Prologue
Bata pa lamang ay hilig ko nang sumali sa mga paligsahan sa aking paaralan. Lihim ko itong ginagawa dahil hindi gusto ng aking mga magulang ang hilig ko. Ang nais nila ay maging katulad nila. Dumalo sa nakaa-antok na pagpupulong. Pumirma sa gabundok na papeles habang nakaupo sa tahimik na silid.
Iniisip ko pa lang iyon ay nasusuka na ako. I want to be famous. 'Yong puwede kong ipakita ang talento ko. Sa pagsasayaw, pag-awit, at pagda-drama.
Gusto kong hinahangan ako ng lahat ng tao. Gusto kong ipamalas ang aking talento ngunit papaano ko iyon gagawin kung ang mismong magulang ko ay naniniwalang walang patutunguhan ang lahat ng pangarap ko?
“Alyzza!” sigaw ni Mommy.
Padabog na nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakasimangot ang aking mukha. Nalaman kasi ng aking mga magulang na sumasali pa rin ako sa dance troupe.
Sakbit ko aking bag, umakyat ako sa mahaba naming hagdan. Kauuwi ko pa lang galing sa sinalihan kong grupo. Paano ako sisikat kung hindi ako kikilos, ‘di ba?
Rinig ang yabag ni Mommy sa likuran ko. Hindi ko siya nilingon at pumasok sa loob ng aking k'warto.
“Kinakausap kita!”
Pagod akong huminga nang malalim. Ang buong araw ng pagpa-practice ko ay talaga namang nakapapagod. Inaantok na ako at kailangan nang magpahinga ng aking buong katawan.
“Mom, I need to take a rest first. Bukas na lang po tayo mag-usap.”
“No, Alyzza!” Galit na umiling ito. “I want to talk to you now!”
Hindi niya sinarado ang pinto ng aking k'warto. Suot ko ngayon ang black crop top na hapit na hapit sa aking dibdib. Black high waist naman ang aking pantalon saka kulay puti ang sapatos ko na may tatak na Gucci. Mataas ang pagkakatali ng itim at mahaba kong buhok.
“Mom, bukas na lang ako magpapaliwanag sa’yo,” habang inaalis ang tali sa aking buhok. Bumagsak ito sa aking balikat. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang kamay habang namumungay ang mga mata. Halata ang pagod sa aking mukha. Halos humikab na ako. Pilit ko lamang pinipigilan dahil kaharap ko ngayon si Mommy.
“Ilang beses na kitang sinabihan na wala kang mapapala riyan! Kahit mabalian ka ng buto sa kakasayaw walang mangyayari sa’yo!”
Sanay na ako na laging naririnig iyon galing sa sariling Ina. Kung sino pa ang kadugo siya pa ang hihila sa'yo pababa. Ano nga ba ang mapapala ko kapag makikinig ako sa kaniya?
“Sa tingin mo ba yayaman ka riyan? Kaya nga pinakuha kita ng Business course para matuto ka sa negosyo natin tapos gan’yan pala ang ginagawa mo!” dagdag nito.
Labag sa kagustuhan kong kunin ang kursong iyon. Talagang mapilit lang ang aking magulang kaya ko tinake ang Business Administration. Wala akong kahilig-hilig sa pags-solve ng mga problem at pagn-negotiate.
“Hindi ko naman po pinapabayaan ang pag-aaral ko, Mommy,” dahilan ko.
Hindi naman makapaniwala na nakatingin sa akin si Mommy. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Sinasayang mo lang ang oras at pagod sa walang k'wentang iyan!” Pinaypay nito ang sarili gamit ang kamay saka huminga nang malalim na para bang alam niya na kung saan ito magtatapos.
“Gusto ko ang ginagawa ko.”
“Iyan na naman tayo, Alyzza Hope. Gusto mo nga ‘yan pero wala ka namang mararating.”
Naiiyak na iniwas ko ang tingin sa aking Ina.
Ang bawat lumalabas sa kanilang bibig ay nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ko ang aking pangarap ngunit hindi ko maiwasan na umiyak. Masakit para sa akin na walang sumusuporta sa gusto ko. Lahat ng aking mga ka-miyembro ay may tagasuportang kamag-anak. Ako? Ni isa, wala. Walang naniniwala sa aking kakayahan. Walang sumusuporta sa akin.
“May mararating ako rito, mom,” pilit ko kay Mommy.
Natatawa lang itong tumingin sa akin. Nanliiit ako sa aking sarili nang makita kong muli ang pang-iinsultong tingin ng Mommy ko.
“You are grounded for one week, Alyzza Hope.”
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya.
“But Mom..." naiiyak kong ani. Nagmamakaawa na ang aking tingin sa kaniya. Isang hakbang ang aking ginawa palapit sana sa kaniya ngunit hindi ko tinuloy nang makita ang dismayado niyang mukha, “meron akong pasok bukas. Paano ako makaka—"
“Ngayon mo lang na-realize na may pasok ka bukas? Bakit hindi mo iyan naisip kanina pa? For God sake, Alyzza Hope! It’s already nine in the midnight. Hindi na uwing pambabae iyan!” bigo nitong sigaw, hinawakan ang sintido.
Hindi ako umimik at yumuko na lamang. Walang nakakaintindi sa gusto ko. Walang naniniwala na magiging famous dancer ako balang-araw. Ang tanging kakampi ko lang sa aking buhay ay ang sarili. Mula bata pa lamang naman walang naniniwala sa akin. Ni hindi nila ako pinapakinggan ang lahat ng mga hinaing ko sa buhay.
Binibigyan lamang nila ako ng pera o mamahaling kagamitan sa tuwing sinasabi kong may problema ako. Akala nila masaya na ako roon? Akala ba nila na iyon ang kasiyahan ko? Lalo lang nilang dinadagdagan ang problema ko noon kasi hindi ko masabi na iba ang gusto ko.
“I’m sorry, Mom,” bulong ko, sumusuko na sa kaniya. Hindi dahil nagsisisi ako sa aking ginawa kun’di dahil nagbigay na naman iyon ng sakit sa ulo kay Mommy.
“Sakit sa ulo ka talaga sa akin!”
Lumabas ang aking Ina sa aking k'warto. Padarag na sinaraduan niya ang pinto na aking ikinatalon nang bahagya.
Lumandas ang aking luha habang nakatayo pa rin sa tabi ng aking malaking kama. Puno ng dekorasyon ang k'warto ko. Mga nakadikit sa pader ang mga tarpaulin ng aking idolo.
Halos lahat ng mga luho ko ay binibigay ng mga ito maliban na lamang sa gusto kong maging dancer. Gusto nila, sila ang magdidigta kung anong dapat kong gawin sa aking sarili.
Wala akong mga kaibigan dahil lahat ng mga ito ay naiinggit kung ano'ng meron ako. Nasanay rin ako kalaunan na mag-isa.
Nagdesisyon ako na lumabas sa aking k'warto upang magtungo sa opisina ni Daddy. Susubukan kong magmakaawa rito. Nagbabakasakali na pigilan ni Dad si Mommy sa pagkaka-grounded ko.
Kailangan kong pumunta sa sinalihan kong grupo sa isang araw. Bawal akong lumiban doon.
Kumatok ako at hinintay munang magsalita ang aking Ama.
“Pasok.”
Pinihit ko ang doorknob ng pinto saka pumasok sa loob. Dahan-dahan kong sinarado iyon upang hindi makagawa ng ingay.
Abala ang Daddy ko sa mga papeles na nasa harapan nito. Kaya ayaw ko sa mga ginagawa nila dahil napaka-boring.
“D-Dad,” tawag ko na ikinaangat ng mata nito. Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa likod.
Ipinatong naman ni Daddy ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa habang magkadikit ang kamay. Suot nito ang salamin na lalong nagbigay sa nakatatakot nitong awra.
“Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya. “Tapos ka na bang pangaralan ng iyong Mommy?”
Yumuko ako saka kinagat ang labi upang pigilan ang pag-iyak.
“She grounded me, Dad, “ sumbong ko sa kaniya. Hindi umimik si Daddy kaya nagpatuloy ako. "One week grounded. May pasok pa ako bukas. Paano ako makakapag-aral niyan?”
Umiling si Daddy saka inalis ang salamin sa mata at inilapag sa ibabaw ng lamesa. “Hindi ang iyong pag-aaral ang inaalala mo, Alyzza Hope.”
Kinuyom ko ang aking kamay na nasa likuran sa aking narinig. Mahirap silang taguan ng lihim. Lahat ng nangyayari sa buhay ko ay alam nila ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi ko ituloy ang gusto ko.
“Tumawag sa amin ang iyong adviser kanina. Sinabi kung bakit marami kang absent. Araw-araw ka namang pumapasok.” Nagdududa itong tumingin sa akin. Nag-guilty ko namang iniwas ang aking tingin sa kaniya. “Sinasayang mo lang ang iyong oras sa mga bagay na iyan, anak. Walang maidudulot iyan.”
Napahikbi ako nang hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Tumulo muli ang aking luha sa pisngi habang nakatingin sa maraming libro ni Dad.
“I want to be a dancer, Dad, not a businesswomen. Wala sa hilig ko na umupo habang kaharap ang mga papel. Please, Dad,” pagmamakaawa ko. ”Pakinggan niyo naman ako.”
Umiling si Daddy. “We’re just want the best of you.”
“Nasaan ang best doon, Dad?" Matapang akong tumingin sa kaniya. Hindi makapaniwala sa kaniyang dahilan. "Hindi ko gusto ang mga pinapagawa niyo sa akin. Oo nga at binibigay niyo ni Mommy ang lahat ng luho ko pero hindi ang pangarap ko.”
Malalim itong huminga at pagod akong tiningnan.
“Hindi na magbabago ang isip namin," aniya.
Inis akong tumalikod dito habang pinupunasan ang luha. Binuksan ko ang pinto ngunit agad na napatigil nang magsalita muli si Daddy.
“We’re decided to transfer you in abroad, Alyzza Hope.”
Gulat akong tumingin dito. Umaalon ang aking dibdib sa galit sa sarili kong magulang.
Umiling ako sa kaniya at tumalikod. Padabog akong sinarado ang pinto. Nagmamalabis ang luha na tumakbo ako sa aking k'warto.
Agad kong binaon sa unan ang aking mukha saka sumigaw doon. Ito parati ang aking ginagawa sa tuwing naiinis ako o nagagalit.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Samahan pa ang pagod ko sa buong maghapon.