Kabanata XXXVI

1640 Words
“Ano ang nakita mo?” “Malapit ko nang malaman ang lahat nang biglang magising ang tatay mo, Lene. Hindi ko pa alam kung ano ang buong nakaraan niya.” “Ang ibig mo bang sabihin, ay kailangan pa natin siyang hintayin matulog?” “Hindi na ‘yan matutulog dahil hindi na siya makakatulog. Gan’yan palagi ang tulog ng tatay mo. Kaya nga palagi kong iniiba ang panaginip ng mga tao para hindi magising at mahimbing ang tulog nila. Sa tatay mo lang ko ‘yun ginawa dahil kailangan nating malaman ang nakaraan niya.” “Bukas pa natin malalaman?” “Oo, wala naman tayong choice. Kung matutulog pa ang tatay mo at mapaginipan niya ulit ‘yun, ay mas maganda para hindi natin gawin ulit ‘to sa tatay mo dahil ako ang naaawa.” “So, maghihintay tayo rito hanggang bukas?” “If you want, pwede naman tayong matulog dito o kaya ikaw dahil kaya ko namang hindi matulog e.” “Kaya mo?” “Oo, kaya ko kahit ilang araw ako matulog dahil isa akong dyosa, Lene. Hindi nakakaramdaman ng antok ang katawan at utak ko. Kaya nga pwede kang matulog dito. Babantayan naman kita kaya walang mangyayare sa’yo. Sasabihin ko na lang sa’yo bukas kung meron akong nalaman.” Bumuntong hininga si Lene at ipinikit ang kaniyang mga mata.” “Huwag kang mag-alala. Nasa tabi mo ako.” Itinutok ni Aulora ang kaniyang kamay sa noo ni Lene para kumuha ng isang string doon at ikonek sa string ng tatay nito. Para kung ano ang mapaginipan ng tatay ni Lene ay mapapaginipan din ng babae.’ Kung sakaling managinip ulit ang lalaki dahil naramdaman na ni Aulora na nakatulog na ulit ito. Sa totoo lang hindi mahandle ni Aulora ang ganitong sitwasyon dahil mas naaawa siya kay Lene. Alam niya namang hindi niya dapat ikinaaawaan ang kaibigan niya dahil ‘yun ang ayaw ni Lene, pero hindi niya mapigilan. Baka rin mas lalong maging malungkot si Lene kapag malaman niya pa ang nakaraan ng magulang ng tatay niya, pero kailangan niyang ipakita dahil ‘yun ang gusto ni Lene. Kaibigan niya ‘yun kaya gagawin niya ang pinapagawa sa kaniya. At gusto niya rin matapos na ang problema nito. Para naman maging masaya na ang babae. Huminga ng malalim si Aulora at tinitigan ang kaibigan niya. Kung ano man ang ikalabasan ng panaginip, ay sana maging maayos pa rin ang babae at hindi intinihin ang malalaman niya. May karapatan si Lene malaman dahil katawan ng nanay niyo ang nakasalalay dito. Kaya isasang tabi niya muna ang pag-aalala niya kay Lene. Habang nakatingin niya kay Lene, ay bigla na lang nagbago ng kulay ang kaniyang mga matga. Ang ibig sabihin kasi ng pagbago ng kulay ng mga mata niya, ay merong masamang panaginip na kailangang baguhin, pero dahil hindi niya babaguhin ang panaginip ng tatay ni Lene, ay malalaman niya kung ano ang panaginip ng lalaki, “Alagaan mo nga ang sarili mong anak, Grace! Ayaw kong nakikita ‘yan dito sa sarili kong bahay! Kung pwede lang ‘yan palayasin sa bahay ko, ay pinalayas k o na ‘yan!” rinig ng batang Nickian ang mga sinabi ng kaniyang tatay. Nakasilip kasi siya sa pintuan ng kwarto ng kaniyang magulang at alam niya na pinag-aawayan na naman nila siya. Sa tuwing nakikita kasi siya ng tatay niya, ay bigla na lang itong nagagalit at binubugbog siya. “Anak natin siya, Veljamin. Bakit ba hindi mo na lang mahalin si Nickian? Walang ginawa ang bata kung hindi ang mahalin ka, pero hindi mo siya kayang mahalin ng pabalik. Hindi ka ba naaawa sa anak natin?” Nakita niyang hinabunot ng lalaki ang nanay niya kaya tinakpan niya ang kaniyang bibig para hindi marinig ang iyak niya. “Sumasagot ka na ngayon sa akin? Sino ba ang mas mahal mo? Ako o ‘yang hampaslupa mong anak?” “Ano ba, Veljamin! Nasasaktan ako. Bitawan mo ang buhok ko!” “Hindi kita titigilan hanggat pinagtatanggol mo ang batang ‘yun!” Napanood niya ang scene kung paano bugbogin ng tatay niya ang nanay niya. Wala naman siyang magawa kung hindi ang manood na lang dahil isa lang siyang bata na hindi kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili. Araw-araw niyang nakikita ang pagbubugbog sa nanay niya pati na rin sa sarili niya. Halos maaawa na nga ang mga kapatid niya sa kaniya dahil sa tuwing nakikita nila siya, ay puro pasa at sugat ang buong katawan niya. Wala rin namang magawa ang mga kapatid niya dahil kapag nangialam sila, ay baka madamay sila. Pati sa paaralan, ay kung ano-ano ang sinasabi sa kaniya. Nakikita kasi ng mga bata na ang dami niyang sugat at tinatawag siyang galis at nakakadiri. “Sorry, anak,” umiiyak na saad ng nanay niya sa kaniya nang makapasok ito sa kwarto niya. “Ilang beses kitang pinagtanggol, pero hindi na kaya ni Mama. Mahal na mahal kita, pero mas mahal ko ang tatay mo. Hindi ko siya pwedeng suwayin o kaya iwan. Gusto kong alagaan at protektahan ka, pero hindi ko magawa. Hindi ko na kaya.” “Bakit po kayo umiiyak, Mama? Huwag na po kayong malungkot. Mas maganda po kayo kapag nakangiti kayo.” Mas lalong humagulgol ang nanay niya dahil ang inosente ng anak niya. Kaya niyakap niya na lang ang anak niya ng mahigpit. “Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.” “Grace! Nandyan ka na naman sa kwarto ng hampaslupa mong anak! Kung tuluyan ko kaya kayong dalawa?! Hindi ba mas maganda kung mawala na kayo rito pata wala ng sakit sa ulo ko!? Lumabas ka sa kwartong ‘yan!” Hinarap ng nanay niya ang mukha ni Nickian sa kaniya. “Kahit anong mangyare, ay huwag na huwag kang lalabas sa kwarto ‘to. Naiintindihan mo ba ako, anak? Kapag may nakapasok ng kwarto mo, ay maghanap ka ng pagtataguan mo. Magtago ka sa ilalim ng kama mo para hindi ka nila makita.” Pagkahalik ng nanay niya sa noo niya ay nakita niya na lang ang kaniyang sarili na mag-isa sa loob ng kwarto. Agad siyang gumapang papasok sa ilalim ng kama niya at hinintay na may makapasok sa loob ng kwarto. Nang magbukas ang pintuan ng kaniyang kwarto, ay nakita niyang napahiga ang nanay niya sa sahig. “Nasaan ang hampas lupa mong anak?!” “Wala siya rito, Veljamin! Huwag mo siyang hanapin dito. Ibaba mo nga ang itak na hawak mo!” Ibinaba ng lalaki ang itak at sinakal ang kaniyang asawa. “Hanggat nabubuhay ‘yang anak mo, Grace. Hindi ako titigil na bugbogin kayong dalawa. Wala akong pakeelam kung may makakita ng pagbubugbog ko sa inyo. Kahit mga anak natin ang makakita.” Binalibag ng lalaki ang babae sa kama at sinubukan itong hinalikan. Ayaw namang magpahalik ni Grace dahil ayaw niya na may gawin silang masama na labag sa loob niya ta nag-aaway sila. Saka nasa ilalim ng kama ang kaniyang anak kaya hindi nila dapat gawin kung ano ang naisip ng lalaking gawin. “Bitawan mo ako, Veljamin! Ano ba!” “Kailangan mong ibigay ang gusto ko!” Dahil ayaw ni Grace ang ginagawa nila, ay bigla na lang siyang sinampal ng paulit-ulit ng lalaki at sinabunutan. “Wala kang kwenta! Naging asawa pa kita kung hindi mo naman gagawin ang mga gusto kong gawin mo! Nagdala ka pa rito ng hampas lupang bata. Nakikikain na nga lang magdadala pa ng problema sa bahay na ‘to! Hindi na dapat kita pinakasalan dahil parehas kayo ng anak mong walang kwenta!” Nang ihagis siya ng lalaki sa malapit sa itak, ay masama niyang tinignan ang lalaki. “Napakasama mo! Mas masama ka pa sa demonyo!” Pagkakuha ng itak ni Grace, ay agad niya itong isaksak sa lalaki, pero bago niya pa ito masaksak, ay nakailag agad ang lalaki sabay kinuha nito ang itak. “Balak mo akong patayin? Ito ba talaga ang gusto mo, Grace?” Nang tignan ng masama ng lalaki ang babae, ay bigla itong kinabahan at natakot. “Kaya ko namang gawin ang gusto mo, pero gusto kong mauna ka kaysa sa akin,” dagdag pa nito na mas nagpatakot sa babae. “Bakit natatakot ka? Akala ko ba gusto mo ‘to? O kaya gusto mo sabay tayong mamatay ngayon. Mamili ka, Grace. Uunahin kita? O ang batang nakatago sa ilalim ng kama?” Biglang nanginig ang buong katawan ni Grace at namamawis na rin ang mukha nito. “Akala mo siguro hindi ko alam na nasa ilalim ng kama ang wala mong kwentang anak? Hindi ako tanga katulad niyo,” dagdag pa nito. “Huwag mo ng idamay ang bata rito, Veljamin. Wala siyang kinalaman sa problema nating dalawa at wala siyang alam. Hindi niya kasalanan kung bakit siya nasa mundong ito,” umiiyak at utal-utal na saad ni Grace. “Siya ang sumisira sa pamilya natin. Kaya siguro mas maganda kung siya na lang ang una kong patayin dahil hindi ka naman namili.” Pupuntahan na sana ng lalaki ang bata nang humarang ang babae sa kaniya. “Huwag, huwag mong gawin ‘to. Mahal ka ni Nickian bilang totoo niyang ama. Kaya itigil na natin ang gulong ‘to. Maawa ka naman. Kahit ako na lang ang bugbogin mo araw-araw ayus lang sa akin. Para lang matapos na ‘to. Pagod na pagod na ako e.” “Pagod na pagod ka na? Gusto mo nang magpahinga?” Nginisian siya ng lalaki at sinampal kaya napahiga sa sahig ang babae. “Panoodin mo kung paano mamatay ang nanay mo, Nickian. Tandaan mo kung paano ko siya patayin dahil kapag natapos na ako rito, isusunod kita,” mademonyong saad ng lalaki habang nakatingin sa batang inosenteng nakatingin sa kaniya. “Tama na!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD