"Sure ka ba na 'yun lang ang nakaraan niya? Bakit parang hindi naman konektado sa nanay ko?" tanong ni Lene nang mamalabas sila sa building.
Nauna na sila Nia at Xia dahil maaga raw ang klase ng dalawa. Kaya silang dalawa lang ang magkasama.
"Iyon lang ang panaginip niya. Subukan ko ulit mamayang gabi kung meron pang matira. Baka kasi wala na at magpaulit-ulit na lang ulit ang panaginip niya." Napabuntong hininga si Lene. "Pero sa tingin ko ang nakita kong bahay kanina noong natutulog ka, ay konektado sa nanay mo," dagdag pa nito na nagpakunot ng noo ni Lene.
"Anong nakita mo?"
"Isa siyang lugar na hindi ko alam kung saan."
"Pwede mo naman sigurong iteleport tayo ron hindi ba? Alam mo naman kung anong itsura ng bahay na nakita mo."
"Pwede, pero hindi ko alam kung saang lugar 'yun, Lene. Hindi naman ako pwedeng basta-basta na lang magteleport dahil baka may makakita sa akin. Masyadong delekado 'yun."
"Naiisip mo ba kung saang lugar 'yun?"
"Hindi ko alam dahil wala naman akong alam sa Grimson City. Sa tutuosin, ay parang wala 'yun dito sa buong Grimson City. Masyado kasing kakaiba ang lugar na 'yun sa lugar natin."
"Madami bang tao?"
"Oo."
"Building."
"Hindi ko alam, pero parang napansin ko 'yung sa malayo banda madaming building. Hindi ko kasi nakita ng clear 'yung lugar."
"Manila, sigurado ako na sa Manila 'yan."
"Ang ibig mo bang sabihin, ay pupunta tayong Manila?"
"Ako lang."
"Bakit ikaw lang? Ako lang naman ang nakakaalam ng bahay na nakita ko. Saka hindi mo 'yun mahahanap kapag hindi ako kasama. Kaya dapat isama mo ako. Wala kang choice."
"Hindi ka papayagan ng magulang mo, Aulora. Kaya hindi ka rin makakasama sa akin."
"Oo, alam kong hindi niya ako papayagan, pero sino ba ang nagsabi na magpapaalam ako?"
"Ano? Nahihibang ka na ba? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?"
"Hindi naman masama kung hindi ako magpapaalam hindi ba? Saka minsan lang 'to. Kung sakali mang malaman nila na pumunta ako sa Manila. Ang sasabihin ko lang, ay binisita ko ang mga kapatid ko. Saka wala naman na siyang magagawa kung malaman niya dahil bago niya pa malaman. Nakapunta na ako sa Manila o kaya nakauwi na ako."
"Hindi pa rin pwede dahil papagalitan ako nila Tita. Ang sabi nga sa akin ng magulang mo na dahil ako ang mas matanda sa'yo. May respeto at sinusunod ko ang binilin nila sa akin. Kaya huwag mo na akong pilitin. Hindi ka sasama sa akin sa Manila. Idrawing o ipasama mo na lang sa akin ang nakita mo kanina sa utak ko para malaman ko kung ano ang bahay na 'yun."
"Ako na ang bahala sa magulang kong mag-explain kung malalaman nila na pumunta ako sa Manila. Malalaman naman talaga nila dahil pupuntahan ko ang mga kapatid ko. Kaya huwag kang mag-alala. Saka hindi naman gano'n nakakatakot ang magulang ko. Kausapin ko lang ang magulang ko, ay magiging maayos na sila. Maiintindihan nila ako dahil hindi na ako bata. Kaya ko na ang sarili ko, hindi ko na rin kailangan ng tulong ng iba." Bumuntong hininga si Lene at tinignan ng seryoso si Aulora.
"Napakakulit mo."
"Isama mo na kasi ako, Lene. Wala namang mawawala sa'yo kapag sinama mo ako."
"Pag-usapan na lang natin 'to mamaya. Magkaiba tayo ng subject." Pagkagapos sabihin 'yun ni Lene, ay umalis na ang babae at iniwan siya sa hallway ng paaralan.
"Siya na siya 'yung gustong samahan e." Bumuntong hininga si Aulora at pumunta sa klase niya.
***
Habang nakikinig si Aulora sa kaniyang guro, ay bigla na lang sumakit ang ulo niya.
"Mama!" umiiyak na saad ni Nickian habang niyuyugyog ang nanay niya na nakahandusay sa sahig kasama ang tatay niya.
"Anong nangyare! Umalis ka na ngang bata ka!" sigaw ng panganay na anak nila Grace at Veljamin. Hinawakan ng babae ang buhok ni Nickian ay tinulak ito sa tabi kaya nakahiga na ang bata sa sahig.
"Mama! Papa!" saad pa ng mga ibang kapatid ni Nickian.
Masamang tumingin ang panganay sa batang lalaki.
"Ano na naman ang ginawa mo! Wala ka nang ginawang tama! Tignan mo ang ginawa mo kila Mama at Papa! Pinatay mo sila! Ikaw ang may dahilan kung bakit wala na kaming magulang ngayon! Napakawalang kwenta mong tao! Sana hindi ka na lang binuhay ni Mama para hindi na mangyare 'to!"
"Ate, tama na 'yan. Asikasuhin na lang natin sila Mama."
"Ayus ka lang ba?" tanong ng kaklase niyang lalaki na katabi niya sa upuan.
Tinignan niya lang ang lalaki at tinunguhan.
Anong ibig sabihin no'n? Ang ibig sabihin ba non, ay hindi pa tapos ang nakaraan ng tatay ni Lene? Saka bakit nakikita niya ang nakaraan ni Nickian? Ano ba ang nangyayare sa kaniya?
"Parang hindi ka naman ayus dahil 'yung mukha mo parang hindi."
"Hindi naman po sa may problema ako. May—."
"Hindi mo na kailangan mag'po' sa akin dahil magkasing idad lang naman tayo."
"Okay."
"I'm Cizar by the way. You're Aulora right?"
"Yes."
"Ang ganda ng pangalan mo."
"Hindi ko alam kung bakit gan'yan ang pinangalan ng magulang ko."
"Ahh, makinig na muna tayo sa guro natin dahil baka pagalitan tayo rito kapag malaman niya na nagdadaldalan tayo." Tumungo si Aulora bilang sagot.
**
"Lene!" tawag ni Aulora nang makita niya si Lene na palabas na ng paaralan. Nang makatingin si Lene sa kaniya, ay agad siyang lumalit sa kaibigan.
"Tignan mo ako sa mga mata ko." Dahil sa sinabi 'yun ni Aulora, ay agad na ginawa 'yun ni Lene.
Umiba ang kulay ng mga mata ni Aulora at pinasa ang ala-ala na nakita niya kanina sa utak niya.
"Mama!" umiiyak na saad ni Nickian habang niyuyugyog ang nanay niya na nakahandusay sa sahig kasama ang tatay niya.
"Anong nangyare! Umalis ka na ngang bata ka!" sigaw ng panganay na anak nila Grace at Veljamin. Hinawakan ng babae ang buhok ni Nickian ay tinulak ito sa tabi kaya nakahiga na ang bata sa sahig.
"Mama! Papa!" saad pa ng mga ibang kapatid ni Nickian.
Masamang tumingin ang panganay sa batang lalaki.
"Ano na naman ang ginawa mo! Wala ka nang ginawang tama! Tignan mo ang ginawa mo kila Mama at Papa! Pinatay mo sila! Ikaw ang may dahilan kung bakit wala na kaming magulang ngayon! Napakawalang kwenta mong tao! Sana hindi ka na lang binuhay ni Mama para hindi na mangyare 'to!"
"Ate, tama na 'yan. Asikasuhin na lang natin sila Mama."
"Ano 'yun?" Naging normal ang kulay ng mata ni Aulora. "Kailangan mo nalaman 'to? At bakit mo nakikita ang nakaraan ng tatay ko?" dagdag pa nito.
"Iyon ang hindi ko alam. Kaya nga sinabi ko agad sa'yo kasi hindi ko maintindihan ang nangyayare sa akin. Siguro dahil sa ginawa ko kagabi. Kaya nakikita ko ang nakaraan ng tatay mo."
"Nakikita mo 'yun sapagka't mali ang ginawa mo." Kumunot ang noo ni Aulora nang marinig niya ang boses ni Drimeathrya. "Ang trabaho mo, ay ang magbigay ng magandang panaginip sa mga tao. Hindi 'yung panatiliin na masama ang kanilang panaginip. Isa kang dyosa, Aulora. Kailangan mong isipin ang iyong mga tao bago ang iyong sarili o sarili ng iyong kaibigan. Dahil sa ginawa mo, konektado na kayo ng panaginip ng tatay ng kaibigan mo. Makikita mo ang panaginip niya, pero dahil isa kang dyosa, hindi niya makikita ang nga panaginip mo. Para maalis lang ang panaginip na 'yun, ay kailangan mo siyang matulungan na kalimutan ang kaniyang nakaraan," dagdag pa nito na nagpapikit ng kaniyang mga mata dahil sa inis.
"Bakit?"
"Alam ko na kung bakit ko nakikita ang panaginip ng tatay mo." Tumaas ang kilay ni Aulora na nagsasabi na ipagpatuloy niya ang pagsasalita. "Dahil konektado na kami ng panaginip. Isang parusa 'yun dahil ang ginawa ko kagabi, ay isang pagkakamali."
"Ayus lang ba sa'yo?"
"Mas gugustuhin kong konektado kami ng tatay mo para malaman natin kung ano ang mga nakaraan niya."
"Matatagal ba ang konektadong 'yan? May paraan ba?"
"Oo, at 'yun ay ang tulungan siya para kalimutan ang nakaraan niya o kaya tulungan siya na magfocus sa hinaharap at hindi isipin ang nakaraan. Gusto mo naman sigurong mangyare 'yun sa tatay mo hindi ba?"
"Lahat ng anak, ay gustong mapasaya ang kanilang magulang. Kaya gagawin ko ang lahat para lang maging maayos ang tatay ko."
"Iyan din ang gusto ko sa mga magulang ko. Kaso wala akong choice kung hindi ang tapusin ang naumpisahan ni Drimeathrya. Wala akong choice kung hindi ang iwan sila. Kapag nakapasok na ako sa totoong mundo ko. Sigurado ako na hindi na ako makakabalik. Hindi ko na sila makikita pa."
"Makikita mo pa sila sa panaginip mo."