Tinanggihan ko kanina si Rivas na sa kuwarto na lang kami kumain. Ilang beses niya pa itong pinilit sa akin ngunit sa huli ay sumuko siya. Ayokong sa kuwarto ako kakain dahil wala naman akong sakit. At nahihiya akong pagdalhan niya pa ako ng pagkain sa aming kuwarto. Ngumuso ako habang nakatingin sa likod ni Rivas. Abala siya at seryoso sa kan'yang niluluto. Madalas ay lumilingon siya sa akin saka binabalik ang paningin na may ngiti sa labi. Nakaupo ako ngayon sa upuan, kaharap ng lamesa habang pinapanood siya. Nakapangalumbaba ako. Kanina ko pa siya pinagmamasdan, hindi man lang ako nagsasawa. Binuhat niya ako pababa sa hagdan at dahan-dahang pinaupo dito. Ayoko sanang magpabuhat sa kaniya ngunit hindi ko talaga maikilos nang maayos ang aking katawan. Yumuko ako, tumingin sa aking

