Chapter 4
Nakabalik na ako galing sa condo namin at hindi ko pa natatawagan ang pamilya namin. Pero dahil nakabalik na ako dito sa ospital, tatawagan ko na talaga ang pamilya namin. Bumuntong-hininga muna ako at una kong tinawagan ay ang Mommy ni Solane.
"Hello, tita?" Sabi ko ng sagutin nya ang tawag ko.
"Yes, hijo? Napatawag ka?"
"A-Ano po kasi... S-Si Solane po..."
"Bakit? May nangyari ba?"
"K-Kasi po... N-Nandito po sya sa ospital."
"What?! What happened?!"
"Inaapoy po kasi sya ng lagnat kaya isinugod ko sya sa ospital."
"Kailan pa to?"
"K-Kanina lang po."
"Ok, nasaang ospital ba kayo? Pupuntahan namin kayo."
"Sige po." Sabi ko. Binaba na nito ang tawag habang ako naman ay i-te-next ang location namin. Nakahinga na ako ng maluwag at akmabg tatawagan ko na si Mommy ng biglang bumukas ang pinto at tumambad si Kuya Matias.
"K-Kuya..." Na-uutal kong sabi.
"Anong nangyari? Anong sabi ng doktor? I-ch-check ko sya ulit." Sabi nya.
"A-Ano, kuya wag na. Ok lang sya. Inaapoy lang talaga sya ng lagnat." Sabi ko.
"Bakit nga? Anong problema?"
"B-Basta." Nahihiya kong sabi at nag-iinit na dina ng pisnge ko.
"May lagnat ka din ba? Bakit namumula ka?" Tanong nya at akmang hahawakan ako pero agad akong nakaiwas.
"W-Wala to. O-Okay lang ako." Sabi ko at humarap na kay Solane. Maya-maya pa ay dumating na silang lahat, kasama si Mommy at ibang mga kapatid ko pa.
"Anong nangyari? Bakit sya inapoy ng lagnat?" Tanong nila sa akin.
"A-Ano kasi..."
"Ako nalang ang kakausap sa tumingin kay Solane. Muhkang wala naman syang balak sabihin sa atin, ehh." Sabi ni kuya at lumabas na sa kwarto. Ako naman ay nakahinga ng maluwag dahil hindi ko na kailangang magpaliwanag pa.
Maya-maya pa ay bumalik na si Kuya at binigyan ako nito ng tingin na kagayang ibinigay sa akin ng doktor kanina. Agad akong nag-iwas dahil nahihiya nanaman ako.
"Ano daw ang nangyari kay Solane?" Tanong ni Tita.
"Walang nangyaring masama sa kanya." Sabi ni kuya na ikinahinga nila ng maluwag.
"Ehh, bakit nandito sya sa ospital?" Tanong ni Mommy.
"May nangyari kasi kagabi, muhkang natuyuan silang dalawa kaya inapoy ng lagnat si Solane." Sabi ni kuya. Ako naman ay nagsisimula nang manginig.
"Ano bang nangyari sa kanila kagabi?" Tanong ni Mommy at nakatingin na sa akin.
"Baka ito?" Biglang sabat ni Kuya Martin at may ipinakita sa kanila. Muhkang yung sa party yon kagabi.
"Tinulak ka nila sa pool?" Tanong ni Mommy sa akin. Hindi naman ako sumagot. Napatingin ako kay Solane at hinawakan ko ang noo nito pero parang mas uminit pa sya kesa kanina. Napakunot ang noo ko at nilingon si Kuya Matias.
"Kuya, si Solane. Parang mas uminit sya." Sabi ko.
"Huh?" Tanong nya sa akin at kaagad nilapitan si Solane at kaagad nyang itong che-neck. "Tumawag ka ng nurse sa labas." Sabi nya sa akin. Kaagad akobg lumabas para tumawag ng nurse at agad din naman silang sumunod sa akin.
"Ano pong nangyari sa pasyente?" Tanong nya sa akin.
"Hindi ko po alam. Bigla nalang po syang uminit, mas mainit kanina nung dinala sya dito." Sabi ko. Tumango lang ito at sabay-sabay na kaming nakapasok ng kwarto ng nobya ko.
"I need help." Sabi ni kuya. Pinalabas nya kaming lahat at ang iba sa amin ay nagsi-uwi na.
"Pwede ka nang umuwi, hijo. Ako nang bahalang magbantay kay Solane." Sabi ni Tita sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya bago sumagot.
"Ok lang po ako, tita. Sumabay na po kayo kay Momny. Ako na pong magbabantay kay Solane." Sabi ko.
"Hijo, hindi mo kasalanan ang nangyari kagabi." Sabi nya sa akin.
'Kasalanan ko po yon, tita.'
"Alam ko po, pero ako na po talagang bahala magbantay kay Solane." Sabi ko. Napabuntong-hininga nalang ito at parang sumusuko na.
"Sige na. Tawagan mo nalang kami kapag may kailangan ka, ha?"
"Opo, tita." Nakangiti kong sagot. Nagpaalam na sya na aalis na. Maya-maya pa ay lumabas na ang mga nurse kaya pumasok na ako.
"Is she ok, kuya?" Agad kong tanong.
"She's going to be fine. Para hindi malaman nila tita ang nangyari, ikaw muna ang nagbantay kay Solane. Kapag bumaba na ang lagnat nya, iuwi mo muna sya sa inutuluyan mo." Sabi nya na agad ko namang tinanguan.
"Naiintindihan ko." Sabi ko.
"Pero, gumamit ka ba ng proteksyon kagabi ng gawin nyo yan?" Tanong nya sa akin.
"Hindi ko an nagawa yon. Lasing kasi kaming dalawa kagabi." Sabi ko.
"Next time, mag-ingat ka. Baka makabuo na kayo ni Solane next time. Mahirap pumasok sa ganong bagay ngayon, Manuel. Baka maapektuhan lang kayo." Paalala nito bago ako iniwan mag-isa sa kwarto ni Solane.
________________________________
Paglipas ng ilang oras ay bumaba na ang lagnat ni Solane at kinabukasan ay nakalabas na sya ng ospital. Doon ko muna sya dinala sa condo at si Kuya na daw ang bahalang mag-paalam non kila Tita.
Hindi ko parin alam kung anong gagawin ko kung sakaling may nangyaring masama sa kanya. Sana hindi ko nalang talaga sya pinilit dahil halata namang hindi nya kaya. Ang sabi naman nila ay magigising na din naman agad sya once bumaba ang lagnat nya.
Naging tahimik ang routine ko. Pagkatapos kong maligo ay nagluto ako, gustuhin ko mang magpatutog ay hindi ko naman magawa dahil baka mabulabog ko ang pahinga ng nobya ko. Pagkatapos kong kumain ay nahiga ako sa tabi ni Solane.
Masarap parin ang tulog nya ngayon kaya malaya ko syang matititigan. Parang bigla nanaman akong naawa sa kanya dahil parang pagod na pagod sya. Parang hirap na hirap huminga. Dahil muhkang nilalamig pa sya ay niyakap ko sya.
"I'm sorry, Solane." Mahina kong sabi at hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming ganon pero bigla nalang akong nakatulog.
________________________________
- Solane's POV -
Hindi ko alam pero parang ang bigat ng katawan ko. Nang tignan ko ang nakapulupot sa akin at nakita kong si Manuel iyon. Natutulog ito ngayon habang yakap-yakap ako. Dahan-dahan akong kumawala sa yakap nya at napatingin sa paligid.
Nandito parin ako sa condo. Akmang tatayo ako ng biglang parang manghina ako dahil sa sakit na bumalot sa buong katawan ko. Para akong nakuryente at mahahati sa dalawa dahil sa sakit na yon.
"Solane." Gulat na sabi ni Manuel at agad napaupo galing sa pagkakahiga. "Magpahinga ka muna. Hindi ka pa masyadong magaling." Sabi nya pa.
"N-Nauuhaw ako." Sabi ko sa kanya. Agad naman syang tumayo at kumuha ng tubig na nasa kwarto na din.
"Ayos ka lang ba? Hindi ka pa magaling dyan. Hindi ka pa makakalakad." Sabi nya.
"Ayos lang." Mahina ko pang sabi. Medyo nang hihina pa. Bigla nyang hinawakan ang isa kong kamay at hinalikan iyon.
"I'm sorry, Solane. It's my fault why you here. I promise to take care of you." Sabi nya habang nakapikit at hawak-hawak parin ang kamay ko.
"It's ok." Sabi ko at nginitian sya. Nilingon nya ako at ngumiti din sa akin. Hinawakan nya ang pisnge ko at inilapit ang muhka ko sa kanya pagkatapos ay nilapat nya ang labi nya sa akin.
"I'm sorry." Sabi nya pa. Natigil kami ng biglang tumunog ang phone ko at akmang kukuhanin ko iyon ng maunahan ako ni Manuel. Sya na ang sumagot at ni-loud speaker nya pa ito.
"Hello, Solane?"
"Hi." Maikling sagot ko.
"Oh, gosh. Ok ka na ba? How are you? I heard dinala ka sa ospital. I'm worried."
"Huh?" Naguguluhan kong tanong at nilingon si Manuel.
"She's ok na. Pabababain nalang ang lagnat nya. And, hindi pa sya pwedeng makapagtrabaho dahil hindi pa sya makalakad." Sabi ni Manuel.
"Hindi makalakad? Why?"
"It's a long story." Ako na ang sumagot. "I'm going to call you nalang kapag ok na ako. See you."
"See you, too."
"Bye." Paalam ni Manuel at pinatay na ang tawag. Napabuntong-hininga sya bago tumingin sa akin.
________________________________
MAKALIPAS ANG ILANG ARAW ay naging maayos na ako. Palagi akong tinutulungan ni Manuel at kahit simpling pagkain lang ay sya parin ang gumagawa. Na-gu-guilty daw kasi sya dahil sa nangyari sa akin kaya sya nalang ang gumagawa ng mga bagay na ako naman dapat ang gumagawa.
Kahit ang paglalagay ng gamot at paglilinis ng ibaba ko ay sya narin ang gumagawa. Sinabihan ko na syang wag na pero talagang mapilit sya at isa pa, hindi ko din kasi abot iyon. Baka lalo lang akong masaktan.
"Sigurado ka bang ayos ka na?" Tanong nya sa akin. Nakaupo kami ngayon sa lamesa at kumakain. Balak ko na kasing pumasok ngayon dahil marami nang nagrereklamo sa tagal na ng pahinga ko.
"Kaya ko naman na. Wag kang mag-alala." Sabi ko at nginitian sya.
"Basta, kapag may nangyari o sumakit bigla, tawagan mo ako. Pupuntahan kita kaagad." Paalala nya sakin sa pang-sampung beses na. Pagkatapos ay lumapit sya sa akin at hinalikan ang noo ko.
Sa mga nakaraang araw, napansin ko ang pagiging maalaga ni Manuel sa akin. Palagi nya ding pinapaalala na mag-ingat ako, palagi nya ding sinasabi na girlfriend nya na ako na akala ko ay nagbibiro lang sya noon.
"Gusto mo bang ihatid nalang kita?" Tanong nya sa akin.
"Sige." Nakangiti kong sagot. Pinagbuksan nya ako ng kotse at pagkasakay namin ay kaagad kaming dumiretso sa trabaho ko. Pagdating namin doon ay hindi nya muna ako pinababa.
"I'm gonna miss you." Sabi nya tapos yumakap sa akin.
"Wag ka nang malungkot. Ok lang naman ako, ehh. Uuwi din ako mamaya, ano ka ba." Sabi ko habang tinatapik ang likod nya at yakap din sya.
"Are you sure?" Tanong nya.
"Hmm-mm." Sagot ko kasabay ng tango at ngiti. Bumaba na ako ng kotse nya at kumaway sa kanya. Kumaway sya pabalik sa akin at pinanood ko muna syang makaalis bago ako pumasok sa loob.
- To Be Continued -
(Sun, January 9, 2022)