Chapter 8

1947 Words
Chapter 8 Papunta kami ngayon sa bahay nila at hindi alam ni Manuel iyon. Tinawagan kasi ako kanina ni Tita na gusto daw nila makausap kami makausap pero hindi ko sinabi kay Manuel iyon. Sa tingin ko, ito na yung panahon para magkaayos na sila. "Saan tayo pupunta?" Tanong nya sa akin. Ako ang nagmamaneho ngayon ng kotse nya. "Secret." Sabi ko at nginitian sya. Halata naman na nagtaka sya. Hindi na sya ulit nagsalita hanggang sa dumating kami sa bahay nila. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong nya sa akin. "A-Ano... S-Sandali lang. Gusto lang tayo makausap ng parents mo." Bigla akong natakot dahil napaseryoso nya ngayon. "Alam mo namang ayokong pumupunta dito, diba? Umuwi na tayo, Solane." Sabi nya sa akin pero pasaway ako. "Sige na. Kakausapin lang naman natin ang mga magulang mo. Wala namang masamang mangyayari." Sabi ko at lumabas na nang kotse. Pagpasok ko ay naroon na silang lahat sa sala. "Hija..." Mahinang sabi ni Tita. Sa itsura nya, muhkang handa na talaga sya. Bumuntong-hininga ito at bumalik sa pagiging seryoso ang muhka nito. "Kasama ko na po si Manuel." Sabi ko. At nilingon si Tito pagkatapos ay tumango sa kanya. Tinanguan nya din ako. "Solane..." Tawag sa akin ni Manuel. Nilingon ko sya at sinenyasang maupo sa tabi ko. Agad din syang sumunod at naupo sa tabi ko. Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin bago tumayo si Tita at humarap kay Manuel. Si Manuel naman ay nakahanda na sa sampal pero hindi iyon ang natanggap nya. Ang natanggap nya ay isang mahigpit na yakap. Yakap na matagal na nyang gustong maramdaman galing sa mommy nya. Kasabay din non ng pagbuhos ng luha nya. "I'm sorry, anak." Umiiyak na sabi ni Tita. "I'm sorry kung pinabayaan ka ni Mommy. I'm sorry dahil naramdaman mong nag-isa ka." Sabi pa nya. Maging ako ay naiiyak na din dahil sa kanila. "I'm sorry, anak." Sabi ni Tito at yumakap na din sa mag-ina nya. "I'm sorry, pinabayaan ka ni Daddy." Sabi pa nya. "Mommy..." Umiiyak na sabi ni Manuel at yumakap na din sa mga magulang nya. Habang pinapanood ko sila, naalala ko yung mga araw na nag-iisa lang si Manuel. Yung mga araw na nabubuhay parin sila sa takot. Takot si Manuel mapagalitan kaya lumayo sya, habang ang mga magulang nila ay takot maging mahina si Manuel kaya hinayaan nila itong umalis ng labag sa loob nila. Dahil akala nila ay iyon ang magiging sagot sa problema nila ng mga panahon na yon. Naaalala ko pa kapag may nangyayari hindi maganda kay Manuel, katulad nung binubully sya, palaging umiiyak si Tita kapag tinatawagan ako, sinasabi nya, "Bakit nila ginagawa sa anak ko iyon? Ano bang nagawa nyang kasalanan sa kanila." Tapos, palaging ako ang pumupunta kay Manuel sa condo kasi hindi nila alam iyon at ayaw din pumunta ni Tita dahil sa pride nya, kahit gustong-gusto na nyang pumunta minsan, hindi din naman nya alam kung saan pupuntahan si Manuel. "Mommy..." Umiiyak parin sabi ni Manuel. Bumitaw na si Tita ng yakap sa kanya at pinunasan ang muhka niya gamit ang hinlalaki nya. "Shhh. Tama na. Nandito na kami ni Daddy. Hindi ka na namin iiwan." Sabi nya at niyakap ulit si Manuel. Si Tito naman ay nakangiti lang habang nakatingin sa mag-ina nyang nag-iiyakan ngayon. "What the h*ell is happening here?" Biglang sulpot nung kambal. "Nag-iiyakan kayo?" Sabat pa nung isang kambal. "Yuck, daddy. You're crying, too. So lame." Sabi pa ulit nung isang nagsalita kanina. "Crying is not lame, Martin. It's healthy." Sabat ni Tita. Nakalingon na pala kaming lahat sa kanila. "Yes, mom." Sabi ni Martin at umalis na sila. Tapos, bumalik naman sa iyakan sila. Tapos, yumakap ulit si Tito sa kanila. Bigla akong inabot ni Manuel at isinama sa yakapan nila. ________________________________ Busy'ing nag-uusap at naglalaro si Tito at Manuel sa bakuran nila habang kami ni Tita ay nakaupo parin sa sala at tinatanaw sila. Masaya ako dahil ok na silang lahat ngayon. Masayang-masaya dahil sa wakas ay magiging mas masaya na si Manuel. Nakangiti ko syang tinatanaw habang seryosong nakatingin sa chess board at muhkang natatalo na ni Tito at muhkang gusto nyang manalo sa laro nila. Biglang hinawakan ni Tita ang kamay ko dahilan para lingunin ko sya. "Solane, salamat." Naiiyak nanamang sabi ni Tita. "Thank you for being there for Manuel. You been a good friend to him, a good girlfriend, and I'm sure, you're gonna be a good wife and a good mother, too." Sabi nya habang hawak parin ang kamay ko at nakangiti sa akin. "Thank you po, Tita." Nakangiti kong sabi. "Masaya din po akong ok na kayo." Sabi ko pa. "Ipinagdadasal ko ang magiging apo namin. Sana maging aayos ang panganganak mo." "Salamat po, tita." "Ano na bang balak nyo ni Manuel?" Tanong pa nya. "Hindi pa po kami masyadong nakakapag-usap tungkol sa amin, ehh." Sabi ko at naiilang na ngumiti sa kanya. ________________________________ - Manuel's POV - Nasa ibaba ngayon sila Solane at magkausap parin sila ni Mommy. Ako naman ay umakyat na dahil gusto ko nang magpahinga. Sabi ni Mommy ay sya nalang ang maghahatid kay Solane papunta sa kwarto ko. Matagal na din ang huling beses akong natulog dito. Simula nung maglayas ako 9 years ago ay napakatagal na pala. Hindi ko alam kung kailangan na ang huli akong natulog dito. Ngayon nalang kasi ako ulit nakauwi. Masaya ako na ok na kaming lahat. Ang hindi ko pa nakakausap ay ang mga kapatid ko. Hindi ko alam pero tingin ko ay hindi ko pa sila kayang harapin. Hindi ko sila kayang kausapin dahil ayokong sabihan nila ako ng kahit na ano. "Hello?" Katok galing sa pinto. Agad akong tumayo at pinagbuksan ang tao sa labas ng kwarto ko. Pagbukas ko ay agad bumukas ang kuya kong kambal. "Kuya Martin, kuya mateo." Sabi ko at halata parin ang gulat ko. "What's up." Sabi ni Kuya Mateo. "What 'cha doing here?" Tanong naman ni Kuya Martin at tinignan ang kwarto ko. "Patulog na sana ako." Sabi ko. Ayon, at kinain na kami ng katahimikan. "I'm sorry." Sabay nilang sabi. "We just want to be cool. And we don't know that we hurt you to be just like one." Sabi ni Kiya Martin. "I'm sorry." Sabi pa ni Kuya Mateo. Pumasok na sila ng kwarto ko habang ako ay nahiga ulit sa kama ko. "Grabe ka, hindi ko akalaing mauunahan mo pa kaming dalawa." Sabi ni Kuya Martin. "Oo nga. Ang tinik mo." Sabi naman ni Kuya Mateo. Nag-kwentuhan pa kami hanggang sa mapuno nalang ng tawanan ang buong kwarto ko. ________________________________ - Solane's POV - Pagkaakyat ko ay biglang lumabas ang kambal sa kwarto ni Manuel. Ngumiti ako sa kanila at ginantihan din nila ako ng ngiti. Tumigil sila sa paglalakad nila at ako din ay tumigil sa harap nila at nagtanong. "Tulog na si Manuel?" Tanong ko. Tumango sila at natawa pa. "Mahina pala sa kwentuhan ang isang iyon." Natatawang sabi ng isa sa kanila. "Sige, magpahinga ka na rin." Sabi naman ng isa at pinapasok na nila ako sa kwarto ni Manuel. "Good night, mga kuya." Nakangiti kong sabi. "Good night!" Sabay nilang sabi at sumaludo pa sa akin bago ko isinarap ang pinto. Pagpasok ko ay doon ko na kita ang boyfriend kong natutulog na at muhkang pagod na pagod pa. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi ng kama nya. Nahiga na ako sa tabi nya at yumakap sa kanya. Napangiti ako ng maalala ko ang mga sinabi sa akin ni Tita kanina. Napahawak ako tyan ko at napangiti ng maramdaman ko ang pagkaumbok non. Napangiti ako ulit at nagpakain na sa antok. ________________________________ Ngayon ay nandito kami sa ospital at magpapacheck-up kami. Sinamahan ako ni Manuel para mas mapadali daw ang paghahanap ng doktor. Nang mahanap namin ang doktor ay nakatitig ito sa amin sa paraan na palagi nyang ginagawa. "So, I think I'm having deja vu. Ikaw naman ngayon ang kailangan kong tignan sa loob ng ilang buwan." Sabi ni Ate Sam na napakataray. "So, let's start this." Sabi nya at sinimulan na akong tignan. A Few Minutes Later. . . "The baby is pretty healthy. I suggest to stop working for a while, you're very workaholic, Solane. I know you." Sabi nya at may isinulat sa papel tapos ibinigay sa akin. "Bilhin mo yan para sayo at kay baby. Eat healthy, avoid sweets, and so ever. Pwede na kayong umuwi." Sabi nya. ________________________________ Nandito kami ngayon sa bahay nila Manuel. Nanonood kami ng tv at balita ang program doon ngayon. Maya-maya pa ay biglang lumabas ang litrato ng colleagues ni Manuel na nambully sa kanya noon. Na-bankrupt daw ang mga ito at ang iba ay marami pang ibang mga issue ang nagpatong-patong. Napatingin ako sa nobyo ko na nanonood parin hanggang ngayon at bigla itong napatingin sa mga magulang nyang kumakain sa isang lamesa. "Mom, dad?" Tanong ni Manuel sa mga ito. Nilingon sya ng mga magulang sya at ngumiti naman ang mga ito sa kanya. Nagkibit balikat si Tito at muling ngumiti sa kanya. "They deserve it." Nakangiti nitong sabi at uminom ng kape nya at biglang bumalik sa pagiging seryoso nya. Si Manuel naman ay mahinang natawa sa bagay na hindi ko alam kung anong nakakatawa doon. ________________________________ Nandito kami ngayon sa condo at iuuwi na namin ang mga gamit naming naroon dahil ibebenta na namin ni Manuel ang condo namin. Lilipat na kami sa bahay na pinagawa ni Manuel sa D' Villas at hindi ko din alam kung bakit hindi ko alam na may bahay sya doon. "Mamimiss ko ang condong to." Sabi ko. "Ako din. Pero kailangan na natin, ehh." Sabi nya habang kinukuha ang mga gamit ko sa kwarto. "Dito tayo bumubuo ng memories natin." "At dito din natin binuo yang bata sa tyan mo." Sabi nya. Agad ko syang nilingon at pinanliitan ng mata. Napansin ko ang pagiging mapusok nito nitong mga nakaraang araw. "Ano ba." Sabi ko sa kanya. "Nagbibiro lang ako." Natatawang sabi nya at yumakap sa akin. "I want to be with you for the rest of my life." Sabi nya habang yakap parin ako. Napangiti naman ako dahil sa ka-sweet-an nya. "Ako din." Nakangiti kong sabi. "Will you marry me, then?" "Huh?" Gulat kong tanong dahil sa biglaan nyang tanong. "I said, will you marry me?" Tanong nya pa. Tanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin at hinarap sya. "Are you serious?" Gulat ko paring tanong. "Of course, I deflowered you, get you pregnant, and you allow me do it all to you, and now you're going to disagree for a marriage?" Tanong nya sa akin. "No. It's not like that." Depensa ko. "No, Boo. That's it. You don't want to marry your bestfriend." Sabi nito at parang nasaktan pa sya. "Oyy, hindi kaya. Gusto ko. Gusto ko." Depensa ko. "Talaga?" Tanong nya sa akin. "Oo nga. Oo nga." Paulit-ulit kong sabi. "So, that meansーーー" "It's a Yes." Nakangiti kong sabi. Lumiwanag ang muhka nya at yumakap sa akin. Yumakap din ako sa kanya and after that, after 2 months ay kinasal kami. Nauna pa kami sa kuya't ate namin. Masasabi kong worth it lahat ng hirap na pinagdaanan ni Manuel. Kahit kasi napakahirap ng pinagdaanan nya ay binigyan naman sya ng mas matibay na pamilya ang ibinigay sa kanya at nadagdagan pa. Masayang-masaya akong, ako ang pinahal nya. Pero mas naging masaya ako nang iluwal ko ang mga anak nya. Akala ko ay hindi ko na mararanasan ang ganitong saya. Pero, mas magiging masaya pa pala ako nang ipanganak ko ang mga anak namin. Hindi talaga masamang magmahal ng gay. - The End - (Sat, January 15, 2022)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD