Kabanata XLII

1737 Words
“Bakit kayo nakagayak?” tanong ni Lene pagkagising na pagkagising niya. Nagtataka siya kung bakit nakabihis ang sila Nia at Xia kasama na rin si Aulora na hindi makatingin sa kaniya. “Sasama kami sa inyo,” sagot naman ni Nia na nagpasakit ng ulo ni Lene. Tumingin ng nakakunot noo si Lena kay Aulora. Kaya napangiti na lang ng pilit ang babae sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit nadagdagan pa sila ng dalawa. “Pinilit nila na ako na sumama sila. Gusto rin daw kasi nila makita si Mommy kung ayus lang siya. Wala naman na akong magawa dahil paulit-ulit sila ng sinasabi,” sagot naman ni Aulora. “Bakit hindi mo ako ginising para ako ang kakausap sa kanila? Nagdesisyon ka ng sarili mo?” “Ang sarap kasi ng tulog mo. Kaya hindi na kita gising. Saka maaga pa naman. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ang agang magising ng dalawang ‘to. Plinano ata nilang magising ng maaga para pilitin ako dahil alam nila na aalis tayo at tulog ka pa ng oras na ‘yun. Isama na lang natin sila dahil kawawa naman sila rito. Maiiwan silang dalawa kapag hindi natin sila isasama. Saka si Mommy naman ang pupuntahan nila.” Tinignan lang ni Lene sina Nia at Xia, sabay tumayo na at pumasok sa loob ng banyo. “Ang ibig sabihin ba nito, ay kasama na tayo? Pinapayagan niya tayong sumama?” tanong ni Xia kay Aulora. Tungo lang ang sagot ng babae dahil natatakot siya na baka pagalitan siya ni Lene. Mukhang mali ata na nagdesisyon siya ng sarili niya. Siguro naman maiitnindihan siya ni Lene. Sinabi niya naman sa dalawang babae na may iba pa silang pupuntahan hindi lang sa hospital. Kaya kapag aalis na silang dalawa sa hospital. Ang kailangan, ay doon lang muna sila hanggang sa makabalik silang dalawa. ** “Anong sabi ni ate sa’yo?” tanong ni Sandrick nang binaba ni Aulora ang tawag. Bumuntong hininga naman si Jasper at umupo sa sofa katabi ng kapatid niya. “Ang sabi niya sa akin, ay pupunta siya rito sa Manila dahil nalaman niy ana naaksidente si Mom.” “Malamang pupunta ‘yun mag-aalala ‘yun kay Mom e. Alam mo naman na mahal ng dalawang ‘yun ang isa’t isa. Kaya pupunta siya rito.” “Iyon na nga ang problema ko, Sand. Sa tingin mo ba papayagan siya ni Dad? Ito pa ang mas malala. Sinabi niya sa akin na ako na raw ang magsabi kay Dad na pupunta siya rito at gagamitin niya ang private plane natin dahil hindi niya macontact si Dad.” “Papayagan naman siguro ni Dad si ate dahil si Mom ang pinag-uusapan dito. Kakatawag mo lang kay Dad kanina dahil sinabi mo na pupunta tayo bukas. Siguro kaya hindi niya macontact si Dad dahil ayaw niyang sabhin na may nangyare kay Mom. Hula ko lang ‘yun ahh. Hindi ko sinasabi na ‘yun ang dahilan ni Dad.” “Bakit pa kasi ako ang tinawagan ni ate hindi ikaw?” “Ano naman ang kinalaman ko riyan kuya? Sumusunod lang naman ako sa’yo dahil minor pa lang ako at hindi hahayaan ni Mom na iwan mo ako sa kahit saan.” “Sumama ka pa kasi sa akin dito. Naging babysitter tuloy ako.” “Aba, ikaw kaya ang nagsabi sa akin na samahan kita mag-aral dito dahil dito mag-aaral ang crush mo. Sumunod lang naman ako sa’yo dahil pinilit mo ako. Huwag mong sabihin nakalimutan mo na ‘yun?” Umiling na lang si Jasper kaya napatawa si Sand. “Tignan mo, tapos sisisihin mo ako kung nahihirapan ka sa pag-aalaga sa akin,” dagdag pa nito. “Bakit? May choice ka ba? Hindi ba wala? Dahil kapag sila Mom ang kasama mo, ay sure ako riyan na sa iba’t ibang lugar ka mag-aaral dahil palagi silang pumupunta sa ibang lugar. Buti nga napilit ko sila na isama kita kung hindi siguro ako na baliw ka na pagbalik dito.” Napa’tsk’ si Sand at kumuha na lang ng pagkain sa refrigerator. May punto naman si Sand, pero kinakabahan talaga siya. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin. Kailangan niya pa bang ipractice o gumawa ng kodigo? “Hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo ano?” Napatingin siya sa kapatid niyang may dalang pagkain. “Kung ako sa’yo tawagan mo na si Dad ngayon at sabihin sa kaniya na pupunta si ate rito para makita si Mommy. Madali lang naman ‘yan e. Hindi mo na kailangan kabahan o matakot,” dagdag pa nito. “Kung ikaw kaya ang magsabi sa kaniya? Tawagan mo siya ngayon at ikaw na lang ang magsabi. Madali lang pala e.” “Ikaw naman ang inutusan hindi ako. Kaya ikaw ang magsabi.” “Tignan mo, kahit kailan talaga wala kang magawang maayos. Mas lalo mo akong pinapakaba.” “Bakit ka kasi kakabahan? Sasabihin mo lang naman kay Dad na pupunta si ate rito. Wala namang magagawa si Dad kung gusto niyang pumunta dahil alam naman nating lahat na nag-aalala si ate kay Mom. Ewan ko rin kasi sa’yo. Walang kwenta ang pagkakakaba mo. Wala naman sa ayos.” “Ikaw na kasi ang magsabi. Madali lang hindi ba?” “Para kang bakla. Akin na nga ‘yang cellphone mo. Ang dali-dali lang ng gagawin mo hindi mo pa magawa. Kaysa naman kasi sa hindi natin sabihin kay Dad e ‘di tayo pa ang mapapagalitan niyan?” May punto si Sand. Nagdalawang isip tuloysi Jasper kung siya na ang magsasabi o ang kapatid niya na. “Ako na ang magsasabi. Baka kung ano pa ang masabi mo kay Dad,” dagdag pa nito at kinuha ang cellphone ni Jasper sa kamay nito. Nang mabuksan niya ang phone, ay nagulat pa si Jasper dahil hindi niya inakala na alam ng kapatid niya ang password ng phone. “Hello, Dad?” Niloud speaker ni Sand ang phone para marinig din ni Jasper ang sinasabi ng kanilang tatay. [What is it? May kailangan ba kayo? Bakit kayo napatawag?] “Tumawag si ate kanina kay kuya Jasper. Sinabi ni kuya kung ano ang kalagayan ni Mom. Kaya ang sabi ni ate, ay pupunta siya rito sa Manila bukas. Kasama niya naman ang kaibigan niya. Pinapasabi niya sa amin ‘to dahil hindi ka raw niya macontact.” [Gano’n ba? Sabihin mo na lang sa kaniya na gamitin niya ang private plane sa airport. Para mabilis silang makapunta rito. Sunduin niyo ang ate niyo sa airport bukas. Make sure na makakarating kayo rito ng maayos.] “Yes, Dad.” Nang mamatay ang tawag, ay ngumisi si Sand kay Jasper. Kaya napailing ang kuya nito. “Dahil diyan ikaw ang bibili ng road bike ko.” “Ano? Wala sa usapan natin ‘yan. Saka hindi ba nakabili ka na? Bakit bibili ka pa ulit?” “Baliw ka ba? Mountain bike naman ‘yung binili ko hindi road bike. Magkaiba ang road bike at mountain bike. Kaya sige na, kuya. Ikaw na ang bumili ng bike ko. Kapag hindi ko ‘yun nabili ng maaga. Baka iwan ako ng mga kagrind ko.” “May pera ka hindi ba? Ikaw ang bumili ng sarili mong bike.” “Eh nagtitipid nga ako. Sige na, kuya. Minsan lang naman ako magpabili sa’yo ng gamit ko e.” “Hindi ko naman kasi kasalanan kung bakit ka grouded. Mas mabuti nga na grounded ka dahil kung ano-ano ang ginagawa mo. Ako pa ang napapagalitan kasi pinapabayaan daw kita. Hindi lang nila alam na palagi kitang pinagsasabihin hindi ka lang talaga sumusunod.” “Kapag binilihan mo ako ng road bike. Promise ko sa’yo, susunod na ako sa’yo. Bakit bigyan mo pa ako ng curfew, pero huwag naman ‘yung curfew na maaga pa lang nasa apartment na ako ah. Basta kahit ano gagawin ko basta bilihan mo lang ako ng bike.” “Oo na, may choice ba ako? Kapag may ginawa ka pa ring hindi maganda at nakapunta kay Dad. Hindi ka na talaga masisikatan ng araw.” “Opo, kuya kong gwapo.” ** “Nasaan na si Eliezar?” tanong ni Nia nang makalabas sila sa dorm. “Bakit sa amin mo tinatanong? Hindi naman namin alam kung ano ang ginagawa nila?” ”Ewan ko sa’yo, Xia. Ang dami mong sinasabi tinatanong ko lang naman ang sarili ko.” Sumimangot si Xia at napatingin silang lahat nang lumabas sina Eliezar at Azaiah sa dorm nila. “Sasama raw si Azaiah dahil wala siyang kasama sa dorm.” Nang tumingin si Eleizar sa kanila ay nagulat ito nang makita niyang kasama rin sila Nia at Xia. “Buti na lang pala at sinama ko si Azaiah dahil sasama pala ang mga kaibigan niyo,” dagdag pa nito. “Sabi ko sa’yo e. Sinasabi mo pa sa akin na kung wala akong kasama o kaya mabore ako,. ay pumunta lang ako sa dorm nila Nia. Buti na lang talaga at pinilit kita dahil kapag naiwan ako rito. Ako lang talaga ang mag-isa. Kakawawain niyo pa ako.” Bumuntong hininga si Lene dahil nadagdagan pa sila ng isa. Ang plano lang kasi, ay silang dalawa lang ni Aulora, pero unti-unting sumasama ang mga kaibigan nila. Mali ata na pinaalam nila na pupunta silang Manila. Nagkaron pa tuloy sila ng responsibilidad. Imbis na wala na silang iiwan sa hospital at makapunta sa pupuntahan nila, ay hindi nila maeenjoy. Mas iisipin nila ang kaibigan nila at hindi makakafocus sa gagawin. “Ayus lang naman kung sinama ko si Azaiah hindi ba?” “May magagawa pa ba kami? E nakabihis na siya.” Napatingin ang lahat kay Lene na seryosong nakatingin kay Eliezar. “Bilisan niyo na lang kumilos para maaga tayong makapunta sa Manila.” Pagkatapos sabihin ‘yun ni Lene ay lumabas na sila ng building at sumakay na sa van na dati nilang sinakyan. “Sorry, hindi ko alam na magiging ganito. Hindi ko naman alam na sasama silang lahat sa atin. Si Eliezar lang ang una kong sinama tapos nadagdagan ng dalawa at ngayon kasama na si Azaiah,” bulong ni Aulora para hindi sila marinig ng kanilang kaibigan. “Wala ka nang magagawa dahil nasa sasakyan na tayo at nakabihis na sila kanina pa. Just make sure na hindi sila magiging sakit sa ulo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD