Sa isang mundo mayroong bata ang isinilang at ito ay si Aulora Grinskey. Isang babae na napakaganda kahit bagong panganak pa lang. Ang pinagtataka lang nila. Bakit hindi umiyak ang sanggol nang matanggal ito sa tyan ng kaniyang ina. Isang mahimbing natulog lang ang nakita nilang sanggol.
Ang akala ng Ina na ang anak niya ay patay dahil hindi niya narinig na umiyak ito.
"Mrs. Grinskey, huwag po kayong mag-alala. Buhay na buhay po ang inyong anak, at isa po siyang malusog," sabi ng Doktora sa Ina. Ibinigay ng Doktora ang sanggol sa Ina.
Nakadapa ang sanggol sa dibdib ng Ina, at bigla na lang nakita ng Ina sa likod ng balikat ng anak niya ang isang ilaw. Nang mawala ang ilaw ay nakita ng Ina ang isang tattoo na dream catcher.
Dahil hindi makapaniwala ang Ina ay hindi niya na sinabi sa mga doktor ang nakita niya ngayon sa anak niya. Alam niya na agad na isang special ang anak niya. At hindi lang special, isang misteryosang sanggol.
"Sinasabi ko nga sa'yo ang totoo, Xaver. Kitang-kita ko sa mga mata ko kung paano lumitaw ang tattoo na iyan sa likod ng anak natin. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin," umiiyak na sabi ng Ina sa kaniyang asawa. Dahil nga stress na stress na ang babae, ay hinawakan na ni Xaver ang pisngi ng kaniyang asawa.
"Naiintindihan kita, Gloria. Naniniwala ako sa'yo. Huwag ka namang gan'yan sa akin. Parehas natin papalakihin ng mabuti si Aulora. Hindi natin hahayaan na magkaroon siya ng sugat sa kaniyang mga katawan."
Habang lumalaki kasi si Aulora. Nakikita nila kung gaano kalakas ang bata. Habang tumatagal na nakikita nila na meroon itong kapangyarihan. Kaya ang ginawa nila ay tumira sila sa Grimson City. Kung saan lalaking mabuti si Aulora. Kung saan nila makikita ang totoong kapangyarihan ni Aulora.
Habang natutulog ang kanilang anak ay nakitingin lang sila roon. Pinagmamasdan ang ganda at maputing kutis ng bata.
"Iniisip mo rin ba kung anong klaseng tao ang ating anak?" tanong ni Xaver kay Gloria.
"Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang anak natin, Xaver. Kakaiba siyang sanggol noong ipinanganak ko siya. Ang sabi sa akin ng nurse noon sa nursery ai Aulora lang daw ang napakabigat at napakalaki na sanggol doon. Hindi nga ako makapaniwala dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito." Inilapit ni Xaver ang asawa niya sa kaniya at hinalikan ito sa noo.
"Basta ang iisip natin ay isang espesyal ang ating anak. Hindi natin siya pababayaan. Ilalayo natin siya sa mga taong alam ang kaniyang kalagayan. Kailangan hindi malaman ng mga tao kung ano ang totoong nangyayare sa ating anak. Madaming pwedeng mangyare kapag nalaman nila."
***
Sa mundong pangalawang ginawa ni Bathala ay nagiging dilim. Untu-unting nasasakop na ng kadiliman ang mundo ni Drimeathrya, pero pinipigilan naman ng mga taga-pangalaga ang mundong iyon. Kaya hindi basta-basta makukuha ni Muzan ang buong mundo.
Ang apat na magkakapatid ay nasa isang kwarto at nagpaplano kung ano ang pwede nilang gawin, para mapatagal ang pagsakop sa kanila ng dilim.
"Simula namatay ang ating Ina, sinusubukan na ni Muzan na sakupin ang ating mundo," seryosong sabi ni Killian sa kaniyang mga kapatid. "At iyon dapat ang hindi mangyare. kailangan natin gumawa ng paraan. Meroon ba kayong naiisip na paraan?" dagdag pa nito.
"Wala tayong magagawa, Killian. Alam naman nating lahat na tayo ay mga makasalanan. Kasalanan ng ating magulang kung bakit nagkaganito ang mundo. Pinarusahan ni Bathala ang ating Ina at kasunod ay tayo na. Hindi natin alam kung ano ang ating parusa, pero sigurado ako na dadating ang panahon na tayo ay magdurusa," sagot naman ni Viper.
"Bawal walang paraan, Viper. Lahat ng problema meroong paraan at kailangan natin makaisip ng paraan. Hiindi tayo titigil hanggat hindi ito natatapos. Ipinamahala sa atin ng ating Ina ang mundong ito. Kaya kailangan nating pangalagaan ito," saad naman ni Luca.
"Tama si Luca, Viper. Meroon na lang tayong ilang linggo para mapagplanuhan ang gagawin natin para ipaglaban ang mundo natin. Kailangan nating bilisan hanggat hindi pa nasasakop ng kadiliman ang mundo natin. Maaari ring madamay ang mga tao sa mundo ng mga tao," singit ni Killian. Si Reya naman ay tahimik lang at pinapakinggan ang kaniyang mga kapatid.
"Bumalik muna kayo sa kanilang mga lagusan at tinignan ang paligid. Saka na natin pag-usapan ang ganitong plano. Kapag meroon na tayong naisip," sabi ni Killian.
Lahat sila nagsilaho at binantayan ang kanilang mga lagusan kung saan pwede makapasok si Muzan.
***
"Tignan mo po, Mama," masayang banggit ni Aulara sa kaniyang ina habang hawak-hawak ang isang paru-paro. "Hindi po ba napakaganda niya?" dagdag pa ng bata.
Nang lumipad ang paru-paro ay automatic na lumipad din si Aulora. Sinasabayan ni Aulora ang paru-paro na lumipad.
Wala namang problema kay Gloria kung gamitin ni Aulora ang kapangyarihan nito dahil wala naman silang kapitbahay. Nasa isang isla sila ng Grimson City. Kaya walang tao ang makakakita sa kanila. Hindi nga alam ng mga tao na mayroong bahay sa isang island na maliit.
Tinitignan lang ni Gloria ang kaniyang anak na lumilipad. Mabilis lumaki ang kaniyang anak, at doon siya mas lalong nagtaka. Naisip niya rinna baka isang halimaw ang kaniyang anak, pero sobrang maha niya si AUlora. Kaya pinapatuloy niya ang pagpapalaki sa bata dahil sa tyan niya ito lumabas.
Pakiramdam niya na isang makapangyarihan ang kaniyang anak. Kaya nga inaalagaan niya ito ng maayos. Nang hindi niya na makita ang kaniyang anak ay pumasok na siya sa bahay nila.
Alam naman niya na walang mangyayare kay Aulora dahil hindi naman delekado sa isla.
Habang lumilipad si Aulora meron siyang nakita sa baba na malaking na tower na ngayon niya lang nakita sa isla. Kaya bumaba siya. Nang makalanding siya sa lupa ay hindi pala malaki ang tower na nakita niya sa itaas. Ang tower na nasa harapan niya ngayon ay isang maliit na hanggang tuhod niya lang.
"Ano ito?" bulong ni Aulora sa kaniyang sarili.
Maya-maya mayroong lumitaw sa kaniyang harapan na isang duwende. Natakot naman ang batang si Aulora kaya napatago siya sa likod ng malaking puno.
"Huwag kang matakot, munting Aulora. Hindi kita sasaktan. Ikaw lang ay aking kakausapin," sabi ng duwende.
Unti-unting lumabas si Aulora sa pintuan at umupo sa harapan ng duwende.
"Ito ang tatandaan mo, munting Aulora. Kailangan ka ng lahat. Kailangan ka ng iyong mundo. Kaya kailangan mong pagbutihin ang iyong pagsasanay at pasayahin ulit ang mga tao. Maraming naghihintay sa'yo sa mundong iyong kinalakihan." Kumunot ang noo ni Aulora at nagtaka dahil sa kaniyang mga narinig.
"Konektado ba ito sa aking mga kapangyarihan?" Tumungo ang duwende bilang sagot sa katanungan ni Aulora.
"Pagdating ng ika-labimsiyam ng iyong kaarawan ay magbabago ang iyong buhay." Pagkatapos sabihin iyon ng duwende, ay bigla na lang nawala ang duwende at ang maliit na tower.
Napaisip tuloy bigla si Aulora. Ang sinabi ng duwende sa kaniya.