Chapter 5
- Solane's POV -
Makalipas ang ilang araw ay naging busy ako sa work. Hindi ko din masyadong nakikita si Manuel dahil sa sobrang busy ko ay hindi na ako nakakauwi sa condo man o sa bahay namin. Palagi nalang nya akong tinatawagan kapag may free time ako.
Katulad ngayon. Medyo busy pa kami ngayon dahil may ginagawa akong movie at nandito kami sa Italy. Hindi din pwedeng sumunod si Manuel dahil may trinatrabaho daw ito ngayon. Kahit na hindi kami magkasama ay palagi naman kaming magkausap.
"By the way, wag kang masyadong lumabas. Kapag na ho-home sick ka, tawagan mo nalang ako."
"Namimiss na nga kita, ehh. Hindi ko pa kasi alam kung kailan kami matatapos. Minsan kasi na-de-delay pa yung shoot namin dahil maraming nagpapabook na ibang tourist."
"Matagal-tagal na nga kayo dyan. Kapag may kailangan ka, tawagan mo ako, ok?"
"Yeah." Nakangiti kong sagot. "By the way, may nang-bu-bully pa ba sayo dyan?"
"Wala naman. Hindi din kasi ako palalabas ng condo."
"Kapag may nambully sayo, sabihin mo, lagot sila sa girlfriend mo."
"Ikaw talaga. Sige na. Inaantok na ako. Alas-tres pang dito, ohh. Matutulog muna ako."
"Sige. I love you."
"Hmm. I love you, too. Good night sayo."
"Advance good morning sayo." Sabi ko at ako na ang nagbaba. Actually, nandito na ako sa byahe ngayon papunta sa condo. Wala pa din akong tulog galing flight pero binulabog ko talaga sya para hindi sya mag-suspect na dadating ako ngayon.
Totoo naman ang sinabi kong maraming nag-bo-book na tourist sa locationng shooting namin pero dahil kaunting shots lang naman ang kailangan ay natapos kami kaagad. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa condo.
Bumuntong-hininga muna ako bago ako nagdoor-bell. Narinig ko ang paglakad nya at maya-maya pa ay bumukas na ang pinto. Pagbukas ay agad tumambad sa akin ang inaantok pero gwapo parin nyang muhka.
"Surpriseee!!!" Mahina kong sigaw dahil may mga natutulog pa sa tabi namin.
"Solane?" Tanong nya habang nanlalaki ang mga mata.
"Yes. It's me." Sabi ko at lumapit sa kanya para yumakap. "I miss you, boo." Sabi ko habang yakap sya.
"I miss you, too." Sabi nya. Bumitaw na sya sa yakap namin at hinila na ako papunta sa loob. Inakay nya din ang bagahe ko. "Kailan ka pa dumating? Parang kanina lang kausap pa kita, ahh?"
"Kanina lang. Habang kinakausap kita kanina, nasa byahe na ako papunta dito sa condo." Sabi ko at yumakap ulit sa kanya.
"Napagod ka ba?" Tanong nya sabay halik sa ulo ko.
"Pagod na pagod. Tulog na tayo?" Tanong ko. Agad naman itong tumango at ngumiti. Inakay nya ako papunta sa kwarto namin at sabay kaming natulog ng magkatabi.
________________________________
After few days ay bumalik na kami sa trabaho at natapos na namin ang buong shoot ng movie. Ngayon na ang premiere night ng movie namin at hindi ko alam kung makakarating si Manuel dahil baka busy sya ngayon.
Kuha dito, kuha doon. Interview dito, interview dito. Ganyan ang nangyari ngayon dito at hindi ko alam kung kaya ko pa. Kanina pa kasi ako nakatayo taposs naka-stiletto pa ako kanina pa. Hindi din naman ako malapitan ng manager ko kanina pa.
Magsisimula na ang movie at nandito na kami ngayon. Sinubukan kong ipalibot sa loob ng movie theater ang paningin ko pero hindi ko talaga makita si Manuel kahit saan. Muhkang hindi na sya pupunta dahil sobrang late.
Naupo na ako at maya-maya pa ay may naupo sa tabi ko. Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at nang tignan ko ito ay agad akong napangiti. Kasabay din non ay ang paglabas ng malaking ngiti nya.
"Kadadating mo lang?" Tanong ko.
"Kanina pa. Hindi lang kita malapitan." Sabi nya at binigyan ako ng halik sa noo. Ako naman ay napangiti nalang at nagpatuloy na kami sa panonood.
________________________________
Nang matapos na ang movie ay agad kaming nagyakap at kaagad nya akong pinuri dahil napakagaling ko daw. Parang kami lang dalawa ang tao sa loob ng sinehan dahil sobrang saya ng araw na ito.Palabas na sana kami ng may bigla akong marinig.
"Nandito pala ang baklang yan." Sabi nito. Agad akong humarap sa nagsabi non at tinignan kung sino ito.
"Pwede ba tumigil na kayo sa pang-bu-bully kay Manuel? May girlfriend na sya." Sabi ko.
"Impossible. Yang baklang yan? Magkakagirlfriend?" Sabi nito. Akmang sasagot pa ako at handa nang sabihing ako ng nobya nito ng pigilan ako ni Manuel.
"Hayaan mo na sila." Sabi nya at hinila na ako papunta sa parking lot at doon kami sumakay sa kotse nya pagkatapos ay dumiretso kami sa condo.
"I have surprise for you." Sabi nya habang nasa labas palang kami. Pagbukas nya ng pinto ay tumambad sa akin ang napakaraming lobo at ang table namin ay nakaayos.
"Wow. You did this?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm, yeah." Sabi nya at proud na proud pa sya.
"Good job." Sabi ko at hinalikan sya.
"I know." Sabi nya pagkatapos ay hinila nya ako papunta sa lamesa at pinaupo nya ako. Tapos kumuha sya ng pagkain pero biglang tumunog ang phone namin. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay namin iyong sinagot.
"Where are you?"
"Kasama ko po si Manuel, Mom."
"Nasaan nga kayo, hindi ba kayo pupunta dito sa bahay?"
"Dyan?"
"Yes, here. Sige na. Kung pupunta man kayo, pumunta na kayo."
"Ok." Maikling kong sagot bago nya ako binabaan. Nang lumingon ako kay Manuel at napapakamot ito sa ulo nya.
"Pinapapunta ako ni Mommy sa bahay nyo. Pupunta daw sila." Sabi nya habang nakangiwi at napapakamot pa sa ulo nya.
"Hayaan mo na. Pumunta nalang tayo doon mamaya." Sabi ko. Agad naman syang napangiti at tumango. Itinuloy na nya ang paghahanda sa pagkain namin at sabay kaming kumain. Pagkatapos ay pumunta kami sa bahay.
Pagdating namin doon ay pinaalis kami dahil nasa dynasty na daw sila Mommy. Agad kaming pumunta doon dahil kanina pa daw nila kami hinihintay. Nang makarating kami doon ay medyo maingay na sa loob. Agad kaming pumasok at agad akong binati ng mga tao sa loob.
"Congrats, Solane."
"Congratulations."
"You did great, Solane."
At iba pang pwede nilang sabihin para ipadala ang pagbati nila sa akin. Ako naman ay sobrang masaya dahil sa mga compliment nila sa akin. Habang binabati nila ako ay hindi ko pinapaalis ang boyfriend ko sa tabi ko dahil ayokong malayo sya sa akin.
"Nandito na pala kayong dalawa. Mabuti at magkasama kayo." Sabi ni Tita.
"Kanina pa po kami magkasama, sa movie theater palang po." Nakangiti kong sabi dito.
"Sige, kumain na akyo kung nagugutom kayo." Sabi nya at pinapunta na kami sa kusina pero hindi na kami pumunta doon dahil tapos na kami kumain.
"Nandito na pala ang dalagang pilipina natin." Sabi ni Charmaine.
"Hi." Sabi ko at hinila si Manuel papunta sa kanila.
"Bakit bigla kang nawal kanina?" Tanong ni Ate habang hawak ang isa nyang anak, ang isa naman ay hawak ni Kuya Matias.
"May pinuntahan kasi kami ni Manuek kanina, nagmamadali din kami kanina kaya hindi na kami nakapagpaalam." Sabi ko at hawak parin si Manuel sa braso.
"Wala ka bang balak pakawalan si Manuel?" Mataray na tanong ni Ate Sam. Napalunok ako dahil madali pa naman makapansin si Ate Sam sa mga bagay-bagay. Agad kong binitawan si Manuel at kumuha nalang ng inomin.
"Saan kayo pumunta kanina? Pwede ba naming malaman?" Tanong ni Riley.
"Naghanap ba kayo ng boys?" Tanong naman ni Kendall.
"Hindi. Pumunta kami sa anoーーー" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng biglang tumayo si Manuel. "ーーーsaan ka pupunta?" Tanong ko at nilingon sya.
"Kukuha lang ako ng dessert. Hindi tayo nakakain ng dessert kanina, diba?" Sabi nya at ngumiti muna sa mga kasama ko bago umalis.
"Kumain lang pala kayo ng kayo lang? Hindi manlang nag-invite?" Sabi ni Ate Sarah.
"Surprise nya lang kasi sa akin yon, ate." Piwanag ko.
"Oo na. Palagi namang sayo lang may surprise si Manuel, ehh." Sabi nya sabay tawa.
"By the way, parang hindi ka na umuuwi sa bahay? Saan ka ba nakatira?" Tanong ni Ate Sia.
"Sus, si Manuel lang naman ang kasama nyan palagi. No need to worry, ate." Sabi ni Ate Sarah.
"Kahit na. Even if Manuel is gay, he's still a man." Sabi naman ni Ate Sam.
"Ate Sam, Manuel is not gay." Sabi ko. "In fact, he has a girlfriend."
"Maniwala." Sabi ni Ate Sia at Sarah. Napangiti nalang ako at napailing.
- Manuel's POV -
Hindi lang dahil sa dessert ako umalis sa kinauupuan namin ni Solane kanina, naiilang din kasi ako dahil puro babae ang kasama ko doon. Pumunta ako sa kusina ng hall at doon ako naghanap ng dessert.
"Nandito ka na pala." Biglang sulpot ni kuya Martin. Kung masyado itong makulit sa iba, parang yelo ito makipag-usap sa akin. Well, lahat naman sila.
"Kanina pa, kuya. Kasabay kong dumating si Solane." Sabi ko.
"Sige." Sabi nito at umalis na. Naiwan naman akong kumukuha ng ice cream na gawa ni Mommy. Pagkatapos kong kumuha at naghanap ako ng pwede kong tayuan dahil alam ko namang hindi ako pwede makiupo sa kanila.
"Kumusta na kayo ni Solane." Biglang sumulpot si Kuya Matias sa kung saan at tinanong ako non.
"O-Ok lang kami, k-kuya..." Nauutal kong sabi dahil hindi ko din alam kung anong isasagot ko.
"May nangyari na ba ulit sa inyo?" Tanong nya pa.
"W-Wala pa."
"Mag-proteksyon ka next time." Sabi nya at tinapik ang balikat ko bago umalis.
"Anong pinag-usapan nyo ni Manuel?" Rinig kong tanong ni Mateo.
"It's nothing." Rinig ko namang sagot ni Kuya Matias. Biglang tumunoga ng phone ko at muhkang may nagmensahe.
'Dynasty's Gentleman'
Martin: Sent a video.
Martin: Sorry, guys. Nasend
Dahil itim ang cover ng video ay na curious ako. Pinindot ko ito at agad lumabas ang isang video na may dalawang taong gumagawa ng ingay sa kama. Yung bagay na ginawa na din namin ni Solane. Hindi ko alam pero biglang nag-init ang katawan ko.
Habang patuloy sa pag-andar ang video ay nakatulala lang ako doon at naaalala ko ang mga ginawa namin ni Solane katulad non. Napalunok ako at kahit natapos na ang video ay nananatili parin sa utak ko ang nangyari sa amin ni Solane.
- To Be Continue -