Chapter 4
- Solane's POV -
Nang magising ako ay sakit ng ulo agad ang bumungad sa akin. Nang magmulat ako ng mata ko ay nasa di pamilyar akong kwarto. Nang lingunin ko ang katabi ko ay naroon si Manuel na walang saplot. Nang tignan ko din ang sarili ko ay pareho pala kaming ganon.
"Manuel... Manuel..." Paggising ko kay Manuel habang marahan syang inuuga. Agad naman itong nagising at napabalikwas pa ng makita akong walang saplot.
"S-Solane, sorry." Sabi nya at itinakip sa akin ang kumot.
"Nasan tayo, Manuel?" Tanong ko.
"Umuwi na tayo." Sabi nya at tumayo na sa pagkakahiga nya at nagdamit na. Pagkatapos nya ay isinunod nya naman ako. Nang matapos na kaming dalawa ay agad kaming lumabas ng kwarto at nag-check-out muna sya bago kami lumabas.
"Diba, sila to?"
"Oo nga, naghotel pa sila." Rinig naming sabi ng isang receptionist. Hindi naman namin sya pinansin at tuluyan na kaming lumabas ng hotel at dumiretso na kami sa condo. Pagdating namin doon ay naligo kami bago kami nahiga.
"Nahihilo parin ako, Manuel." Sabi ko habang nakahawak ako sa ulo ko at nakahiga katabi sya.
"Ako nga din, ehh. Hindi namantayo masyadong nakainom kagabi. Yung isa nga natin, hindi pa nga ata natin naubos." Sabi nya.
"Bakit kaya nila tayo pinag-uusapan kanina?" Sabi ko. Hindi kasi nakatakas sa akin angmga sinabi ng receptionist at mga tingin ng ibang tao habang naglalakad kami.
"Hayaan mo na sila." Sabi nya at niyakap ako. Napabuntong-hininga ako at yumakap nalang din sa kanya. Maya-maya pa ay bilng tumunog telepono naming dala na agad din naming sinagot.
"Hello?"
"Solane, nasaan ka?"
"Ate, kasama ko si Manuel, bakit?" Nagtataka kong tanong kay Ate sia dahil parang inis na inis ito.
"Umuwi ka nga dito sa bahay. At wag mong isasama yang boyfriend mo."
"Paanーーー" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong pinatayan.
"Sinong tumawag sayo?" Tanong nya sa akin.
"Si ate Sia. Alam na nilang boyfriend kita." Sabi ko.
"Paano nila nalaman?" Tanong nya.
"Hindi ko din alam, ehh." Sabi ko at napasimangot.
________________________________
Nandito ako ngayon nakaupo sa sofa habang sila ay nakatingin lahat sa akin. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Parang ganito din yung nangyari nung nalaman nilang buntis si Ate Sia. Napatayo ako bago nagsalita.
"Hindi ako buntis." Sabi ko. Bigla namang bumakas ang pagtataka sa kanila.
"Wala naman kaming sinasabing buntis ka, Solane." Sabi ni Ate Sam. "Sinasabi ko na kasi sa inyo, ehh. Dapat hindi nyo nalang hinayaang magkasama palagi ang dalawang yan, paano kung makagaya yan ng kay Ate? Edi mas malaking issue pa yon." Sabi ni Ate Sam. Ako naman ay hindi maintindihan kung anong sinasabi nila.
"Ano bang meron?" Tanong ko.
"Hindi mo pa ba nakita?" Tanong ni Ate Sarah.
"Ang ano?" Natatawa kong tanong.
"Wag mo kaming tawanan, Solane." Mataray na sabi ni Ate Sia.
"Ito, ohh." Sabi ni Ate Sarah at may ipinakita sa aking litrato. Oo, litrato namin ni Manuel iyon. Naghahalikan.
"Kaya ka nandito dahil nalaman namin na may naglagay daw ng dr*gs sa mga inumin nyo ni Manuel. Parang plinano talaga dahil yung inumin nyo lang dalawa ang may dr*gs." Sabi ni Ate Sia.
"Mag-ingat ka naman kasi, sis." Sabi ni Ate Sarah at kinuha na ang phone nya galing sa akin.
"At sinabi na sa amin ni Kuya Matias ang cause kung bakit ka naospital last last month." Sabi ni Ate Sam na ikinapula ng muhka ko.
"Grabe, sobrang laki at haba at taba ba kaya hindi ka malakad ng dalawang linggo, sis?" Tanong ni Ate Sarah saakin.
"Sarah!" Saway ni Ate Sia at Sam sa kanya.
"Nagtatanong lang." Sabi nya at napanguso.
"Pumasok na kayo." Biglang sabi ni Ate Sia. Tapos pumasok sila Kuya Matias at Manuel at yung kambal. Agad tumabi sa akin si Manuel at nagkatinginan naman kaming dalawa. Sandali kaming napatitig sa isa't isa ng biglang magsalita si Kuya Martin.
"Stop staring to each other like that. It's creepy." Sabi nya. Agad naman kaming nag-iwas ng tingin.
"So, anong balak nyong gawin ngayon?" Tanong ni ate.
"Huh?" Pareho naming sagot ni Manuel.
"Bahala kayong dalawa. Malaki na kayo." Sabi ni Ate Sia at tumayo na sa pagkakaupo nya.
"Saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ni Kuya.
"Pupuntahan ko lang yung kambal." Sabi ni Ate at umalis na. Agad naman sumunod si Kuya Matia hanggang sa isa-isa na silang nag-sialisan at kami nalang ni Manuel ang naiwan doon.
________________________________
Makalipas ang ilang buwan ay usap-usapan parin kaming dalawa ni Manuel. Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng litratong iyon habang naghahalikan kami at pinakalat pa ito sa buong mundo. Muhkang ok lang din naman kay Manuel.
"Look who's here." Biglang sabi ng co-star ko ngayon. May isang tv show ang nag-invite sa akin at agad ko namang tinanggap.
"Nandito na pala ang desperada. Sa sobrang pagkadesperada nya, pumatol sa bakla." Sabi pa ng kasama nito. Hindi ko nalang sila pinansin.
"Hindi ba nya tapos naririnig?" Tanong pa ng isa nyang kasama.
"Hayaan nyo an nga yan." Sabi ng isa at umalis na sila. Maya-maya pa ay pinaalalahanan na kami na malapit na magsimula ang show. Agad kaming naging stand-by at maya-maya pa ay nagsimula na din.
Nang tawagin kami ay pumunta agad kami sa harap ng camera. Hindi ko alam pero pagkaupo na pagkaupo ko lang ay bigla akong nahilo. Akala ko ay kami lang ang naroon pero biglang tinawag din nila si Manuel.
Habang naglalakad ito papalapit sa akin ay parang huminto ang mundo ko. Ngayon ko lang narealize, akin lang pala ang lalaking mala-anghel na to. Naupo ito sa tabi ko at hinalikan ang noo ko bago ngumiti sa mga kasama namin.
"Mabuti at nandito kayong lahat. Napakasarap palang mapiligiran ng magaganda." Sabi ng host. "Kumusta na ang relasyon nyo, marami ang nabubuhayan ng curiosity pagdating ssa inyong dalawa." Nilingon ako ni Manuel at nginitian bago sya sumagot.
"Masaya naman." Sabi nya habang nakangiti. Nilingon nya ako at binigyan ako ng ngiting nakakasilaw. Doon na ako nag-iwas ng tingin sa kanya dahil ayokong magmuhkang ewan kapag tinanong ako.
"Nakakaingit naman. Sna meron din akong Manuel." Sabi ng host. "Paano ka ba nakakuha ng ganyan, ms. Rosales?" Natatawang sabi pa nito.
"Pwede bang pahiram?" Sabi ng babaeng nang-aasar sa akin kanina. Ngumiti lang ako bago nagsalita.
"Hindi pwede, ehh. Baka hindi nyo na ibalik." Sabi ko na ikinatawa ni Manuel.
"Kailan ang kasal?" Tanong ng host kay Manuel.
"Soon." Sabi nya at tumingin sa akin. Nginitian ako na ipinagtaka ko dahil ang ngiting yon ay alam kong may lamang masamang balak. Nagpatuloy lang sila sa pagtatanong na sinasagot lang namin ni Manuel.
Ang model na kasama ko bilang guest ay parang naging co-host na dahil panay din ang tanong. Tuwang-tuwa at kilig na kilig sila sa mga kwento ni Manuel. Muntik na nga din nyang maikwento ang unang beses na may nangyari sa amin at naospital ako.
Nang matapos ang show ay nagpresinta si Manuel na ihatid ako sa susunod kong destinasyon. Meron pa kasi akong gagawing magazine shoot at ngayon ang schedule non. Nandito na kami ngayon sa kotse nya at nagba-byahe pa papunta doon.
"Hindi ka ba napagod? Gusto mo, ipacancel ko nalang ang work mo ngayon?" Tanong nya.
"Wag, sayang." Sabi ko.
"Are you sure? Malapit na tayo." Sabi nya.
"Oo nga." Sabi ko pa. Maya-maya pa ay nakarating na din kami sa shoot. Agad syang umalis dahil may gagawin din daw sya. Muhka ngang naabala ko pa sya dahil sa paghatid nya sa akin.
________________________________
Lumipas pa ulit ang ilang mga araw ay palagi parin kaming busy. Hindi parin tapos ang magazine at tatapusin nanamin iyon ngayong araw. Malapit na din namin itong matapos at ilang kuha nalang ang kukuhanin namin.
Hindi ko din alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Palagi kasi akong nahihilo at minsan ay parang matutumba na ako dahil sa hilo ko. Minsan ay parang gusto ko nalang sumuka.
Panay ang kuha sa akin at nagsisimula ko nanamang maramdaman ang pagkahilo. Pinilit ko nalang na tapusin dahil marami kami ngayon dito at ayokong makaabala sa kanila. Hanggang sa hindi ko na kaya.
Bigla nalang akong hinimatay at bumagsak. Nang magising ako ay nasa ospital na ako at nakahiga na sa ospital. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na yon dahil kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
"Kailan ang huli mong dalaw?" Tanong sa akin nang doktor.
"Last two months?" Sabi ko. "I don't know." Sabi ko at naguguluhan na.
"Hija, I think you're pregnant." Sabi nya at may isinulat sa papel na hawak nya at ibinigay sa akin bago nagsalita ulit. "Bumalik ka dito next week for your follow up check-up. Puntahan mo nalang yan." Sabi nito bago ako iniwan.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak at hindi ko nanaman alam ang gagawin. Parang sasabog ang ulo ko dahil sa biglang pasok ng balitang ito. Sobrang lakas ng hikbi ko habang tinatawagan ko si Manuel.
"M-Manuel..." Umiiyak kong sabi ng sagutin nya ang tawag ko.
"Ohh? What happened?"
"M-Manuel... Help me..."
"Why? What happened? Tell me. Where are you?"
"I'm in the hospital." Sabi ko at pinatay na nya ang tawag. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na sya at halata ang pag-aalala sa kanya.
"What happened?" Tanong nya.
"Manuel." Umiiyak ko paring sabi at yumakap sa kanya. Niyakap nya din ako at pinakalma. Nang maging maayos na ako ay tinanong nya ulit ako.
"Ano bang nangyari? Bakit nandito ka ulit sa ospital?" Tanong nya.
"Buntis ako, Manuel." Sabi ko at naiyak ulit. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Dahil ba masaya ako na magkakaanak na kami o malungkot dahil nabuntis nya ako ng hindi pa kami kasal.
________________________________
Nandito kami ngayon sa condo at pinagpapahinga ako ni Manuel. Nakatitig sya sa akin ngayon at halata parin ang pagiging emosyonal nya. Nakakatuwa dahil lumalabas ang pagiging cute nya. Pareho kaming nakahiga ngayon sa kama.
Biglang tumunog ang telepono ni Manuel at agad din naman nya iyong sinagot. Nanatili naman akong nakahiga habang kausap nya ang tawag sa kanya nang kung sino. Nang matapos ang tawag ay sinabi nyang si Ate Sia ito at pinapapunta kami sa dynasty.
________________________________
"Ano bang iniisip nyo, ha? Bakit ngayon pa?" Tanong ni Ate Sia sa amin.
"Hindi naman nila maiiwasan yon, hindiーーー"
"Kasalanan nila yon, Matias." Sabat ni Ate Sia at pinutol ang sinasabi ni Kuya Matias.
"Kung ma-react ka naman, ate. Parang hindi ka dumaan sa ganyan." Sabi ni Ate Sam habang umiinom sya ng kape.
"Diba, sinabi nang mag-ingat kayo. Ayan, kalat na kalat nanaman kayo sa kahit saan. Hindi pa nga tapos yung isa nyong issue, dinagdagan nyo nanaman." Sabi ni Ate Sia at napairap sa hangin kasabay ng pag-iling nya.
"Mas malala ka nga, ehh. Yung kaaway mo for your whole life, nakabuntis sayo." Sabat ni Ate Sam.
"Ate, ano ba?" Sabat ni Ate Sarah. "Tumigil na nga kayong dalawa, para kayong mga bata." Sabi pa ni Ate Sarah. Ako naman ay hindi na nakapag salita dahil minsan maging ganito kaseryoso si Ate Sarah.
"Oo na." Sabi ni Ate Sam at nag-iwas nalang ng tingin.
"Ano na bang plano nyo? Gumawa na agad kayo ng plano bago pa kayo unahan nila Mommy." Sabi ni Ate Sarah.
- To Be Continue -