“Dapat galit ako sa kaniya. Dapat galit ako sa kaniya,” paulit-ulit kong pinapaalala sa aking sarili habang marahang sinusuklay ang aking buhok. Pinipilit kong iseryoso ang aking mukha ngunit tinataksil pa rin ako ng aking labi. Unti-unting umaangat ito sa tuwing pinapaalala ng aking utak ang nangyari kagabi. “Argh, Hope! Galit ka dapat sa kaniya!” Pagbagsak kong inilapag ang aking suklay. Muli kong ginulo ang buhok ko. Mabilis ang aking paghinga dahil sa inis sa sarili. Ilang beses ko nang pinipilit na alisin ang sinabi niya sa utak ko ngunit hindi ko magawa-gawa. Para itong sirang plaka! Bumuga ako ng hangin upang alisin ang ilang hiblang nakaharang sa aking mukha. Sinandal ko ang aking likod sa upuan at tumingala sa kisame. Gamit ang kamay, inayos ko ang aking buhok. Nakasuot akong

