Kabanata XXXVII

1600 Words
Bago pa sumigaw ng malakas si Grace para humingi ng tulong, ay agad nang saksakin ni Veljamin ang kaniyang asawa sa balikat. Bigla namang napatigil si Veljamin at bitawan ang kaniyang itak na hanggang ngayon, ay nakasaksak pa rin sa balikat ng babae. Tinignan ng lalaki ang mukha ni Grace at doon siya nagulat nang nakangiti ito sa kaniya. Nagising tuloy siya sa katutuhanan na sinaktan niya ang pinakamamahal niyang asawa. “Ito ba ang gusto mong mangyare, Veljamin?Masaya ka ba sa ginagawa mo?” Nakita ng lalaki ang pagtulog ng mga luha ng babae. “Ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang mahal ko, pero hindi ko akalain na ganito ang gagawin mo sa akin. Mahal na mahal kita at hindi ‘yun mawawala, Kahit kailan, ay hindi kita niloko o pinagpalit sa iba dahil alam ko sa sarili ko na ikaw lang ang mahal ko,” dagdag pa nito. Walang pakeelam si Grace kung madami nang dugo ang nawawala sa kaniya at hindi niya rin nararamdaman ang sakit ng pagkasaksak sa kaniya. “Hindi ako naniniwala.” “Pinagsamantalahan ako ni Delvin.” Kumunot ang noo ni Veljamin, pero nawala rin ito at napalitan ng gulat. “Hindi ko ginusto ang nangyare sa amin dahil ikaw lang naman ang mahal ko. Alam kong isang mali para sa’yo si Nickian at akala mo niloko kita noon, pero hindi. Para sa akin isang special na bata si Nickian kahit mali pa ang ginawa ng tatay niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa tuwing sinasaktan mo siya. Kaya hindi ko siya iiwan dito na kasama ka.” Hindi nagdalawang isip si Grace na hugutin ang itak sa balikat niya at lumapit sa kaniyang asawa. Niyakap niya ang lalaki at ngumiti. “Mahal na mahal kita, kaya isasama kita sa pagkamatay ko.” Naramdaman na lang ni Veljamin ang pagsaksak sa kaniya ni Grace mula sa likod. Dahil sa namatay ang dalawang mag-asawa, ay nalaman ni Delvin ang balitang ‘yun. Sa sobrang mahal niya kasi kay Grace, ay parang hindi na siya mabubuhay kapag nawala ito. Kumuha siya ng isang makapal na lubid at binigti ang sarili niya. Ginawa niya ‘yun dahil gusto niyang ipaghiganti ang mahal niya. Kaya gagawin niya ang lahat para mangyare lang ang gusto niya. Nang mamatay siya, ay nabulook ang kaniyang katawan sa loob ng bahay nito at isa-isang pinatay ang mga anak ng mag-asawa. Sinubukan niyang hanapin ang anak nila ni Grace, pero hindi niya man lang nakita ang bata. Nang maramdaman ni Aulora na tapos na ang nakaraan ng tatay ni Lene, ay iniba niya na ang panaginip ng lalaki at tinanggal na rin ang pagkonekta ng string ng dalawa. Tinitigan niya muna ang kaibigan niya ago ito buhatin sabay nagteleport sa kanilang dorm para ihiga ang babae sa kama nito. Masyado nang madaming nalaman ang babae. Kaya kailangan na nitong magpahinga. Kailangan na rin ni Aulora ng pahinga dahil masyado ng mabigat ang kaniyang katawan dahil sa pagod. Nang ipikit niya ang kaniyang mga mata, ay bigla na lang siyang may nakita na isang lugar na unfamilliar sa kaniya. Maliit lang ang bahay na ‘yun parang isang kwarto lang at napakagulo ng loob. Halatang hindi nalilinisan at walang nakatira. Hindi niya alam kung saan ‘yun o kaninong panaginip. Kaya napamulat siya agad. Hanggang sa mag-umaga, ay nakamulat pa rin ang mga mata niya dahil hindi na siya nakatulog. Saan bang lugar ‘yun? Kailangan niya pa bang libutin ang buong Grimson City para lang malaman kung saang lugar nakatayo ang bahay na ‘yun? “Ang aga mo naman atang magising, Aulora?” tanong sa kaniya ni Nia nang magising ito. Tinignan naman niya ang babae na parang walang gana kaya napatawa ito at pumunta na lang sa kusina para magluto ng almusal. Walang ganang tumayo si Aulora at tinignan ang kaniyang sarili sa salamin. Para tuloy siyang may lagnat dahil matamlay ang mukha niya. “Ayus ka lang ba?” tanong naman ni Xia nang makatayo ito sa sarili nitong kama. Tinignan niya si Lene na mahimbing pa ring natutulog sabay tumingin ulit kay Xia. “May problema ka ba? Bakit gan’yan ang itsura mo?” dagdag pa nito. “Ayus lang ako.” Nang tumungo si Xia, ay pumunta siya sa kusina para panoodin si Nia magluto. ”Kabisado mo ba ang buong Grimson City?” tanong niya. “Hindi naman lahat dahil medyo malawak din naman ang Grimson City. Palipat-lipat kasi kami ng bahay noon. Kaya ‘yung iba, ay alam ko na. Bakit? May balak ka bang libutin ang Grimson City?” “Gusto ko sana.” Nagulat si Nia at ngumiti kay Aulora. “Kung gusto mo. Pwede ka naman naming samahan para naman hindi ka maligaw. Meron din namang guugle map. Para hindi tayo maligaw.” “Sige, kausapin ko muna si Lene kung ayus siya ron dahil kailangan naming mag-usap.” “Tungkol saan naman?” “Basta, hindi niyo kasi maiintindihan kapag sinabi ko. Kaya sa susunod ko na lang sabihin.” “Kayo ang bahala. Basta nandito lang kami kapag may problema. Hindi naman kami gaano makulit si Xia lang ‘yun.” “Narinig ko na naman ang pangalan ko. Ano na naman ba ang pinag-uusapan niyo? Pinagchichismisan niyo na naman siguro ako.” Bigla-bigla na lang sumsulpot si Xia kaya nagulat silang dalawa. “Maligo ka na nga ron. Kung ano-ano pa ang sinasabi mo. Kapag hindi ka naligo ngayon makikisabay ka pa mamaya.” “Kapag talaga ako ‘yung nagsasalita palagi mong binabara e. May galit ka siguro sa akin at ‘yun ang pinag-uusapan niyo ni Aulora kanina pa.” “Ewan ko sa’yo ang dami mo pang sinasabi. Hindi ka na lang maligo.” Inirapan muna ni Xia si Nia bago ito umalis ng kusina. “Tignan mo ‘yong mata ng babaeng ‘yun.” “Matagal na ba kayo magkakilala?” “Oo, magkapitbahay kami ngayon. Nalaman ng magulang niya na rito ako mag-aaral. Kaya napag-isipan nila na pag-aralin din si Xia rito tutal kasama naman daw ako. Sa akin pinabilin si Xia. Hindi rin kasi masyadong mahilig lumabas si Xia, pero simula noong naging magkaibigan kami, ay labas na siya nang labas. Kaya nga gusto ko rin ipakita sa kaniya ang buong Grimson City dahil gusto ko siyang masanay.” Tumungo si Aulora at lumabas sa kusina. Nakita niya si Lene na nakahiga pa rin, pero bukas na ang mga mata nito. “Anong ginawa mo kagabi?” seryosong tanong nito sa kaniya. “Pinagkonekta ko ang string niyong dalawa para hindi ko na kailangan sabihin sa’yo kung ano ang nakaraan ng tatay mo at para mas madali. Tama naman ang ginawa ko hindi ba?” mahinang sagot naman ni Aulora dahil baka may makarinig sa kaniya. Umupo si Lene sa kama niya. Habang si Aulora, ay umupo sa tabi ng babae. “Totoo ba ‘yun?” “Hindi ka ba makapaniwala na nangyare ‘yun sa tatay mo?” “Naniniwala naman ako, pero hindi pa nagsisink in sa utak ko dahil para kasing walang problema ang tatay ko. Hindi niya sinasabi sa amin kung ano ang problema niya.” “Ang ibig mo bang sabihin ay buong buhay niya nang tinitiis ang nakaraan niyang ‘yan?” “Oo, hindi namin siya nakikitang problemado ngayon lang. Siguro dahil nagsasawa na rin siya dahil pakiramdam niya walang kwenta ang buhay niya at puro kamalasan. Hindi ko naman siya masisisi kung sabihin niya sa akin ay hindi niya na ako anak dahil tama naman siya. Mas pinili kong mag-aral kaysa sa samahan siya, pero gusto ko rin naman mag-aral katulad ng mga normal na tao. Hindi porket lalayo ak , ay may mangyayare ng masama sa akin.” “Naiintindihan kita sa part na ‘yan, pero matindi ang nangyare sa tatay mo. Sabihin na nating past na ‘yun at dapat kalimutan na niya, pero trauma na ‘yun para sa kaniya. Lumaking walang magulang ang tatay mo kaya hindi niya rin alam kung ano ang gagawin niya sa’yo.” “Sobrang close namin noon, pero ngayon parang hindi kami magkakilala at hindi niya na ako anak.” “Sinabi niya lang ‘yun dahil problemado siya at sigurado ako na hindi non alam kung ano ang sinasabi niya. Give him a chance. Malay mo magbagop ulit siya.” “Anong gusto mong gawin ko?” “Katulad ng sinabi niya sa’yo na wala na ang stepmom mo at ang tatay mo. Bakit hindi mo siya kausapin at sabihin sa kaniya kung ano ang nararamdaman at problema ng tatay mo ngayon?” Biglang napatahimik si Lene at bumuntong hininga. “Hindi gano’n kadaling bumalik si Mom dahil wala na sila ni Dad. Baka nga may dinedate na ‘yung iba dahil alam ko na Mom deserves better.” “Better din naman ang daddy mo ah? Sadyang may problema lang siya. Kaya nga tutulungan niyo siya para makaalis siya sa nakaraan niya. Kayo na lang ang pamilya niya. Kaya huwag mong hahayaan na mawala pa kayo sa kaniya.” “Kakausapin ko siya, pero dapat kasama ka.” “Okay, mabilis lang naman akong kausap e at kung kailangan mo lang talaga ng tulong ko, ay sasama talaga ako dahil kaibigan mo ako. Gusto kong kasama mo ako sa lahat ng pagsubok na haharapin mo.” “Pwede na tayong kumain! Grabe napakasarap ko talagang magluto. Alam ko na agad kung bakit ako palagi ang pinagluluto niyo rito dahil masarap ang mga niluluto ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD