Kabanata XL

1228 Words
“s**t!” malakas na mura ni Lene habang nakatingin ito sa laptop niya. “Ano na naman ba ang minumura mo riyan? Problemado ka ba sa assignments mo?” saad naman ni Nia na gumagawa rin ng assignments sa kanilang sari-sariling study table. Lahat naman sila may ginagawa sa table nila. Kaya nga narinig agad nila ang mura ni Lene dahil tahimik silang lahat. “Hindi ako makapagbook ng ticket namin ni Aulora.” “Hindi ba hindi na kailangan magbook? Pupunta na lang doon sa airport para bumili ng ticket?” “Mas gusto kong magbook para hindi na hassle sa loob ng airport at sayang ang discount kapag sa website ka nila bumili ng ticket.” “Kailangan mo pa bang magbook?” tanong naman ni Aulora at nilapitan si Lene. “Kailangan nga natin. Nasa sa’yo naman ang passport mo ano?” “Hindi na kailangan ng passport para makapunta sa Manila. Nasa Pilipinas din naman tayo.” “Alam ko, Aulora. Pero kailangan mo pa rin ‘yang dalihin just in case. Makinig ka na lang sa akin dahil ako ang kasama mo at hindi ka pa nakakapunta sa Manila.” “Nakapunta ka na ba sa Manila?” “Nakapunta na ako dahil doon ako nag-aral noon bago ako pumasok dito. Kaya sundin mo na lang ako. Ibigay mo sa akin ang passport mo. Para bago ako makabook ng ticket ay alam ko na ang ilalagay sa ticket mo.” napabuntong hininga si Aulora at kinuha sa kabinet niya ang passport. “Bawal ba ‘yun ipakita ko na lang ang passport ko tapos hindi na natin kailangan bumili ng ticket?” “Alam kong mayaman ka, pero hindi naman pwede nating gawin ‘yun. Depende na lang kung kilala mo ang Mayor ng Grimson City dahil siya lang naman ang may-ari ng airport dito.” “Kilala ng tatay ko ang Mayor dito kaya sure ako na kapag nakita ng mga nagtatrabaho ang passport ko, ay private airplane ang ibibigay nila sa atin. Kaya hindi mo na talaga bumili ng ticket.” “Sure ka ba na kilala ka ron?” “Hindi naman sa kilala ako, pero kilalang-kilala na nila ang magulang ko dahil palagi silang umaalis ng Grimson City.” “Ang magulang mo ang kilala nila hindi ikaw. Kaya may posible pa rin na hindi ka nila pasakayin sa private airplane na sinasabi mo.” “Meron kaming dalawang private airplane sa airport. Kaya imposibleng hindi nila ako pasakayin. I can fire them kung hindi mangyayare ang gusto ko.” Mahina lang naman ang mga sinasabi ni Aulora. Kaya hindi ‘yun maririnig ng dalawa nilang kaibigan. “Kuha na lang ako ng ticket. Ikaw na muna ang magbukas ng pintuan.” Agad silang napatingin sa pintuan nang may kumatok. Sinimangutan naman ni Aulora si Lene bago pumunta sa pintuan at pagbuksan ang kumatok. “Hello po,” bati ni Aulora sa lalaking hindi niya kilala. “Sino po kayo? Ano po ang kailangan niyo?” dagdag pa ni Aulora na nagpangiti sa lalaki. “Ako po si Nash. Nandyan po ba si Lene?” “Kaano-ano niyo po si Lene? Boyfriend mo po ba siya?” Napatawa ng malakas si Nash, pero tumigil din ito nang makita niyang nasa likod si Lene. “Ako na ang bahala rito, Aulora.” “Sige.” Nang makaalis si Aulora, ay lumabas si Lene at isinara ang pintuan para walang makarinig sa kanila, “Ano ang kailangan mo?” May ibinigay na sobre si Nash at kinuha naman ni Lene. “Birthday na ni Angel, Lene. Gusto sana naming pumunta ka dahil hindi magiging masaya ang birthday niya kapag wala ang pinakapaborito niyang ninang.” “Alam mong busy ako at meron akong kailangang gawin. Hindi ako pwedeng makapunta sa birthday niya. Saka napag-usapan na natin ‘to hindi ba?” “Pinipilit nga ako nila Kerri na isama ka dahil noong nalaman ni Angel na hindi ka makakapunta sa birthday niya, ay nalungkot at nawalan na ng gana ‘yung bata magbirthday. Hindi mo naman siya masisisi kung malakas ang bond niya sa’yo. Alam mo naman kung ano ang ginawa mo sa kaniya noon.” “Nasa present na tayo, Nash. Kalimutan niyo na ang nanyare noon. Wala akong kasalanan kung bakit mas mahal pa ako ni Angel kaysa sa magulang niya.” “Iyon na nga ang problema. Ikaw ang hinahanap niya. Kailangan ka ni Angel dahil magkaparehas kayo. Nakakakita rin siya ng kung ano-ano at hindi naman natin pwedeng pabayaan na lang siya.” “May karahasan ang magulang niya. Alam naman na siguro nila kung ano ang gagawin nila sa anak nila. Hindi na nila dapat iasa sa akin ‘yan.” “Kahit ngayon lang, Lene. Pasayahin mo naman ang bata. Ikaw palagi ang hinahanap-hanap niya.” “Madami akong ginagawa. Hindi ko na problema kung malungkot ang anak nila.” “Kaibigan mo naman kami hindi ba? Bakit hindi mo man lang kami masamahan o kaya sumama ka sa amin. Namimiss ka rin namin, Lene. May problema ba? Hindi mo na kami kaibigan? O kaya may nangyare ba sa’yo na hindi namin alam? Hindi ka kasi namin maintindihan e. Napapalayo na ang loob namin sa’yo, pero hindi malayo sa’yo si Angel.” “Pag-iisipan ko dahil madaming akong gagawin. Hindi ko alam kung maisisingit ko ang birthday niya.” “Pumunta ka dahil umaasa si Angel. Sigurado ako kapag hindi ka pumunta, ay iiyak lang ‘yun buong araw. Kaya pumunta ka, huwag mong itry.” “Kung hindi ako makakapunta ang ibig sabihin non, ay may ginawa ako. Kaya hindi mo ako mapipilit kung makakasama ako o hindi.” Napabuntong hininga na lang si Nash dahil kilala niya si Lene. Hindi mo ito mapipilit. “Wala ka na bang sasabihin? May gagawin pa kasi ako,” dagdag pa nito. Ayaw na ayaw din kasi ni Lene na masayang ang oras niya sa walang kwentang bagay. Alam naman ni Nash na mainisin si Lene kaya papabayaan niya na lang ang babae sa kung ano ang gusto nito. “Wala na, babalik na lang ako para bisitahin ka.” Tumungo si Lene at pumasok nasa loob. “Sino ‘yun, Lene? Boyfriend mo ba ‘yun? Tumawa kasi siya kanina noong tinanong ko sa kaniya ‘yun,” bungad sa kaniya ni Aulora. Nakangiti ang babae kaya nainis siya. “Mukha ba akong may boyfriend?” “Siguro? Hindi ko alam. Siyempre sa ganda mong ‘yan wala kang boyfriend? Kaya nga tinanong ko siya kung boyfriend mo siya.” “Wala sa isip ko ang pagkakaboyfriend. Kaibigan ko lang ang lalaking ‘yun.” “Hindi mo man lang sinabi agad. Napahiya tuloy ako.” “Kasalanan kong tinanong mo siya ng gano’n?” “Opo, kasalanan ko po. Sorry po.” Hinilot ni Lene ang kaniyang noo at bumalik sa kaniyang ginagawa. Hanggang ngayon pa rin hindi siya makakuha ng ticket. Kailangan na nila kasing makapunta sa Manila dahil nasasabik na si Lene mahanap ang katawan ng nanay niya. “Ako na lang ang bahala sa tickets natin, Lene. Gawin mo na lang muna ang pinagawa sa’yo ng guro mo para hindi ka mastress. Madali lang namang gawin ‘yun kaya ako na ang gagawa.” Tumungo na lang si Lene bilang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD