Kabanata XLI

1485 Words
“Ano ang gagawin mo?” tanong ni Lene nang makita niya si Aulora na lalabas sana. “Tatawagan magulang ko.” “Bakit?” “Para sabihin sa kanila na pupunta tayong Manila.” “Akala ko ba hindi mo sasabihin sa magulang mo?” “Sasabihin ko na para magamit natin ang private airplane namin. Ipapahiram naman ni Mommy ‘yun dahil gamit na nila ang isa naming private plane. Minsan lang din naman ako lumabas kaya sure ako na papahiramin nila ‘yun sa akin.” “Bakit hindi mo na lang itry ang pagkukuha ng ticket o sumakay sa public airplane?” “Hindi naman ako papayagan ng magulang ko kung sasakay ako ron dahil meron na nga kasi kaming private airplane. Bakit pa ako sasakay sa public? Saka mas magagalit sa akin ‘yun kapag sumakay ako sa public hindi sa sarili naming eroplano.” “Ikaw ang bahala. Basta huwag mong hahayaan na magalit sa akin ang magulang mo.” “Hindi naman magagalit ‘yun sa’yo dahil sa akin ‘yun makikinig. Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala,” nakangiting saad ni Aulora at agad na lumabas ng kwarto. Mabilis niya namang tinawagan ang Mommy niya dahil alam niya na palagi itong sumagot agad, pero ang pinagtataka niya, ay bakit hindi agad ito sumasagot. Umabot kasi ng ilang ring ang nangyare, pero wala pa ring sumasagot. Sinubukan niya namang tawagan ang tatay niya, pero hindi pa rin sumasagot. Kinakabahan na tuloy siya. Baka kasi may nangyare sa magulang niya na hindi niya naman alam. Paano kung meron nga? Kilala niya pa naman ang mga magulang niya. Halos every week tumatawag ito sa kaniya. Kaya pala hindi tumawag ang magulang niya ngayong linggo. Kung meron ngang nangyare sa magulang niya. Ano naman ‘yun? Hindi kaya may nagtangkang pumatay sa kanila? Mayaman kasi ang pamilya nila kaya sigurado siya na madaming may gustong pumatay sa kanila para makuha ang kanilang kayamanan, pero sa pagkakaalam niya naman, ay wala namang kalaban o may galit sa magulang niya dahil sobrang bait ng mga ‘to. Papasok na sana siya sa loob ng dorm nang biglang may naramdaman siyang presensiya sa gilid niya. Nang lingunin niya ito, ay nakita niya si Eliezar na seryosong nakatingin sa kaniya. “May problema ba?” “Wala.” “Sigurado ka?” Hindi na nakapagsalita si Aulora dahil biglang tumawag sa kaniya ang kapatid niya na si Jasper. “May problema ba? May balita ka ba kila Mom? Ano ang nangyare sa kanila?” [Hindi ba sinabi sa’yo ni Dad?] “Ang alin? Anong hindi niya sinabi sa akin? Meron ba kayong hindi sinasabi sa akin?” Biglang tumibok ng malakas ang puso ni Aulora dahil hindi na maganda ang nararamdaman niya. Hindi na maganda ang pinapahiwatig ng kaniyang kapatid. [Ang akala ko sasabihin niya na sa’yo. Kaya nga hindi ka na namin tinawagan.] “Ano ba ang nangyare? Sabihin mo agad sa akin dahil hindi na ako mapakali rito. Ano ang nangyare kay Mom na hindi ko alam?” [Nalaglag lang naman si Mom sa hagdanan. Huwag ka nang mag-alala dahil ayus naman na raw ang lagay niya.] “Anong ayus? Hindi ayus ang nalaglag sa hagdanan, Jasper. Nasaan sila Dad ngayon?” [Nasa Manila ata? Hindi ko alam kung saang hospital naka-admit si Mom, pero may balak kaming bisitahin siya bukas dahil linggo bukas e. Walang pasok.] “I’ll go with you guys.” [What? I don’t think Dad will let you.] “Karapatan ko rin naman sigurong makita ang kalagayan ni Mom hindi ba? Kaya papayagan niya akong pumunta riyan. Hindi niya ako mapipigilan.” [Talk to Dad about that. Baka kasi hindi ka niya payagan dahil masyadong malayo ang Manila. Meron din naman kasing video call para makita mo si Mom.] “Nang aasar ka ba? Mas maganda pa rin ‘yung makita ko si Mom ng personal. Walang magagawa si Dad kung pupunta akong Manila dahil may gagawin naman talaga ako sa Manila. Hindi lang ‘yun.” [At ano naman ang gagawin mo rito? Siguro maghahanap ka ng mga lalaki rito ano? Naku ate, huwag ka na rito maghanap dahil madaming mga lalaking hindi matino rito. Diyan ka na lang sa Grimson mas madami pa riyang matino.] “Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, Jasper. Itext mo sa akin kung ano ang address ng hospital ni Mom para mapuntahan ko siya kapag nandyan na ako.” [Ano ang sasabihin mo kay Dad?] “Ikaw na lang ang magsabi sa kaniya na pupunta ako riyan at gagawin ko ang private airplane.” [Baka pagalitan ka ni Dad kapag ginawa mo ‘yun dahil hindi ka nagpaalam sa kaniya.] “Kaya ikaw ang magsasabi sa kaniya para hindi siya magalit hindi ba?” [Dinamay mo pa ako sa kademonyohan mo, ate. Baka ako pa ang pagalitan ni Dad dahil sa gusto mong mangyare. Huwag mo na akong idamay dito. Tawagan mo na lang si Dad tapos sabihin mo sa kaniya na pupunta kang Manila.] “Hindi ko nga siya matawagan. Kaya nga ikaw ang magsasabi sa kaniya e. Bakit ba napakakulit mo? Ikaw na ang magsabi sa kaniya. Para kay Mommy naman ‘tong ginagawa natin.” [Tawagan mo ulit siya ngayon. Baka sumagot siya.] “Baka busy ‘yun sa kakaalaga kay Mom. Kaya ikaw na ang magsabi.” [Kailan ka ba pupunta rito?] “Bukas dahil ang sabi niyo, ay bukas niyo bibisitahin si Mom. Kaya susunod na lang ako.” [Bakit ang bilis naman? Hindi ba pwedeng next week na lang? Nakakatakot kasi magsabi kay Dad. Baka pagalitan niya ako dahil hinayaan kitang pumunta sa Manila ng mag-isa.] “Sino bang nagsabi na pupunta ako riyan ng mag-isa?” [Huh? Sino ang kasama mo? Kasama mo siguro ‘yung boyfriend mo ano? Sino ba ‘yun? Si Eliezar? Ipapakilala mo ba siya sa magulang natin? Ang bilis naman ata ng pangyayare?] “Manahimik ka, Jasper. Hindi ka nakakatawa.” [Oo na, sasabihin ko na kay Dad na pupunta ka rito bukas, pero sino ba talaga ang kasama mo bukas?] “Malamang kaibigan ko.” [Ang dami mong kaibigan, ate. Baka gusto mong lahat banggitin ko kay Dad?] “Si Lene ang kasama ko. Kaya huwag na kamo siyang mag-alala.” [Okay, sabihin ko na lang.] “Okay.” [Wala man lang thank yo--] Nang patayin ni Aulora ang tawag, ay napaharap siya kay Eliezar na hanggang ngayon, ay nakatingin pa rin sa kaniya. Para tuloy siyang may ginawa, pero wala naman talaga siyang ginagawa. “May kailangan ka ba?” tanong niya sa lalaki kaya napaiwas ito ng tingin. “Kung wala kang kailangan. Bakit nakatayo lang diyan kanina pa?” dagdag pa niya. Kaya napabuntong hininga si Eliezar at lumapit sa kaniya. “Pupunta ako sa Manila bukas. Baka gusto mong sumabay?” Kumunot ang noo ni Aulora at napatawa. “Nalaman mo lang na pupunta kaming Manila bukas. Tapos pupunta ka rin?” “Oo, birthday kasi ng Nanay ko bukas. Kaya kailangan kong pumunta sa bahay namin.” “May ticket ka na ba?” “Oo, last week pa ako nagbook ng ticket. Kayo ba?” ”Hindi kami makabook ng ticket.” “Mahihirapan talaga kayong makabook ng ticket tuwing sabado dahil madaming lumuluwas ng Manila. Baka dahil hindi kayo makabook dahil sold out na ang ticket?” May punto naman si Eliezar. Kaya wala siyang choice kung hindi ang gamitin ang private plane nila. “Sumabay ka na lang sa amin ni Lene bukas.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yun, ay agad siyang pumasok sa loob ng dorm. “Wala tayong choice kung hindi ang gamitin ang private plane namin.” “Sinabi mo na kay Tito? Pumayag naman ba siya?” “Hindi ko pa nakakausap ang magulang ko dahil nagkaron ng aksidente si Mommy, pero nakausap ko na si Jasper. Siya ang kakausap kay Dad na pupunta akong Manila at gagamitin ko ang private plane namin. Kaya wala ka na dapat alalahanin.” “Sure ka bang hindi magagalit sa atin ang Daddy mo?” “Hindi ‘yan dahil alam non na gusto kon makita si Mom. My Mom needs me. Kaya hindi niya ako mapipigilan na pumunta sa Manila. Saka sinabi ko rin kay Jasper na kasama kita. Kaya malalaman ni Dad na kasama kita.” “Okay, buti naman.” “By the way, kasama natin si Eliezar dahil pupunta rin daw siyang Manila bukas. Birthday kasi ng nanay niya. Sinabi niya sa akin ‘yun kanina. Kaya pinasama ko na siya sa atin.” Nakita ni Aulora na umiling si Lene kaya alam niya na ang ibig sabihin non. Ano na naman kaya ang ginawa niyang mali? Hindi naman mali ang ginawa niya ano? Nagiging mabait lang naman siya kay Eliezar. “You’re being nice to him. Diyan nagstart ang pag-ibig na nararamdaman ng isang tao.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD