1
"Zoren!" galit na sigaw ni Sancho sa akin, na kanina pa nakasunod habang naglalakad ako papasok sa isang vacant classroom.
The place is quiet and it looks abandon, hindi na halos ginagamit. Walang students sa paligid at mas pinili kong pumasok dito para walang makadinig sa pag-uusapan namin.
I did a bad mistake back there, I admit. I kissed him infront of his crazy girlfriend. I did that to get even to Sonia for slapping me out of nowhere. I didn't expect that Sancho will be mad at me like this. Coz' after I kissed him a while ago, I just walked out and say nothing. I'm just really pure annoyed with him and Sonia! Then after, I realized that what I did was wrong!
Sa lahat ng mga kalokohan ko sa buhay at pangungulit ko kay Sancho gaano man katindi 'yon, pinapalampas niya ang bawat ginagawa ko. Nagtitimpi siya sa akin. Hindi niya ako pinapatulan.
Pero itong huli kong ginawa, hindi ko na alam kung palalampasin niya pa. Baka pa masuntok niya ako sa sobrang galit.
Nilingon ko siya. Magkasalubong ang kilay niya at lukot na lukot ang mukha sa sobrang galit. Nababaliw na siguro ako na kahit galit siya sa paningin ko ay mas naaattract ako sa kanya! f**k his face! Why he so good-looking?
Dashing with his golden tanned skin, mas nadepina ang kulay grey niyang mata. Matangos ang kanyang ilong at medyo pouty ang kanyang labi, bagay na masarap halikan dahil sa angkin nitong kalambutan. Hapit at hubog naman sa maskulado niyang katawan ang white polo at black pants na tinernohan ng black shoes para kumpletuhin ang school uniform. Malinis siyang tignan mula ulo hanggang paa. Lalo na sa buhok niyang military cut.
Tinignan niya ako ng masama nang napansin niyang masyado akong nakatitig.
"Bakit mo ako hinalikan sa harap ng girlfriend ko?" may diin niyang tanong, pinipigilan ang kamao na wag dumapo sa mukha ko.
Sa itsura niya, parang gusto na niya akong bugbugin.
Umiwas ako ng tingin kay Sancho. I kissed him infront of Sonia dahil nagtatampo ako. Palagi na lang kasi si Sonia ang kausap niya. Yes, I know she's the girlfriend, pero simula nung naging sila, nawalan na siya ng oras sa akin!
I kissed him because that's what I want to do. I want to kiss him.
"G-Gusto ko lang. Bakit ba?" nauutal kong sabi, sinusubukan maging matapang pero medyo natatakot ako sa itsura niya.
To be honest, kinakabahan ako. Ngayon ko lang siyang nakitang magalit at magtaas ng boses sa akin. Ngayon ko lang nakita ang nagbabaga niyang mata dahil sa poot.
Napatalon ako sa gulat nang bigla niyang pinataob ang isang armchair. Halos magkalasuglasug yung parte non sa sahig. My eyes started to get teary. I'm scared of him!
Malakas niyang sinuntok ang isa pang armchair sa gilid. Doon na tumulo ang luha ko.
"f**k!" mabilis ang paghinga niya
He's so fuming mad. He looks like an angry lion ready to eat me alive. Konti na lang mapipigtas na yung ugat sa leeg niya sa sobrang pagpipigil na ibugnos ang damdamin.
Hindi ako nagsalita sa sobrang takot ko sa kanya. But I will not say sorry sa paghalik sa kanya. I will never regret our intimacy even if it's one sided.
Sandali siyang natigilan nang inangat niya ang tingin sa aking mukha at tumitig sa lumuluha kong mata. I saw a glimpse of shock on his face pero sing-bilis ng kisapmata ang pagbalik ng seryoso niyang mukha.
Kalaunan, nag-iwas siya ng tingin at nagtiim bagang, tila hindi kinakayanan ang nakikita. Pumikit siya ng mariin para pakalmahin ang sarili, at pinapahupa ang galit.
It hurts. It hurts seeing him pained because of me. Kasalanan ni Sonia! Nang dahil sa babaeng 'yon, nahihirapan kami ni Sancho. Nang dahil kay Sonia, galit ito sa akin!
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Tahimik siya kaya hindi na ako nagtangkang magsalita.
"Alam mo namang selosa si Sonia diba? Bakit mo pa rin ginawa?" nagsalita siya matapos ang ilang minuto para basagin ang katahimikan.
Gusto kong itulak siya o saktan siya sa kahit anong paraan na magpapagaan sa akin. Nasasaktan ako kasi mas concern pa siya kay Sonia. Wala na ba siyang ibang bukang bibig at iniisip kundi ang babaeng 'yon?
Sonia is a two-faced b***h! I remember last week on the corridor near our building, she slapped me infront of my classmates. She also said bad things to me like 'salot' and 'boyfriend stealer'. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya and I didn't even know that time na she's Sancho's girlfriend. Kinabuksan ko lang nalaman noong araw na 'yon.
Pahiyang pahiya ako sa eksena sa mga dumadaan. Hindi ko inasahan yung sampal niya. It was like I was slapped while I had blindfolded. Umugong ang bulungan sa paligid at naging instant sikat ako dahil sa patutchada niya.
I was about to fire back at her when Sancho appeared at scene. Mabilis siyang naglalakad papalapit sa amin para siguro awatin kami o iligtas ang girlfriend niya mula sa mga chismosa. Nahati ang crowd na nakalupon sa amin. Hindi ako masyadong nagulat sa pagdating niya. I actually expect him to come. Mas nagulat ako sa pagbabago ng mukha ni Sonia. She transformed her face reaction from queen of b***h to beauty in distress.
"Babe, help me. Sinasaktan nila ako" pagsisinungaling niya
She cried infront of Sancho. She made me look evil. Kumapit siya sa bewang ni Sancho at nagtago sa dibdib nito habang umiiyak. Akala mo naman kung sinong kuting na sinasaktan!
That moment, unti unting nanlaki ang mata ko nang napagtanto ko ang balak niyang gawin. She wants to get Sancho's sympathy and make him as her knight and f*****g shinning armor!
Pa-victim ang puta!
Pasalamat siya, wala akong lakas kanina para labanan siya. Kahit babae pa siya, hindi ko siya uurungan. Hindi ko man siya sasakan sa pisikal pero kaya kong ingudngud siya gamit ang masasakit kong salita.
Buti na lang, umalis na ako sa eksenang 'yon dahil pinaguusapan na kami ng mga students. Ang balak ko sana ay lumayo ng mag-isa mula sa kanila. Hindi ko inaasahan na susundan ako ni Sancho. At heto nga, nandito kami sa classroom na ito at halos bubugbugin na yata niya ako.
"Bakit ka ba nagagalit sa akin? Diba palagi naman natin ginawa 'yon noon? We always kiss before Sonia came. Actually, higit pa doon yung ginawa natin! Not just kiss!" sabi ko sa katotohanan.
Kumunot ang noo niya. Bahagyang kumirot ang puso ko sa sakit dahil sa realsyon niya. Hindi niya yata matanggap na nagawa niya ang mga bagay na 'yon kasama ako.
"Aminin mo"
I don't want to provoke him but if this is the only way to make him realize the importance of our friendship, so be it.
Napaatras ako nang sinipa niya ang isang parte ng armchair. Tumalsik iyon sa dingding at lumikha ng malakas na tunog.
"Shut up!" Sancho's mad voice thundered.
Imbes na matakot, mas nairita ako sa naging sagot niya. How dare him to shut me up! Nagbago na siya simula noong dumating ang girlfriend niya!
"Simula noong naging girlfriend mo si Sonia, wala ka ng naging oras sa akin! Si Sonia ay isa lang sa magiging pampalipas init mo! Ako, pinagdikit na tayo ng tadhana!" I shouted.
"Magkaibigan tayo, Zoren, at hanggang doon lang 'yon! And we all know that friend don't kiss like we usually do! Friends don't make out! Mali yung ginawa natin! We just used each other to feed our desire!" frustrated na paliwanag ni Sancho, halos isusok sa ulo ko ang punto niya.
Umiling aki. I'm not convince. Lumapit ako sa kanya para hawakan ang kamay niya. I am eager to make him realize that I'm more important than her crazy devil girlfriend. I want him remember the intimate moment we shared.
"But you said...you liked it, right? You said you will never like someone's lips and you will never get tired of loving mine! Sabi mo, nakalaan lang yung halik mo sa akin at hindi sa iba!"
Mariin siyang pumikit para pakalmahin ang natitira niyang pasensya.
I didn't expect that he can break my heart using his word. Tumitig siya sa mata ko at malalim ang iniisip. He looks like he's going to explain his side and ready to hurt me deep, cut my heart until there's nothing left.
"Listen...Zoren. Bata lang tayo noon. We do impulsive decision na pagsisisihan lang natin sa huli. And with Sonia...I-I love her. It is a mature decision. Everything we shared is nothing but a human need." he explained carefully but each word cuts through me.
That's the last straw. Narinig ko na ang magic word para tigilan ang pinaglalaban ko. He loves Sonia. Sonia is more important than our friendship! Sapat na 'yon para itigil ang sakit na pinaparanas ko sa puso ko.
Huminga ako ng malalim at binuga ang natitirang pag-asa sa puso ko. That's it. I'm defeated. I can't fight anymore. Kahit ano pang gawin kong laban, kung si Sonia talaga ang mas importante, wala na akong magagawa.
"Goodbye" it was almost a whisper.
Tumalikod na'ko sa kanya at hindi na hinintay pa ang kahit anong salita mula sa bibig niya. Saying goobye to him is the most painful nightmare that will ever happen to me. And today, I was like in infinite time of hell loop. I'm trapped inside of my nightmare.
All these years, Sancho and I became so passionate with each other. Kaibigan ko na siya simula pa noon and we do crazy trips together.
"Zoren!" he shouted my name.
Kung normal lang na araw ito, baka tumatakbo na ako papunta sa kanya at yayakapin siya. But the way he called my name, it was sound like he pity me. f**k him, I don't need his pity.
Hindi na ako lumingon bagkus ay tumakbo na ako palayo sa kanya. Kagaya ng pagpapaubaya ko sa pagkakaibigan namin at sa sinasabi ng puso ko.
***