Sumulyap siya sa akin ng isang beses saka naiiling na ibinalik muli ang mata sa niluluto niya. Tumaas naman ang kilay ko nang walang nakuhang sagot mula kay Rivas. So tama ako?! Bakit dito siya nagluto?! Puwede namang mag-order na lang o di kaya'y isama niya ang babae niya sa restaurant at pakainin! "Siguraduhin mo lang masarap 'yan. Baka iwan ka ng babae mo," sabi ko, tunog bitter iyon. Hindi ko naman sinasadya na iyon ang lumabas na tono sa bibig ko. May kirot akong naramdaman sa aking dibdib habang sinasabi ang dalawang pangungusap. Tumitig ako sa mga prutas na nasa ibabaw ng lamesa upang iwasan ang pag-init ng gilid ng aking mata. I calmed myself. 'Yong babae yata na nakasama niya kagabi ang dadalhan niya ng pagkain. Hindi pa siya naka-move sa nangyari sa kanilang dalawa at talagan

