa akin dito, Mom? Ayaw kong tumira rito habang kayo nasa ibang lugar nagsasaya na hindi ako kasama."
"Kailangan namin pumunta sa Grimson City para tignan ang mga kapatid mo."
"Iyon na nga Mom ang punto ko. Kapag ang mga kapatid ko pwede mag-aral at pumunta sa kahit saan. Samantalang ako nakakulong sa isang bahay na ito, at walang magawa kung hindi ang kumain at matulog lamang!" Dahil sa galit ni Aulora, ay umakyat na ang dalaga sa kwarto nito habang pinapanood siya ng kaniyang mga magulang.
"Hindi naman ata tama na sigawan mo ang anak natin, Gloria," malambing na sabi ni Xaver sa asawa nito.
"Sobra na ang batang iyon, Xaver. Hindi niya ba alam na para sa sarili niya ang mga desisyon natin? Hindi niya siguro alam kung gaano kadelekado ang mangyayare sa kaniya kapag nakisama siya sa mga tao."
"Labimpito na ang anak natin, Gloria. kaya naman niya siguro makisama sa mga tao. Alam niya ang ginagawa niya. kaya mapagkakatiwalaan natin siya. Katulad na nga ng sabi mo kanina na maayos ang pagpapalaki natin sa kaniya." Nilapitan ni Xaver ang kaniyang asawa at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Isang mabuting babae ang ating anak. Kaya walang gagawin si Aulora na ikakapahamak niya."
"Natatakot ako na baka mapahamak ang ating anak, o kaya meroong magtangkang patayin siya. Siya lang ang babaeng anak, kaya ayaw ko siyang napapahamak. Mas maganda kung malayo siya sa panganib para sigurado tayo na ligtas siya."
"Walang mangyayare sa kaniya, Gloria. Ang kailangan mo lang ay magtiwala sa kaniya. Payagan mo na ang anak natin. Isang tao rin si Aulora dahil lumabas siya sa'yo. Sibukan ulit natin. Sigurado ako na magiging maayos ang buhay ni Aulora."
Noong bata pa kasi si Aulora, ay muntikan na mapahamak si Aulora dahil nalaman ng mga tao na mayroong kapangyarihan si Aulora. Ang akal ang mga tao na isang halimaw ang bata. Kaya sinubukan ng mga tao na patayin si Aulora. buti na lang talaga ay nakaalis na agad ang magpamilyang Grinskey sa bahay nila.
Ayaw na nilang mangyare iyon. Kaya binili nila ang isla na ito at nagpagawa ng bahay.
Isa silang mayaman na pamilya sa Manila. Kaya kaya nilang bumili ng mga bagay na mamahalin. Kaya nilang palakihin si Aulora kahit saan. Wala naman silang problema sa pera. Ang problema lang talaga nila ay si Aulora.
Pangalawa si Aulora sa magkakapatid, at siya ang nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid.
"Kakausapin ko, Aulora. At pag-iisipan ko kung papayagan ko na siya mag-aral at makipagsalamuha sa mga tao." Hinalikan ni Xaver ang kaniyang asawa at nagpasalamat dahil sa sinabi nito.
Tama naman kasi si Xaver. Hindi lang dapat kapahamakan ni Aulora ang kanilang nilang intindihin. Pati na rindapat ang kasiyahan nito. Sinabi na rin naman sa kanila ng kanilang anak na gusto nitong makipagsalamuha sa mga tao dahil kahit papaano, ay isang tao rin si Aulora.
***
"Mayroon na ba kayong naisip na paraan?" tanong ni Killian sa kaniyang mga kapatid.
Ang isang taon ng mundo ng mga tao ay isang araw lamang sa Dream World. kaya nakakagalaw ang mga Dyos at Dyosa ng maayos, pero hindi mapakali dahil hindi nila alam kung kailan sila kakainin ng kadiliman.
"Hindi ba hindi alam ni Muzan na tayo ang mga anak niya? Pwede naman nating sabihin na tayo ang mga anak niya at itigil na ang mga plano niya. Para matapos na ang problema natin. Hindi ba napakadali lang?" suggest naman ni Viper na nagpailing sa tatlo niyang kapatid.
"Hindi gano'n kadali gawin ang plano mo, Viper. Hindi natin masasabi na ititigil ni Muzan ang mga plano niya. Kapag sinabi niya meroon siyang mga anak," sabi naman ni Luca.
"Hindi nagdalawang isip si Muzan na patayin ang ating Ina. kaya sigurado ako na hindi rin siya magdadalawang isip na patayin tayo." Napatingin ang lahat kay Reya dahil sa sinabi nito.
"May punto si Reyam," singit naman ni Killian. "Hindi natin matatalo si Muzan dahil kalahati lang ang kapangyarihan na ibinigay sa atin ng ating Ina. Kung ito na ang katapusan ng ating buhay. Kailangan pa rin natin gawin ang ating makakaya na talunin si Muzan. Ipaglalaban natin ang mundo na iniwan sa atin ni Ina. Hindi natin hahayaan na makuha niya ang Dream World," dagdag pa nito.
"Alam ko na kung saan tayo pupunta," saad ni Reya na nagpatingin sa kaniya ng magkakapatid.
"Saan?" tanong naman ni Luca.
"Kay Nunong."
"Ang duwende na nakikita ang hinaharap? Ang Dyos ng lupa? Iyon ba ang Nunong na sinasabi mo, Reya?" Tumingin si Reya kay Killian at tumungo bilang sagot.
"Pwede natin sabihin sa kaniya kung ano ang pwede nating gawin."
"Hindi ba may parusa. Kapag sinabi ni Nunong ang hinaharap?"
"Oo, Viper. Kaya ang sabi ko kanina, ay pwede natin sabihin sa kaniya kung ano ang pwede nating gawin. Hindi niya sasabihin kung ano ang mangyayare sa hinaharap, pero pwede niyang sabhin sa atin kung ano ang gagawin natin."
"Sigurado ka ba riyan, Reya? Hindi ba delekado kung aalis tayo sa kastilyo? Baka meroong mangyare rito kapag umalis tayo." Tumayo si reya sa kaniyang upuan at nilapitan si Luca.
"Kaysa naman sa wala tayong gawin para iligtas ang mundo ng ating Ina. Katulad ng sabi ni Killian. Kailangan natin ipaglaban ang mundo ni Ina. Mapoprotektahan mo ba ang mundong ito kapag nakaupo ka na lang diyan magdamag? Hindi ba hindi?" Bumalik si Reya sa kaniyang upuan at pinagpatuloy ang pagsasalita.
"Mayroong binubulong sa akin ang hangin na si Nunong ang makakasagot ng ating mga tanong. Kung ano man ang sabihin niya na gawin natin, ay kailangan nating gawin. Gusto kong makasigurado na matatalo natin si Muzan."