Story By flowergirl
author-avatar

flowergirl

ABOUTquote
Hi! I\'m still on the stage of improving, so please bear with me. And if you have concern or you want to educate me(w/ respect), kindly dm me on my fb account. I am willing to learn! Thank you! facebook: Author Flowergirl wattpad: kixxxkixxx email: flowergirldreame@gmail.com
bc
The Illegitimate child who turned Billionaire
Updated at Feb 1, 2022, 23:27
(Ang hindi magbasa nito, hindi magkaka-dyowa!) Jayden Lennon, isang anak sa labas ng bilyonaryong lalaki. Nakatira siya sa mansyon ng kaniyang Ama kasama ang Ina niya at ang unang pamilya nito. Ang nakakatanda niyang kapatid lamang ang nagpaparamdam sa kaniya na may kakampi siya. Pinagtakpan niya ang katotohanan na kasali ang kaniyang Kuya sa fraternity upang hindi ito itakwil. Hindi siya nagtatanim ng sama ng loob sa mga ito kahit sinasabi nila na nagsisisi silang buhayin siya. Nagdaya ang kaniyang Kuya habang nakikipaglaban sa malaking grupo ng fraternity upang ipaghiganti ang kaniyang kaibigan na pinatay nila. Isang malakas na pagsabog ang narinig sa loob ng underground fight club nang pumasok ang mga pulis. Dahil sa lakas nang pagsabog tumilapon ang kaniyang katawan sa pader at nawalan ng malay. Pagkagising niya, sinisisi siya ng kaniyang pamilya sa nangyari. Halos lahat ay namatay sa pagsabog. Naghiganti ang nakalabang grupo ng kaniyang kapatid dahil namatay ang kanilang lider at dahil nagdaya ito sa laban. Pinatay nila ang lahat ng importanteng tao sa kaniya. Ginawa niya ang lahat upang higitan ang yaman ng mga ito. Magagawa kaya niyang maghiganti sa grupong ito? Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niya ang mga sekreto sa kaniyang nakaraan? Start: September 26, 2021 End: January 29, 2022
like
bc
Lying To Get Her
Updated at Mar 12, 2023, 05:45
Akesia Mendoza, isang maganda at palengkerang babae. Kilala sa kanilang buong baryo. Maraming lalaking nabibighani sa kaniyang kagandahan ngunit isa lang ang tanging nagpatibok ng kaniyang puso. Ang lalaking akala niya ay naging totoo sa kaniya. Nalaman niya ang matagal na nitong tinatago. Sa labis na hinagpis ay lumuwas siya kasama ang kaniyang kapatid at nagsimula ulit ng bagong buhay. Paano kapag dumating ang lalaking minahal niya noon ngunit hindi para bawiin siya, kun’di para maghiganti sa kaniya. Ano kaya ang rason nito? Bakit niya iyon nagawa kay Akesia? Start:July 8, 2021 End:
like
bc
My Secret Admirer is a Billionaire
Updated at May 23, 2022, 20:29
Alyzza Hope Venturanza, a singer, dancer, celebrity, and songwriter. Isa sa may pinakamaraming tagahanga sa Pilipinas. Ang angking talento at kagandahan ay napapansin ng mga professional artist mula sa iba’t ibang bansa. Marami siyang manliligaw ngunit wala pa sa kaniyang isip iyon dahil ayaw niyang talikuran ang kaniyang career. Sa hindi inaasahan, ang kaniyang magulang na minamaliit ang kagustuhan niyang maging sikat ay humarap sa kaniya. Humingi ang mga ito ng tulong kay Alyzza dahil bumabagsak na ang kanilang kompaniya. Tumanggi siya sa gusto ng kaniyang mga magulang na magpakasal upang maisalba ang ari-arian nila. Nagkasakit nang malubha ang kaniyang Ama. Hiniling nito na pumayag si Alyzza sa arrange marriage bago mamatay. Sa konsensya ay pumayag siya kahit labag sa kaniyang kalooban. Nakilala niya ito, isang g'wapong lalaki na nagpatibok ng kaniyang puso. Ano kayang magiging reaksyon ni Alyzza kapag nalaman niya na ang lalaking ito ay isa rin sa mga humahanga sa kaniya? Start: September 11, 2021 End: April 30, 2022
like