Nang makababa sila sa sasakyan, ay nagtaka agad ang mga kaibigan ni Aulora kung bakit sa mismong tapat ng isang maliit na eroplano sila bumaba. Si Lene lang ang hindi nagulat dahil alam niya naman sa private airplane ang sasakyan nila.
“Bakit tayo nandito, Aulora? Hindi ba bawal ‘tong ginagawa natin?” tanong ni Azaiah na nagpailing kay Aulora.
Ang akala kasi ng apat, ay papasok pa sila sa loob ng airport, pero nagulat sila nang hindi na nila kailangan pumasok at katabi na nila ang airplane na hindi nila alam kung kino at bakit sila nandito.
“Miss Grinskey!” tawag ng isang lalaki na nakatuxedo at may kasama itong dalawang piloto na nagpalaglag sa mga panty nina Xia at Nia. Ang gwapo kasi ng dalawang piloto kaya kinikilig sila at hindi mapakali. Si Aulora naman, ay hindi mapigilan ang matawa, pero itinigil niya rin ‘yun dahil lalapitan niya ang lalaking tumawag sa kaniya.
“Mr. Cloo, hindi ako makapaniwala na makikita kita rito,” nakangiting saad ni Aulora at nakipagkamayan sa lalaki.
“Tinawagan kasi ako ng daddy mo. Ang sabi niya sa akin, ay pupunta raw kayo ng mga kaibigan mo sa Manila. Kaya ang sabi niya sa akin, ay ako ang magq-assist sa inyo dahil ako lang naman ang may kilala sa’yo.”
“Buti naman po at alam na ni Dad. Ang akala ko po kasi, ay hindi niya ako papayagan. E wala naman po siyang magagawa kung gusto kong pumunta sa Manila at makita si Mom.”
“Masyadong delekado naman kasi ang Manila para sa’yo, iha. Kaya siguro gano’n lang ang magulang mo sa’yo dahil pinoprotektahan ka nila. Naintindihan ka naman ng daddy mo kaya ka nga niya hinayaan na pumunta sa Manila.”
“Salamat, Mr. Cloo. Naabala ka pa tuloy namin.”
“Naku, wala ‘yun. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay namin. Kaya nga excited ako noong nalaman ko na makikita kita.”
“Ito nga pala ang mga kaibigan ko na sina Xia, Nia, Lene, Azaiah, at Eleizar. Sila ang mga una kong kaibigan na pinakilala kila Dad. Sila rin ang kasama ko noong birthday ko.”
“Buti nga nagkakaron ka ng mga kaibigan. Alam mo bang noong sinabi sa akin ng daddy mo na aalis ka na sa bahay niyo at mag-aaral dito. Sobrang kabado niya at malapit na siyang umiyak dahil mawawalay siya sa’yo. Kung alam mo lang kung gaano ‘yun nalungkot.”
“Alam ko naman po ‘yun dahil nararamdaman ko po sila.”
“Nga pala, ito ang dalawang pilot na makakasama natin sa byahe sina Dylan at Green. Huwag kang mag-alala, Ms. Grinskey. Maayos naman sila kaya wala kayong dapat ikabahala.”
“Hindi naman ako natatakot. Maganda nga ‘yung may kasama tayongh dalawang gwapo sa ating byahe.” Napatawa si Mr. Cloo pati na rin ang dalawang pilot. Si Eliezar at Lene naman ay seryoso lang na nakatingin sa mga lalaki samantalang sina Xia at Nia, ay kinikilig pa rin.
“Tara na?” Tumungo si Aulora at sinabihan ang mga kaibigan niya na pumasok na sa eroplano para makaalis na agad sila.
“Kinikilabutan na ako,” nangingnig na saad ni Xia dahil first time nilang sumakay sa eroplano na private pa. Pakiramdam nila mayaman sila at sa kanila ang eroplano na sinasakyan nila. “Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Para akong hindi makakahinga,” dagdag pa nito.
“Kapag kasama talaga natin si Aulora. Nagiging mayaman tayo. Ang sarap ng upuan,” malambing na saad naman ni Nia nang makaupo siya sa malambot na upuan. Katabi niya si Xia sa upuan. Kaya masaya silang dalawa. Kaharap naman nila si Eliezar at Azaiah. Magkakatabi naman sina Lene, Aulora, at Mr. Cloo.
“Isang araw lang tayo sa Manila, Aulora. Kaya kailangan na nating hanapin ang lugar na ‘yun pagkatapos natin sa hospital,” bulong ni Lene kay Aulora. Buti na lang at nagbabasa ng magazine si Mr. Cloo. Kaya hindi sila nito naririnig.
“Huwag kang mag-alala dahil ‘yun naman talaga ang gagawin natin. Kung gusto mo rin naman, ay pwede naman natin sila ibaba sa SM para hindi sila mabore. Kung gusto mo lang naman kasi alam ko na gusto nila ‘yun.”
“Hindi sila pwedeng lumayo dahil baka mawala sila.”
“Come on, Lene. Kasama nila ang mga kapatid ko kaya sure ak ona ma-eenjoy nila ‘yun. Papayag din naman ang mga kapatid ko ron dahil minsan lang din nila makasama ang mga kaibigan natin. Kulang ang oras nila nong nasa bahay sila noon.”
“Sige.”
“Eliezar,” nagsitinginan ang lahat kay Aulora. “Saan pala ang bahay ng magulang mo? Kapag nakababa na tayo ng airport ano ang sasakyan niyo? Pwede naman kayong ibaba ng driver namin sa bahay niyo. Para hindi na kayo mahirapan.”
“It’s okay, alam ko naman kung ano ang sasakyan namin.”
“Sure kayo?”
“Lumaki ako sa Manila, Aulora. Kaya hindi kami maliligaw don at alam ko kung saan papunta sa bahay ng magulang ko dahil hindi naman ako pupunta kung hindi ko alam.” may punto naman si Eliezar kaya napatungo na lang si Aulora.
Napahawak bigla si Aulora sa kamay ni Lene nang may makita niya na naman ang lugar na nakita niya. Sa tuwing nakikita niya ‘yun sa utak niya, ay sumasakit ang ulo niya.
Hindi niya tuloy alam kung tinutorture niya na ang kaniyang sarili dahil palagi niya na lang nakikita ang lugar na ‘yun at hindi siya makatulog dahil nakikita niya ang panaginip ng Tatay ni Lene. Paulit-ulit lang ‘yun at dahil paulit-ulit, ay kabisadong kabisado niya na ito.
“Ayus ka lang ba, Miss Grinskey.”
“Yes, Mr. Cloo. Sumakit lang ang ulo ko ng kaunti dahil siguro hindi lang ako sanay dito.”
“Kuhaan kita ng maiinom at makakain. Sabihan ko na rin ang flight attendant na bigyan ng mga pagkain ang kaibigan niyo para habang nagbabyahe, ay meron silang kinakain.” Pagkatungo ni Aulora, ay tumayo na si Mr. Cloo at pumunta sa likod ng eroplano.
“Lahat ba ng kaibigan ng magulang mo gano’n, Aulora? Ang alaga naman nila sa’yo,” pagbabasag ng katahimikan ni Azaiah.
“Gano’n lang talaga sila sa akin. Masyado na silang over protective. Ayaw ko ng gano’n, pero alam ko naman na wala akong choice. Kaya hinahayaan ko na lang.”
Naging masaya sila nang dumating na ang kanilang pagkain at nagsaya at nag-ingay sa loob buong byahe.