Kabanata XXXIX

841 Words
Simula noong gabi na ginawa nila ni Lene, ay hindi na siya nakakatulog sa gabi. Isa rin ba ‘tong parusa dahil sa maling ginawa niya. Ayaw niya na hindi natutulog dahil wala naman siyang ginagawa tuwing gabi kung hindi ang tumingin lang sa langit at mag-isip ng kung ano-ano. “Tama ka ng iniisip mo, Isa rin sa parusa mo kung bakit hindi ka nakakatulog, pero dahil isa kang dyosa ng panaginip, ay hindi ka nakakaramdam ng antok tuwing gabi.” “Kailan pala ako makakapasok sa Dream World?” “Bakit ‘yan agad ang iniisip mo? Hindi ba dapat ang isipin mo muna, ay ang pag-eensayo mo? Hindi ka pa tapos doon. Madami ka pang pwedeng matutunan lalo na ang bago mong kapangyarihan.” “Tinatanong ko lang naman kung paano at kailan ako makakapasok sa mundong ‘yun. Hindi naman masama kung malaman ko hindi ba?” “Hindi ba sinabi ko na ‘yan sa’yo? Kung paano ka makakapasok sa mundong ‘yun?” “Alam ko na kailangan ko ng susi para makapasok doon, pero paano nga ako makakapasok? Saan ko makukuha o mahahanap ang susi? Saka paano ko malalaman kung anong susi ang hinahanap ko?” “Katulad ng sabi ko kanina. Hindi mo na muna kailangan isipin ang bagay na ‘yan dahil wala pa tayo riyan. Kailangan mo pang mag-ensayo.” “Ikaw na nga ang nagsabi na kailangan ko nang makapasok sa Dream World. Kaya bakit ngayon pinipigilan mo ako?” “Bago ka kasi pumasok sa mundong ‘yun, ay meron kang isasamang mga tao na kagaya mo.” “Ano ang ibig mong sabihin?” “Malalaman mo ‘yun sa tamang panahon. Kaya nga sinasabi ko sa’yo na kailangan mong kumalma at huwag munang isipin ‘yan. Kailangan mong maging malakas bago makapasok doon dahil sa’yo nakasalalay ang kapayapaan na inaasam ng lahat.” “Bakit hindi mo pa sabihin ngayon? Bakit kailangan mo pang patagalin?” “Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo dahil future mo ang nakasalalay dito. Saka si Nunong ang mapaparusahan hindi ako kapag sinabi ko sa’yo ang hinaharap mo. Wala rin akong karapatan para sabihin sa’yo ‘yun. Sinabi ko lang kanina na may makakasama ka para hindi ka magmadali dahil kailangan mo pa silang hintayin.” “Kailangan ba talagang hintayin sila? Saka kung hindi mo pwedeng sabihin sa akin ang future ko. Bakit sinabi mo na may makakasama ako? Hindi ba bawal ‘yun? Baka maparusahan ka.” “Hindi ako mapaparusahan dahil hindi ko naman sinabi ang lahat ng hinaharap mo.” “Ang gulo mo. Gusto ko sanang malaman kung sino ang mga ‘yun, pero dahil sabi mo bawal kong malaman. E ‘di hindi na lang ako magtatanong. Basta alam ko na, na meron akong kasama. Mabuti na rin na may kasama ako para hindi naman ako mag-isang papasok sa mundong ‘yun. Hindi rin ako mahihirapan na kalabanin si Muzan dahil may kasama ako.” “May mga makasama at kakampe ka naman talaga dahil madaming dyos at dyosa na kampe sa’yo. Isa akong mabuting dyosa, Aulora. Kaya hindi rin nila hahayaan na masakop ni Muzan ang mundo ko.” “Ang ibig mo bang sabihin, ay hindi pa talaga nasasakop ni Muzan ang mundo mo?” “Oo, dahil nandoon pa ang mga anak namin. Buti nga nandoon sila para alaagan ang mundo ko at hindi nila hahayaan na makuha ‘yun ni Muzan, pero alam ko na hindi nila ‘yun kakayanin dahil masyado nang makapangyarihan si Muzan.” “Pwe--.” Napatigil sa pagsasalita si Aulora nang maramdaman niya ang paggalaw ng kaniyang kaibigan na si Nia. “Pwede ko namang tulungan si Lene sa problema niya hindi ba?” “Ikaw ang nag-umpisa niyan. Aulora. Kaya alam mo dapat kung ano ang gagawin mo. Kung ano sa tingin mo ang tama ‘yun ang gawin mo. Pati na rin kung ano ang makakabuti sa’yo dahil hindi rin maganda na hindi ka nakakatulog. Kapag kasi hindi ka natutulog ng gabi dahil hindi ka nakakaramdam ng antok, ay kailangan mo namang matulog sa umaga.” “Ano ang mangyayare sa akin kung hindi ako makatulog sa umaga?” “Manghihina ang katawan mo, pero kapag kaya naman ng katawan mo, ay hindi ka manghihina at magiging maayos lang ang katawan mo. Kaya kapag alam mong hindi mo kaya. Matulog ka sa umaga kapag hindi ka nakakatulog sa gabi.” Bumuntong hininga si Aulora at pinikit ang kaniyang mga mata. Nagbabakasakali kasi siya na makatulog e hindi pa rin siya nakakatulog. Binuksan niya ulit ang mga mata niya at tinignan ng walang gana si Drimeathrya. “Bakit hindi ka pa rin umaalis?” “Dahil alam kong hindi ka ulit makakatulog. Baka kasi may bagay ka pa na gusto mong malaman.” “Wala naman na akong itatanong dahil alam ko na lahat. Kapag meron na lang akong curiousity. Doon ko sasabihin sa’yo. Pero ngayon hindi na muna ako magtatanong dahil gusto ko munang mapag-isa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD