2

560 Words
I avoided Sancho. For the past few days, whenever I see him inside our house or whenever our path meets at the farm, lumalayo ako agad. I don't want to see him after what happened two weeks ago sa veranda. Ginawa ko ang lahat para hindi magkatagpo ang landas namin. Naiirita ako sa kanya at lalo na sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang pagtawanan ako. Kahit ano man gawin kong pag-iwas, kung si papa na mismo talaga ang ang gustong magkalapit kami, mukhang wala akong magagawa. Magaalas-otse pa lang ng umaga nang pinatawag ako ni papa sa office niya. Kasalukuyan kong kausap si mama sa laptop nang pumasok si Rosana, one of our housemaid, para sa utos ni papa. "Sir, pinapatawag po kayo ng papa niyo sa office niya" Lumingon ako kay Rosana at tumango. "Susunod din ako. Sabihin mo kay papa kausap ko lang si mommy." Tumango si Rosana at nagpaalam na. Humarap ako kay mommy na ngayon ay kausap ko sa screen. I videocall her this morning because I know it's her freetime. Also, I don't have someone here to talk about my problem kaya tinawagan ko na din siya. "Mom, kausapin mo naman si papa oh. Sabihin mo sa kanya na wag siyang basta basta nagtitiwala kung kani-kanino lang. Kahit pa sa anak ng empleyado niya." pakiusap ko. Tito Alejandro is a good employee. I witnessed how good he is. We can trust him. Pero yung anak niya, ewan ko lang. "Hindi naman kung sino-sino lang si Sancho, anak. Nakilala ko na din ang batang 'yon noong kami pa ng papa mo. Mukha naman mabait at tumutulong 'yon sa ama niya." Ngumuso ako at bumusangot, nagtatampo kay mommy. Pati ba naman siya tiwala sa lalaking 'yon? "Mommy naman eh!" She laughed. "Why?" si mommy, feeling innocent. "Mom!" nagbabanta ang boses ko. Tumawa siya at tinaas ang dalawang kamay, sumusuko na sa pakikipagdebate sa akin mula kanina pang pagtawag ko sa kanya. "Okay. Okay. Sige. Kakausapin ko ang papa mo. But...I can't guarantee you na mako-convince ko siya na paalisin si Sancho sa farm. Kilala mo naman ang papa mo. Kung ano ang desisyon niya, final na, at wala ng makakapagbago don." si Mommy She's right. Once papa came to decide for something he worked for specially if it's important to him, nobody can change that. Even us. His decision is constant. But I'm desperate to make Sancho out of our farm. Kahit sirain pa ang matatag na desisyon ni papa, gagawin ko. Hindi ako comportable sa Sancho na 'yon. I don't like that prick! "Baka kung bibigyan mo lang ng chance na kikilalanin si Sancho ng mabuti, magustuhan mo din siya bilang kaibigan. He looks nice naman, anak. Makikita mo din sa kanya yung nakikita ng papa mo" Mabilis akong umiling. "No way!" bayolente kong sagot. Hindi ko yata kayang isipin na magiging kaibigan ko ang lalaking 'yon. He's too much for me. He makes me feel like I'm running in a one mile marathon and still feel the adrenaline. That moment of rush inside of my body makes me so...alive, annoyed, and uncomfortable at the same time. Is that even possible? Gustuhin ko man kausapin pa ng matagal si mommy kaso inaantok na yata siya kaya nagpaalam na ako sa kanya at kailangan ko pang pumunta sa office ni papa ngayon dahil pinapatawag niya ako. Tahimik akong pumasok sa office ni papa. The black and white modern-style office is now fully renovated from the vintage room na connected noon sa library namin. The whole area is centralized. Due to papa's OC side, he wants everything in properly order. Kasing kinang ng salamin ang sahig dahil sa sobrang linis. "Papa! Bakit po?" I said when I arrived. Nakatalikod siya mula sa akin. Nakatingin siya sa view sa labas ng bintana habang nakaupo sa swivel chair. Umikot siya paharap sa akin. "Upo ka, anak." he offered first. Umupo ako sa sofa, sa gilid ng kanyang desk. "Pinatawag niyo po ako?" Tumango siya at hinilot ang sentido. "Uhm...tumawag kasi kagabi yung supplier natin ng binhi sa Tarlac. Kaso nextweek pa daw darating dito. Kailangan na natin 'yun bukas sa isang palayan natin. Wala naman akong mauutusan na tao na magbabyahe papunta doon." si papa, tila pagod sa trabaho. I understand that handling both of our family farm and business by himself is very tiring. Nag-iisang anak lang din si papa katulad ko at wala siyang ibang pinagkakatiwalaan kundi ako, si tito Alejandro, si Sancho at ang sarili niya. "Ako na lang po, pa!" I volunteer Bukod sa nagmumukmok lang ako sa kwarto ko habang nanood ng netflix, at nagbubukas ng social media, wala na akong ibang ginagawa dito kundi iyon lang. Minsan, bumibisita ako sa farm para makalanghap ng sariwang hangin. "Talaga? Pwedi ka ba mamaya, anak? Wala kang ginagawa? " kita ko ang pagsigla ng mukha ni papa, tila nabawasan ng tinik sa dinadalang stress ng trabaho. I smiled genuinely at him and nodded excitedly. Kahit ganito lang, natutulungan ko si papa. "I'm available, pa. Pwedi mo naman akong utusan anytime." proud kong sagot Natawa si papa sa akin, naaliw sa pagvolunteer ko. I smiled at him. Kalaunan, napawi ang tawa niya dahil may bigla siyang naalala. Unti unti ding napawi ang ngiti sa labi ko nang naisip ko ang isang bagay. "Wala palang maghahatid sayo doon, anak." si papa, naalala ang sitwasyon. Oo nga pala! Why did I forget that? I can't drive cars legally and technically. Bukod sa wala akong lisensya, hindi pa ako nakakapagmaneho ng sasakyan sa buong buhay ko and I'm still so young to have my own car. "Ipasama niyo na lang po ako sa isang trabahador niyo, Pa, so he can drive for me." I suggest. Napatango naman si papa sa suhestion ko, 'pareho yata kami ng iniisip. I'm eager to take this responsibility whatever it takes. Heto na nga lang maitutulong ko, sasabit pa? "You sure? You can go to Tarlac? Wala kang gagawin?" papa asked. I nodded. "Yes po. Wala." Papa shifted his chair to his left and think about the situation. Later on, papa nod to himself, as if he realized something. "Mas mapapanatag nga ako kung may kasama ka. Baka mapano ka pa sa kalye. Karga mo pa naman yung sako-sakong nating binhi." si papa. As the only son of Ansel Gonzalo (papa) and Selena Meritt (mommy), I grew up seeing them being protective parents to me. They even fought about my security and my future. Dad shifted back his seat on my direction to face me again and then he started to read the papers on his desk. He looks stress. Naalala ko, hindi pa niya nasasabi kung sino kasama ko. "Sino po kasama ko, pa?" I asked Para sana mapuntahan at maapproach ko na. "Si Sancho " he said without looking at me. Nagsalubong ang kilay ko. "What?" halos mapasigaw ako. Abala si papa sa pagbabasa, at tila focus siya doon kaya hindi niya ako napansin. But I'm desperate to change Sancho as my driver. Not that guy. I hate that probinsyano! "Busy yata siya, pa!" pagdadahilan ko. Anyway, what I said was true. I saw Sancho this early morning. Naghahakot yata siya ng mga sako-sakong bigas at dinadala niya ang mga ito doon sa truck na dumating. "He's now available." sagot ni papa, abala pa din sa binabasa. I groaned in frustration. "But papa, wala na bang iba? Si Rico? or si Arthur?" Mas kumportable akong kasama si Rico at si Arthur dahil naging tropa ko na din sila kaysa naman doon sa golden boy niya na ngayon ko lang nakilala. I can go to whoever he assigned, wag lang sa lalaking 'yon. Mahihimatay yata ako sa sobrang awkward kapag 'yon ang kasama ko sa sasakyan. "Rico is working at our kamote farm. Hindi siya pwede. Si Arthur naman...namimitas naman ng bunga sa mga papaya." "Wala na pong bang iba, kahit sino?" I'm desperate to change Sancho! "Si Sancho lang yung available ngayon, anak. What's wrong with him ba, Zoren?" tanong ni papa, sa wakas ay binaling na ang tingin sa akin, magkasalubong ang kilay. Napayuko ako at napabuntong hininga. Naiirita na yata si papa sa akin. I guess wala akong magagawa kundi tanggaping si Sancho ang magda-drive? "Wala po, pa. Sancho is fine." I lied Tumango siya at binalik na ang tingin sa binabasa. "Okay. Go to him. Tell him to drive for you. I have other things to work here. Kung wala lang akong trabaho, ako na ang sasama sa kanya. But I have tons of paper to deal with today." I look on his desk. Marami nga siyang papeles at files na binabasa. Yung iba, naghihintay pa sa gilid niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nag-iinarte ng ganito. Papa looks tired and I know if I obey his order properly and without making a fuss, mapapawi din kahit konti ang mga iniisip niyang stress. "Okay po. I'll go ahead na po" paalam ko. Lumabas na ako sa office ni papa at nagtungo na sa baba para ipagtanong kung saan yung kwarto ni Sancho. I think he's in one of our guest rooms dito sa first floor. I'm not sure which of which is his room. Yung ibang kwarto kasi, pinagamit na ni papa sa mga maid namin at sa mga empleyado niya dahil stay-in sila dito. Yung kwarto ko naman ay nasa second floor, kasama ng office ni papa, at yung master's bedroom. "Where's Sancho's room? Gusto ko siyang makausap." sabi ko nang maabutan ko ang tatlong maid sa dinning room. Si Rosana ang lumingon sa akin habang pinupunasan ang long table. While the other two continued what they were doing after they greeted me. "Goodmorning, sir, dito po" si Rosana at nilahad ang daan. She assist me the way going to Sancho's room. She lead the path. Tumigil kami sa isang guestroom na malapit sa glassdoor palabas ng aming backyard. The green dotted leaves from our garden is sparkling with the ray of the morning sun. It's like you are inside of green house, full of different species of plants and flowers. Isama pa ang maganda anggulo ng araw. The view is almost paradise! "Dito po, sir" turo ni Rosana sa pinto ng isang guestroom. Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. "Ako na na ang bahala dito. You can go now" sabi ko at binalik ang tingin sa pinto. Magaling talagang pumili ng kwarto ang gagong 'yon. Kapal ng mukha. Tss. I'm sure siya pa yung pumili ng kwartong 'to at ipinagkaloob naman ni papa sa kanya. Knowing my father, alam kong ibibigay niya ang kwartong 'to sa golden boy niya kung sakali mang hilingin niya ito. And I'm right. This room is his! Pinihit ko ang doorknob ng walang katok katok. Bakit? Para saan pa? Bahay ko naman 'to ah! I can do what ever I want here. Trabahador lang siya dito! "Hey!" tawag ko nang nakapasok ako, keeping my cool and confidence. Nakita kong abala siya at may ginagawa sa desk niya. Hindi niya yata ako nadinig. Kumunot ang noo ko. "Hey!" ulit ko, mas malakas para madinig niya. Hindi niya pa din ako pinansin. His broad and sculpted shoulder didn't move a bit to notice my arrival. Namuo ang iritasyon ko. Bingi pa yata ang bobong 'to. "I said hey! Bingi ka ba?" tawag ko ulit, lumapit na para kunin ang atensyon niya. Tumigil siya sa ginagawa. Binitawan niya ang ballpen na hawak. "May pangalan ako at sigurado akong hindi 'hey' yon" malalim ang boses niya, naiirita yata. Napaatras ako. Nilingon niya ako at nagtagpo ang mata namin. "Kung gusto mong ipaalala ko sa'yo, may pangalan ako, at yun ay Sancho." he said with his bored look while looking at me. Uminit ang pisngi ko. "W-Whatever!" I said, stuttering, just to save face. Umiling siya at binalik ang tingin sa ginagawa. Hindi nakatakas sa akin ang ngisi niya! "Anong kailangan mo?" he asked, nakatingin sa papel. Pumikit ako ng madiin at mahinang nagmura. Pagkatapos non ay bumuntong hininga ako bago sabihin sa kanya ang pakay ko. "Pinapasabi ni papa na ipagdrive mo ako mamayang hapon papuntang Tarlac. Kunin daw natin--" he cut me off "I got it. Nadinig ko sa farm ang pagpunta sa Tarlac. Yun lang ba?" he said, as if he's really busy. Kung di ko lang alam, baka nagbusy-busyhan lang siya dito. "Yeah.That's all!" tatalikod na sana ako para lumabas na pero naisipan kong pasadahan muna ng tingin ang kanyang kwarto. Compare sa kwarto ko na may sariling walk-in closet, shower room, TV, at mga sofa. His room looks simple and clean. I expected that he have something in his room that I don't have pero mukhang wala naman. It's just a white and brown room and marble tiles as floors. His queen-size bed is on the center, while on the side is his working desk near the open window. Tumingin ako sa mga bookshelf na nakasabit sa dinding. All of those are line up from different volumes of Agricultural and farming-related books. Near the exit door is his, I think, shower room. Binalik ko ang tingin kay Sancho. His rooms looks normal. There's nothing special. Sandali akong tumitig sa kanya. Ano bang nakita ni papa at nagustuhan niya ang lalaking ito? Wala naman espesyal. Kagwapuhan at magandang katawan lang yung ibubuga niya. "May kailangan ka pa ba?" tanong niya, nang napansin ang titig ko. Inangat niya ang tingin sa akin. Pasimple naman akong tumingin sa ibang direksyon. "Wala!" mabilis kong sagot. A moment of silence. Binalik ko ang tingin sa kanya nang hindi ko na nakayanan ang katahimikan. I unconciously bit my lower lip out of awkwardness. Natigilan siya sandali. Nagkasalubong ang kilay habang nakatingin sa labi ko, tila may interesanteng bagay doon. Kumabog ang dibdib ko. I step backward when I saw him stood up and walk near me. "Inaakit mo ba ako?" nakangisi siyang tanong at humalukipkip. Patagilid siyang sumandal sa dingding, nakaharap sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa paratang niya! "What? No! f*****g no!" mabilis kong tanggi. He chuckled. Mabilis naman ang paghinga ko sa iritasyon. "Mukha ka kasing nang-aakit eh." he teased. Mas lalong namuo ang iritasyon ko sa kanya. "I'm not gay, jerk!" He smirked more, amazed and so entertain at me. Umiwas naman ako ng tingin dahil hindi na nakayanan ang ngisi. "Me too. Pero wala namang masama kung susubukan ko diba?" he said with his hoarse voice, sexy and alluring. "W-What do you mean?" I stuttered infront of him, f**k! Naramdaman kong kumalat ang init sa mukha ko. I saw him smile more, this time, he really is teasing me. I can't utter any words to fire his sexiness back! What the f**k is wrong with you tongue? "Kung kaya kong magpabaliw ng babae sa kama, kaya ko din siguro sa mga...lalaki?" Nilapit niya ang kanyang mukha sa tenga ko. Hindi naman ako nakagalaw dahil sa ginawa niya. "Tingin mo?" bulong niya at mahina pang tumawa na ikinataas ng balahibo ko. Lumayo siya ng konti sa akin para tignan ang reaksyon ko. Nang masatisfy siya sa mukha ko, tatawa na sana siya nang bigla akong lumapit at tinulak siya ng malakas. I expected him to fall from my push but he didn't move a bit, hindi ko man lang natibag yung matikas niyang katawan! "You...you...argh..." I stuttered again, f**k! I can't find a word to describe him. Ah, yes, I remember! There's one. "Pervert!" I said before I leave. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD