"P-Po?" "Kako ayos ka lang ba dito? Kumatok ako kahapon pero walang sumasagot. Maghapon ka bang tulog? O lumabas ka maghapon?" Balisang nakaupo ako sa upuan ko. Pinagluluto ako ngayon ni Manang Betta para sa tanghalian ko rito sa aking silid. Ramdam ang pag-init ng aking pisngi. Hindi namin napakinggan ang pagkatok sa labas kahapon dahil abala kami sa aming ginagawa. Nagpaalam si Rivas pagkatapos naming kumain kaninang umaga. Babalik agad daw siya at mamamasiyal kami. Medyo masakit pa rin ang nasa pagitan ng aking mga hita ngunit kaya ko namang maglakad na ng normal. Bago pa lamang makapasok dito si Manang, nakaligo na ako at nakapag-ayos ng kama. Lalong uminit ang aking pisngi nang makita ko ang mantsa sa puting bed sheet ko. I just gave my virginity to a stranger! I've never imagi

