Chapter 59

1888 Words

Matagal na nagkatinginan kami. Laglag ang aking panga at hindi makakibo habang nakadapa pa rin sa sahig. Nakatingala ako kay Francine. Maging siya ay nagulat din. Namutla ang kan'yang mukha. Nanigas sa kaniyang kinatatayuan. Hindi pa rin na nags-sink in sa aking utak ang lalaking nakatayo sa may pinto. Hindi ako makapaniwala na siya ang pakakasalan ko! "H-Hope?" si Francine nang makabalik yata sa realidad. Tumingin siya sa screen ng kaniyang cellphone saka ito binaba. Nanginginig ang kamay na nilagay sa kan'yang bulsa. Lumingon siya sa may pinto. Halatang gusto niyang tumakbo palabas ng kuwarto ngunit hindi niya lang ito magawa dahil nasa harapan niya na ako. I blinked my eyes. Tinulak ang sarili upang makatayo. Pinagpag ko ang damit at ang mga kamay saka tumingin muli kay Francine.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD