Napatitig ako sa seryosong mukha ni Rivas. Nagngitngit ang aking ngipin ngunit agad na napalunok nang bumaba ang kaniyang mga mata sa buo kong katawan. Isang kisap-matang nawala ang seryoso niyang mukha nang inangat niya ang mata sa akin, namumungay na ang kaniyang mga mata. Kumikislap ito. Nagtaas ng isang kilay si Rivas. Bahagyang itinagilid ang kaniyang ulo. Kita na pinipigilan niya lang na ngumiti. Bahagya niyang nginuso ang kaniyang labi. Pinaseryoso muli niya ang kaniyang mukha. “I was not treating you as my f*ck buddy or whatever you want to call it,” mahinahon niyang ani. Malalim siyang bumuntong-hininga. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Ayokong maniwala sa kan'ya. Ano’ng gusto niyang itawag doon? Love buddy? We don’t know each other before we f*ck. Wala ring commitment sa p

